Prologue
Prologue
"Did you know that it's the best time to go to Thailand is from November to March? Bakit kasi first week of April 'tong binook mo para sa atin?"
"Choosy ka pa ba?! Kung kailan nasa ere na tayo at papunta na ro'n saka ka pag nagreklamo. It took us a few months to get this ano—plan it perfectly. Kung hindi rin kasi nabuntis si ate mo Cely, she would be coming here with us today."
Caro rolled her eyes, shaking her head. Nakuha pa nitong halimusin ang palad sa mukha niya. "We should've gotten our benefits last year. May stand-by passenger pala that time palipad to Thailand. If I just had known, natuloy sana tayo no'n pa."
Naningkit ang mata ko sa kanya. "Girl, kung itapon na lang kaya kita sa eroplano ngayon. Daming reklamo? Gusto agad mabuntis?"
She widened her eyes, gulat sa sinabi ko. "Bakit naman napunta ro'n sa pagbubuntis agad? Hindi ba pwedeng bubukas muna ako at i-enjoy 'yong moment? Buntis agad? Nakaloloka ka, a."
"Sana 'wag kang mag-reklamo sa one week nating stay ro'n."
She winked at me. "Ako pa ba, Andrew? Kahit mag-stay pa tayo ng one-month para sa genital operation mo, go na go ako!"
Agad kong tinapkan 'yong bibig niya ng kamay ko. Mabuti na lang wala kaming ibang katabi na pasahero pero baka marinig siya no'ng nasa harapan at likuran namin dahil sa lakas ng boses niya. She tried shaking off her head para alisin ko ang kamay sa bibig niya. I didn't take it off, but then she decided to lick the palm of my hand that made me removed it pero agad ko ring pinunas sa pisngi niya 'yong laway.
"O, 'di ba, karma lang? Ang bilis gumanti."
She rolled her eyes at me saka ito humalukipkip. "Nakai-isang oras pa lang tayo sa ere 'no?" tanong nito sa akin.
"Yup. Mga dalawang oras pa."
"Alam ko, girl. Pareho lang tayo ng trabaho."
"Ay, highblood ka, girl? Ikaw 'tong nagtatanong, e. Gusto mo bang umuwi na? Pwede ka nang lumipad pabalik sa Manila."
"Chura mo. Nag-iinarte lang, e. Bawal ba?"
"Oo, bawal!" mabilis kong sagot sa kanya. "And to justify myself, hindi ako pupunta ng Bangkok para magpa-opera 'no! I would love to pero wala naman iyon sa plano ko. Ikaw, girl? Baka gusto mong magpalagay ng titi kasi mukha ka namang barako. Mas lalaki ka pa sa akin."
Mamaya ay biglang may tumayong lalaki mula sa likuran namin at dinungaw ako. Inangat ko rin ang tingin ko sa kanya at para bang tumagos ang tingin nito sa akin. He didn't say a word, but he just shifted his attention away saka siya umalis sa kinauupuan niya at tumungo sa lavatory.
"Uy, ang gwapo no'n..." bulong ko pa kay Caro.
Sinilip ni Caro. "Ay, oo nga, 'te. Ang tambok ng pwet at no'ng harapan... mukhang yummy." Agad na binalik ni Caro ang tingin niya sa akin. "Anong klaseng tingin ba 'yong binigay niya sa 'yo? 'Yong medyo malagkit ba na may pagnanasa o kung ano man?"
Napakibit balikat ako. "Hindi 'ko sure, girl. Basta 'yong tingin niya kakaiba. Siguro narinig niya 'yong pagpapa-opera chenes. Bwisit ka kasi, e! Makakaharvat sana ako kung hindi madumi 'yang bibig mo."
"Ay, ako pa bang madumi? Nagmana lang naman sa 'yo." Hagikgik pa nito. "Dali na! Sundan mo na ro'n. Baka 'yon na 'yong Devin Carrington na hinihintay mo. 'Wag ka na aasa kay Omar. Hinding-hindi ka na no'n babalikan."
Caro didn't stop pushing me to stand and get off the seat to follow that man who was just sitting behind us. Hindi na ako nagpabebe pa kung hindi ay sumunod ako sa gusto niya. I left my seat and trying to act normally papunta sa lavatory. He's already inside the lavatory so when a flight attendant said that someone was inside, I had to wait for a second.
Sinilip ko pa si Caro sa kinauupuan niya and she's giving thumbs up on me. I know she supported me sa lahat ng mga kalandian at kabardagulan—same lang naman kami ng ganap sa buhay, kapag gusto niyang lumandi, I'm always behind her back. Taga-push pero hindi naman bumubukaka. Weak!
As soon as I've heard the noise inside the lavatory. Nagkatitigan pa kaming dalawa nang buksan niya ang pinto. Sobrang kabog naman ang dumagundong sa dibdib ko. From being serious, gumaan ang expression ng mukha nito sa akin at nakipag-gitgitan pa ako ng balikat. He didn't mind, but as soon as we changed our position, siya papalabas habang ako naman ang papasok, I saw the ring on his finger and I felt so embarrassed when he walked back to his seat.
I just started myself in the mirror dahil para akong tanga ro'n. I'm not trying to make a move... pero baka pwede na rin since he looked at me that way pero, girl! He's fucking married and I'm far from the type of person na nakikikalantari sa may jowa ng may jowa. Obviously, exemption si Omar do'n since hindi ko alam na may nililigawan pala siya. Anyway, we never talked anymore since he resigned last year para pumunta ng Spain—hindi naman ako updated. Naka-close friends lang siya sa akin sa Facebook at tinatamad na akong ayusin 'yon.
Naghilamos lamang ako ng mukha saka ako lumabas ng lavatory. As I walked back to my seat, I hardly try to ignore the man behind us. Sayang, kamukha pa naman niya sa Derek Monasterio, but I guess it's not meant to be.
Ang laki pa ng ngiti ni Caro nang bumalik ako sa pagkauupo. I pinched her on her side para iparamdam ko sa kanya na 'yong pagsuporta niya sa kalandian ko ay hindi nag-work out.
"Bwisit ka," bulong ko saka ko siya binitawan. Pumadausdos naman ako sa kinauupuan ko. "Hiyang-hiya ako, girl!" Nangingitngit ang ngipon ko sa pagkasasabi no'n sa kanya.
Tinawanan na lang ako ni Caro as if I could change what happens. Pinalagpas ko na lang. Bakit ba parang tagal namin lumapag sa Bangkok ngayon? From our usual flight before, sobrang bilis lang. Hindi ko sure kung bakit pero siguro dahil sa nangyari sa akin. Hindi na ako tumayo sa kinauupuan ko for the rest of the flight and hopefully, he would forget my face.
Hindi naman gano'n 'yong nangyari kina Cely at Devin. They've got much more intimate rather than finding out who's married. Kagigil. Sayang, bet ko pa naman siya—pero big no na since he's married—at bakit ko ba siya binabalik-balikan? Di maka-move on, girl?
After two hours, the pilot finally announced our descent to Suvarnabhumi Airport—mostly known at their international airport. Nanatili ako sa kinauupuan ko kahit nagsisimula nang magtayuan at kunin ng mga pasahero ang mga carry-on luggage nila sa overhead cabin. I'm swaying my attention out of that guy.
"Girl," tawag sa akin ni Caro. Kinalabit pa ako nito saka ako humarap sa kanya. "Wala na siya. Nauna nang bumaba."
Nang harapin ko siya, nakahinga ako nang maluwag dahil wala na nga 'yong lalaki kanina. Tumayo ako sa kinauupuan ko at tinulungan ko na si Caro na kunin ang gamit namin sa overhead cabin. As we got off the aircraft and walked inside the airport, we headed to the conveyor to get our luggage and I was about to pull Caro away nang makita namin 'yong lalaki ro'n na naghihintay sa maleta niya.
"Hindi ko pa rin kaya, girl. Nahihiya pa rin ako..." nanginginig kong usal.
She backed off, looking at me as if I said something wrong. "Girl, ikaw pa ba? Kailan ka pa nahiya? If straight 'yong guy, you don't have to feel bad diyan. Maybe he's not aware you're hitting him, right? Just act normal. 'Wag kang babakla-bakla riyan."
"Girl, bakla talaga ako! Hindi na ako papalag do'n. Pero baka nga..."
I followed what Caro said. I tried to act normally. Inilapit niya pa ako nang inilapit sa lalaking iyon. Ang borta kasi. Malaki ang katawan, makinis ang balat, at guwapo ang gupit. He really look so fresh and clean. Naamoy ko siya kanina and he smelled like an expensive perfume.
When he saw his luggage, inantabayanan naman niyang dumaan iyon sa harap niya saka niya kinuha. Saglit lang din ay natanaw na namin ni Caro ang mga maleta namin. When we're about to get it ay kinuha no'ng lalaki ang maleta namin at binigay niya sa amin. He was the one who insisted to help. We were shocked and we didn't know what to say to him.
"I've been hearing you guys earlier sa plane, you're both hilarious," he said.
Napangiwi na lamang ako. "Thank you..."
Pasimple naman akong siniko ni Caro sa tagiliran ko. I didn't even show any reaction. Nakatitig lang ako sa kanya. Bahagyang bumalik ang mata ko sa kanyang mata and I was really right, he's married.
"Sorry rin kung masyado kaming maingay kanina..." pagpapaumanhin ni Caro.
"No, it's fine." He chuckled. "Are you guys here for vacation? Or something?"
"Ah, yes, bakasyon lang. Mga one week," sagot ni Caro. "Ikaw ba?"
"I live here," he answered. "I've been living here for nine years na. Nagbakasyon lang ako ng dalawang linggo sa Manila. I've been missing that place, but here's my life now. I have my husband here living with me so I'm happy and contented."
"Ah... I see..." aniko, halos pabulong na lamang.
Nilingon naman niya ako at napangisi. "I know what you were trying to do kanina. But it's alright, I understand. You're a cute guy... uh what's your name again, I'm sorry?"
"Oh, I'm Andrew Han!" Inabot ko ang kamay ko sa kanya saka niya ako kinamayan. Pagkalapat pa lamang ng kamay ko sa kanya, ayoko nang bitawan. It was smooth as hell.
"Caro Barbaro here!" she said, shaking hands with him.
"Nice to meet you, guys. I'm Miles Carver. Anyway, do you guys have already planned here?"
Siniko ako ni Caro nang medyo hurting for me. "Actually, struggle kami ni Andrew kung anong una naming gagawin. But first, we have to settle to our hotel muna and then we're just going around the city. Hindi pa talaga namin sure..."
"Is this some kind of spontaneous trip? Biglaan ba 'to?" kunot-noong tanong pa nito sa akin.
Agad namang umiling si Caro. "No! This trip was planned over a year ago na. Ngayon lang talaga kami natuloy. Inaabangan kasi 'yong seat sale kaya ayan maling season kami nakapunta ng Bangkok."
Miles laughed at what she said. "Don't you worry, kung wala akong plan na naihanda sa trip niyo rito sa Bangkok, maybe I can refer someone to you. Kakilala siya ng husband ko and you'll be able to enjoy your stay here in Thailand if someone knows the place. Are you okay with the idea?"
Nagkatitigan kaming dalawa ni Caro and she's already nodding at me. Hinarap namin si Miles and I just can't get over the fact na hindi na siya single! Oh, gosh. Ayokong magkasala.
"Yes, Miles. We'd love it. Anong gagawin namin next?"
"Oh, I'm just gonna give his number to you and I'll be getting yours na rin so I can inform him."
Nagpalitan naman kami ng number. Ang number ko na lang ang binigay ko at saka pinalit ni Miles ang number ng sabi niyang kakilala niya.
"Trust me, this man knows Bangkok and I guess the country itself. His name is Heikenz and if he calls on you, said that I referred to you, guys. So, I'd better be going now. See you around the city."
"Thank you, Miles!"
Ashe walked away, nakahinga ako nang maluwag kasi suffocate na suffocate na ako sa ganap na 'yon.
Hinampas ko naman si Caro sa braso niya na ikinagulat niya.
"Ay, bakit may paghampas, girl?!" atribida nitong tanong sa akin.
"Thank you sa panglalaglag sa akin, ha?!"
She make faces at me. "Ano naman ngayon? At least it turned out to something good. Ayan na kahanap na agad tayo ng personal tourist guide natin. Thank you sa kalandian mo, Andrew. At least, may napala tayong dalawa ngayon."
I sighed, rolling my eyes. "Anyway, let's go to our hotel na. Tawagan na lang natin later 'tong si Heikenz. Sana gwapo 'to."
Humagikgik si Caro. "Ayan ka na naman! 'Wag ka na umasa, oy!" Binatukan naman niya ako. "Kapag nasaktan ka, bahala ka sa buhay mo. Iiwanan kita rito sa Bangkok. Nandito tayo para magbakasyon, hindi para lumandi, okay?"
I scrunched my face. 'Ay, hindi ba pwedeng both?"
"Putik! Landi over-over, girl?! Tara na nga, let's enjoy our trip!"
We walked out of the airport and then wait for a taxi at the terminal so we would go to our hotel place. I hope Cely was here, but whatever's going to happen here in Bangkok for a week, I hope it's not bad as it was earlier. But I'm open to quick landian! I feel like this is much more fun than Vegas. But who knows, I might find my own Billionaire here.
Kabog! Hindi ako aangal do'n! Sugar daddy, here I come!
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much!
#AWeekInBangkokPrologue #AWIBPrologue #WTS7
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro