Chapter 17
Chapter 17
With all the goods and stuff Caro bought, hindi ko alam sa babaitang ito kung paano napagkasya ang lahat ng mga pinamili niya sa maleta niya. Binalalaan ko siya na baka ma-excess baggage siya. Sabi niya, hindi raw at magagaan lang naman daw 'yong mga pinamimili niya which I do not condone. Ang impulsive ng pamimili niya pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil minsan lang din ang ganitong bakasyon namin.
We've waited for this day to come at ngayong araw ay matatapos na 'yon.
I also packed my bags. Sinabayan ko na si Caro since we're both leaving the hotel na rin at wala na akong pang-abono at pang-extend pa. Jusko, hindi na kakayanin pa ng bulsa ko kung mag-stay pa ako rito ng ilang araw.
But then I feel like Caro don't have any idea at all. Mas sabik pa siya sa kung anong mga gagawin namin pagbalik ng Manila. At dahil nga nakausap namin si Devin no'ng nakaraang araw, pinapapapunta rin kami sa Vegas probably this week or next week, depende sa desisyon ni Devin, but I think their date went so great the other day. Mukhang masusundan pa agad si Delancey.
Five in the afternoon when we left the hotel and we are all ready to go. Inaayos ko pa sa isip ko kung paano ko sasabihin kay Caro ang plano ko and I don't know how she will react to it. Baka kaladkarin ako nito or could be the opposite. Hindi ko talaga sure so whatever might happen later, bahala na. Bumalik na sa pagkulot ang buhok ni Caro, kasado na naman ang plano ko.
As we headed out of the hotel, ako pa pinabitbit ng babaita sa handbag niya kasi feeling niya bumigat daw 'yong maleta niya. Hindi ko naman mapigilang matawa dahil baka ma-excess baggage nga siya at itapon lang niya sa airport ang mga pinamili niya. Or she'll have to pay for it, pero matalinong babaita itong si Caro so she knows what she's doing.
"Swasdi xik khrang phwk!" pagbati ni Heikenz nang makita kami. (Hello again, guys!)
Napalingon naman sa akin si Caro. "Ano pang ginagawa ni Heikenz dito? May nakalimutan ba siya o gusto niya ng final kiss from you?"
"Gaga, ngudngod ko 'yang labi mo sa kalye, e."
"Are guys ready to go?" pagpapatuloy ni Heikenz nang makalapit sa amin.
Hinawakan naman ni Caro ito sa braso. "Ihahatid mo ba kami sa airport?"
Tumango si Ketchup. "Yup! I'll be going with you guys to the airport. Don't you want that? Just a little goodbye before you go back to Manila?"
"Of course, gusto ko!" Pasimpleng palo pa ni Caro sa braso ni Heikenz. May papisil-pisil pa ito sa pisngi. "Gulat lang ako na nandito ka bigla. Wala namang sinasabi 'tong jowa mo sa akin. Anyway, it's good to see you before we go."
"My pleasure," he said, smiling. "I think we should go now. That taxi is already there." Tinuro naman niya 'yong taxi na pinanggalingan niya.
Hindi na naman kami nag-ubos pa ng oras kung hindi ay sumunod kami sa kanya. Tinulungan kami ng driver na mailagay ang mga gamit namin sa trunk ng taxi. Mabuti at nagkasya rin lahat kung hindi, ipatatapon talaga namin mga gamit ni Caro.
Heikenz sits on the front next to the driver while Caro and I are in the backseat. Paulit-ulit ako nitong sinisiko tapos binubilong na last chance ko na raw ito to grab the moment na i-kiss si Heikenz before we go. Deep inside, kung alam niya lang na si Heikenz pa ang nag-initiate na gawin 'yon, magugulat talaga siya.
Though we haven't got to talk about it sincerely, hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon. When I told him about my plan earlier, pumayag naman at bukod pa ro'n, wala na kaming iba pang napag-usapan. Or maybe, that is just something to put me on cloud nine. Just to experience Bangkok—like what Cely did in Vegas almost two years ago.
But even though with the plan I had in mind, hindi ko alam kung hanggang saan aabot ito. I know the risks are present and the only thing I can do to stop them from happening is not to do this and move forward with what I was planning.
Ang sabi nila, habang mas maaga, agapan na dahil kung hindi meron at merong magsu-suffer sa huli. And I can see that I am that person. Wala akong kawala. Ginusto ko 'to so I gotta go with it. Kung ang lakas-lakas nga ng loob kong lumipad sa ere at ibigay ang trust sa mga piloto, sa sarili ko pa kaya gayong nasa Bangkok naman ako at maaaring lumipad sa ere ang kung ano mang pwedeng mangyari.
When we finally reached the airport, huminga ako nang malalim bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan. Caro started taking her stuff out of the trunk of the taxi when she noticed that I wasn't moving any of mine.
Her forehead creased then raised her brow getting confused. "Bakla, ano? Ako pa ba pabubuhatin mo sa mga gamit mo? Let's go na!"
But I just pressed my lips together. Pahapyawan ko namang tiningnan si Heikenz and he was just looking back and forth to me and to Caro. Gano'n din naman si Caro nang tuluyan na niyang maialis ang mga gamit niya saka isinara ng taxi driver ang trunk ng sasakyan.
"Anong meron?" nagtataka nitong tanong, pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Ketchup hoping to get an answer from us.
Humugot ako nang malalim na hininga saka ko kinuha ang kamay niya at hinawakan ito. "Ay, kadiri. 'Wag na lang natin gawin 'yon. Di ko bet." Saka ko binitawan ang kamay niya.
Hinampas naman niya ako sa braso ko. "Ano nga 'yon?!"
"I'll be staying here sa Bangkok, girl."
And she didn't say a word, diretsyo lang ang tingin nito sa akin. Hahatakin ko sana ang false eyelash niya sa kabilang mata dahil wala itong reaksyon na binibigay sa akin.
"I should've known," iiling-iling nitong tugon pero agad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako kay ako ang lalong nagtaka. Tinapik-tapik naman nito ang likod ko. "May idea na naman ako girl na gagawin mo 'to, so I'm proud of you. Balitaan mo na lang ako kung mag-sex na kayo, ha?"
"Gaga," sagot ko.
Humahagikgik itong kumalas sa pagkayayakap sa akin. "Ramdam ko namang magpaiiwan ka these past few days. Kaya pala parang wala kang gana na maki-join sa mga ginagawa natin kasi you'll have time to do those things pa. Anyway, saan ka naman ba tutuloy?"
Napakibit balikat ako.
"Gaga ka, mag-motel ka na lang, mura pa ata 'yon?" suhestiyon pa nito.
"So, hindi ka galit or anything?" I winced.
Tumaas ang kilay nito sa tanong ko. "Ba't naman ako magagalit? This is what you want. I know this is something you've been looking for. Sa tagal ng panahon, I know this is the right time for you to decide what's best for you. Basta, 'wag mo lang ako sisihin na binutas ka lang niya sa huli ha!"
"Gagi, hindi naman 'yon mangyayari."
"'Di mo sure." Ngisi pa niya. "Anyway, see you kailan? Hanggang kailan ka rito?
"Uh... I'll be staying here until the end of next month. So 'yon... isang buwan din."
"Siguro planong-plano mo talaga 'to no'n pa 'no?"
Umiling ako. "Hala ka? Hindi naman 'no."
"So, if it wasn't for Heikenz, you wouldn't, 'no?"
I nodded. "Yeah... I guess... something held me back to stay here kaya ayon, extend tuloy ng isang buwan ang one week lang dapat."
Tinapik naman ni Caro ang balikat ko. "Well, do what you want. Isang tawag lang naman kami ni Mareng Cely, but don't call us while on duty! Wala pa namang sinasabi sa akin si Pareng Carrington kung kailan ang punta sa Vegas, but I guess pagbalik ko sa Manila, he'll handle it agad. Sayang! Vegas sana ulit tayo!"
"I know, I know! Sayang nga!"
"But we now know that your life isn't in Vegas... sa Bangkok mo lang pala mahahanap."
"As I didn't expect."
"We don't expect!" Halakhak pa niya. "Anyway, gogora na ako."
Nagpaalam na rin naman si Caro ay Heikenz. May ibinulong pati ito kay Heikenz na ayaw naman nilang i-share sa akin.
When I thought Caro wouldn't want me to stay, siya pa itong nagpakita ng totoong suporta sa akin. Kahit alam niyang may risk din itong plano ko, she just know that this is the best thing I could have. Hindi na rin naman nagtagal nang tuluyang pumasok si Caro sa loob ng airport.
With a last wave to us before she turned her head back to where she is going, bumagsak ang balikat ko knowing that mag-isa ako ngayon dito sa Bangkok. In the past few years, I've travelled together with Cely and Caro being here alone in a country where culture and tradition is far from what I've believe, nakatatakot din.
Saglit lang din ay naramdaman ko ang pag-akbay ni Heikenz sa akin. Nilingon ko siya at nginitian din ako nito. Siguro pampalubag loob.
He then tapped my shoulder. "You'll be okay... you're with me."
Somehow hearing that from him ay nabawasan ang pag-aalala ko.
"Let's get to your new home," he said.
Bumalik naman kami sa loob ng taxi para tumungo sa bahay na tutuluyan ko for the next month. Kakayananin naman ng savings ko ang stay ko rito sa Bangkok for a month, hindi naman ako magastos. Pagkain at ibang bayarin lang ang kailangan kong isipin.
Sinamahan ako ni Heikenz sa backseat habang patungo sa kanyang apartment. It doesn't take us too long when we finally reached his place. I paid for the taxi of course, si Heikenz lang ang nangontrata ro'n since kasama siya sa plano ko ngayon. Tinulungan naman niya akong dalhin ang mga gamit ko papunta sa room niya and when we get inside his room, bigla akong kinabahan at nabato na lamang ako sa tapat ng pintuan.
Heikenz weirdly looks at me. "Oh... okay? Is there a problem, Andrew?"
Napakurap-kurap ako ng mata saka umiling. "Wala... nothing. Naninibago lang ako. Siguro shocked pa rin ako sa ginagawa ko ngayon. Hindi ko kasi in-expect 'yong magiging reaksyon ni Caro kanina so I felt like... hindi ko siya mapaliwanag. Basta..."
Napangisi si Heikenz saka lumapit sa akin. Muli niyang pinalibot ang braso niya sa akin. "You know what, what you did is something that people would never do. This decision of yours made you who you are so don't ever think this is bad for you. And don't you worry, I'll be here for you. We can sleep on the bed together, share the restroom, cook breakfast, lunch, or even dinner. We can always do everything that you want and if you don't understand what they were saying, I'll translate it for you. You'll have your best Bangkok experience here, I'll guarantee that to you so be happy, alright?"
I nodded and took a deep breath.
Tinulungan naman niya ako mag-ayos ng mga gamit ko. He even cleaned his room. Kahit malinis na ito no'ng nakaraang punta ko, mas naging maaliwalas pa ang paligid. While I was fixing my stuff, he received a call so he excused himself. Saglit lang din naman iyon kaya pagbalik niya ay may inanunsyo sa akin.
"Hey, Andrew. I just talked to Miles, he's inviting me for dinner and I told him that you're still here and you're staying with me now so he made you come with me. Shall we go?"
"Talaga ba?"
He nodded. "Yup. Let's go meet them."
"Them?"
Muli siyang tumango. "Yup. His husband and their friend. Just a little hang-out dinner. Don't be shy, alright? I've got you."
"Ah, sige. Mag-aayos lang ako."
He shook his head. "No, don't. You're perfect so you don't need to change off of your clothes. Let's just go."
Heikenz was so spontaneous. Hindi ko alam kung makasasabay ako sa kung anong ginagawa niya sa buhay. Hindi ko rin alam kung paano ito makaapekto sa pagiging tour guide niya. But here I am now, I stayed and I'm glad that I did. Hihintayin ko na lang kung anong mangyayari sa akin dito because at this moment, maybe Heikenz is just treating me as a good friend and nothing more. I hope... not.
***
Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much
#AWeekInBangkok #AWIBChapter17 #WTS7
Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro