Chapter 4
•A SUICIDAL PSYCHOPATH•
Chapter 4
💣💣💣
DAVE'S POV
Kanina ko pa napapansin na may mali sa loob ng opisina. Hindi ko lang matukoy kung ano. Alam mo yung pakiramdam na may mali pero ang pagtukoy nito ay hindi mo magawa. Ewan ko ba!
Pagpasok ko palang kanina sa opisina nakasalubong ko na si Ava na parang pinagsakluban ng mundo. Sanay na akong makitang walang expression ang mukha ni Ava pero kanina parang galit na galit siya. Isang bagay na hindi ko pa nakikita sa kanya simula pa noon. At sigurado akong kung ano man ang dahilan nang ikinagalit niya ay matinding-matindi ito. Sukdulan siguro dahil nasagad talaga si Ava. Pero ano kaya talaga ang nangyari kay Ava?
Si Thea naman pansin kong panay ang ngiti niya. Pero ang ngiti niya ay kakaiba. Hindi ko sigurado kung ngiting masaya o dahil sa iba ang dahilan. Parang may kung ano sa ngiti niya. Nakakaloko. Ngiting-aso. Ngiting parang nasisiraan ng bait. Baka nababaliw na kaya si Thea?
At si George, kanina pa tulala at nakatunganga. Alam ko namang nababagot siya at nagsasawa na sa trabaho namin. Ikaw ba namang nakaharap nalang palagi sa mga kwento at halos makabisado muna ang mga plot ng storya. Kaya naiintindihan ko kung bored na bored na si George. Pero ang pagiging tulala niya ay kakaiba. Parang may kung anong malalim na pinaghuhugutan siya. Ano kayang problema ni George?
Ay ewan! Bakit ko ba pinagpoproblema ang mga ang mga buhay nila. Sarili ko ngang problema hindi ko magawan ng paraan. Sarili kong kagaguhan ay hindi ko magawang pigilan.
Ganyan naman talaga ang buhay, kahit alam mong mali na itinutuloy mo parin. Bakit nga ba? Dahil sa kasiyahan na naidudulot nito sa'yo. At sa kaso ko, sukdulan ang kasiyahan na naibibigay ng maling ginagawa ko. Kung ano man iyon ay tanging ako lang ang nakakaalam at siya.
Lahat ng tao ay may sekreto at maging ako ay mayroon nito. Sekretong tanging ako at siya ang makakapag-desisyon kong itutuloy pa ba namin o hindi na. Pero kung ako ang papipiliin, gusto ko pa.
Sa pag-iisip ko ng mga bagay bagay ay biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko namang sinagot ito. Kahit hindi ko na tignan kung sino ang tumatawag ay alam na alam kong siya.
"Hello." bungad kong sagot sa kabilang linya.
"Mamayang gabi. Pangalawa." tipid pero diretso niyang tugon. At alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya.
"Okay." sagot ko at agad kong pinutol ang tawag. Ayaw ko nang magbitaw pa ng ibang salita. Mahirap na, baka makaalam pa ang iba kong mga kasama.
"Sino iyon Dave?" biglang tanong ni Thea.
"Si Mama, may pinapabili lang." pagmaang-maangan ko sabay ngiti ng peke.
Minsan nakakainis na Ron itong si Thea. Masyadong usisera. Masyadong matabil ang dila. Putulin ko kaya? Pero biro lang. Kaibigan ko naman siya kahit papaano.
"Okay. Sabi mo e," aniya. Parang ayaw pa talagang maniwala.
"Dave, inom tayo mamaya." yaya ni George. Buti natauhan na ang gago. Pero gago parin, nagyaya na nga inuman pa.
"Sige, pero konti lang pare dahil may lalakarin pa ako pagkatapos." sagot ko sa kanya.
"Oy, sama ako d'yan." singit ni Thea.
"Sure. The more the merrier. Eh ikaw, Ava?" Nabigla ako sa tanong ni George. Ni minsan pa kasi hindi sumama si Ava sa amin pag gumigimik kami. Palagi naman namin siyang niyaya pero hindi naman sumasama. Masyado siyang mailap sa amin.
"Okay," mahinang sagot ni Ava sabay tango. Aba himala! Bakit parang andaming first time na ginawa ngayon si Ava?
"Wow! Masaya 'yan! Sure akong masasayahan ka mamaya, Ava." ngiting-ngiti na sabi ni Thea.
Siguro nga magiging masaya mamaya. First time na kumpleto kaming apat. First time na sasama si Ava.
Kinahapunan...
"George, saan naman tayo pupunta? Baka dalhin mo kami sa club na may sumasayaw na mga babae ah! Naku! Magugulpi talaga kita." Kakalabas pa nga namin ng opisina, talak na nang talak itong si Thea. Palibhasa, masyadong excited eh.
"Hindi ah! Maganda yung pagdadalhan ko sa inyo. Believe me, magugustuhan niyo doon guys." kampanting pagmamayabang ni George.
"Siguraduhin mo lang talaga pare. Baka maulit na naman yung dati nung dinala mo kami ni Thea sa Gay Bar. Maalala ko nga 'yun, baka ikaw talaga ang bakla pare eh." kantyaw ko sa kanya at humagalpak ako nang tawa.
Gago talaga itong si George. Dinala ba naman kami ni Thea noon sa isang Gay Bar. Iba talaga ang trip ng gagong ito.
"Haha. Trust me guys. Wag nalang kayong atat. Tignan niyo si Ava oh! Tahimik lang at kalmado." saad ni George habang tinitignan si Ava.
Kabaliktaran sa aming tatlo, tahimik lang si Ava. Walang imik. Walang mura. Walang reklamo. Pero hindi ko alam kong ikakatuwa ko ba ang pagsama ni Ava sa amin ngayon. Para kasing feeling ko iba ang pakay niya. O sadyang ako lang itong nag-iisip ng masama. Masyado na akong praning eh.
Nakasakay na kami ng taxi. Nag-taxi nalang kami para mas mabilis namang mapuntahan yung sinasabi no George. Mga kalahating oras din ang itinagal namin sa kalsada bago narating yung lugar.
Paglabas namin sa taxi ay agad bumungad sa amin ang labas ng lugar na sinasabi ni George. Malaking tabla ng kahoy na may naka-dekorasyon na mga dahon at may nakaukit na PARADISE GARDEN.
Ang Paradise Garden ay nasa medyo elevated na lugar. Pagkapasok namin ay napansin ko kaagad ang pagka-ornamental at classical ng lugar. At ang ambience nito ay tahimik at payapa. Parang nakapagtataka naman na dito kami dinala ni George. Masyadong malayo sa ugali ni George ang ganitong klaseng lugar. Marami pa 'ata akong hindi alam sa kanya.
"Wow! This place is breathtaking." manghang-mangha na saad ni Thea nang naka-pwesto na kami.
At tama si Thea, ang sobrang ganda ng lugar. Nakapwesto kami sa may ledge at mula dito ay tanaw na tanaw namin ang buong syudad. Hindi ko alam may ganito palang paraiso sa mundong puno ng kaguluhan at karahasan.
"Sabi ko sainyo diba? Maganda dito. Magandang mag-unwind at mag-relax," saad ni George.
"Hindi mo naman sinasabi George na may touch of romantic ka pala. Ikaw George ha? Masyado kang malihim." kantyaw ni Thea kay George.
Kahit ako ay hindi makapaniwala. Hindi ko akalain na may ganitong side si George. Ang akala ko nga ay sobrang bitter nitong si George e.
"Hindi naman kasi lahat nang ipinapakita ng isang tao sa labas ay siyang tunay na pagkatao niya. Minsan ay nagtatago lang ang tunay na siya sa likod ng maskara niya." Matalinghagang tugon ni George.
"Pare, ikaw ba talaga yan?" patawa-tawa kong tanong sa kanya. Nakakapanibago lang talaga si George. Ni minsan hindi siya naging ganito. Ano nga kayang nangyari sa kanya?
"Dahil maraming taong mapagpanggap at mapagkunwari para itago ang kahinaan nila." Mahinang singit ni Ava habang nakatanaw sa buong syudad na kitang kita mula dito.
Lahat kami ay natahimik at nabigla. Alam kong lahat kami ay hindi makapaniwala. Si Ava, nagsalita ng mahaba? Si Ava, nagsalita ng matalinhaga? Ang totoo, si Ava ba talaga itong kasama naman o sinasapian siya? Pero ang mas nakakuha sa atensyon ko ay ang mga sinabi niya. Bakit feeling ko may pinaparinggan siya? Ano na naman ba ang iniisip mo Ava? Masyado kang mahiwaga.
❌❌❌
UNEDITED VERSION. EXPECT TYPO AND GRAMMATICAL ERRORS. 😊
A/N:
Wazzup! Wazzup! Kokak! Haha 😂😂
Di, joke lang mga tropa. Ito na seryoso na talaga. Pasensya na if ngayon lang ako nakapag-update. Yung nag-rerequest ng update, ito na po. Sorry na kung saktong 1week Dana pa ako naka-update ulit. Alam niyo na, masyadong busy ang inyong Lola. May anak akong inaalaga. Hihi.
So, ano tingin niyo sa update na ito? Nabigyan ko ba kayo ng linaw o mas lalong gumulo utak niyo? 😂😂😂
Don't hesitate to voice out your opinion guys. And don't forget to vote. Thank you! Mwah! 😘😘
Nagmamahal,
ATENG ZK
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro