Prologue
A SUICIDAL PSYCHOPATH
••Prologue••
💣💣💣
Someone's POV
I slowly trace the stairs going to my own sanctuary, my own paradise. As I'm taking every step on the hard concrete stairs, I let my hand touch the cold railings freely and softly. Dinadama ko ang lamig na taglay ng railings at hinahayaang pumasok ito sa katawan ko.
Why am I doing this? Dahil baka ito na ang huli na makaramdam ako ng lamig dahil sa susunod na mga oras ay malamang mainit na impyerno na ang sasalubong sa'kin. Iniisip ko palang kung ano at saan ang kahihinatnan ko ay napapangisi nalang ako. I'm ready anyway. Alam ko namang impyerno talaga ang bagsak ko. Why I even bother to think of it, anyway?
Nang marating ko na ang paroroonan ko ay agad kong binuksan ang pinto na nasa huling baitang ng hagdan sa pinakataas na bahagi ng lugar na ito. I immediately open the door and the cold breeze and darkness welcome me. How I love the darkness of this place and I find beauty on it. Ang tanging nagbibigay ilaw lang sa lugar na ito ay ang sinag na nanggagaling sa buwan.
Tinahak ko ang nag-iisang upuan na nasa dulong bahagi ng lugar na ito. At agad akong tumayo sa upuan at dinipa nang napakalapad ang mga kamay ko. Gusto kong lasapin ang lamig ng hangin bago ko gawin ang pinakaplano ko.
Para akong tangang nag-aala Rose ng Titanic dito habang nakapikit at mariing dinadama ang kapaligiran. All I hear is the hushing of the wind and my beating heart.
Minutes passed, I decided to open my eyes already. I slowly gaze down from where I am standing, above the chair. Nakikita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang mala-dyamanteng kislap ng mga ilaw ng mga gusali at street lamp sa baba. Kitang-kita ko din ang mga daang-daang tao na naglalakad. Ano kaya ang reaksyon ng mga taong yan pag nangyari na ang plano ko?
I take a deep breath and slowly count to three. At sa pag-abot ko sa huling bilang ay agad akong tumalon.
Nasa bingit na ako ng kamatayan ko. At tila naging mabagal ang takbo ng lahat. Unti-unti ko nang nasisilayan ang kahahantungan ko, kamatayan. At ilang segundo nalang mangyayari na iyon.
Bakit ko ginawa ito? Simpli lang, dahil ayaw kong may ibang taong pumatay sa akin. Walang ibang tao ang puwedeng kumuha ng buhay ko kung hindi ako lang. Ako lang ang may karapatang pumatay, tulad ng pagpatay ko sa lahat ng naging biktima ko. How ironic is it?
Konti nalang at malapit na, malapit na malapit na talaga. At sa pagkawala ko ng isang mala-demonyong ngisi ay siyang saktong pagbagsak ko sa lupa.
I hear a loud thud as my body reached the hard ground. And I slowly close my eyes while uttering my last goodbye.
"I am who I am and I am a Serial Killer"
💣💣💣
A/N:
How was it, guys? How do you find the prologue? Itutuloy ko pa ba ang storya na ito o hindi na? Let me hear your thoughts, then.
Truly Yours,
ZK
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro