Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Chapter 15

I tried to ignore everything about what would happen tomorrow night. Whenever I get to see Heikenz's face, hindi ko maiwasang malungkot. Nakaiinis lang when I have to think about leaving Bangkok. Alam ko namang hindi ko inaasahan itong mga nangyayari, but things might change if I'm willing to change the path I'm leaning into.

"Kanina ka pa buntonghininga nang buntonghininga riyan, ano na naman bang pumasok sa isip mo?"

Umiling ako sa tanong ni Caro. "Wala naman. echos ka na naman."

"You wouldn't act this way kung wala na naman," pagpuna niya. "So, ano nga?"

Muli akong umiling. "Wala. Tama na daldal. Wala kang mahuhuthot sa akin."

"Ikaw talaga, bakla! Sa akin ka pa naglihim. Parang 'di kaibigan, a?"

Napasinghal ako. "Sige mamaya o kaya bukas. Sasabihin ko sa 'yo. 'Wag ka na lang makulit. Nag-iisip pa ako."

"Ng ano?" pangunguwestiyon pa nito. "Anong pinag-iisipan mo? Mga pupuntahan natin bukas? Mga bibilhin? Ano, bakla?! Sabihin mo!" Sinimulan akong alugin nito.

Agad ko rin siyang pinigilan dahil nahihilo ako sa ginagawa niya. I continued ignoring her all the way to our next destination. For our sixth day, this would be our last destination—well for the rest of our trip here in Bangkok. Hindi ko pa sigurado kung ano ba talagang gagawin namin bukas. If it's gonna be an interesting one, I wouldn't absolutely forget about it. Ang lahat nang nangyari dito sa Bangkok ay hindi ka-forget-forget.

Lalo na 'yong isang taong dahilan kung bakit gulong-gulo rin ang isipan ko ngayon.

We're finally heading to our last destination and that would be watching Muay Thai fights in Rajadamnern Stadium. It only took us less than an hour when we finally reached the place. Wala naman akong alam sa Muay Thai at maging si Caro, but because Heikenz said that it's interesting to watch a fight ay pinush na lang din namin since hindi nga namin alam, maybe this is the time na aalamin namin how does this sport do.

"Gusto kong mag-shopping tonight," bulong sa akin ni Caro.

"Na naman? Kapamimili mo lang din no'ng nakaraan, a? Yaman ka, 'te? Dami ka budget?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Siyempre. Susulitin ko na while I'm here in Bangkok. Aalis na tayo bukas. Mamili na lang kaya tayo bukas?"

"Ewan ko, sabihin m okay Heikenz. Baka may plano siya bukas, e."

"Sabihin ko later. May pinabibili rin kasi si Mareng Cely alam mo na. Iyon pa naman, tamporurot din 'yon minsan. Lakas ng topak. Kala mo 'di kayang bilhin ng asawa, e."

"Bahala ka riyan, ikaw kumasa riyan. Wala akong alam diyan sa pinabibili ni Cely."

"Oy, sabi ko pa naman sa kanya share tayo ro'n."

Humalukipkip ako saka ko siya tinalikuran. "Ay! Bahala ka sa buhay mo, 'te!"

Maya-maya lang ay binalikan kami ni Heikenz na hindi pa raw open ang stadium at mamayang kaunti pa raw magbubukas ang admission para makabili ng ticket. Dahil wala naman kaming iba pang pupuntahan sa mga oras na 'to kaya napili ni Heikenz na tingnan na lang muna namin ang ilang kalapit na establishments para ubusin ang oras namin.

Hindi rin naman totally pangpatay oras ang ginawa namin dahil may ilang interesting stuff din kaming nalaman sa paligid-ligid. Patuloy lang din naman sapagku-kwento si Heikenz while I'm already on my phone—nagtitingin ng mga scheduled flights.

May mga ilang tiangge, kainan, at ilang ministry establishments. Pigil na pigil ding gumalaw si Caro since kaharap lamang ng stadium ang Royal Thai Army—baka kung ano pa raw ang gawin sa kanya kung lumandi siya. But then Heikenz told us that there's nothing to worry about unless we have some other initiatives na siyang makasasama talaga sa amin so we just stay away from that place and continued what we are doing.

Nagtagal kami sa tiangge, kung ano-ano naman ang pinagkukuha ni Caro na siya namang ibinabalak ko sa shelf kung saan niya kinuha ang mga ito pero sa huli may ilan akong hindi naibalik at nabili nga niya.

"What you're gonna do with that?" Heikenz asked pertaining to what she purchased.

It's a Thai Buddha Amulet. Kanina pa ako takang-taka kung bakit niya binili 'yon. Pati si Heikenz, walang ideya kung bakit niya pa binili 'yon.

"Basta, nabasa ko lang din kasi na it's kind of a blessing—basta gano'n kapag meron ka nito... saka baka it heps my sexual relationship to boost, o 'di ba?!"

"Tama ba 'yon, Ketchup?" tanong ko pa rito.

Napakamot na lamang ito sa kanya ulo. "Yes, some say that the amulets are lucky and many of Thai's owned them actually. And to what you said... I just don't know if it's gonna help your sexual relationship, but who knows, right?"

Caro nodded furiously. "Yes! Naniniwala naman ako rito so... teka, do you own one rin ba?"

"I'm not sure if I did. I don't remember it correctly, but I guess when I was younger? I just don't own one now... not that I believe, I'm still blessed, but it's not my thing, you know? Oh well... I don't have a boy—girlfriend now so maybe I'm unlucky." Ngisi pa nito.

I tried not to question him to what he said pero alam kong nag-buckle siya when he was about to say girlfriend. Hindi naman sa pag-a-assume o baka nga assumero lang ako kaya iyon ang narinig ko. Asang-asa na naman ako.

Pero pagkalabas namin ng tiangge, pansin ko naman na panay ang tingin sa akin ni Heikenz. I ignored it kasi hindi ko sure kung para saan ba iyong mga tinginan niya. Maybe he noticed it at sinisigurado niyang hindi namin iyon naintindihan, pero malakas ang pakiramdam ko, e.

Malakas ang gaydar ko, but I couldn't seem to read Heikenz. Kasi nga siguro straight talaga siya.

Napagpasyahan na rin naming bumalik sa stadium at sakto naman na open na ang ticketing admission kaya bumilina kami ng tickets namin. Hindi na lang ako mag-talk sa price ng ticket each one. Iisipin ko na lang na magiging worth it itong panonood namin ng Muay Thai kahit wala akong ka-idi-idea. Nagsabi naman si Heikenz na he'll explain everything there para hindi kami nanonood lang so we'll get to know the actual sport is and how does it really work.

Hindi pa naman din gano'n karami ang mga taong nagpupunta ngayon. Nagsisimula pa lamang dumating ang karamihan. Idinala na rin naman kami ni Heikenz papasok sa loob kung saan nakahanap kami ng magandang upuan for viewing. Pumagitna pa sa amin si Heikenz so he could explain to us what was going on. Nasa kanang banda ako ni Heikenz while Caro sits on his left side.

Ako lang din ata ang nakikinig nang maayos kay Heikenz since Caro takes her time taking pictures of the premises. Tango na lang din naman ako nang tango sa sinasabi ni Heikenz kahit 'yong iba ay hindi ko ma-gets, tho he repeated it pero parang ang lutang ng pag-iisip ko ngayon at hindi ma-process kung ano man ang sinasabi niya.

Just a few moments later, mas napupuno na ang loob ng stadium. Mabilis lang din talaga mapuno since all seats have been occupied na. Mabuti na lang din talaga ay maaga-aga kaming nakapasok sa loob at maganda ang naging sitting view namin. Iyon naman daw talaga ang point kung bakit maaga kami pumunta rito sabi ni Heikenz.

Ang sabi ko pa nga sa kanya mas interested akong manood ng wrestling kasi mas bet ko 'yon. Na-gets din naman niya agad kung bakit.

Saglit lamang nang mapuno na ang stadium at ilang segundo na lang din ay magsisimula na ang competition. Nagkaroon muna ng quick ceremony sa umpisa at mabilis din naman itong natapos hangga't sa sumalang na ang mga unang manlalaro.

At first, iniintindi ko talaga kung anong nangyayari. Kitang-kita naman sa mukha ako iyon kaya todo paliwanag din si Heikenz sa kung ano na nangyayari. Caro doesn't seem to be bothered. Nakikigulo na rin sa cheer ng mga tao kahit hindi niya naiintidihan kung ano ng ganap.

Fights after fights, unti-unti ko na ring na-ge-gets ito. Heikenz even said I'm a quick learner kahit isang oras pa ata ang umabot bago ko tuluyang naintindihan ang Muay Thai. Akala ko kasi mala-boxing lang ito kaya nagugulat ako na may sipaing nangyayari. They would laugh at me kung tinanong koi yon nang malakas at marinig ng mga lokal dito.

Nang magkaroon ng break, I excused myself na pupunta lamang ako sa restroom. Sumunod naman sa akin si Heikenz at naiwan si Caro sa upuan namin para bantayan 'yon. Hindi ko rin naman alam kung nasaan ang banyo so Heikenz's help would be good for me.

Nanguna naman itong maglakad sa akin at hindi katagalan ay narating na namin ang restroom. Some toilets here in Thailand are alike in Japan. Squats toilets are common pero mabuti na lang na ang restroom dito sa stadium ay nakaangat ang toilet bowl. Sa loob ako ng cubicle umihi since I'm a shy gay.

Pagkalabas ko ng cubicle, dumiretsyo ako sa sink para maghugas ng kamay and then Heikenz walked out of the cubicle next to where I was. Tumabi siya sa akin sa sink at naghugas ng kamay. We're both in silence.

Ang ilan sa mga tao sa restroom ay nagsisibalikan na sa loob since magsisimula na ulit ang game kaya naiwan kaming dalawa ni Heikenz. Kumuha ako ng tissue para i-dry ang kamay ko. He did the same thing. Pansin ko namang napakatahimik ni Heikenz kaya nilingon ko ito.

"Uy, may problema ba?" nag-aalala kong tanong. I reached his shoulder and he just looked at it.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya dahil ang sunod na nangyari ay ang biglang paglapit niya sa akin. We're just an inch away from each other and then his face is getting closer and closer hangga't sa dumampi ang labi niya sa labi ko. He closed his eyes while I'm still shocked to what was happening. Dilat na dilat ang mata ko. Saglit nang inilayo ni Heikenz ang labi niya mula sa akin at mistulang inilag niya rin ang tingin niya sa akin.

He tapped me on my shoulder. "We should get back inside, Andrew..."

That's the only thing he said. He just walked out of the restroom and left me hanging here with wild, confused thoughts. Gulong-gulo naman ang utak ko kung para saan niya ginawa 'yon. I know I have a crush on him pero bakit bigla akong nahilo sa mga nangyayari ngayon? Why would Heikenz do that out of nowhere?

Lumabas ako ng restroom na hindi pa rin kumpleto kung ano man iniwan sa akin ni Heikenz sa loob ng restroom. I was still confused until I got back inside and found him sitting next to Caro na. He looked and smiled at me na para bang walang nangyari. Hindi ko alam kung para saan iyong kiss na ginawa niya. Alam kong alam niyang bet ko siya kaya para saan iyon?

I know he wouldn't do something like that just to make me feel kilig. May iba nga bang rason?

Hindi na ako nakapag-focus sa mga susunod na laban. Halos inagaw na rin ni Caro ang atensyon ni Heikenz kaya hindi ko ito natanong nang maayos. What happened there left me so confused. Iyon na nga ba ang sign na hinihintay ko?

Kung iyon ang sign... handa nga rin ba akong masaktan at the end of the day kasi alam kong wala namang kasiguraduhan ang lahat so why am I pursuing this? Hindi ko alam. Bigla akong nalito. Biglang nag-rumble ang thoughts sa utak ko.

But if it's the sign I was waiting and looking for, handa ko nga bang isugal ang lahat? Ito na nga ba ang tamang panahon para gawin ko naman ang mga bagay na gusto kong gawin?

I have no idea what will happen after this, but if I want to do it and risk it all, wala naman sigurong mawawala? And if there is, at least I tried... there's always a consequence to every decision so I guess the sign has come for me at the right time. Hopefully.

***

Thank you for reading! I hope you enjoy this chapter! Let me know your thoughts! I would appreciate it so much

#AWeekInBangkokChapter15 #AWIBChapter15 #WTS7

Interact with me on Twitter >>> @Imjacobxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro