Chapter 27
Chapter 27
Where could Heikenz probably go?
Wala akong ideya kung saan iyon. Bago lang ako sa Krabi and I'm out of any idea where he could be going. For sure, he wouldn't be running to Rune because he's in Bangkok. Feeling ko naman hindi 'yon babalik ng Bangkok. He's saving up his money so he can't spend and spend everything from his savings or he'll be broke.
Kahit gusto kong hanapin si Heikenz, hindi naman ako pinayagang lumabas ng nanay nito. Hindi ko raw kabisado ang lugar at baka maligaw pa raw ako at kung saan-saan pa mapunta. Ganyan naman daw 'yan si Heikenz no'n kahit no'ng highschool pa lang daw ito. Madalas daw talagang umalis nang hindi nagpapaalam.
"Ano kayang problema no'n ni Heikenz?" napatatanong na lang ako sa sarili ko.
Mag-isa ako sa kwarto namin ngayon. Plano ko pa sanang ayusin ang mga gamit namin, but I feel like I'm just gonna exert too much effort for it that in the end, hindi naman ma-appreciate ni Heikenz iyon. I'm trying to look on the positive side naman. I'm evading the negativity in my body since it won't really help me. Doon na lang ako lagi sa positive vibes, even though hindi gano'n kaganda ang sitwasyong nangyayari, I could still find a way to make it happy.
Bumangon ako sa kama. Bumagsak ang balikat ko at inikot ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto. There's nothing to do around here so I stood up from decided to leave the room. I lead my way downstairs and there I meet Heikenz mother who called me and made me follow her to the kitchen.
"Tulungan mo ako magluto ng dinner natin," aniya. Pumwesto naman ako across her so I could see what she's doing. "Alam mo na ba kung anong gustong ulam ni Heikenz na niluluto ko?"
"Chicken adobo," confident ko pang sagot sa tanong niya.
Pero nanliit ang mata nito na para bang offended pa sa sinagot ko. Umiling ito. "Hindi, a! Favorite nito ang homemade menudo ko. Paano mo naman nasabing adobo? Nanghula ka lang ba?"
Bahagya akong tumawa sa tanong niya saka tumango. "Yes po. Hula lang po since isa po iyon sa mga kilalang Filipino dishes. Pero good to know po na menudo pala ang favorite dish niya."
"Oo, 'yon talaga. Madalas niya pang sinasabi sa akin na lutuin ko iyon. Halos every week no'n, kailangan kong magluto ng menudo. Once a week lang naman pero hindi siya nagsasawa pero ako ata iyong nagsawa sa paulit-ulit na niluluto ko 'yon sa kanya. Pero ngayon, happy ako na iluto ko ulit ang favorite pinoy food niya. Hindi ba kayo nag-uusap dalawa? Magkasama naman kayo sa tinutuluyan ni Heikenz, 'di ba? Hindi ba kayo kumakain?"
Pa'no ko ba 'to sasabihin?
"Uhm... I'll be honest na po." I cleared my throat. She continued prepping everything for dinner. Pero ito ako, kabang-kaba naman sa mga nangyayari at ako ang naiipit dito. "Actually, ang totoo pong sinabi sa akin ni Heikenz na ang favorite ulam niya po ay chicken adobo. Nang sabihin niya 'yon, naisipan kong lutuan siya. With the help of Youtube, pinag-aralan ko po talaga lutuin 'yon so Heikenz could try and eat my version. And I did then he said it was good. He even said he misses home when he ate it. So... hindi pala niya favorite 'yon..."
She didn't give any comments, maybe she also realized that Heikenz didn't actually say the truth to me. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko
"Ngayon alam mo na kung anong favorite niya..." aniya.
"Oo nga po... but I don't think I can cook menudo like you do o kahit may Youtube pa. 'Di bale na lang po."
Ang ikinapagtaka ko, napabitaw rin nang malalim na buntonghininga ang nanay ni Heikenz. Habang pinakukuluan niya ang pagkain, naupo muna ito sa high stool at nagsalin ng tubig mula sa pitchel sa baso niya saka siya uminom.
"Mag-boyfriend ba kayong dalawa ni Heikenz?" seryosong tanong nito sa akin.
Napalunok ako ng laway. Umiling ako. "Hindi po. Actually, akala ko po may something. No'ng first week ko po rito, nagulat na lang ako nang bigla akong halikan ni Heikenz. I thought something's there pero ngayon po... parang iniiwasan niya po ako ngayon."
"Sa tingin ko naman hindi," sagot nito saka ito umiling. "Kanino bang ideya na pumunta kayo rito sa Krabi?"
"Ako po," diretsyo kong sagot. "Akala ko po kasi this would help us to get closer pa lalo. These past few weeks, it seems like na iniiwasan niya po ako. But I'm trying to do something na maging maayos ang friendship relationship naming dalawa. But I don't think we're making a progress here... akala ko pa naman kapag nandito kami sa Krabi, something would change pero mukhang hindi rin pala."
"Ito lang ang sasabihin ko," aniya. "Hindi ko alam kung nabanggit na ba niya sa 'yo 'to pero nagkaroon kasi ng tampuhan 'yang si Heikenz at ang ama niya. There are trying to mend it pero minsan mga oras talagang hindi sila nagkasusundo."
"Ah... teka... parang iyon 'yong na-feel ko no'n na no'ng kinuwento niya sa akin na matagal na nga raw siyang hindi nakauuwi tapos no'ng pinag-uusapan namin ang parents niya, parang ayaw niya nga raw po pag-usapan. So... iyon pala. Kaya ba gano'n din ang reaksyon ng father niya no'ng malaman niyang nandito ako tapos si Heikenz... tumakas?"
Tumango na lang din naman ito sa akin. "Hayaan mo silang dalawa. Mag-uusap din 'yang mga 'yan sa tamang panahon."
"Sana nga po..."
Tinulungan ko na lamang sa pagluluto ito hangga't sa handa na itong panghapunan. Wala pa rin si Heikenz. Hindi pa rin siya umuuwi. I tried giving him a call para tanungin kung nasaan na siya ngayon, but he's not answering any of my messages or calls. Ako lang din ata itong nag-aalala at para bang normal na lang sa mother ni Heikenz 'yong ganitong situation.
When it's time for dinner, sinaluhan ko sila sa hapagkainan. Medyo awkward at hindi ako makapagsalita. Nakatungo lang ako habang kumakain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin, tinatanong-tanong nila ako at kung anong ginagawa ko sa buhay, bakit ako nasa Bangkok, at pinili kong mag-stay rito. Hindi ko mabanggit sa harap ng tatay ni Heikenz kung bakit nga ba talaga ako nandito. Basta, pinaliwanag ko na lang 'yong ibang mga tanong niya.
"Heikenz never brought a girl home before," sabi ng tatay nito. "I might believe he's gay for some reason. But I believe he's not. He can't be gay... are you gay, Andrew?"
Natulala ako sa tanong na binitawan niya sa akin. I glace at his wife. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko sigurado kung anong sasabihin ko sa kanya. Wala naman siyang masyadong reaksyon sa akin. Nakatingin lang siya sa akin.
Napalunok ako ng laway at buong loob akong tumango sa kanya.
Napangisi naman ito sa respond ko. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi na bumalik si Heikenz dito dahil ganito ang nararamdaman niya?
"Is your Heikenz's boyfriend?"
But this question is a safe question. Umiling ako. "No, sir."
"But is he gay?" he added.
And that's not a safe question for me.
Muloi akong napalunok ng laway. "I don't think I should be the one to answer that, sir... I'm sorry..."
We all fell in silence. Tahimik na kaming kumakain. Hindi na nga ako makatingin sa kanila nang maayos. Gusto ko na nga lang bilisan ang pagkain ko. Nang patapos na rin naman kaming kumain, Heikenz showed up in the back door. Napatingin kaming lahat sa kanya at nagulat sa pagdating niya.
Heikenz looked at us and then ignored us. He just passed us by. Nabigla at ikinagulat ko naman nang biglang sumigaw ang tatay ni Heikenz. Nahinto sa paglalakad si Heikenz nang higitin ang braso nito pero agad namang hinawi nito palayo sa kanyang ama. He was just gonna ignore him again when his father grabbed his arm again at nagsigawan silang dalawa.
Punong-puno ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko sila masyadong tiningnan dahil ako 'yong natatakot para sa kanilang dalawa. Heikenz just jerked his father's hand away from him and then he just stormed upstairs. Natulala na lamang ako sa mga kaganapan at hindi ko alam kung paano ko ito maipaliliwanag.
His father left the dining area and everything became a mess. Hinawakan na lamang ng mother ni Heikenz ang kamay ko at sinabi niyong pumunta na ako sa kwarto para samahan si Heikenz. Sumunod na lang din ako sa sinabi niya. Kabado akong umalis ng kinauupuan ko hangga't sa marating ko ang kwarto namin.
Humugot lang ako nang malalim na hininga at lakas ng loob. I grabbed the knob and pushed it inside then I found Heikenz taking off his clothes. Nilingon niya lang ako ng saglit saka siya humiga sa kama. Wala man lang itong sinabi sa akin at nagbalot lang ito ng kumot at iniwasan na akong makausap.
Napabuntonghininga na lamang ako at hindi ko alam kung hanggang saan aabot itong pakikipagsapalaran ko kay Heikenz. I'm trying to believe that this could work. I just hope tomorrow everything would be fine.
Nakakapagod, but we'll be okay... we'll be fine... we'll make it until the end.
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much
#AWeekInBangkok #AWIBChapter27 #WTS7
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro