Prologue
ASH
"Bakit nga pala Sean yung sinabi mong pangalan nung una tayong nagkita?" Natatawa niyang tanong habang naglalakad kami nang sabay sa mga hallway ng center.
"Bigla ko lang naisip, baka kasi sabihin mo snobber ako," tugon ko habang bitbit ko ang bag na puro journals.
"Pero Ash," saad niya at huminto. Nandito kami sa tapat ng isang station. "Pwedeng magtanong?"
Tumango ako at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Hindi masyadong maayos ang kaniyang bangs kaya naman inayos ko muna ito. "Ano iyon?"
"Ano bang dahilan kung bakit ka nandito?"
Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. Parang bumalik lahat ng nangyari habang ako ay nasa ospital at bago pa ako makarating doon. Agaran din akong napa-isip sa tanong niya kahit alam ko naman ang isasagot.
"Mahabang kwento Claire, pasensya na," saad ko.
"Kahit summarization lang," pakiusal niya sa akin. Napangisi ako at pumasok sa aking isip lahat ng nangyari.
"Sabi ni Mommy, nacomatose daw ako. Hindi ko nga alam kung bakit pero hindi pala sleeping pills yung nainom ko," paliwanag ko at kitang kita sa mata niya ang curiosity. "Naoverdose ako then parang nadala ako sa isang dimension na akala ko totoo," napabuntong hininga ako dahil sa aking sinabi.
"Ah ganon ba? So nagattempt kang magsuicide?" tanong niya at ako ay napangising muli.
"Hindi ko kinoconsider na suicide yung nangyari sa akin, pero sabi nila, pati yung Mommy ko, it was a form of suicide which is not naman," tugon ko at lumingon ako sa kaniya.
May mga taong lumapit sa amin at binigyan kami ng mga papel, flyers ata. Hindi ko nalang muna pinansin dahil naguusap pa kami ni Claire.
"Ikaw? Baka may maisheshare ka," tanong ko at napangiti din siya. Hindi siya umimik kaya naman inulit kong muli ang tanong ko.
"Sige pero makinig kang mabuti, kayo lang tatlo ng mga magulang ko ang makakaalam nung tunay na nangyari sa 'kin," Humihina niyang sinabi at sumang-ayon nalang ako.
"Sinabi ko lang sa inyong lahat doon sa session na nagattempt akong mag-suicide, but the reality is nagka-brain tumor ako," ipinaliwanag niya at saka niya ginalaw ang buhok niya at ipinakita ang marka ng sugat sa gilid ng ulo niya. "See? Ang laki ng scar diba?" sinabi niya at napangiti kahit nararamdaman kong masakit para sa kaniyang ipakita iyon sa akin.
It was a wig pala, not a real hair. Kaya pala nung nagkabangga kami noong tumatakbo siya ay agad siyang umalis at inayos ang buhok niya.
"Ikaw lang ang panibagong tao na nakakaalam nung fakey hair ko ha, huwag mong sasabihin ito sa iba," sinabi niya sabay senyas na i-zipper ko ang aking bibig.
"Pwede ko bang itanong kung anong nangyari?" Tanong ko at medyo inayos ayos niya ang bangs niya.
"Nung malapit na yung peak ng highschool ko nung Grade 10, nakaramdam ako ng paglabo ng mata, and we thought na dahil sa pagod lang or what...," Itinigil niya muna ang pananalita nang uminom siya ng tubig. "Pagkatapos noon, nagpatuloy yung headache, saka na-oout of balance ako, madalas din akong lagnatin," sinabi niya at tumingin sa akin. "Hanggang sa we decided to visit my father's friend which is a doctor, doon lang namin nalaman na baka may brain tumor ako."
Napabuntong hininga siya at medyo inayos ayos ang bangs niya. Tumingala siya at pinunasan ang gilid ng kaniyang mga mata. Naging emosyonal ata.
"Sorry ang drama ko talaga," saad niya at napangiti. Ilang sandali pa ay ipinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.
"Dapat nasa honor list ako noon but then nawala, dapat makakapagtravel na kami sa States but then, hindi natuloy," napangiti siya sa akin at pansin ko ang bigat sa kaniyang mga mata.
Nawala ang focus niya sa pagsasalita nang makita niya ang malaking wallclock na nakatapat na sa ten am, we need to go sa session room dahil ito na ang last session namin. Pagkatapos nito, we are free to go and rest. Makakapagcollege na din kami pagkatapos.
"I think we need to go na, tara..." sinabi niya at sabay kaming naglakad papunta sa session room.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro