Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️

• • •

MABILIS KONG TINUNGO ang gate para buksan 'yon.

Pumarada sa harapan ng bahay namin ang itim na pick-up. Sasakyan 'to ni Marco—kaibigan at kasamahan sa trabaho ni Allen.

Lumabas ito mula sa driver's seat, tapos nagmadaling umikot papunta sa kabilang pinto.

Nang makita ko nang akay-akay na niya ang asawa ko, nilakihan ko na ang pagkakabukas nitong gate.

Natuwa ako dahil nakauwi na si Allen, pero ang matamis na ngiti ko ay napalitan din agad ng awa. Halos hindi ko na kasi siya makilala. Bagsak na bagsak siya sa sobrang kalasingan, dagdagan pa ng mga galos niya sa mukha.

"Saan siya galing?" tanong ko agad dito kay Marco.

"Sa bar. Ang tigas nga ng ulo, ayaw umuwi. Sinabi ko nang kailangan na niyang ipagamot ang mga sugat niya, kaso ayaw talagang makinig sa 'kin."

Binigay na niya sa 'kin si Allen. Umalalay naman kaagad ako.

"Kaya mo ba?" tanong niya. "Ikaw nang bahala, Vanessa. Kailangan ko nang umalis kaagad, kukunin ko pa kasi 'yong sasakyan niya."

Tumango ako. "Salamat sa paghatid."

Tumango lang din siya at tuluyan nang lumabas at bumalik sa sasakyan.

Pumasok naman na kami ni Allen sa loob ng bahay pagkatapos.

Akay-akay ko siya kahit masakit ang balikat ko. Halos kalahati ng bigat niya ay na sa 'kin kaya pagewang-gewang kaming naglalakad. Inakyat ko siya sa kwarto namin sa itaas.

Pagkapasok, nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak palayo sa kanya. Muntik akong matumba! Buti na lang napakapit agad ako sa pader.

Dumiretso siya sa banyo. Then he started vomitting.

Pinanghinaan agad ako ng mga tuhod. Pero kailangan kong tatagan ang sikmura ko. Kailangan ko siyang alagaan.

Sinundan ko siya at naabutan na halos yakapin na niya ang toilet bowl. Tuloy-tuloy ang pagsusuka niya na para bang hindi na siya matatapos. Ako ang nahihirapan para sa kanya eh. 'Yong tipong wala na siyang nailalabas pero duwal pa rin siya nang duwal.

Agad na akong lumuhod sa tabi niya at hinagod siya sa likod. "Bakit ka ba kasi nagpakalasing, hindi mo naman kaya."

Inis niyang tinaboy ang kamay ko. "Ba't nandito ka pa?" Sabay tapat niya muli sa bowl at nagsuka.

Binalewala ko ang tanong niya sa 'kin at hinaplos ko na lang ulit siya sa likod. "Halika na, pupunasan kita."

Pero tinulak niya lang ako palayo. "Wag mo kong hawakan. Umalis ka na."

"Allen naman."

"Sinabi nang umalis ka na lang!" Tumayo siya at lulugo-lugong lumabas ng banyo.

Sinundan ko agad siya para alalayan. Hirap na hirap siyang maglakad at ang lalim din ng bawat paghinga niya.

"Bakit ba kasi hindi ka lumaban kay Zian?" nag-aalalang tanong ko habang nakatingin sa mga galos at pasa niya sa mukha. "Bakit hinayaan mo lang siya na bugbugin ka nang ganyan?"

Tinapunan niya ako nang matalim na titig. "With all the things he said to me, do you think I could still fight back?"

I shut my eyes tight. Hindi ko alam kung anong buong pinag-usapan nila ni Zian sa parking lot para magkaganito siya.

"And you even said you'll marry that asshole?" he added. "Why, Vanessa?"

"T-that wasn't true. I was just joking back then. At alam 'yon ni Zian. Alam niyang nagbibiruan lang kami no'n kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit sinabi niya 'yon ngayon sa 'yo na para bang totoo 'yon."

"Nagbibiruan? Ginagawa mong biro ang bagay na 'yon? At ano pa, ha?" Hinigit niya ako sa braso. Tila biglang nawala ang kaninang panghihina niya. "Ano pang mga pinag-uusapan niyo dati ng gagong 'yon? Sana, kung may problema ka sa 'kin, hindi mo na nilalabas sa kanya. Ako ang kausapin mo! Gusto mo pa lang magpakasal sa kanya, ah? E di sa kanya ka na!" Gigil niya akong binitiwan. "Let's stop this shit, Vanessa. I'm fucking tired! I'm calling my lawyer."

Nataranta ako! Lalo na nang ilabas na niya ang cellphone niya mula sa bulsa.

Pinigilan ko agad ang mga kamay niya. "Allen, no! Please don't do this. Believe me, I really didn't mean to say that to him. Sinampal ko nga si Zian kanina pag-alis mo, eh. Hindi ko alam kung bakit sinabi niya 'yon. Please, maniwala ka naman sa 'kin."

Binawi niya ang mga kamay niya at galit na hinagis ang cellphone niya. "Fine! I believe you. But it still hurts! You built happy moments together behind my back. Without me knowing it. Shit!" Tinulak niya ako at bigla na lang niyang sinuntok ang pader sa likuran ko!

Sa sobrang takot ko, napaupo agad ako sa sahig. Tinakpan ko ang mukha ko kasi napaiyak na ako.

Ang akala ko sa 'kin tatama ang kamao niya! Alam kong sasaktan niya talaga ako, pero buti napigilan niya ang sarili niya at sa pader niya 'yon pinatama. Nanginginig ako sa takot, hindi ko na makontrol ang mga hikbi ko!

Mukhang natauhan rin naman siya sa ginawa niya. Hinang-hina siyang napaupo sa gilid ng kama namin at doon naghabol ng hininga. I could see his shoulders shaking in anger.

"Umalis ka na lang, parang awa mo na," sabi niya pa.

Natigilan ako. Mula sa pagkakayuko ay tumingin ako sa kanya. "Allen . . ."

"I said just leave! I don't need you. I don't want to see your face anymore. Just go with him."

Napuno na rin ako. Galit kong pinahid ang mga luha ko at tumayo. "Ano pa bang gusto mo? Kung pagod ka na, ako rin. Pagod na pagod na ko! Pero kinakaya ko para sa 'ting dalawa. To save our marriage. To save what we have started. But I find this so unfair! Bakit ang bilis mo akong i-give up?"

Muli kong pinahid ang mga luha ko. "Nandito na nga ako, Allen, oh. Ikaw na nga ang pinili ko. Bakit mo ba ako pinamimigay sa kanya e ikaw nga ang gusto ko. You're giving me away and that means you really don't love me. You don't care. Ako, nagtitiis ako. Pinipilit kitang intindihin kahit na ang sakit-sakit na. I have so many reasons to leave you, but I didn't. I didn't Allen! But you, why are you giving up on me?"

"Sino bang nagsabing gusto kong sumuko? Ayoko rin, pero pagod na 'ko. I'm fucking tired living like this every day! Dapat umpisa pa lang, iniwanan na kita e. Pagkatapos nang ginawa mo sa 'kin. Ngayon sabihin mo, ikaw lang ba ang nagtitiis, ha?"

Sinabunutan na niya ang sarili niya. "You also gave me a reason to leave. Pero nasaan ba ko ngayon? Iniwan ba kita? I can't understand you, is it that hard to stay faithful to me? Maybe I wasn't able to give you what you want, but I said I'm trying. Hindi ka ba makapaghintay?"

"Hintay? Please don't talk to me about waiting because you don't know how long I've waited for you. I wanted you since I was little, Allen. Masisisi mo ba ako kung naghangad ako ng happy, perfect marriage? Yes, I'm weak. Dahil napagod ako sa paghihintay sa pagmamahal na wala namang kasiguraduhan kung maibibigay mo."

"Tangina, ano bang sinabi ko? 'Di ba nga sinubukan ko!"

"I don't want you to try. I want you to do it! I want you to love me. Kung niloko kita, was it my fault alone? Kung nakaramdam lang ako ng pagmamahal o kahit katiting na pag-aalaga galing sa'yo, sa tingin mo maghahanap ako ng iba? I can't understand you too. All I want is a second chance, Allen. But you're also weak to give me that. You're sick. You're such a sick man!"

Sumugod siya sa 'kin at akmang sasampalin ako, pero tinapatan ko na siya. "Sige! Sampalin mo 'ko! Kapag tinuloy mo 'yan, sasama na talaga ako kay Zian!"

Natigilan siya at kitang-kita ko ang pagbabago ng reaksyon sa mukha niya. Napatulala siya sa 'kin habang nanginginig ang mga kamay.

Ito ang unang beses na sinagot ko siya nang ganito.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin lahat ng 'yon. Ayaw ko naman talagang gawin 'to e. I knew I couldn't leave my husband and never will I go with Zian. Pero sa sobrang bigat na, hindi ko na nakontrol ang mga lumabas sa bibig ko. Nabigla rin ako.

Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya sa 'kin kasi alam kong sasaktan niya ako. Kaya tumalikod na agad ako at tinungo ang pintuan. Kaso bago ko pa mapihit ang doorknob ay nahigit niya ako.

Hinila niya ang mukha ko at pwersado akong hinalikan sa labi. Pinanlakihan ako ng mga mata!

He kissed me aggresively. Parang mabubura na nga ang bibig ko sa diin ng paghalik niya. Sinubukan kong umatras pero matindi ang pagkakahawak niya sa 'kin. Natitikman ko ang lasa ng alak at nararamdam ko ang sugat sa gilid ng labi niya.

Tinulak ko siya nang marahan sa dibdib nang magsimula nang gumalaw ang bibig niya. "Allen, s-stop!" Kaso tinanggal niya lang ang mga kamay ko at nilipat sa leeg niya.

His kisses deepened then he pinned me against the wall. Ininda ko ang sakit nang tumama ang balikat ko sa malamig na pader. He was losing control again!

Tumigil siya sa paghalik para hubarin ang suot niyang polo shirt. Pagkatapos no'n, damit ko naman ang sinunod niya. Pwersado niyang hinubad ang suot kong puting bistida. Tumalsik ang mga natanggal na butones sa sahig! Hinigit niya ako sa baywang at sinimulan niyang sipsipin ang leeg ko. Then he trailed kisses down my cleavage.

Napapikit na lang ako at umiyak habang hinahayaan siyang gawin ang gusto niya.

Tumigil din naman agad siya at biglang umatras. Tinitigan niya ako na walang ibang suot ngayon kung 'di underwear.

Ang tagal niyang gano'n bago siya umiwas ng tingin at pumikit. "I can't believe he saw this, too. I can't believe he touched you."

Hinang-hina siyang napaupo sa paanan ng kama. He grasped his hair with so much frustration. "I respected you and your body, Vanessa. Tangina kung alam ko lang . . ."

Halos umusok ang mga pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Tinakpan ko ang buo kong katawan gamit ang mga kamay ko. I'm dirty. 'Yan ang naramdaman ko sa sinabi niya. Hindi ko napigilang muling mapaiyak.

Pinulot ko na lang ang damit ko at sinuot, tapos tuluyan na akong lumabas ng kwarto.

Tumakbo ako papunta sa banyo sa ibaba at dito ko binuhos lahat ng iyak at lahat ng sama ng loob ko. Ang sakit! Tagos sa buto ang sinabi niya sa 'kin. Gano'n na pala talaga ang tingin niya sa 'kin ngayon. Isang maruming babae. Kaya kung galawin niya ako parang hindi niya ako asawa.

Gusto kong magmura nang paulit-ulit! Ayoko na! Pinagbabato ko lahat ang mga gamit namin dito sa banyo hanggang sa mapagod na ako at sumalampak na lang sa malamig na sahig. Umiyak ako nang umiyak na para bang wala ng bukas.

• • •

HINDI KO NAMALAYAN na nakaidlip na pala ako rito sa banyo.

Dahan-dahan akong dumilat at nang maalala ko si Allen at ang pag-aaway namin kanina, nataranta na lang ako. Oh my God! Baka iniwan na niya talaga ako!

Lumabas ako nitong banyo at dali-daling umakyat sa kwarto namin.

Pagkabukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang asawa ko na nakahiga lang sa kama.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko umalis na siya at iniwan na talaga ako dahil sa inasal ko sa kanya kanina. Natutulog lang pala siya. Marahil sa sobrang pagod at kalasingan.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama.

I stared at his face. Hindi ko maiwasang hindi maawa sa itsura niya. He looked so fragile. Ngayon ko lang nakita na sobrang dami pala talaga ng mga pasa niya sa mukha at malaki-laki rin ang sugat sa gilid ng labi niya. Bukod sa mga 'yon, napansin ko rin na basa ang gilid ng mga mata niya.

Napapikit ako nang madiin at bumuntong-hininga. Paano ko ba magagawang iwanan ang lalaking 'to kung ngayong magkasama pa nga lang kami ay ganito na ang nangyayari sa kanya. Sino na lang ang mag-aalaga sa kanya kapag umalis ako?

He doesn't know how to take care of himself. Iinom siya kung kailan niya gusto at kapag lasing na siya, wala na siyang pakialam kung anong mangyayari sa kanya. He looks like a man, but he acts like a boy. Tsk, napailing-iling ako.

Lumabas na lang muna ako ng kwarto para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig.

Pagkabalik ko, ganoon pa rin ang ayos niya. Hindi man lang gumalaw kahit kaunti. I could even hear his light snore.

Nilagay ko na muna ang palanggana na may tubig sa katabing mesa. No'ng akmang lalabas na ulit ako para kunin sana ang naiwan kong first aid kit ay narinig ko siyang nagsalita.

"Van . . ."

Natigilan ako at nilingon siya agad. Gising na ba siya?

Binalikan ko siya para silipin, pero tulog na tulog pa rin naman siya. Napansin ko lang ang sunod-sunod na pagkunot ng noo niya. Nananaginip siguro kaya tinawag ang pangalan ko. Napaisip tuloy ako kung ano bang napapanaginipan niya.

Muling niyang binulong ang pangalan ko kaya umupo na ulit ako rito sa kama. Hinaplos ko siya sa buhok. "Shh, I'm here Allen."

Mas lalo namang kumunot ang noo niya. "Vanessa. . ."

"Hmm?" sagot ko rin naman, kahit na hindi ko alam kung naririnig niya ba ako.

"Van, please . . . don't go."

Napangiti ako nang mapait.

Ang sarap sa tainga. Kahit na sinabi niya lang 'yon unconsciously, napakasarap pa rin sa pakiramdam. It was like all the pain and sadness suddenly vanished. Sana sabihin niya ulit sa 'kin 'yon nang gising siya at may malay.

Hinalikan ko siya sa noo tapos humiga na ako sa tabi niya. Niyakap ko siya at pinatong ang ulo ko sa hubad niyang dibdib.

No. I won't go, Allen. Dito lang ako sa tabi mo.

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro