CHAPTER 7
“Is that how you greet your fiancee?” mataray na tanong ng babae.
Hindi ko na naitago ang panlalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. Simula nang makaapak ako rito sa kumpanya ni Mr. Silvano ay hindi ko pa nakita ang fiancee nito. Ni hindi ko alam ang mukha dahil wala siyang picture sa opisina ni Mr. Silvano. Kaya nakakagulat na bigla na lamang itong susulpot dito nang walang pasabi.
Mukha pa siyang arogante.
“You came here unannounced, what do you want me to do? Be fucking surprised that you’re here?” masungit na saad ni Mr. Silvano dahilan ng bahagyang pagkapahiya ng babae. Tumingin siya sa akin kaya napatingin din sa akin si Mr. Silvano.
“I was calling you! I was texting you but you never replied to me! Why are you doing this to me, Damon? Can’t you accept the fact that we’re already engaged and you’re about to marry me soon?” she bantered that made the guy mad even more.
Tumunog ang elevator at bumukas. Malalaki ang hakbang na lumabas si Mr. Silvano. Ang mga nasa lobby ng palapag ay nagulat sa agresibong paglalakad ni Mr. Silvano kasunod ang babaeng halos takbuhin ang distansya nila. Gano’n din ang ginawa ko dahil baka pagalitan ako ni Mr. Silvano.
“Damon! Talk to me! Don’t ignore me!” marahas na bumaling si Mr. Silvano rito dahilan ng pagtigil naming dalawa. Nasa tapat na kami ng opisina ni Mr. Silvano.
“Uh… Ma’am, Mr. Silvano is kind of bus—”
“I don’t fucking care about what you say! Sino ka ba?!” malakas niyang hinampas ang braso kong nakaharang sa pagitan nila ni Mr. Silvano.
Napaigik ako sa sakit ng pagkakahampas niya sa braso ko. Nakita iyon ni Mr. Silvano kaya naman humakbang ito palapit at hinawakan ang braso kong hinampas ng babae. Tiningnan niya iyon. Nang mag-angat ako ng tingin kay Mr. Silvano ay nagtama ang tingin namin. Ipinakita ko sa kaniya ang kahinaan ko dahil sa ginawa ng babae sa akin.
“What the hell is your problem?! You don’t have the right to hurt my secretary! Kahit sino sa mga empleyado ko hindi mo p’wedeng saktan lang!” galit na sigaw nito sa babae nang ibaba niya ang braso ko.
“I just want to talk to you! Nangingialam kasi siya. Bakit kailangan niyang humarang-harang?! I am your fiancee not just some hoe following you!” sigaw niya habang nakaturo ang daliri sa akin. Tumingin pa siya sa akin na parang nandidiri.
Gusto ko siyang sawayin o irapan pero dahil fiancee siya ni Mr. Silvano, wala naman akong magagawa. Kita ko ang pagbuntong-hininga ni Mr. Silvano sa ginawa at sinasabi ng babae. Na para bang sawang-sawa na siya sa ginagawa nito. Nauubos ang pasensyang tumingin dito.
“Ikaw, kilalanin mo kung sino ang hinaharangan mo!” sigaw niya sa akin.
“Mr. Silvano don’t want to talk to you, ma’am.” Marespetong sambit ko.
“Aba at sumasagot ka pa!” akmang hahampasin o sasampalin na naman niya ako nang harangan siya ni Mr. Silvano.
“I fucking told you not to hurt my secretary,” mababa ngunit nakakatakot na sambit ni Mr. Silvano.
I bit my lower lip. Tumitingin na ang ibang empleyado sa amin dahil sa komusyong nangyayari. I’m not used to this. But I remembered that this is my mission: ang pag-awayin o lagyan ng lamat ang relasyon nilang dalawa upang maakit ko si Mr. Silvano.
“What? Mas papaboran mo ‘yang sekretary mong ‘yan kaysa sa akin na fiancee mo? She’s just a mere secretary!” she bantered angrily.
“That’s the reason why I don’t fucking want to marry you. Hindi ko kakayaning magpakasal sa babaeng ganiyan ang ugali!” nagulat ang babae habang nakatitig sa lalaking nasa harap niya ngayon.
I bit my lower lip and took the chance to hold Mr. Silvano’s hand to stop him from shouting. Napansin ko ang gulat niya sa ginawa ko dahil natigilan siya at bahagyang naestatwa sa kinatatayuan. Huminga ako nang malalim. Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang noo sa ginawa ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay naming magkahawak, gano’n din ang babae. Gulat siyang nakatitig doon.
“T-Tama na, sir.” Saad ko habang hawak pa rin ang kamay niya. Dahil hawak ko ang kamay niya ay naramdaman ko ang pagkalma niya.
“What the fuck are you doing? Why are you holding his hand?” hindi makapaniwalang tanong ng babae. Nakatitig pa rin siya sa kamay naming dalawa ni Mr. Silvano dahilan upang bitawan ko iyon. Hindi naman din umangal na si Mr. Silvano.
“Leave now, Yunnice.” Sa mababang tono ay utos nito sa babae.
I saw how her face contorted with anger. She glared at me before looking at Mr. Silvano again.
“Hindi ito ang huling beses na pupunta ako rito. I don’t care if you don’t like me, Damon. I will make sure you fall for me any time soon. At wala ka ring magagawa sa engagement natin. Our parents has the final decision about it.” Aniya sa isang pinal na boses pero napawi iyon nang may kung anong nakita sa mukha ni Mr. Silvano. Hindi ko na alam kung ano ang ekspresyon nito dahil nakatalikod siya sa akin.
“Your parents doesn’t have the final decision, I have. My mother will just let me decide. At wala akong pakialam kung magalit ka o i-pull out n’yo ang share n’yo sa kompanya ko. I don’t fucking want to marry a woman as evil as you.” Anito sa isang madilim na boses. Maging ako ay kinilabutan sa boses nito.
The woman glared at him, seething in anger. “Hindi ka makakaalis sa relasyong ito!” sigaw niya bago tumalikod at lumakad palayo ng opisina ni Mr. Silvano. At kahit na pinagtitinginan siya ay hindi siya nagpatinag at dire-diretsong naglakad papunta sa elevator.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi at agad na tinamaan ng hiya dahil sa ginawa kong paghawak sa kamay ni Mr. Silvano. Kita ko ang pag-igting ng panga ni Mr. Silvano at ang pag-iling niya. Bumaling siya sa akin bago nagpasyang pumasok sa loob ng kaniyang opisina. Ako naman ay sumunod sa kaniya at sinabi sa kaniya ang schedule niya para sa araw na ‘yon. Hindi ako makatingin sa kaniya habang nagsasalita ako sa harap niya dahil nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina. Ginawa ko ‘yon para mainis lalo ang fiancee niya at para na rin sana magkaroon ng progress ang plano ko pero hindi pa rin maaalis sa akin ang hiya dahil hindi ko naman iyon madalas gawin. Hindi ako ganito ka-walang hiya pagdating sa ganitong bagay.
Pero kailangan kong gawin ito dahil ito ang pinili kong trabaho.
“Napag-isipan mo na ba ang offer ko?” doon ako napatingin sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin at matiim ang tinging ibinibigay sa akin.
Napalunok ako bago nagsalita, “uhm…” napag-isipan ko na ito kagabi pero parang mas nakakahiya kung ngayon ko sasabihin pagkatapos ng ginawa ko, ‘di ba?
“Hmm? What’s your decision?” he asked again, this time all of his attention was all on me. “Well, you can still decide until this Friday. So that if you agree I will process everything by then.” Aniya na ikinatango ko.
“P-Pumapayag na po ako,” sagot ko nang walang pag-aalinlangan kahit na kabado pa rin.
Tumango siya. Ang ngisi ay hindi na itinago. “Okay, thanks for your quick decision.”
Pinabalik na niya ako sa trabaho kaya naman iyon ang ginawa ko. Pero habang bakante pa ay sinubukan ko nang aralin ang laki ng perang pumapasok sa kumpanya dahil dumadaan din naman sa akin ang files na pinapadala ng finance department at budget team para ipapirma kay Mr. Silvano.
Halos malula ako sa laki no’n at sa dami. Mula sa investments hanggang sa sariling kita ng mismong kumpanya. Sa isang buwan ay mahigit bilyon na ang kinikita. Kaya pala ganito kagusto ni Madam Berry na nakawan ang kumpanya ni Mr. Silvano. Pero… makakaalis kaya ako rito pagkatapos kong makakuha ng malaking pera nang hindi nahuhuli ni Mr. Silvano o kahit ng legal team niya? Mukhang kailangan ko nang ihanda ang sarili ko?
Tinapos ko ang pagtingin sa mga confidential files na nasa akin bago dinala kay Mr. Silvano para papirmahan. Last week ay nakilala ko na kung sino ang sinasabi ni Madam Berry na tutulong sa akin sa pagkuha ng access para makakuha ng pera at mai-transfer sa account na ibinigay sa akin ni Madam. Nagulat pa ako nang makita siya dahil hindi ko naman inasahan iyon. Pero mabuti na rin para kumportable akong kumilos kasama siya sa trabahong ito.
“Sir, ito na po ang mga files na kailangan n’yong basahin at pirmahan for approval. Nandito na rin po ang mga payslip ng mga empleyado na pipirmahan n’yo.” Saad ko at inilapag sa mesa niya ang mga ‘yon. Malapit na kasi ang sahod kaya kailangan na ito.
Tumango siya pero hindi ako binigyan ng tingin at nagpatuloy lang sa pagtingin sa kaniyang laptop. Akmang aalis na ako sa harap niya nang magsalita siya na ikinatigil ko.
“Do you want a big condo unit?” napatingin ako sa kaniya dahil sa tanong niyang iyon.
“Po?”
“A big condo unit for you, do you want it?” ulit niya.
“Uhm… baka po masyadong malaki para sa isang tao lang na titira.” Saad ko.
Tumango siya, “okay. Hahanap ako ng sakto lang para sa ‘yo. Hindi malaki at hindi rin maliit. Is it okay for you?”
Ang kapal naman ng mukha kong mag-demand pa sa kaniya ng gusto kong sukat ng bahay. Ako na nga itong ginagawan ng pabor no’ng tao.
“Uhm… ayos na po ‘yon sa akin, sir.” Sagot ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.
“Okay, clear or cancel all my schedule for tomorrow. I found a good unit for you. Just near my house and here.” Aniya bago bumaling sa akin.
“Dalawang meeting lang po ang meron kayo bukas, sir. Isa sa umaga with Mr. Claro at isa sa hapon kay Mrs. Quiambao for her project proposal.” Sambit ko dahil sayang naman kung ica-cancel niya ang mga ‘yon dahil dalawa lang.
“Reschedule it the next day. Tell them I have an urgent meeting tomorrow. I can’t meet them. And… pack your things tonight because you will move out of your apartment tomorrow. Pupunta ako sa apartment mo bukas. 9AM sharp.” Aniya sa nag-uutos na boses.
Natutop ko ang bibig at tumango na lamang dahil wala naman akong magagawa sa sinabi niya.
Kaya wala akong nagawa kung ‘di mag-email talaga sa mga ka-meeting ni Mr. Silvano bukas. Dalawa lang naman ‘yon pero mahirap pa rin magpaliwanag kung biglaang desisyon ang gagawing pag-cancel ng meeting. Wala naman talaga akong magagawa kung ‘di ang sumunod dahil amo ko siya.
Nang mag-alas sais ng gabi ay ganon ulit ang ginawa niya. Inihatid niya ako sa apartment ko na hindi naman na dapat. Nagpasalamat ako sa kaniya bago bumaba ng kaniyang sasakyan. Before I get off from his car I saw how he surveyed the whole place, my neighbors, and some people who were drinking loudly outside their house. Miyerkules ngayon, siguro ay mga bale sa trabaho kaya nag-iinom. I got to used by it—in this environment. May ganito rin naman sa probinsya pero bibihira dahil ang mas priority ng karamihan doon ay ang pangkain ng mga pamilya nila. Pero sa bandang lugar nina Carley ay madalas ang may nag-iinuman dahil nasa bayan na sila, mas maraming tao.
Dumiretso ako sa apartment ko at napabuntong hininga dahil sa kailangan kong iayos ang mga gamit kong inayos ko rin noong nakaraan. Hindi ko kasi inaasahan na may paganito si Mr. Silvano.
Naghubad ako ng sapatos at hindi pa man nakakaupo ay tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe. Tinanggal ko ang pagka-silent mode niyon dahil wala namang meeting maghapon si sir. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang si Mr. Silvano ang nag-text sa akin.
Bakit siya nag-tetext?
He doesn’t text me. Ang huli niyang text sa akin ay noong inutusan niya ako sa kabilang kumpanya at tinanong kung nasaan na ako. Ngayon pa lang ulit siya nag-text sa akin.
Binuksan ko iyon at binasa.
From: Mr. Silvano
Susunduin kita bukas sa apartment mo before 9AM. I will hire a truck to get things there.
Mabilis akong nagtipa ng reply sa kaniya.
To: Mr. Silvano
Naku, h’wag na po sir mag-hire ng truck. Wala naman din po akong masyadong gamit dito. Ang mga gamit po na narito ay pag-aari ng landlord. Iilang maleta lang po ang meron ako.
Dahil alam ko rin namang hindi ako tatagal dito. And I should make a step now. Well? I’ve already made a step earlier this morning, right? Gagawin ko nang daan iyon. Mas mabuti pa lang dumating ang fiancee ni Mr. Silvano.
From: Mr. Silvano
Alright, sa kotse ko na lang ‘yon.
Nagpasalamat ako bago nagpahinga saglit. Nagluto ako ng hapunan. Nang matapos ako sa pagluluto at pagkain ay sinimulan ko na rin ang pag-aayos ng gamit ko. Nagtira na lang din ako ng damit na gagamitin ko bukas. Ang mga labahin ko ay inalagay ko sa may kalakihang bag na dala ko dahil hindi pa ako nakakapaglaba ng iba kong damit.
Kinausap ko na rin ang landlord tungkol sa pag-alis ko.
“Bakit? Ayaw mo ba sa apartment na napunta sa ‘yo?” tanong niya sa akin. Nahiya ako bigla.
“Hindi naman po—”
“May iba pang bakante sa third floor. Dalawa pa iyon, baka gusto mong mamili at doon ka na lang.” Aniya na ikinailing ko. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.
“Hindi na ho. May… ibinigay po kasing condo unit ang company sa akin. Dahil sekretarya po ako sa kumpanya kaya nai-offer sa akin. Lagi raw pong gano’n sa mga secretary kaya… doon po ako lilipat. Pasensya na po.” Natahimik niya at tumingin sa pader na tila kinakalkula ang mga sinabi ko. “Gusto ko po rito dahil komportable ako. Pero mas malapit po kasi ang condo unit na ibibigay sa akin sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho.”
Sa mga sinabi kong iyon ay wala na rin siyang nagawa. Binabalak niya pa sanang ibalik ang perang ini-advance payment ni Madam Berry pero nagastos na niya sa tatay niyang may sakit at nasa hospital ngayon. Hindi ko na rin naman ipinilit dahil naiintindihan ko at iisipin ko na lang na hindi naman din siguro gano’n kahalaga kay Madam Berry ang maliit na halagang iyon na ibinayad niya.
Pagkatapos no’n ay nagpahinga na ako para maaga ring magising bukas dahil hindi pa naman lahat ng gamit ko ay naiayos ko. Ang mga kaldero at iba pang gamit ay lilinisan ko pa.
Kaya naman alas sais pa lang nag-aayos na ako ng mga gamit ko. Nakahanda na iyon. Pati ang mga kalderong nilinisan ko ay nasa isang malaking eco bag din na nabili ko sa grocery noong isang linggo. Saktong tapos na akong mag-ayos ng sarili ko nang may kumatok sa pinto.
“Teka lang!” sigaw ko bago pumunta roon at pagbuksan ang kumakatok.
Nakita ko agad ang gwapong mukha ni Mr. Silvano. Nakaitim lang siyang t-shirt na pinatungan niya ng jacket at pinaresan ng black jeans at sapatos. Simple lang ang suot niya pero nag-uumapaw ang karisma at kagwapuhan. Kahit ano ‘atang isuot nito ay bagay sa kaniya dahil maganda ang hitsura niya.
“Ah… good morning, sir.” Bati ko sa nahihiyang boses dahil napatagal ‘ata ang pagtitig ko sa kaniya.
“Good morning,” sagot niya. “Can I have a favor?” tumango ako sa kaniya. “Can you please just call me Damon if we’re alone? Or even outside work.” Aniya na ikinabigla ko.
“P-Po? Bakit naman po? Boss kita kaya dapat natural na tawagin kita ng pormal,”
Napangisi siya. “Hindi naman siguro mahirap tawagin ako sa pangalan ko?”
Umiling ako. “H-Hindi naman… Damon,” saad ko sa nahihiyang boses.
Ito ang unang beses na tinawag ko siya sa pangalan niya at bakit parang ang sarap bigkasin palagi ng pangalan niya?
“Such a music to my ears,” bulong niya bago tuluyang pumasok sa aking apartment. Naiwan naman ako sa pintuan nang nakatulala sa narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro