Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"UY, CUPCAKES! PARA sa amin ba 'yan?" Biglang sinilip ni Claire ang paper bag ko na nasa desk.

Taranta ko tuloy na naitago sa tabi ko. "Ay, hindi. Para 'to kay Sir Gavin saka sa anak niya, sorry."

"Ahh... ... para kay Sir Gavin. Kami, wala?"

"Sorry, Claire. Ipagbe-bake ko na lang kayo next time."

Tiningnan niya lang ako. Yung tingin niya, parang may hinihintay pa siya na sabihin ko,, e. Hindi ko na tuloy siya maharap nang maayos. Tumutok na lang ulit ako rito sa laptop.

Akala ko nga babalik na siya sa desk niya, pero humila pa talaga siya ng upuan para tabihan ako. "Ano'ng' meron sa inyo ni Sir Gavin?"

Napapigil ako ng ngiti.

Dahil sa nangyari kahapon, expected ko na talaga na iha-hot seat niya ako nang ganito.

"Nanliligaw ba siya sa 'yo?" Sumunod niya pang tanong.

"Hindi, ah," sagot ko agad.

"E bakit pinag-bake mo siya saka si Sage? Customer mo rin ba siya?"

"Hindi naman. Bayad ko 'yon kay Sir Gavin. Hinatid niya kasi ako nung isang araw dahil malakas ang ulan. Muntik akong ma-stranded sa bahay nila nung nag-deliver ako ng cake. Kaya 'yang cupcakes ang pa-thank you ko."

"Ahh..."

Natatawa ako kasi parang hindi naman siya naniniwala sa 'kin.

"Akala ko may something sa inyo, e," dagdag niya pa. "Hinintay ka pa niya kasi talaga kahapon."

"Oo nga, e. Nakakahiya nga."

"Pero crush mo siya?"

"H-ha?" Nagugulat ako sa mga tanungan nitong si Claire.

"Sabi ko, kung crush mo siya."

Hindi ako sumagot, pero sa loob-loob ko, sino ba namang hindi magkaka-crush kay Gavin? Gwapo na at mabait pa. Saka funny guy pa.

"Kung sabagay," patuloy ni Claire. "Halos lahat naman ng mga babaeng staff natin dito, crush si Sir Gavin. Kahit ako naging crush ko dati 'yon nung bago pa lang ako, e. Ang friendly niya kasi, 'di ba? Tapos palagi pang mabango. Nakakapanghina talaga 'yung mga lalaking mababango, e."

Napangiti na lang ako.

Tama siya ro'n. Ang bango-bango talaga ni Gavin. Kaya nga kanina, ginamit ko na 'yong libreng perfume ko rito sa Rioscents para naman pumantay ako sa bango niya.

"Pero ano ngang meron sa inyo?" Hindi pa rin pala tapos sa pag-i-interrogate 'tong si Claire.

"Wala nga," sagot ko ulit. "'Thank You' token ko lang talaga 'tong cupcakes kasi tinulungan niya ako at mabait siya sa 'kin."

"So mamaya, magkikita ulit kayo?"

Napapigil ako ng ngiti. "Uhm, oo. Kasi ibibigay ko 'tong cupcakes. Pupuntahan niya raw ako rito."

"Sana all pinupuntahan."

Natawa ako sa kanya. Second day ko pa lang ngayon pero ang gaan na ng loob ko rito kay Claire. Mas matanda siya sa 'kin pero feeling ko magka-edad lang kami kasi ang kalog niya.

"Sayang," patuloy niya, "lilipat na ako sa bagong branch next week. Hindi ko na tuloy masusubaybayan ang love story niyo ni Sir Gavin."

Nanlaki ang mga mata ko. "Uy, walang ganyan. Walang love story."

"Naku, Jenny. Trust me, I can feel it. Type ka ni Sir Gavin."

"Hindi mangyayari 'yan."

"Pustahan pa tayo?"

Hindi na ako sumagot, nagpipigil lang ako ng ngiti.

Nakakakilig isipin 'yon, pero alam ko naman na malabo talaga akong maging type ni Gavin. Mayaman siya, gwapo, at successful. Magkaiba ang mundo namin. Siguro natutuwa lang siya sa mga bine-bake ko o baka dahil favorite ako ng mama niya.

Bago mag-alas kwatro ng hapon, pumunta muna ako sa CR para mag-ayos kasi baka maya-maya lang ay dumating na rin si Gavin.

Wala naman talaga akong masyadong aayusin sa sarili ko kasi hindi naman ako nagme-makeup. Okay na ako sa lip at cheek tint para lang magkakulay ang mukha ko. Ang putla ko kasi. Sabi ng sister-in-law ko na best friend ko rin, 'yong pagkaputi ko raw, para akong naliligo sa gatas.

'Tong buhok ko naman, palagi lang naka-ponytail. Sa bahay lang ako naglulugay ng buhok. Naiirita kasi ako kapag may nakaharang sa leeg ko.

Nag-spray lang din ako ng pabango, tapos lumabas na ulit para bumalik sa desk.

Sakto, nakita ko na ang sasakyan ni Gavin na pumarada sa tapat ng Rioscents.

Biglang kumabog ang dibdib ko sa pinaghalong kaba at excitement kasi makikita ko na ulit siya. Hindi nga ako tumitingin kay Claire kasi alam kong aasarin niya na naman ako.

Pumasok na si Sir Gavin, pero kunwari hindi ko muna siya nakita. Nagbusy-busy-han ako rito sa laptop kahit na ang totoo e naglalaro lang naman ako ng Solitaire.

"Good afternoon, Sir Gavin!" Si Claire ang unang bumati.

Binati rin siya ni Gavin bago ito dumeretso sa desk ko. Lalo tuloy bumilis ang pagtibok ng dibdib ko kasi talagang lumapit pa siya sa 'kin.

"Hi," sabi niya.

Inangat ko agad ang tingin ko sa kanya at ngumiti. "Hello!" Tapos pinakita ko 'tong paper bag. "Dala ko na ang cupcakes."

Ngumiti rin siya sa 'kin. "Magpapakita lang ako saglit kay Vanessa, tapos alis na tayo."

"O-okay po." Nautal pa ako, kasi naman 'yung pagkakasabi niya, parang may pupuntahan talaga kami. E ang alam ko, ibibigay ko lang naman 'tong cupcakes.

Napatingin tuloy ako kay Claire.

Nakangisi siya sa 'kin at tumataas-baba pa ang mga kilay.

Ngumuso na lang ako para magpigil ng ngiti. Itong si Claire sobrang obvious naman, e. Hindi na nga ako nagre-react, pero parang siya pa 'tong mas kinikilig.

Eksaktong 4 PM ulit kami umalis ni Gavin.

May pupuntahan daw kaming malapit na park kasi gusto niya na raw tikman 'yong binake kong cupcakes. May ni-ready pala siyang gano'ng plano, hindi ko alam.

Pagkasakay niya sa driver's seat, natigilan na lang ako kasi bigla niyang nilapit ang mukha niya sa bandang balikat ko.

Napapigil tuloy ako ng hininga. "B-bakit?"

"Your perfume smells familiar."

"Aah, ang bango, 'no?" Inamoy ko rin ang manggas nitong suot kong blouse. "Ikaw yata ang gumawa nitong perfume na 'to. Bigay 'to sa 'kin doon sa Rioscents."

"I see. Kaya pala pamilyar. That's one of my favorite scents."

"Talaga? Ako, lahat ng binebenta naming perfumes sa Rioscents, gusto ko. Ang galing mo nga. Ikaw lang ang kakilala kong fragrance chemist."

"Ikaw lang din naman ang kakilala kong baker . . . magandang baker."

Napangiti ako sabay harap agad sa bintana para hindi niya mahalatang kinilig ako. Ewan ko kung ganito ba talaga siya magsalita sa lahat ng babae.

Nag-drive na siya pagkatapos at dumeretso na kami sa park.

Ang ganda rito! Feeling ko tuloy nag-date kami kasi ang romantic ng dating nitong park. Nakakatuwang isipin na dahil lang sa paghatid niya sa 'kin pauwi ng isang beses, nag-umpisa na rin kaming maging malapit sa isa't isa.

May times nga lang na nakaka-conscious pa rin. Katulad ngayon na tinabihan niya ako rito sa wooden bench. Parang masyado siyang malapit sa 'kin.

Amoy na amoy ko ulit tuloy ang bango niya. Kada araw, mas lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Partida galing pa siya sa trabaho ngayon, pero ang fresh at neat niya pa rin.

"Where are my cupcakes?" Siya na ang unang nagtanong.

Nilabas ko naman agad galing sa paper bag at binigay sa kanya. "Ten cupcakes 'yan, tig-lima kayo ni Sage. 'Wag mong uubusin lahat."

Natawa siya sabay binuksan na ang box.

Chocolate cupcakes ang binake ko na may Cookie Monster design.

"These are too cute to eat," sabi niya.

"Okay lang ba? Sorry, hindi ko kasi alam kung ano'ng gusto mong design, kaya inisip ko na lang si Sage."

"No problem. Kahit kulay pink pa 'to, kakainin ko pa rin." Kumuha siya ng dalawang cupcakes para tig-isa kami.

Hindi ko naman muna kinain ang akin. Hinintay kong siya ang maunang tumikim.

Pagkakagat niya, titig na titig lang ako sa kanya kasi hihintay ko kung ano'ng magiging reaksyon niya sa binake ko. "Masarap?"

Ninamnam niya muna, tapos ngumiti siya sa 'kin. "It's delicious."

Napahinga ako nang maluwag. "Talaga?"

"Mm-hmm. Wala pa naman akong natikman na hindi masarap sa mga binake mo."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Lahat ng mga cake na ginagawa mo para kay Mama, tinitikman ko."

Hindi ko napigilang hindi mapangiti. Nakakatuwa, akala ko kasi dati, hindi niya pinapansin ang mga dine-deliver kong cakes. 'Yon pala, kinakain niya rin.

"Buti mahilig ka rin sa matamis." Inumpisahan ko nang kainin ang cupcake ko.

Tumango naman siya sabay kagat din sa cupcake niya. Kitang-kita ko na nagustuhan niya talaga ang binake ko.

"Baka maubos lahat 'yan, a," biro ko. "Tirhan mo si Sage kasi nag-promise rin ako sa kanya."

"He'll definitely love these. Mas mahilig sa matamis 'yong batang 'yon kaysa sa 'kin. I can't wait to give these to him later."

"Nasaan ba siya ngayon?"

"Kasama na ang lolo't lola niya. Pero ihahatid ulit siya sa 'kin mamayang gabi. I told him to stay with me for now because I already miss him."

Napangiti ako. "Sobrang close niyong mag-daddy. Napapansin ko kapag nagde-deliver ako ng cakes sa bahay ng parents mo, tapos nando'n din kayo ni Sage, palagi kayong naglalaro."

"Yeah, I like spending quality time with him. Simula no'ng nakuha ko siya, sa kanya ko na talaga pinaikot ang mundo ko—sa kanya at sa trabaho ko. I want to give him the world."

"Mukhang naibibigay mo naman. Ang galing mo nga, napapalaki mo siya nang maayos. Magalang siya at mabait na bata. Good job ka ro'n."

Natawa siya. "Thank you. That's a compliment for a single father like me."

"Ang hirap sigurong maging solo parent?"

"Mahirap talaga. Ang kulit pa naman ng anak ko."

"Parang hindi naman siya makulit."

"If you only knew. Tumitigas na rin ang ulo n'on saka may mga bagay na siyang gusto na hindi ko na naiintindihan. Ewan ko kung dahil ba tumatanda na siya o ako 'tong tumatanda at hindi na nakakasabay. Nevertheless, I still love my son so much. He's my life."

Muli akong napangiti.

Isa ito sa mga hinahangaan ko sa kanya, e. Kung paano siya sa anak niya. Hindi ko pa siya ganoon kakilala pero ramdam kong responsable siyang tatay. Hindi lahat ng lalaki kayang maging ganito.

"Uhm, kung hindi mo pala mamasamain," sabi ko, "nasaan ang mama ni Sage?"

Bigla siyang napahinto sa pagkain ng cupcake, pero hindi siya nagsalita.

"Okay lang kung ayaw mong sagutin," dagdag ko na lang agad. "Baka hindi ka komportable."

"No, it's okay. I get that question a lot. At isa lang din ang palagi kong sinasagot. I don't know where that woman is now. In hell, maybe."

Nagulat ako sa huling sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung anong ire-react.

Tiningnan niya na lang naman ulit ako sabay ngumiti nang tipid. "Let's not talk about her. She's not worth wasting time on."

"O-okay, sorry."

"It's fine." Muli niya akong nginitian, tapos kumain na ulit siya ng cupcake.

Medyo na-feel bad ako na tinanong ko 'yon. Nag-iba kasi ang tono ng pananalita niya, e. Bigla siyang naging seryoso. Doon pa lang, alam ko nang hindi maganda ang nangyari sa kanila ng mama ni Sage.

"Baka maubos ko na 'tong mga cupcake," bigla niya namang sabi para siguro ibahin na ang usapan.

Napangiti na lang ako kasi hindi ko rin namalayan na nakaka-tatlong cupcakes na pala siya.

"Oo nga," sabi ko. "Kawawa naman si Sage kapag hindi mo tinirhan."

Tumingin siya nang deretso sa 'kin. "You should bake for me again."

"Oo ba! Ano'ng gusto mo?"

"Anything strawberry."

"Ah, mahilig ka pala sa gano'n. Sige, gagawan kita ng strawberry shortcake. Isa 'yon sa specialties ko."

"I'll pay you."

"Hindi na. Libre ko na 'yon."

Natawa siya. "Jenny, hindi mo ako pwedeng ilibre sa lahat ng oras. Paano kung palagi na rin akong o-order sa 'yo? That's not a good way to run a business."

"Ay sorry naman Sir, ah," biro ko. "Maliit na bagay lang naman kasi 'yon."

Natawa siya ulit. "I will pay. Consider me as your new regular customer."

"Sige na nga. Bibigyan pala kita ng business card ko para tawagan mo ako kapag may order ka." Nagbukas ako ng bag para kumuha ng business card sa wallet, tapos binigay ko sa kanya.

Tiningnan niya muna ang nakasulat. "Jenny Zamora. Jenny lang ba talaga ang pangalan mo?"

"Oo. Bakit, akala mo Jennifer?"

Napangiti siya sabay umiling-iling, tapos tinago na sa wallet niya ang business card ko.

"'Yong strawberry shortcake mo pala, rush order ba 'yon?" tanong ko sa kanya.

"No. Whenever you're free."

"Ah, sige. Next week ko na lang ide-deliver sa 'yo. Busy kasi ako this weekend. May sinalihan akong bazaar, e."

"What bazaar?"

"Food and gift bazaar malapit sa 'min. Nag-register kasi ako. Magtatayo ako ng booth para magbenta ng cake slices at cupcakes."

"That's interesting. Can I drop by?"

"Naku, 'wag na. Nando'n din kasi ang kuya ko at asawa niya para tumulong sa 'kin."

"Ano naman kung nando'n sila?"

"Uhm, wala lang. Nahihiya ako."

"But I want to support you."

Ngumiti lang ako, hindi na ako sumagot.

"Please?" dagdag niya naman.

Huminga ako nang malalim. "Pag-iisipan ko muna. Nahihiya talaga ako sa 'yo, e."

"Okay. I'll give you some time to think about it." Tumingin siya sa relos niya pagkatapos. "Jenny . . ."

"Hmm?"

"Can I invite you for dinner tonight?"

Bigla akong napatuwid ng upo. "Dinner? Tonight agad?"

"Yes, but only if you're available."

"Uhm, hindi ako nakapagpaalam kay Mama, pero magte-text na lang ako." Naglabas ako ng cellphone.

"Bakit, may curfew ka ba?"

Natawa ako. "Parang gano'n na nga."

"Don't worry, I'll drive you home. Let's go?" Tumayo na agad siya.

Medyo nabibigla ako sa mga nangyayari, pero pumayag na rin ako kasi sayang 'yong chance na makikilala ko pa siya lalo.

• • •

ALAS-NUEVE NA KAMI natapos mag-dinner ni Gavin.

Napahaba ang kwentuhan kaya hindi na namin namalayan ang oras. Nag-alala nga si Gavin kasi baka raw pagalitan ako ng mama ko, kaya hinatid niya na agad ako pauwi.

Hindi naman talaga nagagalit si Mama. Mag-aalala lang din 'yon kasi biglaan ang lakad ko. Biglaan pero masaya.

Naging sobrang komportable na ako kay Gavin. Kung noong unang araw, parang may butterflies in my stomach pa ako, ngayon, feeling ko matagal ko na siyang kakilala kasi ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya.

Kumain pala kami sa isang Chinese restaurant. Medyo nahiya lang ako kasi halatang mayayaman ang mga kumakain sa loob. Ayos na ayos talaga ang mga itsura nila, e. Samantalang ako, naka-simpleng blouse at pencil skirt lang.

Pero kahit na gano'n, hindi pinaramdam sa 'kin ni Gavin na iba ako sa mundo niya. Todo alalay talaga siya sa 'kin para maging komportable ako. Napaka-gentleman. Saka napansin ko na kahit sa mga waiter, ang bait-bait niya pa ring makipag-usap.

Masarap 'yung food na pinili niya para sa 'kin. Siya na kasi ang pinapili ko dahil nahiya akong magturo. Ang mamahal ng pagkain, e. Siomai pa lang, 700 pesos na.

Ang dami ko pa rin palang bagay na nalaman tungkol kay Gavin dahil sa haba ng kwentuhan namin.

Sinabi niya na pamilya niya ang may-ari ng kumpanya na pinagtatrabahuan niya. Nagpo-provide lang daw siya ng services para sa Rioscents. Meron silang laboratories dito sa Pilipinas saka sa States kaya madalas siyang pumupunta roon.

Noong pinakikinggan ko nga siyang magkwento, napapaisip ako kung paanong ang yaman-yaman niya pero ang humble at ang bait niya pa rin. Saka napapaisip din ako kung bakit wala pa siyang girlfriend, samantalang almost perfect na siya.

"Is that your mom?" Bigla niyang tinuro ang bahay namin pagkaliko namin sa street.

"Ah, oo, si Mama 'yan. 'Wag ka nang lumabas ng kotse, ah."

Natawa siya. "Bakit ba parang tinatago mo ako?"

"Hindi naman. Kinukwento kasi kita kay Mama, e. Baka mamaya bigla niya tayong biruin."

"Bakit mo ako kinukwento sa kanya?"

"Wala lang." Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. "Sinasabi ko lang na mabait ka sa 'kin."

"I see." Huminto na siya sa tapat ng gate.

Akala ko nga hindi na siya bababa kasi sinabihan ko siyang wag na, pero bigla na lang siyang nagtanggal ng seatbelt at lumabas ng kotse.

"Uy, Gavin!"

Hindi niya ako pinakinggan. Umikot agad siya papunta sa 'kin para pagbuksan ako ng pinto.

Pagkababa ko, saka niya binati si Mama. "Good evening, Ma'am."

"Magandang gabi rin," sagot ng mama ko.

"I'm sorry, Jenny came home a bit late. I invited her for dinner."

Doon napangiti si Mama. "Maraming salamat sa paghatid sa anak ko."

"My pleasure."

Sobrang galang talaga nitong si Gavin. Saka natuwa ako na humarap pa talaga siya kay Mama para lang mag-sorry kasi ginabi ako ng uwi.

Nagpasalamat na lang din ako sa kanya at nagpaalam.

"Ingat ka sa pag-drive," sabi ko. "'Yong cupcakes, baka makalimutan mong ibigay kay Sage."

"No, I won't." Ngumiti siya nang matamis sa 'kin bago siya muling nagsalita. "Good night, Jenny. Thanks for today."

Ngumiti rin ako. "Good night din."

Sumakay na ulit siya sa kotse pagkatapos. Kumaway pa muna siya sa 'kin bago siya tuluyang nag-drive paalis.

Ramdam ko na nakatingin sa 'kin si Mama kaya tumalikod na agad ako at patay-malisyang pumasok sa loob ng bahay.

"Anak, bakit parang ang saya-saya mo naman masyado?" Nakasunod pala siya sa 'kin.

Kunwari na lang nagkunot ako ng noo. "Huh? Hindi, ah."

"Anong hindi, e 'yang ngiti mo abot na riyan sa tainga mo."

Hindi na ako sumagot, pero sa loob-loob ko, natatawa ako kasi nahuli pala ako ni Mama. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan ang saya ko dahil sa mga nangyari ngayong gabi.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom.

Si Mama, nakasunod pa rin sa 'kin. "Jenny, 'wag masyadong mahuhulog, ha? May anak na 'yon, baka masaktan ka sa huli."

Halos mapaubo ako habang umiinom ng tubig. "Mama naman, ang advance mong mag-isip. Anong mahuhulog? Happy crush lang 'yong si Sir Gavin."

"Happy crush lang talaga?"

"Oo nga po. Saka sobrang yaman n'on. Wala rin naman akong pag-asa kaya happy crush lang."

Nakatingin lang si Mama sa 'kin na para bang hindi siya naniniwala.

Natawa na lang ako, tapos humalik na sa pisngi niya. "O sige na po, magpapalit lang ako ng damit, tapos nood na tayo ng TV."

Umakyat na ako sa kwarto ko sa itaas. May sinusubaybayan kasi kaming K-Drama ni Mama saka ng mga tita ko. Wala na pala akong Papa. Puro babae lang kami rito sa bahay, at ang panonood ng TV ang bonding namin.

Bandang 10 o' clock, natapos na kami sa panonood at bumalik na ako sa kwarto para matulog.

Sakto no'n, biglang nag-ring ang phone ko na iniwanan ko kasi naka-charge. Napatakbo ako para tingnan kung sino'ng tumatawag.

Si Gavin pala!

Taranta kong sinagot iyon. "Hello?"

"Hey."

Ang gwapo ng boses niya sa phone. Napangiti tuloy ako sabay sandal rito sa salamin sa cabinet. "Hi. Kanina ka pa ba tumatawag?"

"Medyo. Akala ko mali 'tong number sa business card mo kasi walang sumasagot."

"Sorry, sorry! Nanood kasi ako ng TV kasama sina Mama. Nakauwi ka na ba?"

"Yes. Naibigay ko na rin kay Sage 'yong cupcakes. Ubos niya na nga."

"N-naubos na niya lahat 'yon?"

Natawa siya sa kabilang linya. "I told you he's more into sweets. Tinatanong niya nga kung kailan ka raw ulit magbe-bake."

"Nakakatuwa naman na nagustuhan ni Sage ang gawa ko. Magbe-bake na lang ulit ako para sa kanya."

Umupo na ako sa kama ko at kumuha ng unan para yakapin. "Uhm, bakit ka pala tumawag?"

"Nothing. I just want to hear your voice again."

Napangiti ako nang malapad. Ba't ba ang galing niya sa mga ganitong salitaan? Buti na lang hindi niya ako nakikita ngayon kasi kilig na kilig din naman ako.

"Bakit nga?" tanong ko na lang ulit.

Huminga siya nang malalim. "Jenny . . . I'd like to see you more often."

Hindi ako nakapagsalita agad. Parang naging seryoso kasi ang boses niya. Saka hindi ko rin alam ang isasagot, basta feeling ko lang ang pula-pula na ng mga pisngi ko ngayon.

"Is that possible?" dagdag niya pa.

Hindi ko na mapigilan ang pag-ngiti ko. "Pwede naman."

"I searched about the bazaar you mentioned earlier."

Nakakatawa kasi hindi niya pala nakalimutan 'yon at hinanap niya pa talaga. "Oo, malapit lang dito sa 'min. Pero pinag-iisipan ko pa kung papupuntahin kita ro'n."

"'Wag mo nang pag-isipan. Kahit na hindi ka pumayag, pupuntahan pa rin kita sa booth mo. Good night, Jenny. I'll see you then."

Binaba niya na agad ang tawag.

Napabagsak na lang naman ako ng higa rito sa kama at natulala sa kisame habang nakakapit sa kumakabog kong dibdib.

Wait lang. Sabi ko happy crush lang, pero bakit parang iba na 'tong nararamdaman ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro