Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

Hanggang makauwi kami ni Anja ay panay ang silip ko sa cellphone ko. I was always excited when notifications from Instagram were popping, tapos ay madi-disappoint ng kaunti kapag nakikita kong like notifications lang iyon para sa mga ini-story ko na picture o 'di kaya naman mga reply mula sa followers ko.

I twitched my lips, reading but never typing a response to the message I got from Elio. Like ko na lang para hindi naman nito masabi na hindi ako namansin. Gumabi na't lahat pero wala pa rin ako notification na nakukuha galing kay Mr. Yniguez! Imposible naman na sa buong panahon simula dismissal hanggang ngayon na bedtime na ay hindi siya nag-check ng cellphone niya. Ang boring naman pala niya kung ganoon nga?

O baka hindi niya lang talaga gustong i-accept ang request ko?

No. I refused to believe na sinasadya iyon. I was very liked in our school. Kahit sa mga college pa! Palaging papansin sa akin ang boys. They would slide into my DMs to make a move kung hindi nila kaya sa personal. Tinatakot kasi ni Oxygen madalas ang mga magtatangka sa amin ni Anja, kaya more on sa social media sila umaatake.

And Averianov wasn't that old para hindi ako pansinin. He maybe around twenty-one or twenty-two, ako naman ay halos seventeen na! Hindi kasalanan kung i-accept man niya ang follow request ko sa Instagram.

So, doon ako sa hindi lang niya nakita. Hindi niya sadyang huwag iyon i-accept!

Kinabukasan ay talagang tinutukan ko ang bawat klase ko. Kahit nga lunch break ay nag-aaral ako sa cafeteria. Ayaw ko kasing mawalan ng gagawin dahil baka ma-bored lang ako yukuin pirmi ang phone ko, tapos I would get disappointed lang na wala pa rin akong nakukuhang notification mula kay Averianov. I didn't even understand how this had become upsetting to me!

"May quiz kayo mamaya?" Takang tanong ni Elio nang maupo siya sa tabi ko at ilapag ang biniling coke para sa akin. "Sigurado kang wala kang gustong kainin?"

Umiling ako at inabot ang binigay niya para sumipsip sa straw. "Thank you. Marami kaming nakain ni Anja kanina sa bahay, kasabay kasi namin si Oxygen mag-almusal kaya maraming niluto si Mama. Busog pa talaga ako."

Sandali kong sinulyapan si Elio na tumango lamang at sinimulan nang kainin ang binili niyang rice meal. We were both silent for a few seconds, niyuko kong muli ang textbook ko at pilit na iniintindi ang mga naroon. I was advance studying Advanced Biology. Hindi ko rin alam kung bakit pero gusto kong magpa-impress mamaya! Siguro dahil napahiya ako sa nangyari kahapon.

Well, ang alam sa klase ay si Anja iyon. But still!

"Hindi naman nagpa-quiz 'yung sub-teacher sa amin kanina," puna muli ni Elio sa ginagawa kong pagbabasa. "Sa inyo, meron?"

Hindi nga. Wala rin naman itong sinabi sa amin kahapon na may quiz ngayon. But that didn't mean na hindi na puwedeng mag-aral, 'di ba? Kaya rin naman kami nasa school... Para mag-aral at may matutunan.

"Wala naman sinabi kahapon. Eh, mabuti na rin 'yung ganito. Hindi namin kabisado ang ugali ng sub-teacher na iyon, mamaya biglang maisipan na magpa-quiz bumagsak pa ako."

Kumibit ang mga balikat ni Elio at nagpatuloy lamang sa pagkain. I took a sip of my soft drink, letting the cool liquid wash down my throat as I turned the page. Hindi naman magulo at maingay sa cafeteria ngayon, hati rin kasi ang mga estudyante. Ang iba malamang ay sinusubukan ang bagong bukas na cafeteria sa kabilang building, doon sina Anja at Vios ngayon.

I was halfway through my drink when, out of the corner of my eye, I caught sight of a familiar figure. Lumipat doon ang aking tingin para makasigurado na siya nga. Sure enough, from the far corner of the cafeteria, I spotted Averianov Yniguez. He was standing in line at the water station, kahalo ang ibang estudyante ang ibang guro na naka-break din.

I watched as a couple of students offered to let him go ahead of them in line, but he politely shook his head, declining with a small smile. He seemed perfectly content to wait his turn, nahiya rin tuloy ang ibang teacher doon at tumanggi na rin ng alukin na paunahin. Utut niyo! Kilala ko 'yang si Miss Angeles, minsan nga ay pinapasuyo pa nito sa estudyante ang pagbili ng tubig. Tapos ngayon, sa harap ni Averianov Yniguez, ay handa na itong pumila. Sus!

Ang paplastik!

Pinagmasdan kong maigi si Averianov, napasinghap ako nang makitang may dinukot siya sa bulsa ng pantalon na suot. Katulad kahapon ay casual pa rin ang attire niya, siguro ay hindi naman siya ni-require ng school mag uniform dahil hindi naman talaga siya guro dito, sub lang. And then he pulled out his phone. My heart skipped a beat. He was checking his phone!

Bigla akong na-excite nang makita ko iyon. Maybe he'd finally seen my follow request on Instagram and was about to accept it.

Quickly, I fumbled through my bag, digging around for my own phone, which I'd tucked away to avoid distractions. My hands were practically shaking as I pulled it out. Imposibleng hindi dahil may wifi naman dito sa school. Surely, makikita niya agad ako sa notifications niya. Makikita niya iyon, sigurado ako!

Maybe there would be a new notification waiting for me, letting me know he'd accepted my request or, even better, followed me back.

I unlocked my phone and immediately opened Instagram, my eyes darting to the notifications. But there was nothing. No new alerts, no follow-back, not even a like. Just... nothing. Well, meron, pero hindi sa kaniya galing so it didn't count! My excitement quickly turned to frustration.

He had deliberately ignored my request!

Bakit? Hindi siya friendly?

Muli ko siyang binalingan ng tingin. Why would he ignore me? He was clearly on his phone, scrolling through whatever it was he found more interesting than acknowledging my request. I felt a surge of indignation bubbled up inside me. Wala pang hindi nagkakagusto sa akin!

"Si Mr. Yniguez 'yan, ah?" Si Elio na hindi ko namalayang nakasilip na pala sa screen ng cellphone ko kung saan nakapronta ang account ni Averianov Yniguez. "Nag-send ka ng follow request sa kaniya?"

I wanted to deny it. Gusto ko mang itago pa ang cellphone ko ay huli na. He already saw it! Kita ko ang gulat sa mga mata ni Elio. Hindi naman kasi ako basta-basta nag-f-follow sa Instagram, lalo kung hindi naman celebrity. Tulad na lang ni Skyler, crush ko siya pero hindi ko siya finollow. Hinintay kong siya ang mauna na gumawa noon bago ko ibinalik ang pabor.

I'd liked Skyler for a whole year but had been patient enough to wait for him to make the first move.

Kaya maging ako ay namamangha kung paanong gusto ko talagang i-follow back ako ni Averianov Yniguez. Sa inis ko, I quickly canceled the follow request and then tapped the 'Follow' button again.

Tangina. Ang papansin, Audrey!

Pero, maybe this time, the notification would pop up on his screen right away while he was still looking at his phone. Perhaps he just had too many requests to notice mine earlier. This time, I'd make sure he saw it.

"Anong ginawa mo? Ni-refresh mo ang request mo?" Si Elio ulit, nahinto na sa pagkain at tutok na sa akin ang buong atensyon. "Are you... following him again?"

"Yes," I said, not bothering to hide my frustration. "Baka lang natabunan ang una kong sinend kaya inulit ko."

Elio's frown deepened, and he gave me a skeptical look. "Why does it matter so much? Ano kung hindi ka niya pinansin? Bakit ka nagpapapansin? Crush mo ba si Mr. Yniguez?"

I nearly choked on my drink at his question.

"What? No! Of course not," I replied quickly, though my voice sounded a little too defensive even to my own ears. "Syempre, curious lang ako dahil bago siya! Pinahiya niya rin ako kahapon dahil late ako sa klase niya! Hindi naman sadya iyon, pero basta! Napahiya ako!"

Hindi naman talaga ako napahiya. What happened in class yesterday barely made a dent in my reputation at this school. I was still popular, still well-liked by everyone. The truth was, wala lang talaga akong mairason kay Elio for why I had followed our sub-teacher's Instagram account. It wasn't about being embarrassed or trying to save face. I just didn't want to admit that there was something about Mr. Yniguez that intrigued me, something I couldn't quite put my finger on.

Elio raised an eyebrow. Mukhang hindi binibili ang palusot ko. Ayos lang rin naman kung hindi siy maniniwala. Choice niya naman 'yon.

"Uh-huh. Sure, it's just curiosity," sandali niya ring sinulyapan si Averianov Yniguez na ngayon ay bumibili na ng tubig, nasa unahan na ito ng pila. "Yniguez. Isa sa napakaraming magpipinsan. Parang lahi niyo. Taga Quezon. They own half of Barasoain and the entire Tierra del Diablo."

Kuryosong napalingon ako kay Elio dahil sa kaniyang sinabi. I'd heard of Tierra del Diablo before, but it had always been in passing conversation or whispered rumors. I'd never actually been there. It was a private town in Barasoain, tumatak lang sa isipan ko dahil nakakakilabot ang pangalan ng lugar na iyon.

"Tierra del Diablo?" Isinatinig ko ang aking kuryosidad. "I've heard of it, but I've never been there."

Kumibit ang mga balikat ni Elio, bumalik ang atensyon sa kinakain at akala ko pa'y hindi na siya iimik. "It's like this weird, private little town. Exclusive. Most people can't just go in. The Yniguez family owns it all—like, literally all of it. I heard it's got some old, creepy mansion, a bunch of forests, and who knows what else. People say it's kind of spooky."

"Spooky how?"

Pasimple kong binalikan ng tingin si Averianov Yniguez. I wanted another look at him, this mysterious sub-teacher who ignored my follow request on Instagram. Niyuko ko sandali ang aking cellphone. Yes, hindi pa rin niya ako ina-accept! I quickly lifted my eyes in his direction. I gasped softly when I realized he was already staring right at me. Our eyes locked, and for a moment, I forgot how to breathe.

Literal!

He was making his way toward the exit, mabagal at maingat ang kaniyang kilos na animo'y mabangis na hayop sa gubat na mukhang handang umatake anumang sandali. But he never broke our gaze, his intense gray eyes holding mine with an almost unnerving focus. It was like he could see right through me, like he knew I had been talking about him, asking questions about him.

A shiver ran down my spine, and I couldn't look away, no matter how much I wanted to. Masyadong nakahinang sa akin ang kaniyang mga mata na para bang nababasa na niya ng husto ang buong pagkatao ko. I could feel my heart pounding in my chest, my mind racing with questions I didn't have answers to.

Saka lang niya inalis ang kaniyang tingin sa akin nang tuluyan nang lumiko upang makalabas ng cafeteria. He pushed the door open with one hand and stepped out into the hallway, disappearing from sight. I let out a breath I didn't realize I'd been holding, my body relaxing as the tension slowly faded.

God, that was intense!

Tsaka ko lang nakuhang lingunin si Elio at pagtuonan ng hustong pansin ang sinasabi nito.

"Well, the name means 'Land of the Devil,' right? There are all sorts of rumors about that place—strange happenings, people disappearing, stuff like that. They say it's cursed or something. Puwedeng totoo, puwedeng sabi-sabi lang. But I think it's just really private, and people like to make up stories about what they don't know."

Hindi ko pa rin makuhang magsalita. Kahit nang balingan na akong muli ni Elio ay nanatili lamang akong tahimik, nag-iisip. It felt like, I was left there... Sa titigan namin na iyon kanina. Hindi ko rin maintindihan kung bakit.

"Oh, naibigay ko na sa'yo ang impormasyon na alam ko tungkol sa Yniguez na iyon. Siguro naman ay sapat na to satisfy your curiosity of him." Nginuso niya ang cellphone ko kung saan hantad pa rin ang account ni Averianov Yniguez. "Cancel mo na ang request na 'yan,"

Tumango ako pero hindi ko pa rin kinancel. Kuryoso pa rin kasi ako. Muli ko tuloy naalala na sinasadya nga nitong hindi i-accept ang request ko! Nakakainis!

Sampung minuto bago magsimula ang klase namin sa Advanced Biology ay hinila ko si Anja sa cr. Kunot na kunot ang kaniyang noo habang pinapanuod akong burahin ang lip tint ko. I looked slightly pale pero maganda pa rin naman. Ginulo ko rin ng bahagya ang buhok ko para naman talagang mas mag-itsurang Anja ako.

"Ano ba 'tong ginagawa natin?" Tanong niya na para bang ang tanga ng kung anong pinapagawa ko sa kaniya. "Akala ko ba ang sabi mo kahapon ay huwag na akong magpapanggap na ikaw?"

"Huwag ka na magtanong! Ayusin mo ang lip tint mo! Pati pisngi, lagyan mo." Tinagilid ko ng bahagya ang necktie ko. Inabot ko rin ang kaniya at tinuwid naman iyon.

Pati bag ay nagpalit kami. I also put my coquette ribbon somewhere in her uniform kagaya ng siyang palaging istilo ko.

"Tangina," reklamo ni Anja pero namumula na ang nguso dahil sumunod rin naman siya. "Kailangan pa ba talaga ito?"

"Yes!" I even sprayed her with my perfume.

Sana lang talaga ay medyo nag-amoy araw ako sa ginawa kong paglalakad sa field kanina bago ang huling klase namin para naman makopya ko pati amoy ni Anja.

"Tell me again bakit husto ang effort mo na linlangin si Mr. Yniguez?" Iritado siya pero hindi niya naman ako pinipigilan.

One thing I loved about Anja, konting reklamo pero mas marami ang pagsunod.

"Hindi ako naniniwala na makikilala niya talaga kung sino ang sino sa atin! Ano siya? Papa ko? No!" I rolled my eyes. "Hindi naman niya tayo kilala, ah!"

"Bakit ba big deal sa'yo? Ano naman kung alam niya nga na hindi ako ikaw at hindi ikaw ako?"

Hm. Bakit nga ba? Hindi ko rin iyon masagot. And I refused to tell Anja about the follow back fiasco! Mabuti na ang ganitong wala siyang alam.

"Wala! Hindi lang ako naniniwala na alam niya kung sino si Audrey at sino si Anja sa ating dalawa!" Irap ko.

"Eh, paano kung mag-quiz? Baka ibagsak mo ako, ah!"

"Relax! Nagbasa ako kanina!" Sabi ko na lang kahit wala naman akong naintindihan sa mga binasa ko. Kopya na lang ako kay Vios, matalino naman iyon.

"Siguraduhin mo lang, ah! Nangako ako kay Papa na maganda ang resulta ng lahat ng quiz ko ngayong period, kahit pa shot quiz lang! Nagpapabili ako ng bagong saber."

Arnis at fencing ang hilig ni Anja. Malayong-malayo sa mga gusto kong gawin na reading books, movie marathon or surfing the internet. Mabuti na lang sa isang klase ko lang kailangan na maging siya, hindi ko kasi kaya ang mga ginagawa niyang iba pa.

Pumasok na kami sa klase. Duda ko kung may nakahalata nga sa switch namin, mukhang wala naman. Wala pa ang sub-teacher namin nang makaupo ako sa puwesto ni Anja. Nagsenyasan kaming dalawa nang maupo na rin siya sa akin.

Si Vios naman binalingan ako, titig na titig. Alam kong hinding-hindi namin maloloko ang isang 'to. Umiling ito sa akin, medyo sumimangot.

"Ano na namang kalokohan 'to? Kung anu-anong trip niyo, ah?"

Hindi ko ito pinansin lalo na nang pumasok na sa silid si Mr. Yniguez, dumiretso siya sa lamesa na nasa harapan. Inilabas ko na ang mga gamit ni Anja at nilagay iyon sa table, lahat ay bumati sa bagong dating pero ako ay tutok ang tingin sa workbook na may pangalan ni Anja sa harapan.

"Good afternoon, class," Mr. Yniguez said, his voice deep and steady. He set his things down on the desk and looked around the room, his gaze sweeping over the students. "Let's start with attendance."

Hindi ko alam kung paanong ang kaba na aking nararamdaman ay nahaluan ng bahagyang excitement. Huh? Excited ako saan?

He picked up the attendance sheet, glancing down at it as he began to call out names.

"Angela Bautista," he called first.

"Here," Angela replied, raising her hand slightly.

"Mark De Leon?"

"Present."

Tuluy-tuloy lang siya sa pagtawag sa aming mga pangalan. Nananatili ang tingin sa hawak na listahan. I tried to keep my head down, too. Tutok ako sa libro ni Anja na para bang may kung anong interesante na naroon. I hoped he wouldn't notice anything off. If he knew we'd switched again, I'd never hear the end of it from Anja. Pero imposible naman kasi na malalaman niya! Akong ako si Anja!

My heart pounded as he got closer to our names.

"Anja De Salvo?"

I took a deep breath and tried to sound natural. Kayang-kaya ko naman gayahin ang boses ni Anja dahil halos pareho lang ang tunog ng sa amin.

"Here," I replied, raising my hand a little.

His eyes flicked up from the attendance sheet and lingered on me for a moment longer than necessary. Dammit! Alam niya ulit?

Kalmado lang ako. Hindi ako nagpahalata, para bang wala lang. I averted my gaze elsewhere, kahit pa nga ba namimilipit na ang sikmura ko sa kaba.

"Thank you," he said, his tone giving nothing away. He moved on to the next name without any further hesitation.

I let out a silent sigh of relief, glancing over at Anja. She seemed relaxed, jotting something down in my notebook, fully in character. Vios, on the other hand, still looked suspicious, his eyes narrowed as he watched me.

"Ano?" Iritadong baling ko rito. Epal, eh.

"You really think he won't figure it out?" Vios whispered back, raising an eyebrow. "The guy's sharp."

Wala akong pakialam. Hindi pa rin ako naniniwalang alam niya talaga! Nanghuhuli lang 'yan!

Mr. Yniguez continued calling names, his expression neutral, but every so often, his eyes would flicker back to me, almost as if he was watching to see how I would react. I tried to keep calm, nodding along as he spoke, but I couldn't shake the feeling that he was onto us. Onto me. Nadadamay lang si Anja!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro