Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

I saw Averianov in the library, sitting at one of the corner tables, completely absorbed in a book. Humigpit ang hawak ko sa pinaglalagyan ng sandwich na ginawa ko kaninang umaga. Nang gawin ko ito ay sigurado ako na gusto kong ibigay ito sa kaniya, but now... hindi ko na alam. Nagpapaulit-ulit kasi sa tainga ko ang mga sinabi ni Anja.

She wasn't wrong.

If people see us, they might get a very bad impression. Kahit na sabihin na hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng edad namin ni Averianov. Junior pa rin ako, samantalang siya ay abala na sa dissertation niya. It wasn't just a difference in age—it was a difference in experience, in where we were in our lives.

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo. Ikinubli ko pang bahagya ang aking sarili sa likuran ng mga naglalakihang shelf para hindi niya agad ako makita sakaling mapadako ang tingin niya sa aking kinatatayuan. He looked so engrossed in his reading, his brows slightly furrowed in concentration. His dark hair fell slightly over his forehead, and every so often, he would absentmindedly push it back with his hand. Tila ba wala siyang pakialam sa kaniyang paligid, hindi naalis ang kaniyang mga mata sa kung anong importante niyang ginagawa.

I smiled. Naging natural na sa akin na makita siyang ganyan katutok sa isang bagay dahil kahit sa klase ay ganyan siya.

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang ayos, isang itim na knitted sweater na ipinares sa itim rin na pantalon. Kahit nakaupo ay halata ang taas niya. May palagay akong tatangkad pa siya pero ako, hindi na siguro. Ayos lang naman, hindi naman ako naliliitan sa height ko. But I would look like a kid beside him if in years he would grow taller and bulkier.

Baka hindi na ako bumagay sa kaniya.

That thought bothered me so much. Na parang sinasabi ko na bagay talaga kami ngayon, ah? Kapal ng mukha ko naman na isipin iyon. Maybe I should just be content with this, kahit hindi ko na siya lapitan ang mahalaga ay nakita ko siya. I didn't need to talk to him, didn't need to hand him the sandwich. Tama na siguro ang ganito. Hindi ko gustong guluhin ang buhay niya kung sakaling mangyari nga ang mga inilatag na espekulasyon ni Anja.

I should be content with this... Just seeing him, knowing he was still around, still close enough to feel like a part of my day.

Aatras na sana ako upang umalis nang saktong umangat ang kaniyang tingin at mahuli ang sa akin. Shit! For a second, I thought about ducking back behind the shelf, pretending like I wasn't just staring at him, but it was too late.

Hindi niya na ako binitawan ng tingin at hindi ko rin naman magawang mag-iwas.

A small smile tugged at the corner of his lips. It was a gentle, knowing smile—like he had caught me in the act but wasn't bothered by it.

Gusto niya rin ba na narito ako ngayon at hinahanap siya?

I felt my cheeks heat up, a blush creeping up my face as I tried to play it cool. Mukha akong tanga kung tatalikod ako at aalis gayong nakita niya na akong nakatingin at pinapanuod siya.

Dahan-dahan akong umalis sa likod ng shelf at basta na lang humila ng isang libro doon para naman may dahilan ang pagkakapadpad ko sa bahaging iyon. It didn't matter what book I had on hand. Kaswal akong lumapit sa kaniya, pinapanuod niya pa rin ako.

Si Averianov lang ang nasa lamesa na iyon kaya rin siguro nabawasan ang hiya ko na lumapit.

"Hi, Audrey," siya ang naunang bumati sa akin nang marating ko ang harapan niya.

I pulled a chair out and sat down across from him, placing the book and the sandwich on the table. Pilit akong nanatiling kalmado kahit na hustong sinasalakay na ng kaba ang aking dibdib sa paraan ng kaniyang paninitig.

"Hi," I replied, smiling a little. "It's my lunch break, so I thought I'd spend it in the library and do some reading. Tahimik kasi dito kaya mas okay na dito ako magbasa."

Averianov smirked, one eyebrow raising slightly as his eyes shifted to the book I had just put down. Muling bumalik sa aking mga mata ang kaniyang nanunuksong tingin. "I didn't know you were interested in Advanced Theoretical Physics,"

Huh?

Natigilan ako. I blinked, feeling my cheeks flush deeper as I glanced down at the book I had randomly grabbed. Of all the books to pick, I had to choose one on physics? Galing! Ang galing mo talaga, Audrey Jeane!

"Oh, um, yeah," syempre pa, kailangan ko na naman panindigan ang ginawa ko. "I've always found, uh, theoretical physics... fascinating."

Hindi ko alam ang pinagsasabi ko. I couldn't even remember mentioning 'theoretical physics' my whole life until now.

"Really? Can you tell me more about what interests you in quantum mechanics and string theory?" Tila naaaliw niyang tanong. Maybe because he knew I was lying kaya talagang natutuwa siyang i-corner ako sa mga tanong na sigurado siyang hindi ko masasagot.

Ganito siya sa akin sa klase.

Hanggang ngayon na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig ay ganyan pa rin siya!

At hindi ko rin naman maintindihan kung bakit gustong-gusto ko siyang patulan sa ganito na para bang mahalaga sa akin na matapatan ang bawat hamon niya. It was stupid!

I bit my lip, trying to think of something—anything—that would sound remotely convincing.

"Well, you know, the idea of multiple dimensions and, um, parallel universes... It's just really interesting to think about, right?" I cringed internally, knowing I was failing miserably.

Lalo siyang napangisi dahil nga pumatol na naman ako kahit wala naman kami sa klase. Sandaling kinalimutan ang libro na pinagbubuhusan niya ng atensyon kanina, tutok na sa akin ngayon.

"It's always good to see a student interested in expanding their knowledge beyond their usual subjects. Hindi ko lang inaasahan na interesado ka sa mga ganitong klaseng bagay..."

Medyo tinamaan ako sa sinabi niya. Napanguso ako at nagyuko ng tingin sa sandwich na dala ko. Of course, he knew I was lying about the book. He always seemed to know when I was lying. I thought back to all the times he had seen right through me, kagaya ng kung paanong alam niya kapag nagpapanggap akong si Anja. No matter how hard I tried to act confident or play it cool, he always saw through the facade.

I let out a sigh, feeling the weight of his knowing smile on me. What was the point in pretending anymore? Huling-huli niya naman na ako. Kung itataboy niya ako kapag nagsabi ako ng totoo ay karapatan niya iyon. Hindi ako dapat masaktan kung sakali.

I looked up at him, my eyes meeting his. "Okay, fine. I have no idea what this book is about,"

Inangat ko pa ang makapal na libro ng physics na basta ko lang hinugot sa shelf kanina, doon ko nga lang napansin na may kabigatan pala iyon.

"The closest I've come to understanding multiple dimensions is what Dr. Strange explained in that Marvel movie."

Inabangan ko na gumuhit ang galit ko inis sa kaniyang mga mata, pero nanatili lamang siyang nakatitig sa akin na para bang inaasahan niya na iyon. Nagulat pa nga ako nang ngumisi siya, he leaned back in his chair.

"I figured as much,"

I bit my lip. Pahiya na naman ako sa harap ng crush ko. Mukhang kahit anong pilit ko ay wala na akong magagawa na ikaka-impress niya. Palagi na lang akong nagpapanggap sa harap niya. Kahit madalas ay hindi naman dapat.

"I came to the library because I was looking for you," I confessed, humina ang aking tinig kahit kaming dalawa lang naman ang nakakarinig ng usapan. "And I wanted to give you this."

I nudged the sandwich container a little closer to him, feeling my heart race.

Sandaling bumaba doon ang kaniyang tingin bago muling bumalik sa akin. "Hinahanap mo ako?"

I nodded, swallowing hard. "Yeah. I... I guess I just wanted to see you. And maybe talk for a bit. Bigla ka na lang kasing nawala—ano, hindi naman... Hindi ko naman sinasabi na kailangan ay nagpaalam ka sa amin, p-pero syempre... Well, hindi na mahalaga iyon. Narinig ko lang na narito ka pa rin pala sa school kahit hindi ka na nagtuturo. So, I figure I find you."

Averianov's expression softened even more, hindi ko gustong bigyan ng kahulugan iyon dahil nasisiguro kong kung iba ang lumapit sa kaniya ngayon at ginawa itong ginagawa ko ay ganito rin ang kaniyang pagtanggap. He was strict inside the classroom, pero mabait at pormal siya sa lahat kapag wala sa eskwela.

"Why do you want to see me?" Marahan niyang tanong, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Why do you want us to talk... a bit? May sasabihin ka bang mahalaga sa akin, Audrey?"

Hindi agad ako nakasagot. Meron ba? Meron ba akong sasabihin sa kaniya na importante para talagang sadyain ko pa siya dito at guluhin sa ginagawa niyang pag-aaral? Dammit! I did not think this through!

"Gusto ko lang sana magpasalamat..." I twitched my lips, braving his gaze. "I learned a lot from you sa mga panahon na ikaw ang humahawak ng klase ni Mrs. Vergara—"

"But you don't have to go out of your way for me. Ginagawa ko lang ang trabaho na inatas sa akin, Audrey. You and your classmates don't owe me anything." Pinutol niya ang aking sasabihin, nakangiti pa rin pero hindi ko masabi kung nagustuhan ba niya ang ginawa kong paglapit ngayon.

Maybe he didn't like it? My heart sank a little at the thought, and I suddenly felt foolish being there with nothing more to say. y. Trying to salvage what little dignity I had left, I pushed the sandwich container toward him again, tapos ay mabilis akong tumayo bitbit ang libro na basta ko lang hinila kanina.

"Sorry kung naabala kita," I mumbled, feeling my cheeks burn. "Please, just take the sandwich. Para sa'yo talaga 'yan."

Hindi ko siya guguluhin. Hindi ko siya dapat guluhin. Marami siyang kailangan gawin, mga mahahalagang bagay. Iyon ang dahilan kaya narito pa rin siya sa university kahit hindi naman kailangan.

"Thank you," he said softly, his eyes following me as I began to leave.

Tatalikod na sana ako nang dugtunga pa niya ang kaniyang sinasabi kaya bahagya akong natigilan.

"You don't run on Sundays?"

Hindi agad rumehistro sa akin ang kaniyang tanong. And when it did, napatda pa akong lalo sa aking kinatatayuan. I could feel my heartbeat quicken at his words. Did he expect me last Sunday? I turned back to him, blinking in surprise, unable to form a coherent response immediately.

"So, only Saturday then?"

My mind raced to catch up with what he was saying. Anong ibig niya bang sabihin? Tungkol ba ito sa jogging namin noong Sabado? Gusto niya ba ulit? Gusto niyang maulit? The idea thrilled me more than I wanted to admit.

"Huh?" Wala talaga akong masabi. Gusto kong kumpirmahin kung tama ang aking naiisip pero hindi ko alam kung paano. Hindi ako sigurado.

"You seemed to enjoy yourself last time. And I thought maybe we could do it again. If you're interested, that is."

I felt my face flush again, but this time from excitement rather than embarrassment. Hindi ako makapaniwala na nangyayari nga ito. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang mga salitang ito mula kay Averianov. He was asking me out, wasn't it? I mean, 'yung jogging sa park ay parang date na rin iyon, 'di ba?

"You mean, like... run together again? This Saturday?" Mas humina pa ang aking tinig, hindi kasi talaga ako sigurado kung tama nga ang pagkakaunawa ko sa gusto niyang ipahayag.

Hindi nagbago ang paninitig niya sa akin, mataman pa rin iyon na tila ba inaaral ang bawat kibot ko. He was smiling though, kaya kahit paano ay magaan siyang pakibagayan.

"Yes, if you'd like. Ayos rin pala na may kasama minsan. And you seemed like you could use a bit of a challenge," sinamahan niya iyon ng mapanuksong ngisi.

"I'd love that," I said, unable to hide my smile. "I mean, I'd like to run with you again."

"Kung gusto mo lang, ah?" Paniniyak niya pa rin kahit sinabi ko na nga na gusto ko. "Just don't feel like you have to, alright? I don't want you to feel pressured."

"Gusto ko nga!" Mas mariin kong sabi sa takot na baka bawiin niya ang kaniyang paanyaya. "Wala kaming naka-schedule na school activity this weekend. Kung may kailangan sigurong gawin, assignments lang—"

"Dalhin mo na rin," he cut in.

I frowned, taken aback. Why was he asking me to bring my assignments on Saturday? I was looking forward to our time together, just the two of us, without schoolwork getting in the way. Bago pa ako makapagprotesta ay muli siyang nagsalita.

"I mean, if there's something you're struggling with or don't understand, I can help you with it," malumanay niyang sabi. "That way, you won't have to do anything on Sunday but rest."

My frown softened as I processed what he was saying. He wanted to help me. Of course, he did. At alam ko rin na lahat ng hindi ko naiintindihan sa kahit anong subject ay maipapaliwanag niya sa akin ng maayos. Magaling siya doon. Hindi nga ba't nakuha niyang maging interesado ang buong klase sa Advanced Biology? Nang siya ang nagtuturo sa amin ay walang inaantok! Lahat nakikinig. And it wasn't only because he was cute dahil maging ang mga lalaki kong kaklase ay tutok ang atensyon sa kaniyang pagtuturo.

I was torn. I wanted my time with him to be about us, not just another tutoring session.

"Hindi ko gustong makaabala pa sa'yo. Atsaka, kaya ko naman iyong sagutan."

"It's no bother, Audrey. Ako naman ang nagpipresinta, ibig sabihin ay hindi iyon makakaabala sa akin katulad ng iniisip mo." Sumeryoso ang kaniyang tinig. "Kung gusto mo ay sagutan mo, gawin mo, tapos dalhin mo sa Sabado para makita ko. Itatama natin kung may mali."

Naramdaman kong hindi niya talaga titigilan ang usapin tungkol sa assignments ko.

"Okay, then. Iyon ang gagawin ko," I said reluctantly, still hoping we'd get to have some fun outside of just studying. Aral na nga dito sa school pati ba naman sa park!

He noticed my hesitation and leaned forward slightly, lowering his voice as if sharing a secret. Para ba akong paslit na binabantayan niya at pinipilit na matulog sa tanghali dahil nakakatangkad iyon at nakakabilis ng paglaki.

"I promise it won't be all work and no play," naniniyak niyang sabi. "We'll have plenty of time to run and talk. Kung 'yan ang ikinababahala mo."

Damn! This guy could really read me like a book, huh?

Sige na nga! Dadalhin ko na ang assignments ko!

Halos hilahin ko ang mga araw nang linggo na iyon para mapabilis ang dating ng Sabado. Sa school ay hindi ko na rin masyadong pinagbigyan ang sarili ko na hanapin si Averianov dahil bukod sa hindi na natanggal sa aking isipan ang mga sinabi ni Anja ay hindi ko rin siya gustong maabala. Alam kong naroon siya para sa isang importanteng research, and the last thing I wanted to do was bother him.

Nakuntento na lang ako sa alaman na magkikita kami ulit sa park this Saturday. Iba ang saya ko ngayon dahil alam kong hindi lang ako ang may gusto nito kundi maging siya. Kaya naman nang sumapit ang Sabado ay maaga akong nagising at naghanda.

I almost didn't sleep last night kaya lang pinilit ko dahil kailangan may lakas ako para tumakbo. Gusto ko rin maayos at maaliwalas ang mood ko kapag kasama ko siya.

As I made my way downstairs with my duffle bag slung over my shoulder, I noticed how quiet the house was. Kahit ang mga maid ay tulog pa. Wala naman kaming oras na napag-usapan, but I was guessing na katulad rin lang noong nakaraan.

Niyuko ko ang aking sarili. I was dressed in a sports bra and biker shorts, ready for the run. Gusto kong maganda ako kapag nakita ako ni Averianov pero hindi ko rin naman gustong magmukhang sobrang sumusubok at nagpapa-impress.

Nadatnan ko si Mama na naghahanda ng almusal para kay Papa nang pumasok ako sa kusina. She was focused on assembling a plate of fruits and eggs, the kind of healthy meal my father always preferred. Kaya alam ko agad na para iyon kay Papa.

"Good morning, Ma," humalik ako sa kaniyang pisngi.

"Morning, baby," she replied, glancing up at me with a smile. "You're up early today. May lakad ka ba? Jogging ulit?"

I nodded, placing my bag on the kitchen table. "Sa park lang ulit, Ma. Kaunting exercise lang,"

She gave me a knowing look. Akala ko ay mang-uusisa pa, pero hinayaan na ako ni Mama.

"Gusto mo ba ng sandwich bago ka umalis? Ipaghahanda kita."

I shook my head, walking over to the fridge. "No, Ma, it's okay. I'll make it myself. Babaunin ko rin sana sa park."

Mama grinned na para bang may alam siyang hindi niya gustong sabihin sa akin na alam niya. Hindi naman siya nagkomento pa, hinayaan niya lang akong gumawa ng sandwich habang siya ay abala sa almusal ni Papa.

I grabbed some ham, cheese, lettuce, and tomatoes, laying them out on the counter. Grabe, ilang araw kong hinintay ang umaga na ito. Excited na akong makita ulit si Averianov outside school kaya I wanted everything to be perfect.

I quickly assembled a sandwich, making sure to layer the ingredients neatly and evenly. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ba ang sandwich na gawa ko sa kaniya noong nakaraan pero sana oo dahil ganoon rin ang dadalhin ko sa kaniya ngayon. Hindi lang isa ang ginawa ko kundi tatlo. Isa sa akin at dalawa sa kaniya. Sigurado kasi ako na gugutumin kami pareho pag tapos mag jogging, ganoon kasi ang naramdaman ko noong nakaraan.

As I was wrapping the sandwich, Mama glanced over and smiled.

"Para bang espesyal na espesyal na naman ang sandwich na 'yan, ah? Sino ba ang makakatikim niyan?"

Syempre, iisipin niya na may kasama ako dahil tatlo nga ang ginawa ko. Alam naman niya ang kapasidad ng sikmura ko.

I blushed slightly, trying to act nonchalant. "Wala, Ma. Just thought I'd make a good one today. You never know when you'll need a little extra motivation on a run."

"Eme mo, Aud," she chuckled softly, turning back to the stove. "Okay lang 'yan. Sige lang, lumandi ka lang. Pero siguraduhin mo lang na iingatan mo ang sarili mo, ah? Kilala mo ang Papa mo at alam mo ang mga bagay na kaya niyang gawin."

Kilala ko si Papa pero parang mas natatakot ako sa mga bagay na kayang gawin ni Mama. Between the two of them, my father was definitely the more level-headed one. He was calm, rational, and always took the time to think things through before making a decision. He wasn't the type to lose his temper easily, and even when he was upset, he'd manage to keep his cool and approach things logically.

My mother, on the other hand, was a different story. She was fierce and sharp, someone who didn't hesitate to act when something needed to be done. She had a way of seeing through every situation, picking up on the smallest details that others might miss. Her intuition was almost unnervingly accurate, and when she decided to take action, there was no stopping her.

Kaya oo, mas takot sa mga kayang gawin ni Mama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro