Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/8/ We Are Going Counterclockwise

CHAPTER EIGHT:
We Are Going Counterclockwise

ASH

Bumungad sa amin ni Claire ang nagpeperform na banda at nagkahiwalay muna kami. Pumunta siya sa inaayos nilang design at props at ako naman ay didiretso na muna sa backstage para balikan ang gitara.

Habang nilalakad ko ang kahabaan ng auditorium ng backstage ay pumasok ako kahit marami ng tao dito. Nahihiya ako pero wala akong magawa kundi pwersahin ang sarili kong lakas ang loob para pumasok.

May nga nakatingin sa akin mga members at para bang nagtataka sila kung bakit ako nandito. Ilang sandali pa nang malibot ko ang loob ay hindi ko na mahanap ang gitara. Napangiwi nalang ako dahil sayang talaga yung pagkakataong makikita ko na sana ang bagay na iyon.

"Ash," Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya naman lumingon ako.

Ilang sandali pa ay nakita ko ang hawak ni Kyle na mga papel at ngayon ay papalapit siya sa akin.

"Ito nga pala yung mga flyers, pabigay nalang sa mga taong nasa loob ng backstage," paliwanag niya at iniabot ito sa akin. "Malapit na matapos yung props and decor sa stage, pasabi nalang din na maghanda ang Lirica para sa rehearsals nila," saad niya at ngumiti. Umalis na lamang siya at napagdesisyunan kong pumasok muli sa loob.

Kinakabahan ako kahit hindi ko naman alam ang dahilan, sa tuwing maaalala ko yung nangyari kaninang umaga, para talagang hindi na ako makampante sa lahat ng gagawin ko.

"Uhmmm, magandang araw po sa lahat, ito na po yung mga flyers niyo and pwede niyo na pong ipromote yung banda niyo," sinabi ko at inawan sa lamesa ang mga flyers. Agad naman  silang kumuha ng ilang mga papel at tinignan ng maigi. May mga natuwa at naexcite at yung iba naman ay nagpapractice lang sa gilid.

"Yung Lirica daw po, pwede nang magrehearse on stage. Maraming salamat." saad ko at nakita ko ang tatlong babaeng nag aayos at kinukuha ang mga instruments nila.

Sumabay ako sa paglalakad sa kanila at nakalabas na kami. Nakita kong inaayos na ang lights pati na din ang sound system. Try ko munang panoorin ang performance nila kahit isang pasada lang.

"Andrew, paarrange nalang ng blockings nila and paorient nalang sila sa stage." sigaw ni Benedict habang inaayos ang mga naglalakihang tarpaulin na isasabit sa apat na corners ng auditorium.

Habang inaadjust ang volume ng mga microphones ay biglang nagsiliparan ang ilan pang flyers nang bumagsak ang unang tarpaulin na isinabit nila. Nakita namin ang gulat sa reaksyon ng bawat isa at napafocus ang lahat sa   nangyari.

Agad kong sinimot ang mga nagsiliparang flyers at nakita kong sa banda ng MCMXCI ang mga ito.

Nakita ko sa flyers ang mga words sa taas na may nakalagay na 'We are going counterclockwise'. May anim na lalaki din at ang isa sa gitna ay nakamask na itim.

Hindi ko alam pero bigla akong nakakita ng liwanag at nasilaw muli ako. Napapikit ako at halos mapaupo ako dahil doon. Ano bang nangyayari sa akin?

Mabuti na lamang at hindi ako na-out of balance. Inalis ko muna ang salamin sa aking mata at marahang kinuskos ang dalawa kong mata para maalis ang pagkasilaw ng aking paningin.

"Huy, ayos ka lang?" Tanong ni Kyle na katulong ko sa pamumulot ng mga nagsiliparang flyers. Tumango na lamang ako at ipinikit pikit ang aking mata.

Bakit ganoon? Noong nakita ko si Mang Ipe sa loob ng kabaong, nasilaw ako at hindi ko alam ang dahilan. Ngayong nasa auditorium ako at nakita ko ang flyers ng MCMXCI, bigla din akong nasilaw. Gulung-gulo na ako sa aking sarili.

Ilang oras pa ang nakalipas ay unti unti naming napansin na iniaangat na ang mga malalaking tarpaulin sa taas. Natapos na din ang Lirica sa rehearsals kaya naman tumambay muna kami dito para mamahinga.

Nakaupo ako dito sa isang sulok habang isinusulat sa maliit kong notebook ang mga nangyaring naalala ko na naman. Habang ang paligid ko ay abala sa panonood ng rehearsals, ako naman itong kanina pang namomroblema sa nangyayari sa akin.

"Bie, ibinili kita ng siopao? You want?" Saad sa akin ni Claire at isinarado ko nang mabilis ang aking notebook. Iniabot niya sa akin ang siopao na hawak niya. Agad siyang umupo sa tabi ko habang binabalatan niya ang papel sa ilalim.

"Ano yung sinusulat mo?" Curious niyang itinanong at agad kong inilagay ito sa gilid ko upang hindi niya pa lalong makita.

"Ahh wala, sinusulat ko lang yung pwede pang magawa tulad nung sa birthday ni ano... Ni Clan," Nauutal kong sinabi at sumalubong ang kilay niya.

"Pwedeng makita?" tanong niya.

"Uhmmm, secret ko nalang muna, draft palang naman yung ginagawa ko." Pinagpapawisan kong sinabi.

"Please, kahit isang tingin lang," Pinipilit niyang makuha ang notebook sa aking gilid ngunit inilalayo ko iyon sa kaniya.

Habang nagkakaganito kami ay iniiwas ko ding matapon yung sauce ng siopao sa aking damit, agad ko namang nakita na hawak na niya ang notebook at akmang ililipat ang pahina.

"Claire, give it to me," saad ko at inaabot ang notebook.

Ilang sandali pa nang naramdaman kong nahawakan ko na nang bahagya ang notebook ay hinila niya sanhi upang gumawa ito ng tunog napara bang napilas na papel. Nagulat nalang kaming dalawa. Nakita kong napunit ang isang page at hawak niya ngayon iyon, habang ang nasa kamay ko naman ang notebook.

"Oh my god, I'm sorry," Natatawa niyang sinabi habang ako naman ay nanggigigil sa nangyari. Kahit gusto kong magalit ay hindi ko magawa dahil marami ang taong nandito. Ayokong gumawa ng eskandalo dito kaya naman tumayo ako at lumabas muna sa auditorium.

Nakakainis, I told her to stop pero hindi niya ginawa.

"Uy, Bie, I'm sorry," Sinasabi niya habang hinahabol niya ako sa paglalakad.

Pinili ko nalang manahimik dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Sinasabi kasing ibigay na sa akin, hindi pa talaga ginawa.

Nang huminto ako sa paglalakad ay humarap ako sa kaniya.

"Sorry na talaga Bie, ito na yung napilas na page, sorry..." Sinabi niya at nakikita ko sa mata niya ang pagsosorry siya at ang hiya.

Kinuha ko nang marahan ang papel at isiningit muli sa notebook na bitbit ko.

"Anong sabi ko sayo kanina?" Tanong ko pero hindi naman pabalang. Mahinahon ako ngayon dahil naaawa ako sa kaniya. "Napilas tuloy yung papel." Saad ko at nakatungo siya ngayon.

"Nacurious lang ako sa notebook mo, sorry, hindi ko na uulitin," Sinabi niya at tumunghay na.

"May nakita ka ba sa nakuha mong page?" Tanong ko.

"Oo, yung Memory #63." Matipid niyang tugon kaya naman chineck kong muli ang papel.

'Memory #63'

Tama nga ang sinabi niya. Pero nakalimutan ko na ang nakalagay dito kaya naman binasa ko saglit ang nakalagay ulit dito.

'Bigla pumasok sa isip ko yung gitara ni Art na nilagyan ko ng design noong magkasama pa kami, yung may dalawang letter 'A'. Naalala ko din yung tulang ginawa naming dalawa pero kakaunti lang yung naalala kong mga linya.'

Nang mabasa ko iyon ay narinig kong tila may sasabihin si Claire kaya naman tumingin ako sa kaniya.

"Sino si Art?"

Ilang segundong nagproseso ang itinanong niya sa aking isip. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya ng totoo o hindi. Bigla akong kinabahan at para bang hindi ko alam ang isasagot ko.

"Ash!" Narinig kong may sumigaw at napalingon kami parehas ni Claire. Si Kyle ang tumawag.

"Tara, ayos na yung stage! Magrerehearse nadin yung MCMXCI!" Sinabi niya kaya naman tahimik kaming sumabay ng lakad ni Claire papasok sa loob.

*****

"Anong nangyari sa performance ng Screamnote?" Tanong ko habang inaassemble sa loob ang instruments nila.

"Hindi ko nagustuhan, mas maganda pa yung dati nilang perf and line-up." Tugon niya kaya naman nagsalubong ang kilay ko at lumingon sa kaniya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Paos yung lead vocalist, pumiyok kanina." Nanghihinayang niyang sinabi at nakaform na sa stage ang band members ng MCMXCI.

"Malay mo naman sa final performance nila sa susunod na araw, okay na?" saad ko ngunit napangiwi nalang siya.

Pinapanood ko ang ginagawa nila sa stage ng mapansin kong parang may kakaiba talaga sa banda nila. Nakakapagtaka lang dahil lima lang ang nasa stage, nasaan yung isa kung anim sila?

Nagsimula sila sa pagpeperform at narinig ko kaagad ang magandang boses ng vocalist. 'You're The Inspiration' ang pinapractice nila ngayon. Bigla ko tuloy naalala yung una kong pinatugtog sa bahay ni Art noong sa nasa bahay niya ako.

Imposibleng coincidence lang ang lahat. Bakit parang may kakaiba talaga? Naeexcite yung tiyan ko pero kumakabog naman yung dibdib ko dahil sa excitement at kaba.

Nakita ko si Claire na tahimik na naglilinis ng kalat nila dahil sa props. May kasama naman siya at hindi nila pinapansin ang tumutugtog sa unahan.

"Nasaan nga pala yung isa pa nilang kamember?" Tanong ko sa katabi kong si Kyle habang ineenjoy ng lahat ang tugtog.

"Ahhh, yung sinasabi nilang misteryosong kamember?" natawa niyang tugon kaya nacurious na naman ako. "Umuwi na daw kaninang tanghali bitbit yung mga gamit niya."

"Bakit daw umuwi?" Tanong ko ulit.

"Sabi nung mga kasama niya sa banda ay may inaasikaso lang daw kaya umuwi muna."

"Anong pangalan daw?"

"Hindi ko alam eh, alias lang yung inilagay niya sa papel noong nag-audition," Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon kaya naman nagtanong muli ako kung anong alias iyon.

"Anong alias?" tanong ko.

"Sandali lang, chill," natatawa niyang sinabi. "Bakit ba gustong gusto mong malaman yung tungkol doon sa sixth member ng MCMXCI? Doon sa misteryosong member?"

"Sorry, sobrang nacurious lang ako," Paliwanag ko.

Ilang sandali pa ay natapos na sila sa pagpeperform at ako naman ay nandito lamang sa sulok at naghihintay ng kasunod na pupunta sa stage.

Ang dami ko talagang gustong malaman, hindi ko na maintindihan talaga kung ieentertain ko yung mga nararanasan ko o isasawalang bahala nalang.

"Uhmmm, MCMXCI, sa final performance niyo sa susunod na araw, dapat yung isa niyong kamember ay makapagperform," Paliwanag ni Benedict. "If hindi siya makakapagperform, i-vovoid natin ang makukuha niyong votes."

Last na magpeperform ang Blr Rppl kaya naman nanood muli ako.

Lumingon muna ako saglit at nakikita ko si Claire na para bang natahimik at walang kagana-gana sa isang sulok habang pinagpapatong ang mga natirang gamit.

Naguilty tuloy ako sa ginawa ko dahil parang napasobra yata yung sinabi ko kanina. Saka hindi ko din nasagot yung tanong niya.

Sasabihin ko na ba sa kaniya ang tungkol kay Art? Or hindi?

Baka kasi makasira sa relasyon namin kapag sinabi ko iyon, pero mas lalong ikasisira ng tiwala namin kapag hindi ko naman sinabi at sinagot ang katanungan niya. Hindi ko na alam ang gagawin.

END OF CHAPTER EIGHT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro