Chapter 6
Hello, readers!
This story has been selected for Wattpad's Paid Stories program. Thank you! ❤️
• • •
DAHAN-DAHAN KONG idinilat ang mga mata ko.
Wala na ako sa bahay. Tumambad sa 'kin ang puting kisame at mga dingding, at ang kung anu-anong mga nakatusok sa kamay ko. I'm in a hospital room.
Hindi ko alam kung papaano ako nakarating dito. Wala kasi akong ibang maalala bukod sa biglaang pagdilim ng paligid ko kagabi.
Binaba ko ngayon ang tingin ko sa paanan ng kama. I saw my cousin, Leila, in a denim jacket, fixing the white sheet covering half of my body.
Lumingon din naman siya sa 'kin at nakita ko na ang matapang niyang mukha. Gusto ko siyang yakapin. She's here. Hindi talaga siya nawawala sa mga oras na kailangan ko siya.
Nginitian niya ako at lumapit sa 'kin sabay hinaplos ako sa buhok. "O, ano nang nararamdaman mo? Buhay ka pa?"
Ngumiti ako nang mapait. She really talks like a boss.
Pinakiramdaman ko naman muna ang sarili ko. Masakit ang ulo ko, pero mas nangingibabaw ang kirot ng kaliwa kong braso at balikat.
"Medyo okay na," sagot ko. "Pero ang sakit pa rin ng balikat ko."
"Namamaga kasi 'yan. 'Di bale, mamaya baka painumin ka naman ng nurse ng pain killer."
Tumango ako at muling nilibot ng tingin ang kabuuan nitong silid. Walang ibang tao dito kung 'di kami lang.
"Nasaan si Allen?" tanong ko.
Napaikot naman siya ng mga mata. "Gusto mo ba talagang sagutin ko 'yang tanong mo? I'm sure nambababae na naman 'yon. That's what he always do, right?"
Umalis siya sa tabi ko pagkatapos. Tinungo niya ang mesa sa may 'di kalayuan at sinimulang ilagay roon ang mga prutas at ibang mga pagkain na galing sa brown paper bag.
Napabuntong-hininga na lang ako. Sanay na ako na ganyan ang tabas ng dila niya pagdating kay Allen.
Malayo ang loob niya sa asawa ko. Umpisa pa lang, hindi na siya boto rito. At mas lalong tumindi iyon no'ng malaman niya ang mga ginagawang pananakit sa 'kin ni Allen.
"Hindi ko alam kung nasaan ang asawa mo," sabi niya naman maya-maya. "Wala na siya pagbalik ko rito. Sira ulo talaga 'yon, eh. Sinabi ko nang may bibilhin lang ako sa labas, pero umalis pa rin ang hayop. Ginawa pa akong tagabantay mo. Tama ba 'yon, ha? Ewan ko ba diyan sa asawa mo kung anong trip niyan sa buhay."
Umiwas ako ng tingin. "Siya ba ang nagdala sa 'kin dito?"
"Oo."
Napangiti ako nang mapait. Kahit papaano naman pala hindi niya pa rin ako pinabayaan kahit na may kasalanan na naman ako.
"Kaninang madaling araw, tinawagan niya ko," patuloy ni Leila. "Tarantang-taranta, parang ewan! Bababaan ko na nga sana ng telepono e. Kaso nabanggit niyang nandito ka nga raw. Syempre pwede ba naman kitang balewalain?"
"Thank you. Na-appreciate ko na tinulungan mo si Allen kahit na alam kong ayaw mo sa kanya."
She rolled her eyes upwards again. "E ano na naman ba kasing ginawa sa'yo niyang asawa mo, ha? Kanina ko pa tinatanong 'yong lalaking 'yon pero hindi naman ako sinasagot. Nakaka-ilang walk out na nga 'yon ngayong araw e. Ano, hindi talaga siya tumitigil sa pananakit sa 'yo?"
Bumuntong-hininga ako. Naalala ko na naman kung anong nangyari. "Nagalit na naman siya sa 'kin. Kasalanan ko. Nakipagkita kasi ako kay Zian.
Natigilan siya. Ang tagal bago siya nakapagsalita ulit. "Nagkita kayo?"
Tumango ako. "He's back. Bigla niya akong pinuntahan sa bahay at binlackmail. Wala talaga akong nagawa kung 'di makipagkita. Nalaman ni Allen kaya nagalit na naman siya."
"Kaya ka niya sinaktan ng ganyan?" Tinuro niya ang balikat ko. "Vannie, kahit pa may kasalanan ka, wala pa rin siyang karapatang pagbuhatan ka ng kamay. Para siyang hindi lalaki!"
"Ako naman ang nagti-trigger sa kanya e. Galit na galit talaga siya sa 'kin, Lei. I could see it in his eyes last night. If only he has the heart to listen. Kayang-kaya ko namang magpaliwanag sa kanya. Alam kong mali ang ginawa ko, hindi dapat ulit ako naglihim. Pero kaya kong ipaintindi sa kanya ang pagkikita namin ni Zian. Naipit lang naman talaga ako."
"Naku Vannie, kahit na anong paliwanag ang gawin mo diyan sa asawa mo, hindi 'yan makikinig. Sarado ang isip niyan. Ikaw naman kasi, ang kulit mo rin. Matagal ko nang sinasabing hiwalayan mo na 'yang si Allen. Hindi ka mananalo ng award sa pagiging martir mo."
Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Ayan na naman siya. Parati na lang niya 'yang sinasabi sa 'kin. Actually, parati na lang ito ang topic namin sa tuwing nagkikita kami.
"Don't tell me hindi mo pa rin talaga siya kayang hiwalayan?" tanong niya.
"You know I can't. Hindi naman ako kasing tapang mo."
"Hindi mo kaya kasi mahal mo?"
Tumango ako.
"Mahal mo nga, e hindi naman kayo masaya. 'Di ba sayang lang? 'Yan ang drawback ng arranged marriage at ng pag-aasawa nang maaga e. Kung ako talaga sa 'yo, makipaghiwalay na ako. Bata ka pa, Vannie. Sobrang dami pang pwedeng mangyari sa 'yo.
Pumikit ako. "Okay naman si Allen. Mahirap lang talaga siyang kapain tsaka mabilis uminit ang ulo niya. Pero okay naman siya basta sumunod lang ako sa lahat ng gusto niya."
"Pwede ba, wag mo na nga siyang ipagtanggol. We both know he's not okay. All these aren't okay. 'Yang mga pananakit niya sa'yo, normal ba 'yan? Tsk, ewan ko na talaga sa'yo. Bakit kailangan niyong pahirapan ang mga sarili niyo nang ganyan. Maghiwalay na lang kasi kayo. If you really want it, kayang-kaya niyo namang ipawalang bisa ang kasal niyo in just a snap. Para saan pa ang pera niyo?"
"I don't think annulment is the right solution. Alam kong darating ang araw at magiging maayos din kami. One day, he will learn to completely forgive me."
"Kailan naman kaya 'yan? Baka mas mauna pang pumuti ang uwak." Bumuntong-hininga siya sabay ikot ng mga mata. "Ang kitid din kasi niyang pag-uutak ng asawa mo e. Oo nga, nandoon na tayo, you were wrong because you had an affair with his friend. Pero my God, Vannie, hindi niya ba man lang talaga kayang magpatawad? Kung magtanim siya ng galit, akala mo perpekto siya. He makes mistakes too, right?"
"You know the entire story, Lei, and that's not easy to forgive and forget. At least for his part. Kung nakita mo lang sana ang reaksyon niya noon. Akala ko talaga papatayin niya na kami ni Zian."
Umiling-iling siya na para bang hindi niya na alam kung ano pang dapat sabihin. "I don't know. I don't think I could ever understand your husband. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niyang asawa mo. Umpisa pa lang alam ko na talagang may attitude problem 'yan e. He's a sick man! Buti na lang talaga hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya."
I closed my eyes again and gave my mind a rest.
The way she said the last few lines, it made me realize how complicated my life is.
Si Leila talaga ang dapat ipakakasal kay Allen at hindi ako.
One of us had to marry the heir of Fajardo's businesses para lang mabuhay ang mga hotels na pagmamay-ari ng pamilya namin. At dahil siya ang pinakamatanda sa aming magpi-pinsan, siya ang napili para gawin 'yon. But Leila's tough in nature. Nag-rebelde ito at tumakas papuntang Paris para hindi siya tuluyang maipakasal kay Allen.
Maliban sa ayaw niya kay Allen ay ayaw niyang magpatali. Leila was an eager lady. Marami siyang gustong gawin at maabot sa buhay. At pakiramdam niya, ang pagpapakasal ang maglalayo sa kanya sa mga bagay na gusto niya. Kaya pinaubaya na niya sa 'kin ang lahat. Nakiusap siya na ako na lang ang magpakasal dahil alam niya namang gustong-gusto ko na si Allen simula pa noon.
Hindi ko pinagsisihan ang pagpapakasal ko. Halos magpasalamat pa nga ako kay Leila noon dahil lumayas siya, at ako ang sumalo sa responsibilidad na dapat sana ay kanya.
Nagdadalawang-isip pa sila Mama noon kung itutuloy nila ang fixed marriage. They thought I was too young back then to enter a married life. I was just 22 when I married Allen. Kaka-graduate ko pa lang sa college. But they had no choice.
"Nagugutom ka ba?" bigla naman nang tanong ni Leila sa 'kin. Nakatayo na siya rito sa tabi ng kama.
"Hindi pa naman," sagot ko.
"Kumain ka nitong prutas kahit kaunti lang."
Tumango ako at pinagmasdan na lang siya habang naghihiwa siya ng mansanas.
Minsan, hindi ko maiwasang hindi mainggit dito sa pinsan ko. She was free to do anything she wanted, while me, I'm stuck in a broken marriage na hindi ko alam kung maayos pa.
Kung kasing tapang niya lang sana ako, aalis din ako at iiwanan ko si Allen. Pero hindi e. I can't bear to lose my husband. Ni hindi ko nga kayang makita siya na may kasamang ibang babae.
"O, kain ka na." Bigla na akong inabutan ni Leila ng isang hiwa ng mansanas.
Tinanggap ko at kinain.
"Dapat magpagaling ka agad," sabi niya. "Malapit pa naman na ang birthday mo. Ngayon ka pa na-ospital."
Huminga ako nang malalim. "Oo nga e."
"Ano pa lang plano mo? Saan ka magsi-celebrate?"
"Hindi ko pa alam. Pero gusto ko sanang umuwi kina Mama."
"Papayagan ka naman kaya ng asawa mo?"
"'Yon nga e. Baka hindi. Hindi pa rin ako nakakapagsabi sa kanya." Sinandal ko ang ulo ko at tumuloy sa pagkain ng mansanas.
Habang ngumunguya, bigla naman akong may naalala. "Leila, ano palang sabi ng doktor. Bakit bigla akong nawalan ng malay kagabi? Ano raw sakit ko?"
"Katangahan." Sabay tawa niya.
Tiningnan ko lang siya.
"Joke!" bawi niya naman agad. "Joke lang. Over fatigue raw. Alam mo, parang gusto ko ngang kwestyonin 'yong doktora nang sinabi niya 'yon eh. Over fatigue? Nasa bahay ka lang naman, papaano ka na-over fatigue? Masyado ka talagang pinapagod niyang asawa mo, 'no?" Umiling-iling pa siya na halatang dismayadong-dismayado talaga siya sa diagnosis ng doktor.
Bumaba naman ang tingin ko sa tiyan ko at hinaplos ito. "Akala ko buntis ako."
Bigla ulit siyang natawa, kaya binalik ko agad sa kanya ang tingin ko. "Bakit mo ko tinatawanan?"
"Gaga ka kasi! Paano ka naman mabubuntis? E 'di ba sabi mo, may hormonal problems ka?"
"Magaling na ako. Regular na ang period ko ngayon at alam kong posible na akong mabuntis."
"So gusto mong mabuntis? Bakit, tingin mo kapag nabuntis ka, magiging mabait na sa'yo ang asawa mo?"
"Bakit naman hindi?"
"Sus! Ano 'yon, kailangan mo pang mabuntis para lang maging mabait siya? Sorry for the word ha, but that's bullshit. He is your husband. Hindi ba obligasyon niyang maging mabait sa'yo?"
Sasagot pa sana ako pero hindi ko na nagawa kasi bigla nang bumukas ang pintuan nitong silid.
Sabay kaming napalingon doon ni Leila para alamin kung sinong dumating.
It's my husband.
Napaikot agad ng mga mata ang pinsan ko, samantalang ako naman ay napatingin sa ibang direksyon.
Gusto ko sanang matuwa dahil bumalik na si Allen, kaso mas nangingibabaw ang kaba at takot ko. Alam kong galit pa rin siya sa 'kin kahit na siya ang nagsugod sa 'kin dito sa ospital.
"Oh, nandito na pala ang magaling mong asawa," banat ni Leila. " Tapos na sigurong mambabae."
Nanlaki ang mga mata ko! Kung magsalita ito parang wala rito si Allen.
"Ayan, mag-usap nga kayong dalawa," dagdag pa nito, sabay dinuro si Allen. "'Yong matinong pag-uusap Allen, ha. Ikaw, ikaw! Naku, kapag sinaktan mo na naman si Vannie, ako na talaga ang bubugbog sa 'yo."
Irita lang namang tinabig ni Allen ang kamay nito. "Tumahimik ka nga. Sino ka ba para kausapin ako nang ganyan?"
At kilalang-kilala ko ang pinsan ko, alam kong hindi niya uurungan si Allen.
She crossed her arms and raised an eyebrow. "Who am I? Ako lang naman ang tinawagan mo para bantayan ang asawa mong na-ospital nang dahil sa'yo."
"Leila." Sumingit na ako kasi alam kong hindi sila titigil. Baka uminit na naman ang ulo ng asawa ko at kung ano pang magawa niya. "Sige na, labas ka na muna. We'll talk."
Hindi na naman ito nagsalita pa at lumabas na ng silid bitbit ang bag niya. Umirap pa nga ito kay Allen bago tuluyang umalis.
Napailing-iling na lang ako. Tapos pinagmasdan si Allen na nakasunod ng tingin kay Leila.
Ayaw ni Allen sa personality ng pinsan ko. Kaya nga hindi siya pumapayag kapag gusto kong makipagkita kay Leila. Baka raw kasi mahawa ako sa ugali at kadaldalan nito. Hindi naman talaga madaldal si Leila eh. Palaban lang ito lalo na kung alam niyang nasa tama siya.
Lumapit naman na si Allen sa 'kin pagkatapos. Pigil-hininga pa ako habang nakatingin sa kanya. Pero siya, hindi tumitingin sa 'kin. Nakakunot ang noo niya at nakatitig lang sa gilid.
Pagkarating niya rito sa tabi ng kama, halos irapan niya lang ako. "Buti naman nagising ka na. Inip na inip na ko, gusto ko nang umuwi."
Napayuko ako dahil sa lungkot. Nakaratay na nga ako rito sa ospital, ganyan pa rin siya magsalita.
Pero binalewala ko na lang at sinubukan kong abutin ang kamay niya. "Allen, sorry sa nangyari."
Umiwas siya. He took a deep breath, then just glanced at his watch. "I'm giving you five minutes to explain." Tapos umupo siya sa silya katabi ng kama ko at tumitig lang sa katapat na dingding.
Bumwelo muna ako. Hindi ko alam kung papaano ako magsasalita. Bahala na kung tanggapin niya o hindi, basta magpapaliwanag ako.
"Pinilit lang talaga ako ni Zian na makipagkita sa kanya," umpisa ko. "I didn't know what to do. Sabi niya kapag hindi ko siya sinipot, hindi siya titigil sa pagpunta sa 'kin sa bahay natin. Hindi ko alam no'ng una kung papaano niya nalaman ang number ko at kung saan na tayo nakatira. I didn't even know he's already back here in the country. Hindi ko ginustong makipagkita Allen, maniwala ka."
"Why didn't you just tell it to me? Bakit kailangan mo pang ilihim?"
"Alam ko kasing hindi ka papayag."
Tumawa siya na parang nang-aasar. "Paano mo naman nalaman? E kahit kailan hindi mo pa sinubukang magpaalam sa 'kin. You always do what you want."
Natahimik ako.
Hindi naman kasi sa ayaw kong magpaalam, pero, alam ko naman talagang hindi siya papayag. And besides, noon, wala naman talaga siyang pakialam sa mga gusto kong gawin.
"Anong ginawa niyo sa labas?" tanong niya.
"We just talked."
"Anong pinag-usapan niyo?"
"Sinabihan ko siyang tigilan na ako dahil tapos na ang lahat sa 'min. Kaso—"
Lumingon siya sa 'kin. "Kaso?"
Pumikit ako bago tumuloy sa pagsagot. "Ayaw niyang pumayag. Sabi niya kukunin niya ako sa 'yo."
Malutong siyang napamura!
Pumikit na lang ako nang madiin. "I-I'm sorry. I know you'll get mad, but I want to tell you the truth this time."
Hindi niya na ako sinagot. Bigla na lang siyang tumungo sa pintuan at tinungkod ang magkabilang kamay niya sa nakasarang pinto. Kitang-kita ko ang mabibigat niyang paghinga na para bang nagpipigil siya ng galit.
"Tangina ano pa bang gusto niya." His fists were trembling. "Why can't he just get out of our lives. He already ruined everything!"
"Allen, that was a year ago. Can we just forget about it? L-let's just move on and continue our life."
Nilingon niya ako at tiningnan nang masama. "Just forget it? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo ha, Vanessa?"
"Please calm down. Hindi ako nakikipag-away."
"Tangina kasi akala mo mababaw lang lahat e! Sinusubukan kong kalimutan, pero hindi ko kaya. Parating bumabalik sa utak ko lahat. Paulit-ulit akong hinahabol ng pangyayaring 'yon. Malapit na nga akong mabaliw!" Pumikit siya nang madiin para magpigil ng sarili. "Sa tuwing tinitingnan kita, hindi ko na nakikita 'yong babaeng ipinakasal sa 'kin. Ang nakikita ko na lang, 'yong panlolokong ginawa mo."
Kusa nang tumulo ang mga luha ko. Tila biglang nanikip ang dibdib ko. Ang sakit isipin na gano'n niya na lang pala ako tingnan ngayon.
Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ng kama at pikon na pikon na hinilamos ang magkabilang palad niya sa mukha niya. Tapos tiningnan niya ako. Sa buong pag-uusap namin, ngayon lang niya nagawang tumitig sa mga mata ko.
"Hindi mo alam kung gaano mo ko nasaktan." His voice was trembling. At kitang-kita ko rin ang panginginig ng mga kilay niya. "When I caught you and him, it killed me!"
Halos pumiyok na siya nang sabihan niya 'yon. Gigil na gigil siya na para bang gusto na niyang magwala at sipain lahat ng mga bagay na nakikita niya.
Napapikit na lang ulit ako nang madiin dahilan para mas lalong tumulo ang mga luha ko.
"I got hurt," he continued. "And until now, I'm still hurting. Hindi ko naisip na makakaramdam ako ng ganitong klase ng sakit at nang dahil pa sa sarili kong asawa."
He then grasped his hair out of frustration and anger. Kulang na lang iuntog niya ang ulo niya sa pader. "I still couldn't believe it happened. How could you do that to me? Zian was my friend! Ginago niyo ko!" Tumayo siya at hinampas ang katabing mesa.
Wala na akong ibang nagawa kung 'di ang umiyak na lang. Pakiramdam ko iniipit ang dibdib ko sa sakit. I could feel my husband's heartache. And it was all my fault.
Hindi ko alam na ganito na pala kabigat ang nararamdaman niya. We didn't have the chance to talk about it before. Palagay ko umiiwas siya noon. Ayaw niya marahil maalala. Kaya binubuhos niya lahat ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng pananakit sa 'kin. Siguro 'yon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ganito pa rin kami.
"And now that asshole is back." Lumingon siya sa 'kin na may pinaghalong galit at takot sa mga mata. "And he'll take you away from me. Paano ako makakasigurong hindi ka sasama sa kanya?"
Hindi ako nakasagot. Bigla na naman kasing bumukas ang pinto nitong kwarto.
Iniluwa noon ang pinsan kong si Leila na hinihila paatras ang isang lalaki na ayaw ko sanang makita sa pagkakataong ito.
"Zian!"
• • •
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro