
/9/ Battle Of The Bands
CHAPTER NINE:
Battle Of The Bands
ASH
Ilang oras na lamang ay magsisimula na Battle Of The Bands. Nagawa naming makapagprepare nitong nakaraang araw kaya naman okay na ang lahat. Ayos na ang stage, ang mga arrangement ng upuan, pati na rin ang mga pailaw sa paligid.
Nakita ko din ang mga tarpaulin na malalaki sa taas at sobrang nakakaexcite tignan.
"Bie, bili tayo sa labas, nagtitinda yung mga freshmen ng iba't ibang pagkain," anyaya ni Claire kaya naman sumama ako.
Tungkol nga pala doon sa nangyari noong isang araw, nagkaayos na kami. Nagsorry na din ako dahil alam kong may nagawa din akong mali at naunawaan ko naman kaagad yung side niya. Ayoko namang maging cause pa iyon para magkatampuhan kami kaya nagkapatawaran na din kaming dalawa.
Nang nakarating kami sa labas ay nakita kong takam na takam si Claire sa mga tinda sa labas ng auditorium. May mga tindang fries, milktea, at iba pang mga nakakaakit ng sikmura.
"Ano nga palang gusto mo?" Tinanong ni Claire habang ako naman ay kinukuskos ng bahagya ang salamin ko dahil biglang nanlabo gawa ng may iniihaw sa tapat namin. "Isaw? You want?"
Napatingin ako sa kaniya at ikinunot ang noo. Umiling nalang ako sa kaniya at nakita kong pinauna niya ang kaniyang kabi.
"Hindi ako kumakain ng isaw, sorry." Sinabi ko.
"It's okay, hanap nalang tayo ng pwedeng makain," Masaya niyang sinabi at hinila ako. Nagpatianod nalang ako dahil tataob ako kapag hindi ako sumabay sa paglalakad.
Napatigil kamk dito sa tindahan ng fries at kumuha si Claire ng pera galing sa kaniyang wallet. Kumuha na din ako sa akin matapos kong makita ang presyo ng fries.
"Anong flavor ng fries ang gusto mo?" Tanong ni Claire at maligayang pinapanood ang pagluluto ng tindera. Ang cute lang niya tignan at ang gaan gaan lang ng atmosphere kapag kasama siya.
"Barbeque nalang." Matipid kong sinabi at iniabot sa kaniya ang pera ko. Kinuha naman niya at iniabot sa babae.
"Ate, dalawa pong barbeque flavor na fries, salamat po," Sinabi niya at nakita kong may ilan ding nakapila sa aming likuran. Tumabi muna kami at naghintay na maluto ang inorder namin.
Umupo muna kami sa isang bench. Iniinom ni Claire ang kaniyang biniling softdrinks at rinig na rinig ko ang paghigop niya dito. "You want?"
Umiling nalang ako dahil hindi ko type ang softdrinks. I want juice rather than soda.
"Bie, may sasabihin ako sayo," bigkas ko at nakita kong humarap siya sa akin.
Balak ko na sanang sabihin ang tungkol kay Art para naman kahit papaano ay makatakas ako sa iniisip ko. Makakatulong din iyon para mailabas ko yung nasa kalooban ko.
"Ano iyon Bie?" Tanong niya at itinigil niya muna ang pag-inom.
"Yung tungkol kay Art, yung-" Naputol ang aking sasabihin nang ibigay ng babae ang order naming dalawa ni Claire.
"Salamat," Bati ni Claire at kinuha ang dalawang malaking paper cup. Inabot niya sa akin ang isang paper cup at agad naman siyang kumuha ng isang piraso ng fries. "Bie, ito na yung sa 'yo, dahan dahan medyo mainit pa."
Wrong timing na naman. Bakit ba sa tuwing may sasabihin ako or gustong malaman, laging may sisingit. Hindi ko tuloy masabi yung gusto kong sabihin.
"Ano nga yung sasabihin mo Bie?" Tanong niya. "Yung tanong mo? Nakalimutan ko kasi, sorry," paliwanag niya at napabuntong hininga nalang ako.
"Yung napilas mong page ng papel? Yung A-" Naputol ulit ang aking sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko na para bang may paparating na tawag. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, nakakadismaya at nakakairita.
"Uy, sagutin mo yung tawag baka emergency," Sinabi niya at napangiwi nalang ako. Wala akong nagawa kundi kunin sa bulsa ko ang cellphone at sagutin ang tawag.
"Hello?" Sinabi ko sa kabilang linya.
"Ash, nasaan na kayo? Magsisimula na yung Battle, nagsasalita na si Benedict sa stage," Paliwanag niya at naririnig ko ngang may mga taong nagkakasiyahan sa loob.
"Sige, pupunta na kami diyan, tapusin lang namin yung kinakain namin, may entrance ticket na naman kami saka reserved seats," Paliwanag ko at ibinaba ko na ang tawag.
Dali dali kaming naglakad ni Claire at inayos sandali ang aking suot. Mabuti nalang at kasama ko si Claire, hindi man niya ito maituring na date, I will count this as one of our dates.
Habang hawak ko ang kamay niya pagpasok sa entrance ay nakita kong ang saya niya at parang excited siya sa makikita niya sa loob. Inabot ko ang entrance tickets namin at nakapasok na kami sa loob.
Nang makapasok kami sa tapat ng kurtina ay huminto ako sa paglalakad. Napatigil din si Claire at lumingon sa akin.
"Let's take a picture," Saad ko at kinuha sa aking cellphone sa aking bulsa. Nakita ko ang malawak niyang pagngiti at ngayon ay umakbay ako sa kaniya. Nakahilig ang ulo namins sa isa't isa at saka ko pinindot ang capture botton.
Nang makailang shots kami ay narinig ko ang mahihina niyang tawa. Napagdesisyunan na naming pumasok sa loob at umupo sa seats na nakalaan para sa aming dalawa.
"Sino ang bet niyong makakuha ng higher votes this first round of the Battle?" Sigaw ni Benedict at narinig naming isinisigaw ng bawat isa ang gusto nilang manalo.
Excited lang kaming nakaupo ni Claire dito at pinapanood ang mga kaganapan sa paligid.
Nang ilingon ko ang aking ulo at tiningnan ang paligid nakita kong may mga banners, balloons, and malalaking logo ng bawat banda sa paligid. Mukhang ito na yata ang may pinakamaraming audience at pinakaexciting sa nakaraang taon.
"Makikita niyo sa screen ang unang magpeperform," Sinabi ni Benedict na host at nakatingin lahat sa malaking screen. Ilang segundo itong nagshuffle at tumigil sa banda ng 'Lirica'.
Nagsigawan na ang lahat at lumabas na ang members ng Lirica sa stage. Nagsalita ang singer nila at ipinaliwanag ang bandname nila. Kaya daw Lirica dahil ito yung pinagsama-samang name nilang tatlo, Lindsey, River, at Catherine.
Habang pinapanood namin sila ay para lang akong nakikinig sa IV Of Spades pero mga babae naman. Magaling sila pero sa palagay namin ni Claire ay mas kaya pa nilang ma-uplift ang audience sa performance nila. Yung pagkanta, maganda naman pero may times na kulang sa tiyempo and nagiging flat.
Ilang sandali pa nang matapos ang tatlo nilang kinanta ay lumabas si Benedict.
"What a nice performance Lirica!" Sumigaw at nagcheer ang ilang audience.
Sunod na magpeperform ang Blr Rppl at kakaiba sila nang lumabas sila sa stage. Lahat sila naka itim at para bang magdodoxology daw sila. Hindi sa pang-ju-judge pero ayun talaga yung nakita namin.
"Ahh, kami nga pala ang Blr Rppl." Malumanay na bati ng vocalist nila. Nagsisimulang magbulungan ang mga tao at magtawanan.
Nanibago ang lahat ng marinig ng mga audience ang napakagandang boses ng nagsalita kanina. Mas energetic ito at nakikita kong napaasayaw ang ilang tao at nakatayo na sila sa upuan. Sinasabayan nila ang kanta at nakikita kong medyo nageenjoy ang lahat.
Kulang sila sa consistency sa paghandle ng crowd, may entertainment pero hindi ganoong full force. Naging smooth naman ang lahat at sila ngayon ang paborito ng iilan.
Sunod na magpeperform ang Screamnote at kitang kita sa crowd ang excitement. Gaya nga ng sabi ko kanina, kapag nanalo sila this time, pangatlong time na nila ito as Champion.
Ipinaliwanag muli ng Screamnote ang dahilan kung bakit Screamnote ang pangalan ng band nila. Ang lagi lang nilang sinasabi ay ang 'Scream' ay pwedeng negative and positive way to convey a loud message, while ang 'Note' naman daw ang nota sa music. Kapag daw ipinagcombine ito, Screamnote, para na daw silang bumabasag ng limits.
Noong una naming narinig ni Claire iyon, namangha din kami dahil ang ganda ng explanation.
Ang mga napili nilang kanta ngayon ay 'Pagtingin' ng sikat na bandang Ben&Ben, 'Come Inside Of My Heart' ng IV Of Spades, at 'Kahit 'Di Mo Alam' ng December Avenue. Nasa playlist ko ang lahat ng kantang napili nila at excited akong marinig ito sa kanila.
Sobrang galing ng paghandle nila sa instruments at nagawan nila ng Twist ang mga kantang ipinatugtog nila.
Nagkaroon nga lang ng problema dahil medyo napaos ang singer kaya naman kapag hindi niya maabot ang notes ay ibinibigay nila sa audience at hinahayaang manonood ang magtuloy ng kanta. Ngayon lang nila ginawa ito at marami-rami din ang nawalan ng energy sa panonood.
Natapos sila at talagang nagenjoy kami parehas ni Claire. Kitang kita ko sa mata niya ang sobrang saya, hindi ko din maipaliwanag ang sayang dulot ng nangyayari sa paligid at sa tuwing titingin ako sa kaniya. Ang saya lang, feeling ko nasa malaki kaming concert at kami lang ang tao.
"Grabe, kahit papaano ay naenjoy ko yung Battle ng Screamnote," saad niya at uminom ng tubig. Ang hirap din palang sumabay sa mga nakanta lalo na't nakakahingal yung line up nila.
Ilang sandali pa ay nakita kong nagsalita muli si Benedict at isang banda nalang ang natitira at ito na ang last performance for this day.
"Wala ba kayong mga kamay diyan?" Saad niya at nagcheer lahat ng tao. "Ibigay naman natin ang stage para sa susunod na magpeperform! Ang MCMXCI!"
Nakita kong sumisigaw ang lahat at para bang halos mabalot na ng tili ang buong auditorium. Hindi maipagkakaila na more on visual sila, sobrang nakakadala yung outfit nila ngayon, pang retro.
Bigla kong naalala ang sinuot ko noong umalis kami ni Art at nagpunta sa mall. Yung may stripes na polo, katulad na katulad ng main vocalist ang suot ko noon.
Halos tumindig lahat ng balahibo nang makita ko iyon, bigla na naman akong pinagpawisan at kinabahan. Kada talaga makikita ko sila, may something na hindi ko maintindihan.
"Kami nga po pala ang MCMXCI! In short, 1991 mga ginoo at binibini!" Panimula ng nagsasalita sa stage. Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang 1991 na sinabi niya. Tumindig ang balahibo ko nang marinig ko iyon.
"Okay ka lang Bie? Tubig gusto mo?" Alok ni Claire sa akin. Napansin din niya na parang may iniisip ako.
"No, sige, mamaya nalang, may naalala lang ako." Tugon ko at pinakinggan muli ang sinasabi ng lalaki.
"Kaya po MCMXCI or 1991 ang band name po namin dahil We Are Going Counterclockwise." Saad niya. "Napili po namin ito dahil naniniwala po kami na may mga magagandang kantang nabuo bago pa ang 1991. Gagawa po kami ng paraan upang ibalik ang inyong puso sa nakaraan."
Nagsigawan ang lahat ng tao at nagsimula na silang tumugtog. Gaya ng rehearsals, 'You're The Inspiration' ng Chicago ang una nilang kinanta, sunod ang 'Love Of A Lifetime' ng Firehouse, at ang panghuli nila ay 'Two Less Lonely People In The World'
Napahinto ako sa kantang napakinggan ko dahil itong ito rin ang pagkakasunod ng mga unang kantang ipinatugtog ko noon kasama si Art sa bahay nila. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Sobra.
Bigla namang nakita ko ang isang lalaking nasa stage na seryoso at buong pusong gumagamit ng keyboard. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang pagkeykeyboard lamang, nakatutok lang siya dito at hindi tumitingin sa karamihan ng tao.
"Ang galing pala nila! Ang sweet lang pakinggan ng mga kantang kinanta nila." Saad ni Claire habang pinapanood ang lahat. Nawala ako sa aking iniisip kaya naman uminom muna ako ng tubig.
May nararamdaman talaga akong kakaiba at masasabi kong hindi na coincidence ang lahat. Yung painting, si Mang Ipe, yung poster, lahat.
Natapos ang lahat at pinagboboto na ang lahat. Kinuha ni Claire ang kaniyang cellphone at nakita kong binoto niya ang Screamnote sa page ng Battle Of The Bands sa social media. Hindi ko naman alam kung sino ang pipiliin ko pero mas umangat ang MCMXCI sa akin kaya iyon ang binoto ko.
"Sinong napili mo?" Tanong ni Claire at napalunok ako ng laway.
"Screamnote." Matipid kong alibi at inilayo ang tingin sa kaniya.
"Uy Same! Grabe, ang galing talaga nila!" tugon niya at unti unti naming nilisan ang auditorium. May kung ano sa tiyan ko na parang gustong bumalik sa loob para hanapin ang lalaking nagkeykeyboard ngunit hindi ko na magawa.
Makikita rin kitang misteryosong lalaki ka.
END OF CHAPTER NINE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro