Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A STRANGER TO ME


"Ang tanga-tanga mo, Paloma... Bakit mo ba sinagot 'yung gagong iyon?"

Kausap ko ngayon ang sarili ko. Andito ako sa 7'11. Nakaupo roon sa medyo 'di kita na part, kung saan pinagmumugaran ng mga naglalandian. Medyo pinagtitinginan ako ng mga customer. Paki ba nila sa buhay ko?!

"Hahaha! Ayoko na! Siya ang numero uno na ipapatsugi ko sa mga bakla! Fuck you, Devon. Isa kang malaking demonyo. Bwisit ka!" Dinuduro-duro ko pa ang picture niya sa phone ko. Tanging ina!

At sa ikatlong pagkakataon, umiyak na naman ako habang tumatawa. Siguradong pinagtsistsismisan ako ng mga makikitid na mga ulong customer.

May dumaang tatlong babae sa gilid ko, nag-uusap. Pasimpleng tinitignan nila ako at sabay tumatawa. Lakas pang tumigil talaga sa harap ko!

"Did I right heard, girls? She say that name of Devon."

"Right you, girl! Poor her."

"Akala niya ata seseryosohin siya ni Papa Dev'. As if ang ganda niya. Duh!"

Nanlilisik na tinignan ko sila at tumayo. Aakmang aalis sila nang hinablot ko ang mga pugad ng ibon na buhok nila.

"Ouch!"

"Get your hand off me!"

Tumawa ako nang parang baliw. Mali ata ang pinagtsitsismisan nila! May mga ilan sa mga taong bumibili sa 7'11 na napapatingin sa amin pero agad na umiwas nang tinignan ko sila ng sobrang masama. Na tipong papatayin ko sila gamit lang ng mga tingin ko.

"Hoy, mga nene. Unang-una sa lahat, huwag na huwag niyong sasabihin ang pangalan ng panget ng gagong iyon." Nanggigigil na saad ko. "Pangalawa, huwag kayong trying hard na mag-English! Magtagalog na lang kayo kung mali-mali lang naman ang mga grammar niyo! Hindi pa kayo nahiya! Pangatlo, 'wag kayong manlait ng iba kung hindi naman kayo maganda! Bwisit! Mukhang mga clown lang kayo sa perya dahil sa mga make-up na nasa mukha niyo!"

Tumingin ako sa babaeng huling nagsalita kanina. Kita ko sa mga mata niya ang takot sa akin. Nakasuot ito ng sando at ng choker.

"At ikaw!" Turo ko sa babae. "How dare you na laitin ako?! Look at yourself first, beh. Nagmumukha kang espasol sa itsura mo! Do you think that necklace suits you?! Of course not! Mukha ka lang bulldog!"

At sa mga sinabi ko... Tuluyan silang napaiyak. Binitiwan ko ang pagkakahila ko sa mga buhok nila at agad silang tumakbo palabas.

"I think I've crossed the line. Aish!" Sabi ko at umupo muli sa pwesto ko.

Pero sila naman ang nagsimula kaya dapat 'di ako makonsensya! I'm just defending myself!

Frustrated na ginulo ko ang buhok ko. Kinakain ako ng konsensya ko... Pero! Mali rin naman ang ginawa nila... Hindi ba nila alam na "Tsismisan na nila ang may karelasyon, huwag lang ang broken-hearted."

Sino ba si Devon? Siya lang naman ang gago kong boyfriend... este EX- BOYFRIEND. Siya yung tipo na mabait sayo pero yun pala'y gago. Fuckboy... Kanina lang niya ako hiniwalayan sa phone. Oo. Sa letseng phone! Tumawag siya, then poof! Nakipaghiwalay na parang ang dali lang para sa kanya.

I can't believe na pinatulan ko ang mga matatamis niyang salita. Ang tanga ko 'bes.

Napatigil ako sa pag-inom ng slurpee nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalake na nakatayo sa harap ng pwesto ko.

Ngumiti ito sa akin...

Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang pag-hinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo

"M-Miss?" Tawag 'nung lalake. "May tawag ka ata sa phone mo. Pwede bang makiupo?"

Napatango na lang ako at agad na sinagot ang tawag.

"Hoy, gaga! Musta? Tumawag na ba si Devonyo?"

Napakurap ako nang marinig ang boses ni Lizy, my best friend. Nakarinig ako nang mahina na tawa. I looked at the stranger sitting in front of me.

Tinaasan ko siya ng kilay na siyang nagpatigil sa kanya sa pagtawag.

"HOY, PALOMA!"

Napapikit ako ng mariin nang sumigaw si Litzy mula sa phone.

"Ba't ka ba sumigaw?! Tae ka, Liit... Mabibingi pa ako dahil sa 'yo eh." Saad ko. "Ba't ka ba tumawag?"

Tinuktok ko ang mga daliri ko sa mesa at saka kinakamot ang leeg ko kahit hindi makati. It's just my habit. Napapaganito ako tuwing may ibang tao na hindi ko kilala na nasa harap ko o malapit sa akin. I don't know why.

"Ano nga ganap sa boyfriend mo? Nagparamdam na ba?" Tanong ni Litzy.

Tila nawalan ako ng lakas sa sinabi niya. Ngumiti ako ng maliit bago ako nagsalita.

"Ex-boyfriend to be exact. We broke up... through the phone."

Bumalik lahat ng mga alaala ng mga pinagsamahan namin. We've been together for three fucking months. At sa tatlong buwan na 'yon, niloloko na pala ako. Pakshet. Isang linggo rin siyang hindi nagparamdam hanggang tumawag siya kanina. Na sinabi niyang ayaw na niya sa akin at makikipagbreak na siya.

"What?! Sinasabi ko na nga ba eh! Niloloko ka niyan!"

Napakamot ako ulit sa leeg nang napatingin sa akin yung stranger.

"Oo na... Ako na si tanga. Malay ko ba na lolokohin ako ng lalakeng 'yun. Psychic ba ko?"

"Pero... Ba't gano'n?" Tanong niya.

"Anong gano'n?"

"Ba't parang hindi ka nasasaktan? Bakit hindi ka umiiyak?"

Tumawa ako.... Isang mapait na tawa.

"Tapos na... Kanina pa. Nagmukha nga akong takas ng mental hospital kanina, eh. Tama na iyon. Kilala mo ko. Ayaw ko na pag-aaksayahan ko ng oras ang mga taong ayaw naman sa akin."

Nakarinig ako ng palakpak mula sa phone at malakas na tawa. Tinotopak na naman ang gaga.

"Wow. Lumalaki ka na, gaga! I mean not your height, ha. Yung utak mo, gaga." Tumawa ulit ito.

"Coming from you? Huwag ka ngang ano! Parang ang tangkad mo kung magsalita ka. At least ako 5'2, eh ikaw ano?" Asar ko.

I'm already twenty years old. Fresh graduate mula sa kursong accountant. Nagtake naman ako ng CPA at hinihintay na lang ang resulta. Hindi naman akong aasa na tatangkad pa ako 'no. Ayos lang hindi matangkad, at least dyosa!

"Oo na!" At ibinaba na niya ang tawag.

Inilagay ko sa table, katabi ng binili kong chichiriya. Kinuha ko ang slurpee na binili ko at uminom ulit doon.

"So, hi?"

Napaangat ako ng tingin. Ako ba kinakausap nito? Ayoko naman maging feelingera gaya ng pag-assume ko na mahal talaga ako ni Devon.

Napailing ako. Dapat hindi ko na iniisip ang gagong 'yon. Salot lang siya! Salot! Oo... Tama.

"Hey, Miss broken-hearted."

Nanlilisik na mata ko siyang tinignan. Nakita kong ngumiti ito at mukhang pinipigilan ang pagtawa. How dare him na tawagin akong broken-hearted?!

At sa pagkakataong iyon... Alam kong ako 'yung tinatawag ng stranger na 'to.

"Sorry but I'm not found talking to a stranger. Paalala 'yan ng nanay ko." Pairap kong saad.

Tumawa siya. Nakaramdam ako ng pagkislot ng puso ko.

Ano 'yun? It feels like I can't breathe. Kanina rin naramdaman ko 'yon right after na nagtama ang mga mata namin.

"At anong nakakatawa?!" Mataray kong ani habang nakataas ang kaliwang kilay.

Sabi ng mga kumare ng nanay ko na hindi raw bagay sa akin na magtaray. Ang amo kasi ng mukha ko. Parang anghel na bumaba sa lupa. Sadyang OA lang sila. Naiirita nga ako 'nung sinabi nila 'yun eh. Eh, bakit ka naman kinilig noong sinabi iyan ng ex mong gago?

Ngumiti ito na parang nakakaasar.

"Miss, hindi bagay sa 'yo magtaray." Teka, parang ito rin sinabi ni Devon, ah. "Mukha ka kasing gorilla na nakatakas sa zoo."

At muli siyang tumawa na parang bata na tuwang-tuwa habang ako, napasimangot.

"Pake ko? Huwag ka nga feeling close, Kuya." Sabi ko.

"You really amusing. You know what? Nakita ko 'yung eksena mo doon sa mga high school na bata. Ang hard mo ha!" Ani niya. "At naniwala na talaga ako na isa ka ngang baliw na gorilla. Hahahaha!"

"I don't care about you and your opinion, stranger!" I said.

Tila nagitla naman siya sa pagsigaw ko. Kinuha ko ang aking phone at inilagay sa sling bag. Hinablot ko ang binili kong chichiriya't slurpee.

Lilipat na lang ako ng pwesto kaysa makasama ang feeling close na stranger. Kaibigan ko ba siya para asarin niya ako?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad para maghanap ng mauupuan. Nararamdaman ko ang pagtitig sa akin ng stranger na iyon. Paano ko naman na nasabing siya ang nakatingin sa akin? Simple lang. Everytime he looks at me, para akong tinutunaw na hindi makalakad dahil sa nanginginig kong tuhod. Hindi ko rin alam kung bakit ako apektado sa kanya...

Pinagmasdan ko ang paligid. Walang mga bakanteng upuan dahil napuno na ito ng mga magkakabarkada't magkakarelasyon. Padabog akong bumalik sa dati kong pwesto.

"Oh. Bakit ka bumalik?" Nangangasar na tanong ng stranger na 'to.

Umupo ako muli sa inuupuan ko kanina.

"Narealize kong akin ang pwestong 'to kaya ikaw dapat ang umalis. Alis na! Shoo! Shoo!" Taboy ko sa kanya na parang aso.

Nakita kong ngumisi ito ngunit agad ito na napalitan ng tawa. Sa pagkakataong iyon, tumawa na rin ako. Nakalimutan ko nang saglit din ang mga sakit na dinanas ko dahil sa walang hiyang si Devon.

And this is our story... This is where we started.

//

"Hoy, panget. Bakit ka nakabusangot d'yan?"

Ibinigay niya ang ice cream na kanyang inilibre sa akin. Nakasimangot pa rin ako nung kinuha ko iyon.

"Nag-away na naman sila Papa at Mama." Saad ko na may malungkot na tinig.

It's been a two weeks since I met him here in 7'11... Siya 'yung stranger na ang lakas mang-asar sa akin eventhough na kakilala ko lang sa kanya. 'Yung malakas ang loob na tumawa sa akin at laitin ako. Isang linggo na rin simula nang tawagin niya akong panget at tawagin ko siyang taets. He don't know my name so do I! He never ask though... Masarap siyang kasama. Funny and you'll never get bore when he's around. I actually consider him as my first boy friend. Minsan nga pinag-iisipan kong bakla siya, eh. Kaso... You know, hindi ko na itatanggi na gwapo siyang tsonggo.

Suki nga pala siya rito sa 7'11. Tambay kumbaga...

"Hmm..." Tanging saad lang niya.

Dumila muna ako sa ice cream ko bago magsalita. Sabi nila, maganda raw na sabihin mo na lang sa isang stranger ang mga hinanakit mo. Effective raw na pambawas ng sama ng loob. Iyon na lang ang ginawa kong dahilan kaya sinasabi ko lahat ang mga problema ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ang mga iyon sa kanya.

Ang maganda sa kanya ay hindi siya nagsasalita to take some comments about my freaking life. He just listened. Pinapakinggan niya lamang ang lahat ng mga sama ng loob ko. He's like my human diary. Eventhough I have a best friend, it doesn't means that I can tell her all about my life. I've never told her my issues about my family. Minsan talaga, maya mga bagay na sasarilihin mo na lang.

"Kahit halos araw-araw na nag-aaway sila Papa, Mama, hindi pa rin ako immune... Pakiramdam ko nga maghihiwalay na sila. May time nga na sinasabi ni Papa na umalis na raw kami at pumunta sa probinsya but of course I don't want that to happen!"

Tumingin siya sa akin. He's looking at me directly into my eyes. Nakakatunaw. Umiwas ako ng tingin at tumingin na lamang sa magkakaibigang na masayang nag-uusap.

"Idagdag mo pa si Devon-yo... He called last night. Sabi niya bumalik na raw ako sa kanya. Aba, ang gago! Siya pa ang may lakas ng loob na magmakaawa right after na hiniwalayan niya ako at pinagtabuyan!" Sumbong ko.

I look at him again and I found him that he's intensely staring at me. Problema nito?

"You know what? Sa mundong ito, may dalawang klase ng tao. Isa ang nagloloko at ang pangalawa ay nagpapaloko. You're a fool if you accept his proposal for you. Minsan ang mga tao, kung wala na silang makapitan, sa mga taong nasaktan nila't patuloy pa rin silang mahal lalapit. Did you accept his offer?"

Wow.

For the first time since na nagsabi at nagkwento ako ng mga problema ko sa buhay, ngayon lang siya nagcomment. Napailing na lang ako...

"And about your parents, don't stress yourself too much. Hindi 'yan sila maghihiwalay. They love you... Your father loves you. Nasabi lang niya iyon dahil sa frustration..."

"Yeah, tsonggo. I'm not that fool to accept him. Nadala na ako sa pangagago niya sa akin. Once is enough. I don't want to hurt myself twice with that decision, being with him again..."

Tumango ito at ngumiti ng malaki na parang natutuwa. Anong mayro'n sa kanya? Happy lang? Happy? Psh.

"Huwag kang ngumiti. Para kang si Anabelle... Baka mamaya niyan wala ng customer dito dahil natakot sa 'yo." Asar ko sa kanya pero tumawa lang ito.

"Natakot ba sa kagwapuhan ko? Sus! Huwag silang matakot. Free namang tumitig sa 'kin. Huwag nga lang sobra, baka mainlove lang sila sa 'kin." Mahangin na saad niya.

"Hangin mo, boy! Baka mamaya niyan magkaroon pa ng bagyong signal #5 dahil sa kahanginan mo. Psh. Self-conceited."

Tumawa lang siya sa sinabi ko. Nagulat ako nang tumayo siya at inilahad ang kanang kamay niya sa akin.

"Ano trip mo?" Taka kong tanong.

"I'll bring you somewhere. Doon ako madalas tumambay kung hindi rito. I'm surely that you'll like it." Sabi niya at bigla na lang hinila ako patayo at palabas ng 7'11.

Hindi man lang niya ako hinayaang magdesisyon kung oo o hindi. Kahit magaan ang loob ko sa kanya't close na kami, hindi ko pa rin maiwasang mangamba. Uso pa naman ang mga krimeng ganito.

Just trust this monkey, Paloma. Trust him...

//

Tinignan ko ang paligid. I was amazed by the view outside this little tree house...

"Ang ganda..." Ang tanging nasabi ko.

"Sabi na nga magugustuhan mo 'to." Sabi niya.

Umupo siya sa sofa at nakade-kwatro ang upo. Hinawakan niya ang kanyang baba at tinignan ako. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Nasa bandang bintana ang pwesto ko.

"Hmm..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Anong kagaguhang 'to? "Alam mo ikaw lang talaga panget ang nagpapasira ng ganda nito."

Wala pang sampung segundo na nakarating ako sa harap niya at aambahan sana ng suntok ngunit hinawakan niya ako sa ulo kung kaya't hindi ko siya mabigyan ng suntok.

"Arrrggh!" Hiyaw ko.

Pabagsak na umupo ako sa sofa habang nakahalikpkip. Tinitignan ko pa rin siya ng masama. Masamang-masama.

"By the way... You know what? It's been two years since I owned this cute tree house. Binili ko agad ito pati yung lupang kinatatayuan nitong tree house nung nalaman kong ipapagiba't ipapaputol ng may ari ito. Luma na rin kasi itong tree house. Pinaayos ko na lang ito't nilagyan ng mga appliances. Kung kaya't makikita mo talagang malaking bakanteng lote lang ito. Nagdedesign palang kasi ako ng ipapatayo kong bahay rito."

I've forgot to tell that he's an architect. Three years gap kami... I'm only twenty years old, graduating pa lang, and he's twenty-three years old na. I've seen his works at hindi ko maiipagkaila na magaling siya kaso hindi ko na sinabi. Baka lumaki pa ang ulo.

"Oh. 'Yung pinakita mong sketch ng bahay sa akin kahapon ang ipapatayo mo?" Tanong ko.

"Yes. At gusto mo update about the girl I like? I'll give you my clues."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napaayos ako ng upo. I'm really curious kung sino iyong babaeng gusto niya.

"I've realized that I love her. Natawa nga ako kahapon nang narealize ko kung ano nga nararamdaman ko." Saad niya.

Bakit biglang sumakit 'yung puso ko? Shit! Nagkaheart burn ulit ata ako.

Umubo ako at lumunok ng ilang beses. Ngumisi ako sa kanya.

"I told you. Sabi ko na nga na mahal mo na siya eh!" Komento ko.

Ngumiti naman siya. I saw some sparks in his eyes. Ganoon ba siya nahulog sa babaeng tinutukoy niya?

"She has the same age of yours. Nananapak siya kung naiinis. She likes pizza, burger, and ice cream. Payatot nga eh. Hindi kasi kumakain ng healthy. Tsk! Gustong-gusto nga niya ang mga stuff toy pero hindi stuff bear. Masyado kasing cliché and common. And... I have a plan to court her."

Napatulala ako sa hu--- I mean 'yung sinabi niya pero agad ding nakarecover.

"Wow!" I exclaimed. "So, balak mo palang ligawan... Paano na 'yan? Mukha ka pa namang tsonggo. 'La kang pag-asa, dude. Mwahahahaha!"

"Anong walang pag-asa? Mukha ngang gusto niya ako, eh. Sadyang slow lang para malaman na gusto niya ang gwapong ako." Nakangisi niyang saad.

Tumingin siya sa mga mata ko. Ngayon ko lang na napansing ang ganda pala ng mga mata niya.

"And that girl... You really know her."

Sa aking pag-iisa

Alaala ka
Bakit hanggang ngayon
Ay ikaw pa rin sinta
'At sa hatinggabi
Sa pagtulog mo

Hanap mo ba ako
Hanggang sa paggising mo
Kailanman ika'y inibig ng tunay
'Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin
Na iyong pinadama
Pintig ng puso 'wag mong ITAGOOO!

Napapikit ako nang marinig ang pagsigaw este pagkanta ng bahay na malapit dito. Narinig kong tumawa siya. Naramdaman kong ginulo niya ang buhok ko.

Nakaramdam ako muli ng pagkislot ng aking puso. Kailangan ko na atang magpacheck-up sa doktor. Letse.

"Kilala mo ba 'yung bumibirit ngayon?" Tanong ko.

"Hahaha! Oo... One of my close neighbour."

"Ano ulit 'yung sinabi mo kanina? Hindi ko masyadong maintindihan." Sabi ko.

And that girl... You really know her. I really heard it kaso hindi ko alam kung bakit ako nagbibingi-bingihan... Kilala ko siya? Then sino?

"Wala... Isang beses ko nga lang sasabihin, eh. Bleh!"

Psh. Isip-bata. Mas mukha pang mature pag-uugali ko kaysa sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Aalis na ko." Saad ko. "Bye."

Lalakad na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Magkita tayo bukas dito ulit. Hihintayin kita, Paloma." Sabi niya ngunit hindi ko narinig ang huling salita na kanyang sinabi.

"Okay..." Sabi ko at umalis na sa tree house.

KINABUKASAN...

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng tree house. It's already three o'clock in the afternoon.

Pumasok ako nang mabuksan ko ang pinto. Lumingon ako sa paligid. No sign of tsonggo...

"Hmm..." I said.

Pumunta ako sa may maliit na cabinet. Sa ibabaw nun ay may mga picture frame. Kinuha ko ang isa sa mga ito.

"Hala, ang cute." Ngiting saad ko.

May isang lalake na hawak ang kamay ng isang maliit na babae. They're both child. Mukhang si tsonggo ang lalake sa litrato.

"Hey."

Naramdaman ko ang mainit na hininga sa bandang batok ko. Nakaramdam ako ng mabigat na nakapatong sa ulo ko. Muntik ko pang mabitawan ang picture frame dahil sa gulat.

Ibinalik ko ang litrato at humarap ako sa taong nanggulat sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

Damn. We're too close.

"Andito ka na pala." Saad ko.

I tried to act normal. Tinanggal ko ang pagakakapatong ng kamay niya sa ulo ko at saka tinignan siya ng masama.

Hindi ito sumagot at sa halip ay ngumiti lang ito't pumunta sa sofa para umupo.

"May problema ka?" Nag-aalala kong tanong.

Umiling ito at nagsenyas na umupo ako sa tabi niya. Lumapit ako sa pwesto niya at umupo.

"Eh bakit ang tamlay mo?" Tanong ko ulit. Inilapat ko sa noo niya ang palad ko at saka sa leeg din niya para malaman kung siya'y may lagnat. Nakita kong namumula ang mga tenga niya.

"Wala akong sakit, panget."

"Eh? Bakit namumula tenga mo? Kinagat ka ba ng bubuyog?"

"Dami mong tanong. Reporter ka na pala, panget ah... Wala 'yan. Mainit lang talaga."

"Wews. Utot mo blue."

Inirapan ko siya dahil wala akong nakuhang matinong sagot mula sa kanya. Naghari ang katahimikan nang sa loob ng ilang minuto.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko't kinuha ko ang kaliwang kamay niya at tinitignan iyon. Ba't ang init ng kamay niya?

"Ang laki naman ng kamay mo." Nakasimangot kong ani.

"Malamang matangkad ako, eh ikaw? Ehem. No comment." Sabi niya at tumawa ng mahina.

"Nga pala panget, ano ba sasabihin mo sa akin?"

Tinignan ko siya. There's something wrong with him. Hindi ko makita ang sigla niya sa kanyang mga mata.

"Baka 'di tayo magkita bukas... Aalis kasi ako." Sagot niya.

Bakit pakiramdam ko mawawala siya ng matagal at hindi lang bukas? Why did I felt that he will be gone... from me?

Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siya na isang maliit na susi.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Susi. Itago mo 'yan at ingatan na mabuti. Susi 'yan ng tree house natin. Pwede kang pumunta rito anytime..."

Kumunot ang noo ko.

"And... Sana hintayin mo ko."

//

"Ma'am, here's your change."

Matapos kong makuha ang sukli ko, pumunta ako sa pwesto kung saan lagi kami nakaupo. Nakaramdam muli ako ng pagsakit ng aking puso nang hindi ko pa rin siya makita.

Huwag kang umiyak. Compose yourself, Paloma. Baka bukas and'yan na siya.

It's been a month. Isang buwan nang hindi na nagpapakita siya. After our last meet up sa tree house, kinabukasan nun gaya ng sabi niya, hindi ko siya nakita. Pero mali pala.... Hindi siya mawawala ng isang araw kundi isang buwan.

Sa loob ng isang buwan, I realized many things. One of it was I realized that he is special to me. Na mahal ko na pala siya. Kahit sa saglit na mga panahon at oras na nakasama ko siya, I've been loving him. At ngayon, nahihintay sa kanya... Sa muli niyang pagbalik.

I can't find him. Madali lang sana siya mahanap at makontak kung alam ko 'yung pangalan niya. He is still a stranger for me. Kahit nagshare kami ng memories and parte ng mga buhay namin, hindi ko mapapagkaila na hindi ko pa talaga siya kilala.

Kinuha ko ang phone ko at pumunta sa may gallery.

"I miss him."

Napabuntong-hininga ako. Ngumiti ako ng maliit nang makita ang mga selfie naming dalawa. I miss his smile, his jokes, and I really miss him.

"Ma'am, may nagpapabigay po. Pakinggan niyo raw." Nakangiting saad ni kuya cashier.

Kinuha ko naman ang cassette recorder na may nakasalpak na earphones. Bago umalis si kuya cashier, may inilagay siyang tissue.

Anong pakulo 'to?

Inilagay ko ang earphones sa tenga ko. Fuck. This is making me nervous.

Nanginginig na pinindot ko 'yung cassette recorder.

"Ehem... Hi, panget."

Tila may sumaksak sa puso ko na dahilan kung bakit gusto lumabas ang mga luha ko. Si tsonggo 'to! I'm pretty sure na boses niya iyon!

"Naalala mo ba? Naalala mo ba 'yung una nating pagkikita? Naalala kong ilang beses kang umiyak at parang tanga na kinakausap ang sarili dahil sa pag-iwan ng gago mong ex. Hindi mo alam na naroon lang ako sa tabi. Nakatingin sa 'yo. Actually, it was not the first time I saw you.

Naalala kong una kitang nakita rito sa 7'11 na umiiyak din. Mga alas-otso na iyon ng gabi. Tahimik kang umiiyak sa pwesto kung saan ka lagi umuupo. I've found out that it is because of your parents. You don't know how much I want to hug you. Gusto kong sabihin na magiging ayos lang ang lahat... na andito lang ako sa tabi mo't 'di ka iiwan. Isang taon na ang nakakalipas nang una kitang makita. Funny. Naging dakila mo kong stalker. Hindi mo alam kung gaano kong kagusto na sapakin ang Devon na iyon nang sinagot mo siya. I want to kill him because he stole my girl.

But, that guy broke up with you. Doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita at kulitin ka sa mga araw na iyon. Sa bawat araw na nagkikita't nagsasama tayo, hindi moa lam kung paano ako mahulog nang paulit-ulit sa iyo.

I know that I've been gone for a month. Umalis kasi ako nang bansa nang malaman na ipapaarrange marriage ako. But, buti na lang at nagawan ko ng paraan. Isang babae lang ang nakikita kong gusto kong pakasalan. Do you remember the girl I love? Ikaw iyon. Masyado ka lang manhid para maramdaman iyon.

I'm sorry and I love you, Paloma..."

Punas ako nang punas ng mga luha ko gamit ang tissue. Ito pala ang gamit nito. Kilala niya ako!

Nakarinig ako ng pagtunog ng gitara.

Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
'Di mo ba pansin?

Narinig ko ang isang malamig na tinig. Bumilis ang pagtibok ng puso ko.

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo

Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
Tayo ay iisa

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo

Nakita ko siyang lumabas mula sa isang sulok. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. Tinignan niya ako sa mga mata.

Unos sa buhay natin
'Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituin

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo

Ikaw at ako
Tayo'y pinagtagpo
Ikaw at ako
'Di na muling magkakalayo

Tumigil na siya nang nasa harap ko na siya.

"I really love you, Paloma. Mahal na mahal kita, panget." Saad niya.

Hindi ko magawang magsalita. Patuloy pa rin ang aking pagluha...

"I am Gaven Galleros... Your one and only tsonggo. I really miss you, panget..." Ani niya.

Kinuha niya ang kamay ko at tinignan ako.

"Paloma Salazar, can you be my girl?"

Pumikit ako ng mariin at lalo akong umiyak. Dahan-dahan akong tumango.

Naramdaman ko ang pagtayo sa niya sa akin.

At sa mga oras na iyon, naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga labi sa akin.

I am Paloma and I've never thought that this stranger will be my forever.

Miss Red <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro