Chapter 2
"GOOD MORNING, JENNY! Happy first day of work!"
Masayang bati sa 'kin ni Ma'am Claire, ang papalitan kong assistant dito sa in-apply-an kong perfume shop: ang Rioscents.
Nawala na tuloy ang kaba ko kasi ang ganda ng pag-welcome niya sa 'kin.
"Good morning po, Ma'am Claire," bati ko rin sa kanya.
"Claire na lang, hindi naman ako ang boss mo. Nasa taas ang tunay na boss. Let's go, ipakikilala na kita kay Ms. Vanessa."
Pinasunod niya ako sa office sa taas nitong loft-style shop. Bigla na naman ngang sumakit ang tiyan ko dahil sa kaba. Ilang beses na akong nakapag-deliver ng cakes dito sa Rioscents, pero ngayon ko lang makikita ang may-ari. Wala rin kasi siya nung in-interview at hinire ako, kaya ito ang first meeting namin.
Kumatok si Claire sa pinto ng office bago iyon binuksan. "Ms. Vanessa, nandito na si Jenny."
Pumasok ako sa pinto, at halos mapanganga na lang ako sa pagkamangha kasi ang ganda ng boss ko! Mukha siyang Hollywood celebrity.
"Welcome to Rioscents, Jenny," bati niya agad sa 'kin. 'Yong boses niya, ang lumanay.
"Good morning po." Nag-bow ako bago lumapit sa desk niya.
"Please have a seat. I'm sorry kung hindi ako ang nag-final interview sa 'yo. I was in Singapore for training. How are you?"
"I'm good po. Medyo kinakabahan kasi ngayon na lang ulit ako bumalik sa ganitong work. Ilang taon po akong baker, e."
"Ah yes, natikman ko nga ang mga cake mo kapag umo-order si Claire. I loved them. How's your business?"
"Okay naman po, small-time lang. Kaya kinailangan ko pa po ng isa pang trabaho kasi may pinag-iipunan ako."
Napangiti siya. "Ang sipag mo naman. I adore hardworking girls." Bigla na siyang nagbukas ng laptop. "So, na-orient ka na ba ni Claire sa magiging trabaho mo?"
"Yes po. Ako raw ho ang magbabantay sa mga order, inventory, at delivery ng mga perfume."
"Correct. Well, Claire will be transferred to a newly-opened branch next week, that's why I had to hire a new shop assistant, and that's you. I'm sure kayang-kaya mo naman ang trabaho. I just want you to be very organized and detail-oriented when it comes to work. Basically, Rioscents sells premium perfumes, and all of them were developed by our very talented chemist, who's also a good friend of mine. Ipakikilala kita sa kanya kapag pumunta siya rito."
Ang daming mga sinasabi ni Ma'am Vanessa, pero sa totoo lang, hindi ko masyadong napakinggan kasi mas nakatutok ako sa mukha niya.
Grabe, para siyang goddess. Naka-pusod pa ang buhok niya kaya litaw na litaw ang mukha niya na sobrang nakaka-mesmerize.
Natapos na nga lang siyang magsalita, pero titig na titig pa rin ako sa mukha niya. Nahimasmasan lang ako nung lumapit na sa 'kin si Claire kasi itu-tour daw ako sa shop.
"Thank you po, Ms. Vanessa," sabi ko na lang.
"Of course. Claire will take care of you. Kung sakali pala na may magustuhan kang perfume sa baba, sabihan mo lang si Claire at ibibigay niya 'yon sa 'yo."
Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "Talaga po? Libre lang?"
"Yes, for free. Just choose anything you want. Thanks, Jenny."
"Thank you po!"
Hindi ko maitago ang saya ko habang palabas na kami ng office niya. Paano naman kasi, nakita ko 'yong presyo ng mga pabango rito Rioscents. Ang mamahal! First time ko tuloy mag-aamoy mayaman.
"Ang bait ng boss mo, 'di ba?" sabi sa'kin ni Claire pagkasara niya ng pinto.
"Oo nga e. Saka sobrang ganda niya."
"Totoo. May anak na kami parehas, pero tingnan mo naman ang difference." Bigla niyang hinarap ang katawan niya sa 'kin. Medyo mataba kasi siya.
Natawa na lang ako. Ang saya ko ngayon kasi nararamdaman ko nang hindi toxic dito at hindi ako maii-stress. Makakapag-bake pa rin ako nang maayos.
Maghapon akong palabas-labas ng Rioscents kasi tinuturo sa 'kin nina Claire kung paano mag-operate ang shop.
Sinama nila ako sa warehouse at pinakilala sa ibang staff at mga delivery boy namin. Nag-umpisa na rin siyang magpasa ng kung ano-anong documents kasi next week na siya lilipat sa bagong branch. Info overload na ako, sa totoo lang. Kasi the past few years, puro pagbe-bake lang naman ang nasa isip ko, kaya nga nangangapa pa.
Mag-aalas kwatro na nang makabalik ako sa Rioscents. Kaunting oras na lang, mag-a-out na rin ako. Ang bilis lang ng araw.
"Nasa taas pa ba si Ms. Vanessa?" tanong ko kay Claire kasi mas nauna siyang nakabalik kaysa sa 'kin. "Magpapasa sana ako ng report ng mga ginawa ko ngayon."
"Oo, nasa taas pa siya, pero mamaya ka na umakyat. Nandyan kasi 'yong chemist natin, e."
"Ah, sige mamaya na lang." Dumeretso na ako sa desk ko para magpahinga.
Hindi ko pa nakikita 'yong chemist na gumagawa ng mga pabango rito sa Rioscents, pero nabanggit na ito sa 'kin ni Ms. Vanessa kanina at ang sabi niya pa, ipakikilala niya raw ako.
Nag-ayos na lang din muna ako ng buhok dito sa desk. Sabog na kasi 'tong bangs at ponytail ko, para akong binagyo sa labas kahit na wala naman nang ulan ngayon.
Ilang saglit lang, narinig ko nang bumukas ang pinto ng office ni Ms. Vanessa. Hinintay ko na munang makababa 'yong kausap niyang lalaki bago ako tumayo dala ang report ko. Dederetso na sana ako paakyat, kaso natigilan agad ako at nanigas sa kinatatayuan nang makita kung sino 'yong chemist namin.
"S-SIR GAVIN?!"
Napahinto rin siya sa gulat.
Tinitigan niya ako na para bang sinisiguro niya na ako talaga 'to, saka siya napangiti. "Jenny. What are you doing here?"
"Kayo pala ang chemist ni Ms. Vanessa?"
Tumingala muna siya sa office sa taas, tapos nagbalik ulit ng tingin sa 'kin. "Yes, I think that's me. Why are you here?"
Bumagsak na ang mga balikat ko sabay napangiti na rin. "'Di ba po sinabi ko sa inyo kagabi na first day ko ngayon sa isa ko pang trabaho. Kaya ako nagmamadaling makauwi."
"I see. What a small world. Ibig sabihin mas madalas pa pala kitang makikita?"
Napanguso ako para magpigil ng ngiti.
Pagod ako galing sa labas, pero nawala lahat ng 'yon nung nakita ko siya. Feeling ko biglang nakumpleto ang araw ko.
"Kakilala mo si Sir Gavin, Jenny?" biglang tanong ni Claire na kanina pa pala takang-taka sa 'min.
"Ah, oo," sagot ko agad. "'Yung parents niya kasi, palaging umo-order sa 'kin ng cakes." Tiningnan ko na ulit si Sir Gavin. "Sir, pupunta ka ba ngayon sa bahay ni Ma'am Suzanne? Kukunin ko na sana kasi 'yong scooter ko. Maaraw na, e."
"Actually, I am. Susunduin ko si Sage. Gusto mo bang sumabay sa 'kin?"
"Sana po. Kaya lang, 4 PM pa ako pwedeng mag-out."
Sumilip siya sa relos niya. "I can wait for you."
Napatuwid ako ng likod. "T-talaga?"
"Of course. Take your time." Umupo na muna siya ro'n sa couch at naglabas ng cellphone.
Nagkatinginan naman agad kami ni Claire. Tapos bigla siyang ngumisi na parang nang-aasar. Umiling-iling na lang ako kasi baka kung ano pang isipin niya tungkol sa 'min ni Sir Gavin.
Maya-maya lang, bumaba na rin si Ms. Vanessa. Bigla ko tuloy naalala 'yong report ko!
Ibibigay ko na sana sa kanya bago siya umuwi, kaso mas napansin niya si Sir Gavin na relax na relax na nakaupo sa couch.
"Oh, Gavin, why are you still here?"
"I'm waiting for Jenny." Tinuro niya ako.
Napatingin tuloy agad sa 'kin si Ms. Vanessa, tapos sa kanya ulit. Takang-taka ang itsura nito. "You know my new shop assistant?"
"Small world, right? She's my mom's favorite cake maker."
"Oh my goodness! Is that true, Jenny?"
Hindi ako makatingin nang deretso sa kanya kasi nahihiya ako. "Opo, palagi akong nagde-deliver ng cakes sa bahay ng parents ni Sir Gavin."
"Small world, indeed. So, hindi ko na pala kayo kailangang ipakilala sa isa't isa." Nilapitan na niya si Sir Gavin, tapos may sinabi siya rito. Hindi ko na narinig kung ano 'yon, pero nakita ko na napangiti si Sir Gavin.
Pagkatapos n'on, nagpaalam na sa 'min si Ms. Vanessa at dere-deretsong umalis kasi dumating na pala ang husband niya para sunduin siya. Hindi na tuloy ako nakapagpasa ng report. 'Di bale, bukas na lang.
Sineryoso naman talaga ni Sir Gavin ang paghihintay sa 'kin.
Nakipagkwentuhan muna siya kina Claire. Na-realize ko na sobrang friendly pala talaga niya at approachable. Saka pala-ngiti rin siya.
Lalo tuloy siyang nagiging attractive sa paningin ko. Ang gwapo niya pa ngayon. Naka-formal wear siya at fit na fit and long-sleeved polo niya sa malapad niyang katawan. Si Sir Gavin 'yung itsurang malinis, e.
Nakakatuwa lang na mas mapapadalas pa talaga ang pagkikita namin ngayon, tulad nga ng sabi niya. Alam kong isa siyang chemist, pero hindi ko naman in-expect na mga pabango pala ang ginagawa niya, at para dito pa sa Rioscents. Kaya siguro ang bango-bango niya saka ang distinct ng amoy ng perfume niya.
Eksantong 4 PM, nag-out na ako at sumabay kay Sir Gavin paalis.
• • •
"SAYANG TALAGA, HINDI pa ako nakapag-bake ng cupcakes na pinangako ko sa 'yo," sabi ko kay Sir Gavin nang makarating na kami sa bahay nila.
Natawa na naman siya sa 'kin. "Kanina mo pa pinoproblema 'yan. I told you it's fine. I'm sure magkikita pa naman tayo ulit."
"Dapat kapag nagkita tayo ulit, ready na ako. Nasaan pala si Wanda?"
"Who's Wanda?"
"'Yung scooter ko."
"Your scooter has a name?"
"Pinangalanan ko kasi mahal 'yon, e. Pina-customize ko ng Hello Kitty."
Napangiti siya, tapos sinamahan na ako para kunin ang scooter. Dapat nga uuwi na rin agad ako pagkatapos, kaso habang hinahatid niya na ako palabas, bigla siyang bumanat.
"Jenny."
Tumingin lang ako.
"Gusto ko sanang mag-kape. Pwede mo ba akong sabayan?"
Hindi ako humindi sa alok ni Sir Gavin. Feeling ko kasi ang dami ko ng utang sa kanya kaya pumayag na 'ko agad.
Dito kami dumeretso sa garden nila. Wala raw sina Ma'am Suzanne ngayon. Nagpahanda siya ng masarap na kape na parang galing pa sa mamahaling coffee shop.
"So... two jobs, huh?" biglang sabi niya.
Napangiti ako matapos humigop ng kape. "Kailangan. Nagpapatayo kasi kami ng restaurant ng kuya ko, e. Doon na rin ang magiging bakeshop ko kaya kailangan ko ng mas maraming pera."
"How many siblings do you have?"
"Kuya ko lang. Half-brother ko pa siya. Tapos yung asawa niya, naging best friend ko."
"That sounds fun."
"Oo, madalas nga akong tumatambay sa bahay nila, e. Binabantayan ko 'yung kambal nila."
Napangiti siya sa 'kin. "Hindi ka yata marunong mapagod. I still couldn't believe I saw you working at Rioscents."
"Ang galing, 'no? Nagde-deliver din kasi ako ng cakes sa Rioscents, tapos isang beses, nakita kong hiring sila. Sakto, nag-iisip na ako no'n na humanap ng isa pang pagkakakitaan. Kaya nag-apply ako. Hindi ko alam na ikaw pala 'yung chemist nila."
"Matagal ko nang business partner si Vannie."
Humigop muna ulit ako ng kape bago muling nagtanong. "Paano kayo nagkakilala?"
Sumandal siya sa upuan. "We met in London years ago."
"London?"
Oo nga pala, nakalimutan kong mayaman sila at iba ang mundo nila sa akin.
"I worked and studied there for quite some time," sagot niya naman. "Nakilala ko si Vannie. She's really nice, and I tried to court her before."
Biglang nanlaki ang mga mata ko. "A-akala ko matagal na siyang may asawa?"
"That was the funny part because I didn't know about it. Hindi niya sinabi. Nung nalaman kong kasal pala siya, tumigil na agad ako sa panlalandi sa kanya. I don't like complicated stuff like that."
Natawa ako sa term niya na 'panlalandi'. "Pero buti okay pa rin kayo hanggang ngayon? Parang sobrang close niyo. Kanina nakita ko na nagbulungan kayo, tapos napangiti ka."
"Oh, that. She just warned me not to flirt with you because you're a good girl and still young."
Bigla akong napayuko kasi nahiya ako. 'Yon pala ang binulong ni Ms. Vanessa kanina.
Narinig ko naman siyang natawa sa naging reaksyon ko bago siya muling humigop ng kape. Tapos sakto no'n, napansin niya na biglang sumilip sa amin ang anak niyang si Sage.
Napatuwid siya ng upo. "Sage. Come here, young man."
Lumapit naman ito sa amin. Parang nahihiya pa nga. Pero ang poging bata nito. Parang Koreano ang kutis.
Pinakilala agad ito ni Sir Gavin sa akin. "Sage, this is Jenny. Do you know her?"
Tumango naman si Sage at nginitian ako nang matamis. "Your cakes are yummy."
Bigla akong kinilig. "Thank you! Ano'ng favorite mong flavor? Gagawan din kita ng cupcakes."
"I like chocolate."
"Okay, sige, gagawan kita ng special chocolate cupcakes."
Nag-thank you ito, tapos kinausap na ang daddy niya. "Are we leaving soon?"
"Yes, we are. Get ready now, we'll leave in a bit."
"Okay." Kumaway pa ito sa 'kin bago tumakbo pabalik sa loob ng bahay.
Nakangiti pa rin ako habang sinusundan ito ng tingin. "Ilang taon na siya?"
"He's turning 10."
"Ang gwapo ng anak mo."
"Siyempre, kanino pa ba magmamana?"
Napatakip ako ng bibig para itago ang tawa ko. Mahilig talaga siyang mag-joke, e. Inubos ko na ang kape ko pagkatapos sabay silip sa phone ko.
"Sir Gavin, kailangan ko na pong umuwi. Baka kasi bigla na namang umulan."
"Ah, yes." Tumayo na agad siya at tinulungang iatras ang upuan ko kasi patayo na rin ako. Napaka-gentleman.
"Sage and I have to go too," patuloy niya. "Thanks for taking the time to have coffee with me. It was great knowing you better."
Pasimple akong napaipit ng buhok sa likod ng tainga ko. Ang sweet-sweet niya palaging magsalita, hindi ko tuloy mapigilan na hindi kiligin.
"By the way," dagdag niya. "Could you just call me Gavin? 'Wag ng 'Sir'. Masyadong pormal saka mas nararamdaman kong ang tanda-tanda ko na."
Natawa ako. "Okay, sige."
Kinuha ko na ang bag ko mula sa table, pero bigla akong may naalala kaya tiningnan ko siya ulit. "Uhm, Gavin, pupunta ka ba ulit sa Rioscents bukas?"
"Bakit, gusto mo ba ulit akong makita?"
Feeling ko biglang namula ang mga pisngi ko. Napapigil agad ako ng ngiti. "H-hindi naman. Naisip ko lang kasi na kung pupunta ka, magbe-bake na ako mamaya nung pinangako kong cupcakes sa inyo ni Sage para maibigay ko sa 'yo bukas."
"Ah, I see. Akala ko gusto mo ulit akong makita. Marami akong trabaho sa lab bukas, pero sige, dadaan ako sa Rioscents para sa 'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro