Chapter 7
•A SUICIDAL PSYCHOPATH•
Chapter 7
💣💣💣
THIRD PERSON'S POV
"Chief, ito na po ang hinihingi niyong mga detalye tungkol kay Jacinto Buenavista." ani ng isang pulis na nagngangalang PO1 Corpuz.
"Salamat, Corpuz. Ano ang resulta sa lab? May nahanap bang ibang DNA sa lugar?" tanong ng hepe na si SPO3 Crisostomo.
"Tungkol naman doon Chief, wala daw ibang nakitang DNA sa crime scene. Masyadong malinis ang pagkakapatay kay Buenavista." sagot ni Corpuz sa hepe nito.
"Na-check niyo na rin ba ang footage ng CCTV sa hallway ng floor unit?" dagdag na tanong ng hepe.
"Oo, Chief. Ang huling nakita sa CCTV footage ay bandang 9:00pm, tapos naging blanko na ang live streaming hanggang 11:00pm. Nagtaka rin daw ang nagbabantay dahil sa pagkakatanda niya wala namang blankong live streaming nang nag-mo-monitor siya kagabi. Gumana naman daw kagabi ang CCTV sa floor ng unit ni Buenavista," mahabang paliwanag ni PO1 Corpuz.
"Kung ganoon, maaaring hindi live streaming ang nakita kagabi ng nagbabantay? Ibig sabihin nito, may nag-tampered ng video para walang makita ang nagbabantay na kahina-hinala?" saad ni SPO3 Crisostomo.
"Ganoon na nga, Chief. Ang tanong sino naman ang nag-tampered ng video?" pabalik na tanong ni PO1 Corpuz sa kanyang hepe.
"Iyan ang aalamin natin. At imbestigahan niyo rin ang nagbabantay ng CCTV, baka kasabwat siya ng suspek. Ilagay niyo siya sa person of interest," agarang sagot ng hepe.
"Opo, Chief." tugon ni Corpuz.
Tumango ang hepe at minwuestra ang kamay para palabasin sa opisina niya ang tauhan.
Binuklat ni SPO3 Crisostomo ang folder na naglalaman ng mga detalye tungkol sa buhay ni Jacinto Buenavista. Agad nakita ng hepe ang mga paunang impormasyon tungkol kay Buenavista; pangalan, edad, petsa at lugar ng kapanganakan at iba pang personal na detalye.
Inilipat naman ng hepe sa kasunod na pahina ang folder at nakita ang mga kasong naka-ugnay kay Buenavista. Nakita ng hepe ang mga kasong nasangkot si Buenavista dahil sa scam gamit ang iba't-ibang katauhan.
"Isang malaking scammer pala itong si Buenavista," mahinang saad ng hepe.
Inisa-isa ng hepe ang mga kaso ni Buenavista. Halos pare-pareho lang ang modus operandi nito, pero may isang kasong nakakuha ng atensiyon ni SPO3 Crisostomo.
Pinanliitan niya ng mata ang isang bahagi ng papel na naglalaman ng isang pangalan ng tao na pamilyar sa kanya...Roel Dominguez. Agad niyang sinipat ang bahaging iyon ng papel at masinsinang binasa.
Natuklasan ni Crisostomo na magka-ugnay pala sa isa't-isa si Buenavista at Dominguez. Naging magkasabwat pala sa isang big-time scam ang dalawa nitong taon lamang. Si Role Dominguez, ang dating police na naging drug lord na napatay nung nakaraang araw. Dala ng kuryusidad, agad na kinuha ng hepe ang telepono at tinawagan si SPO1 Corpuz.
"Ibigay mo sa'kin ang detalye nang pagkakapatay ni Roel Dominguez." Walang paligoy-ligoy na saad ng ng hepe sa kabilang linya.
"Sige po, Chief." tugon ni Corpuz sa hepe.
Agad na ibinaba ni Crisostomo ang telepono at ibinalik ang atensiyon sa papel na binabasa niya kanina. Agad na nabuo ang isang spekulasiyon sa utak ng hepe. Malaki ang hinala ng hepe na konektado ang pagkakapatay kay Dominguez at Buenavista.
"Maaaring iisa lang ang pumatay sa kanila," bulong ng hepe.
Sa utak ng hepe, kung tama ang hinala niya na iisa lang ang nag-patay sa dalawa ay dapat nilang pagtuunan ito ng pansin. Dahil malaki ang hinala ng hepe na hindi lamang dito matatapos ang kaso at baka may sumunod pang mamatay.
*****
DAVE'S POV
"Kakain na ba kayo, guys?" tanong ni Thea habang palipat-lipat siya ng tingin sa amin.
"Break time na pala. Kaya pala nagrarambol na ang mga alaga ko sa tiyan ko," biro naman ni George habang himas-himas ang tiyan niya.
Naki-ayon naman bigla-bigla ang tiyan ko at kumulo ito nang malakas, "gutom na rin yata ako."
"Hindi yata, Dave. Ang lakas-lakas kaya nang pagkulo ng tiyan mo, sobrang gutom na iyan. Tara na guys, lunch na tayo." giit ni Thea.
Tumango naman ako sa kanya at agad na ring tumayo si George. Tinignan ko naman si Ava at balak ko sana siyang tanungin kung sasabay ba siya sa amin, pero naunahan na ako ni Thea.
"Ava, sabay ka na sa'min." yaya ni Thea sa kanya.
Walang nakuhang sagot si Thea mula kay Ava, bagkus ay nanahimik lang ito. Umiling nalang si Thea at sinenyasan kami na lumabas na. Nauna si George na lumabas, kasunod ni Thea at panghuli ako. Bago pa ako makalabas nang tuluyan ay nilingon ko si Ava at nakitang nakatutok pa rin siya sa screen ng computer niya. Lumabas nalang ako at sumunod sa iba.
"Kaloka talaga iyang si Ava. 'Di ko gets yung ugali niya," pabulong ni Thea sa'min habang nakatakip ang isang kamay sa bibig niya.
"Dati pa naman siyang ganyan, ah? Hindi pa kayo nasanay," walang ka-emosyong sagot naman ni George.
"Akala ko nga magiging close na natin siya dahil sumama siya kahapon." saad ko.
Akala ko talaga mag-iiba na ang pakikitungo ni Ava sa'min, pero mali pala ako. Siguro nga, sinapian lang si Ava kahapon kaya parang iba ang kinikilos niya kahapon. Pero sino'ng niloko ko sa sapi? Na-praning na naman ako.
Sa sobrang pag-iisip, hindi ko na namalayang narating na pala namin ang cafeteria ng building. Agad kaming humanap ng pwesto at nakitang may bakante sa may gitna. Mabilis naming tinungo ang bakante at nag-presenta kami ni George na kami nalang ang bibili ng pananghalian.
Mabilis lang kaming nakabili ni George ng pagkain dahil konti nalang ang nakapila sa may hilera ng pagkain. Matapos kaming makabili ni George ay agad kaming bumalik sa pwesto namin kung saan naghihintay si Thea.
"Kainan na," agad na bulalas ni George nang malapag ang tray na may pagkain.
"Mas gutom ka pa yata kaysa kay Dave, George? Eh diba tiyan ni Dave ang tumunog?" panunukso ni Thea. Hindi na pinansin ni George si Thea at agad na nilantakan ang pagkain niya.
"Dahan-dahan naman, George." saad ko sa kanya. Pero patuloy pa rin ito sa pagkain.
Nagkanya-kanya nalang kami ng kain. Habang patuloy kami sa pagnguya ay biglang naagaw ang pansin ko ng mga nagbulong-bulungan sa katabing mesa. Nakaturo ang isang daliri ng isang babae sa taas na bahagi ng cafeteria kung nasaan ang TV. Kaya agad kong tinignan kung ano ang palabas at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pulis. Dahil sa pagkagulat ay nabitawan ko ang kutsara ko na siyang dahilan para kumalansing ito.
"Okay ka lang, Dave?" kuno't-noong tanong ni Thea. Muntikan pa akong mabilaukan dahil bigla kong nalunok yung pagkain sa bibig ko.
"Ha? Okay lang," tugon ko. Agad ko namang dinampot ang isang basong tubig at mabilisan na ininom ito. Binalik ko naman ang tingin ko sa TV habang hawak-hawak pa rin ang baso na nakalapag na sa mesa.
Napansin siguro ni Thea na nakatutok ako sa TV kaya napadako rin siya dito at napasinghap sa nakita, "ba't nag-fa-flashnews sila ng ganitong oras? Pananghalian kaya ngayon, tapos patayan ang topic. Kadiri."
Nakatutok pa rin ako sa flash news kung saan ini-interview ang isang pulis tungkol sa naganap na krimen kagabi. May pinatay na naman kagabi at sinasaad ng pulis ang mga anggulo na ini-imbestigahan nila.
Nang mabanggit ng pulis ang pangalang Jacinto Buenavista ay biglang napatigil sa pagkain si George. Akala ko mapapadako rin siya ng tingin sa TV pero ikinagulat ko ang ginawa niya...kinuyom niya ang kanyang kaliwang kamao.
Nagtaka ako kung bakit ganito ang reaksiyon ni George at tila nawalan siya ng ganang kumain. Napansin siguro ni George na nakatingin ako sa kamao niya, kaya inilagay niya sa ilalim ng mesa ang kamay niya. Ano'ng problema nitong si George? Bakit bigla-biglang lang nagbago ang mode niya?
*****
A/N:
WAZZUP KOKAK! After 123456789 years, nakapag-update rin sa wakas! Haha. Char! Ito seryoso na, may nagbabasa at nag-aabang pa rin ba ng update ko? Hoho. Almost 2 months na yata akong walang update.
Speaking, dedicated ang update na ito kay Ate Bel tropang_bisaya Siya kasi yung nanghingi sa'kin ng update nung nakaraan. Ate, pasensiya na kung ang tagal ng update. Baka nabagot kana sa kakahintay. Hoho.
Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. May hula na ba kayo kung sino ang pumapatay? Don't hesitate to voice out your thoughts. Yun lang, thank you!
Nagmamahal,
ATENG ZK
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro