Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9

Nakatitig ako sa glass wall ng restaurant at agad nakaramdam ng kakaibang bigat sa dibdib ko nang mapansin ang ngiti ni Damon sa babae. Hindi ko kilala ang babae. Dahil paniguradong hindi iyon ang babaeng pumunta sa opisina noong nakaraan. Hinawakan ng babae ang kamay ni Damon na nasa lamesa at ngumiti rito ng nakakaakit.

Napalunok ako at agad na nag-iwas ng tingin. Baka… may personal meeting siya na hindi ko alam dahil kadalasan naman ng meeting niya na para sa kumpanya ay alam ko dahil ako ang sekretarya niya. Baka ito ay para lang talaga sa personal na bagay? Pero gaano kapersonal? Kaya ba siya nagmamadaling umalis kanina?

Huminga ako nang malalim bago umalis doon. Naghanap na lang ako ng malapit na grocery store. Mukhang malayo ang palengke rito. Okay naman din siguro kahit sa grocery store at hindi muna sa palengke.

Inabala ko ang sarili ko sa pamimili ng mga rekado sa lulutuin ko. May budget naman ako kaya hindi na rin ako namahalan nang sobra sa mga pinamili ko. Pagkatapos bumili ay umuwi na ako. Napatingin muli ako sa restaurant na nadaanan ko kanina kung saan ko nakita si Damon na may kasamang babae. Wala na sila roon, probably doing some wonders already? Umuwi na siguro para roon ituloy ang ‘pinag-uusapan’ nila.

Hindi ko alam kung bakit ganito kabigat ang nararamdaman ko. Hindi naman dapat ganito, ‘di ba? Ako ang may balak ditong paibigin siya, hindi dapat ako ang unang nahuhulog dito!

Umuwi ako sa condo na mabigat ang loob. Nagluto at kumain. Tinapos ko na rin ang ibang dapat ayusin bago natulog.

Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para maghanda sa pagpasok sa trabaho. Hindi na gano’n kalayo ang mansyon ni Damon sa condo kaya naman wala pang 30 minutes ay nakarating na agad ako roon. Binati ako ng guard at ibang kasambahay na nasa gate. Pumasok ako at dumiretso na sa kuwarto niya. Tulog pa siya nang abutan ko. Ginising ko na siya pero mukhang puyat at pagod pa siya umungol at nagbago lang ng puwesto kaya iniwan ko muna siya saglit para bumaba dahil maaga pa naman din.

“Dito po ba talaga palaging umuuwi si Mr. Silvano?” tanong ko sa Mayordoma na madalas ko na ring kakuwentuhan dito. Mabait siya at palakuwento kaya hindi ako naboboring kapag naghihintay kay Mr. Silvano matapos sa pag-aayos niya.

Umiling ito. “Narito lang ‘yan dahil wala rito ang mommy niya. Kapag narito iyon ay naroon siya sa condo niya tumutuloy,” tumango ako roon. Nasabi nga ni Damon na nasa ibang bansa ang mommy niya. Siguro ay hindi pa ito tapos sa bakasyon niya. “Lagi siyang narito kapag wala ang mommy niya dahil ayaw ng mommy niya na wala ang may-ari sa mismong bahay nila. Wala naman siyang magawa dahil ayaw niyang nagtatampo ang mommy niya sa kaniya.”

Napangiti ako roon. “Mama’s boy po pala siya,”

“I’m not.” Napabaling kami pareho ng mayordoma sa nagsalita.

“Gising ka na pala, Damon. Nagpapahanda pa ako ng almusal n’yo.” Tumango si Damon sa mayordoma bago bumaling sa akin.

Napanguso ako at umiwas ng tingin. Naaalala pa rin ang nakita ko kagabi. Nakaupo ako sa high stool sa kusina habang tinitingnan ang ilang kasambahay na abala sa pagluluto. Mukhang na-pressure sila nang marinig ang boses ni Damon at mas lalong pinagbubutihan ang hindi pagkakamali sa pagluluto.

“Why are you here?” tanong niya nang pumwesto siya sa gilid ko. Nakatayo lang siya roon pero matangkad pa rin siya. Siguro ay nasa 6’2 or 6’3 ang height niya kaya kahit na nakaupo ako sa high stool.

“Kasi… sekretarya mo ‘ko?” takang tanong ko pero hindi siya nilingon.

He chuckled and shook his head. “I mean, why are you not in my room? You’re supposed to be there to wake me up,” sambit niya habang ang isang kamay ay nakapatong sa marble counter table.

“Maaga pa naman para gisingiin ka kasi napaaga ang dating ko. Medyo malapit lang din pala kasi ang condo rito. At… wala rin naman akong aayusin dahil wala ka namang inuwing papeles noong isang araw.” Sagot ko nang hindi man lang siya binabalingan.

“Well? Is there any problem?” tanong niya pa sa mababang boses. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Alam kong kahit busy ang mga kasambahay ay naririnig nila ang usapan namin.

Napatingin ako sa wall clock na meron sa kusina. Alas sais y media na pala.

“Mag-asikaso ka na, baka ma-late ka.” Saad ko upang iwasan ang tanong niyang iyon. Wala namang problema. Ako lang ‘ata itong bini-big deal ang nakita kagabi.

“Uh-huh?”

Umalis na ako roon at pumunta sa kuwarto niya upang ihanda ang susuotin niya. Alam kong nakasunod siya sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Dumiretso ako sa walk-in closet niya at pumili ng susuotin niya para sa trabaho. Pagbaling ko sa pintuan ay naroon siya sa hamba at nakasandal habang pinagmamasdan ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

“Do we have a problem?” he asked, confused.

Umiling ako, “wala naman, sir.”

Umingos siya sa sinabi ko. “Sir, huh?” aniya at tinanggal ang pagkakahalukipkip ng braso.

“Male-late ka kung…”

“Why are you suddenly being so distant? Did I do something wrong?” tanong niya na inilingan ko lang.

“Wala naman,”

“Why do I feel like you’re mad at me because I did something you didn’t like?” he said calmly. Pero dinig ko pa rin ang medyo pang-aasar niya.

Kunot-noo akong bumaling ulit sa kaniya. Hindi naman kasi dapat talaga big deal ito! Bakit nga ba ako nagmumukmok bigla?

“Wala nga. Nag… Nag-iisip lang ako ng iluluto ko mamayang hapunan,” palusot ko. Tumaas ang kilay niya roon.

“Oh, right. Ipagluluto mo nga pala ako. Bakit hindi ngayon?” kita ko ang kislap ng tuwa sa mga mata niya nang sabihin niya ‘yon.

Napanguso ako sa sinabi niya. “Wala nang oras. Male-late ka kapag nagluto pa ako. Anong oras na, oh.”

Nakapatong na ngayon ang siko niya sa isa niyang braso at pinaglalaruan ang kaniyang labi. Nag-iisip. A moment of silence then he spoke what’s on his mind afterwards.

“Cook me dinner later. In your condo.” Tumango na lang ako sa sinabi niya.

“Pero… hindi pa kasi ako nakakapamalengke kaya… wala pang rekado.” Alanganin kong sambit.

Tumango siya. “We’ll buy later. After work.” Aniya bago ako tinalikuran para maligo na sa banyo.

Huminga ako nang malalim at umupo sa couch na naroon. Kinalma ko ang sarili. Hindi p’wedeng palagi akong ganito. Masyado niyang mahahalata!

Nang makalma ko na ang sarili ko ay bumalik na ako sa dapat kong gagawin, inayos ko ang susuotin niya. Black slacks, black suit, light blue long sleeve, and navy blue necktie. Iyon ang pinili ko para sa kaniya bago inihanda ang black leather shoes niya at medyas. Pagkatapos no’n ay nakangiti akong bumabang muli para tingnan kung ayos na ang agahan dahil wala na rin naman akong aayusin sa kuwarto ni Damon.

“Alam mo bang ikaw lang ang sekretarya niyang nakasabay niya sa agahan?” Napabaling ako kay Nessa, isa sa mga close ko nang kasambahay rito, kunot-noo ko siyang tiningnan dahil hindi ko siya gets.

“Hindi ba… halos lahat ng naging sekretarya niya ay nakasabay niya sa pagkain? Agahan?” tanong ko sa naguguluhang tono. “Iyon ang sabi niya sa akin,”

Umiling ito. “Hindi, dito sa mansyon, wala siyang inaayang sekretarya o empleyado sa hapag dahil natuto siya sa tatay niya na ang empleyado ay empleyado, hindi mo sila p’wedeng makasabay ‘araw-araw’ sa pagkain sa iisang hapag. Kapag may okasyon, saka lang nakikihalubilo si sir sa mga empleyado. Pero mabait naman siya, kahit minsan ay malupit at masungit. Kaya nagulat kami na halos araw-araw ikaw ang kasabay niya sa hapag. Kaya noong una akala ko ay may something sa inyo, pero feeling ko wala, e. Sayang.” Naiiling niyang sambit sa huling salita.

Totoo ba ito? Ang sabi niya sa akin lagi siyang nakikipag-agahan sa mga naging sekretarya niya noon, pero ano itong sinasabi ni Nessa?

“Saka… ang alam ko ay ayaw niya sa babaeng secretary. Kaya mas nakakagulat na babae ka at ikaw ang sekretarya niya.” Natawa siya sa huli pero hindi na ako makangiti.

Hindi naman siguro ako kilala ni Mr. Silvano, hindi ba? Hindi ko siya kilala mula noon, kailan ko lang siya nakita at nakilala. Kung hindi dahil sa trabahong ito ay hindi ko siya makikilala. Pamilyar ang apelyido niya pero baka dahil marami naman ding may apelyido no’n ay hindi na rin nakapagtataka.

Hindi naman niya siguro alam na… ipinadala ako ni Ma’am Berry sa kompanya niya para gawan siya ng masama?

Huminga ako nang malalim at tipid na lang na nginitian ang kaharap.

“Siguro ay dahil… hindi naman ako gaya ng mga naging sekretarya niya noon?” pampalubag loob ko.

Nagkibit-balikat siya, “siguro rin. Mabait ka naman at masipag. Hindi gaya ng mga naging sekretarya niya noon na maaarte!” aniya na ikinatango ko na lang.

Ilang minuto lang din ako roon dahil umakyat na ako nang maalalang baka tapos na si Mr. Silvano sa pagligo.

Sakto nga at pagbukas ko ng pinto ng kaniyang kuwarto ay siyang paglabas niya ng walk-in closet. Nagbobotones na siya ng kaniyang polo nang maabutan ko. Napatagal ‘ata ang tambay ko sa kusina. Nag-angat siya ng tingin sa akin at napansin niya ang titig ko sa kaniya.

“Can you tell me my schedule for today?” aniya bago lumakad papunta sa kaniyang kama para kunin ang cellphone niya.

Kinuha ko naman ang iPad na nasa coffee table para tingnan ang schedule niya. Doon nakalagay lahat ng mga impormasyong kailangan namin sa trabaho. Habang tinatapos niya ang pagbibihis ay sinasabi ko naman sa kaniya ang lahat ng schedule niya ngayong araw. Hindi naman na rin siya nagkomento dahil ang iba roon ay para sana kahapon na hindi niya sinipot at ni-reschedule na lang ngayong araw.

Pagkatapos no’n ay bumaba na kami para mag-almusal. Habang kumakain tuloy ay hindi ko na maalis sa isip ko ang sinabi ni Nessa sa akin kanina. Ipinilig ko ang ulo at naalala naman ang nakita kagabi. Hindi ko na dapat iyon iniisip. Ang importante dapat dito ay ang maisagawa ko ang trabaho ko nang hindi nabubuking.

Pumasok kami sa kompanya na parang normal lang. Normal naman talaga? Wala namang kakaiba, bukod sa kung ano man itong nararamdaman kong sikip sa dibdib sa nakita kagabi at sa kaba nang marinig ang sinabi ni Nessa kanina. Ako lang talaga ang may problema.

Naging abala sa mga rescheduled meeting si Damon, maging ako ay naging abala rin dahil marami akong kailangang basahing papeles para mamaya ay sasabihin ko na lang kay Damon ang nilalaman para aprubahan iyon.

“Pasok po kayo, ma’am. Mr. Silvano’s already waiting for you po,” sambit ko sa matandang CEO ng isang kompanya na kararating lang.

“Pasensya na at medyo na-traffic,” anito na nginitian ko lang. Binuksan ko ang pinto para sa kaniya.

“Sir, Mr. Angeles of Alpha Group of Companies is already here.” Imporma ko nang buksan ang pinto. Nag-angat ng ulo si Damon at agad nagtama ang paningin namin. Lumipat ang mga mata niya sa matanda bago tumayo.

“Mr. Angeles, pleasure to see you again.”

Ang matanda ay maganang tumawa.

“I told you, Mr. Silvano, I’ll get an appointment again for our business and also para na rin mailakad ko ang anak kong si Wendy sa ‘yo.” Tumingin muli sa akin si Damon kaya mabilis akong napaiwas ang tingin.

“I’ll serve a drinks,” saad ko.

“Oh, I’m fine with just brewed coffee,” sambit ng matanda.

“Ikaw, Mr. Silvano?” madilim at matigas na ekpresyon lang ang ibinigay niya sa akin matapos ko siyang tanungin.

“I’m fine,”

Tumango ako at lumabas na ng opisina. Nagtimpla ako ng kapeng para kay Mr. Angeles at hindi na dinalhan si Mr. Silvano. Kapag sinabi niyang ‘I’m fine’ wala siyang gusto. Iyon lang iyon.

Matapos no’n ay pumasok ulit ako sa loob para ibigay ang kape ni Mr. Angeles.

“Maraming salamat, hija.” Aniya nang ilapag ko ang kape.

Palabas na sana ako ng opisina nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Angeles.

“If you marry my daughter, you can broaden your company. Your expertise. And everything…”

Hindi ko na tinuloy ang pakikinig at lumabas na lang opisina nang tuluyan.

Hindi ba’t may nakatakda na sa kaniyang ipakasal? Bakit ipagkakasundo pa siya sa iba? Hindi pa ba naisasapubliko ang engagement nila no’ng babaeng pumunta rito? Yunnice, hindi ba? Hindi pa ba alam ng matandang Angeles na ikakasal na rin sa susunod si Damon? Kaya nga ako narito dahil doon. Para patigilin ang kasal kung sakali. Para hindi matuloy ang lahat.

Papayag kaya si Damon?

Mayaman iyon. Paniguradong maganda at sopistikada. Siguradong may natapos at may propesyon. Siguradong may maipagmamalaki. Hindi lang sa yaman ng pamilya kung ‘di pati na rin sa talino at narating sa buhay.

Wala akong laban sa mga ipinagkakasundo sa kaniya kaya paniguradong… kahit simulan ko na ang pang-aakit ay hindi pa rin ako ang pipiliin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro