Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/7/ Coincidence

CHAPTER SEVEN:
Coincidence

ASH

"Ash, we need you later sa auditorium." Sambit ni Benedict na ngayon ay inaayos ang line up para sa mga kakantahin ng bawat banda. Sumang-ayon na lamang ako at nanatili muna dito sa room para makapagpahinga saglit. Habang kakaunti ang tao dito ay minabuti kong isa-isahin ang mga papel na ipinasa ng bawat kasali.

Nang kukunin ko na sana ang papel na galing sa MCMXCI ay biglang pumasok si Andrew at tinawag ako. Nasira ang plano ko kaya naman wala akong nagawa kundi sumama sa kaniya.

May kalakihan ang university kaya naman kakaunting tsansa lamang ang makukuha mo para libutin ito ng isang oras.

"Ash, pinapasabi sakin ni Benedict na samahan daw kita sa auditorium para daw magayos ng stage setting." Paliwanag niya habang sabay kaming naglalakad. "Medyo maingay lang doon mamaya kasi inaasikaso na yung sound systems at nagrerehearse na ang mga official na sasali."

"Nandun din ba yung mga band members ng MCMXCI?" Tanong ko at napatingin siya sa akin.

"Bakit mo naman naitanong?" Medyo natawa niyang sinabi.

"Uhmm, nevermind." tugon ko. Mas lalo tuloy lumalim yung iniisip ko. Sa sobrang curious ko, halos lumubog na ako sa nilalakaran ko ngayon.

Nakarating kami sa napakalaking pinto ng auditorium at binuksan ito, bukas ang aircon kaya naman sumalubong ang lamig sa aking mukha at katawan. Bumungad sa akin  ang mga taong nagaayos sa stage at ang mga upuan na nakalinya sa gilid. Napapalibutan ng itim na tela ang paligid at ang mga tutugtog naman ay nagvovocalize sa isang tabi.

"Ash!" Narinig ko ang sigaw ng isang babae. Umalingawngaw sa auditorium ang boses niya.

Hinanap ko ang tumawag sa akin at nakita kong kumakaway si Claire sa akin. Siya pala ang tumawag.

"Girlfriend time na ba?" tanong ni Andrew sa aking tabi. Nakuha pa talagang magbiro ngayong namomroblema na ang coordinators ng event. Napangisi nalang ako at tinapik niya ang balikat ko. "Diyan ka muna, kakausapin ko lang si Benedict sa backstage. Sunod ka nalang."

Naiwan ako dito at nakita kong papalapit si Claire sa akin. Ang saya saya niya ngayon at para bang ligayang ligaya na nakita ako.

"Bakit ka nandito? I thought you're in your building?" Tanong ko at nakita kong puro glitters ang kamay niya.

"I volunteered!" nakangiti niyang sagot.

"Nagvolunteer nga ba?"

"Yes, para naman maging productive ako." tugon niya at ngumiti sa akin. Itinaas niya ang kaniyang kamay at akmang ilalapit sa akin ang kamay niyang punung-puno ng glitters.

"Claire, please stop." sinabi ko at huminto naman siya. Para tuloy siyang batang hindi napagbigyan.

Nakita ko si Benedict kaya naman nagpaalam muna ako kay Claire, sasabihin ko na sa kaniya yung positioning ng mga props and decorations sa stage para naman may maitulong ako.

"Ash, ipinakita ko na sa mga members ang design mo sa stage pati sa audience view." sinabi niya at sumang-ayon ako. "Pa-check nalang mamaya if may kailangang idagdag or baguhin, paayos nalang din nung backstage para may designated area ang mga members ng band." sinabi niya at ako naman sumunod na lamang sa kaniyang ipinakiusap.

Pagkarating ko sa backstage ay walang katao-tao, nakita kong may mga bondpaper na may nakalagay ng band names. Baka ito yung kailangang ipaskil sa designated area ng mga kasali. May mga gamit na din dito kaya naman nagtaka ako kung bakit. May mga bag ng gitara, mga stands, drums set, at keyboard.

Idinikit ko na ang bawat papel at nakita kong may nasagi akong gitara, dumulas ito sa sandalan at nakarinig ako ng isang malagong na pagbagsak. Nakagat ko ang aking labi dahil mukhang malala yung nangyari dito.

Kinuha ko na kaagad ang gitara at ibinalik sa pinaglalagyan nito kanina. Bigla kong nakita ang gitara na para bang pamilyar sa akin. Nang ihaharap ko na sana sa akin ang gitarang hawak ko ay biglang pumasok si Claire kaya naman hindi ko na naituloy.

"Bie, okay ka na dito? Saan mo gustong kumain?" Saad niya at napabuntong hininga nalang ako. Babalikan ko nalang yung gitara dito mamaya. "Lumalabas na kasi yung ibang members ng banda kaya naisipan kong puntahan na kita dito."

Naghihintay siya malapit sa pinto kaya naman lumabas na din ako. May kakaiba talaga akong naramdaman sa gitarang iyon, hindi ko maintindihan pero parang lahat ng makikita ko ay parang may something. Kahit labag sa kalooban kong bitawan ang gitara ay wala akong nagawa dahil magtataka na naman si Claire sa akin.

"Okay ka lang ba? Bakit parang kanina ka pang haggard?" tanong niya at napalingon ako.

"Hindi ko alam eh, may mga naaalala lang ako." tugon ko at nang makaalis kami sa backstage ay bumungad sa amin ang mga taong papunta na din aa loob. Gustong gusto kong balikan yung gitara sa loob pero hindi ko talaga magawa.

"May karinderya sa labas ng univ, gusto mong doon tayo kumain?" alok niya ngunit dahil sa pagkablanko ng utak ko ay sinasang-ayunan ko nalang ang kaniyang sinasabi.

Naalala ko tuloy bigla yung gitara ni Art pati na rin ang ang taon kung kailan kami nagkita. Alam kong parang malabo at parang coincidence lang ang lahat pero bakit ganito? Bakit parang nauulit? Bakit parang may ipinapahiwatig na naman ang nakaraan ko?

"Ash, hindi totoo lahat, wala na yung relo okay, hindi na pwedeng mangyari ulit..." Bulong ko sa aking sarili at patuloy padin sa pagsasalita si Claire.

"Ano yon Bie? May sinasabi ka ba?" Tanong ni Claire sabay hawi ng buhok niya sa bangs.

"Ahhh, wala naman... Ano, saan mo gustong kumain?" Nauutal kong sinabi at kumunot ang noo ni Claire at nagsalubong ang kilay.

"O akala ko ba sa karinderya sa labas tayo kakain? Diba pumayag ka?" Nagtataka niyang tanong at ngayon ay malapit na kami sa labasan ng university.

Lutang na talaga ako, hindi ko na alam talaga yung nangyayari sa paligid ko. I am still bothered sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala at nanghihinayang akong hindi ko pa tuluyang nakita yung gitarang nasa backstage.

"Ahh oo nga pala, sorry, ang dami ko lang talagang iniisip." saad ko at inilayo ang aking tingin sa kaniya.

*****

Nakaupo kami ngayon sa mainit na karinderyang pinuntahan namin. Chicken Caldereta ang binili ko at si Claire naman ay Dinuguan. Hindi naman sa pagiging maarte pero hindi ako fan ng Dinuguan, tanong niyo pa kay Mommy.

Sinimulan ko ang pagkain habang siya naman ay halos habulin na ang hininga dahil sa pagmamadali. Pinapanood ko lamang siyang kumain habang marahan kong hinihimay ang manok na nakalagay sa aking pinggan.

"Ash, bakit parang lately, ang dami mong pinoproblema? Pwede mo namang ishare sa akin para may maitulong ako Bie." Sinabi niya pagkatapos niyang uminom ng tubig.

Nagdadalawang isip ako kung mag-oopen up ba ako or hindi dahil feeling ko makakaistorbo lang ako. I don't want other people to get involve sa problema ko and be affected sa nangyayari sa akin.

"Ash?" Habol niya at winagayway ang kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Answer my question." Sinabi niya at ngumiti nang bahagya.

"Hindi ko kasi alam ang isasagot ko eh, I'm sorry." Tugon ko at napabuntong hininga kami parehas.

"Kuwento mo nalang sakin yung mga nangyari, promise, I'll help," Sinabi niya at ako naman ay uminom muna ng tubig. Pinagpapawisan talaga ako sa karinderyang pinasukan namin.

"Naniniwala ka ba na posibleng makita mo ulit yung same na gamit in the past ngayong nasa present tayo?" Seryoso kong itinanong habang nilalaro niya ang tinidor sa pinggan. Nakita kong napapaisip siya at parang nanibago ang reaksyon.

"Anong gamit?" Nauutal niyang sinabi at hindi makatagal sa aking pagtitig.

"Anything, basta gamit na galing sa past na makikita ngayon sa present," Paliwanag ko at nakita kong medyo bumalik sa normal ang kaniyang mood. Mukha yatang may mas nararamdamang problema itong si Claire kaysa sa akin.

"Well, pwede naman, hindi natin masasabi, baka in the unexpected time and way natin makita yung mga gamit in the past," Sinabi niya at uminom muli ng tubig.

"Ayun kasi yung problema ko eh," Panimula ko at kinapa niya ang kaniyang bulsa ng palihim.

"I saw something na parang nakita ko na dati pero parang nakita ko ulit ngayon, ang weird nga lang kasi parang sa panaginip ko unang nakita yung gamit na iyon," Bigkas ko at nakita kong nakikinig siya sa akin ng mabuti.

"Ganito Ash, kung naiisip or nakita mo muli ang gamit na iyon, try to forget it... Malay mo replica lang or anything na kagaya lang talaga ng original," Paliwanag niya at natahimim na lang ako. Sayang hindi ko pala nadala yung cellphone ko dahil nasa room ng coordinators yung bag ko.

"Siya nga pala, tapos na ba yung line up ng songs na ipinasa sa inyo ng mga bands?" tanong niya at ako naman ay nawala sa aking iniisip.

"Uhmmm hindi pa eh, hinihintay pa yung line up ng iba pero sabi sakin ni Kyle, yung flow daw ng battle ay everyday hanggang sa awards night." Paliwanag ko at medyo nakarecover na ako sa pagiging lutang ko kanina.

"Unang araw hanggang sa pangatlong day, ayun daw yung battle rounds, boboto yung mga college students through voting sa social media page ng BOTB, tapos yung ika-apat na araw, ayun yung composition mismo ng banda. Tapos pagkatapos noon, next day, awarding na." paliwanag ko at nakita ko ang excitement sa mukha ni Claire.

"Mukhang promising ah, anong mapapanalunan ng mga winners?" Tanong niyang muli.

"Lahat sila hindi uuwing walang award, pero yung magchachampion, mabibigyan ng opportunity na makuha yung prize gamit ang fund na malilikom sa entrance fee." paliwanag ko at napatango nalang siya.

"Ikaw? May bet ka na ba sa mga banda?"

"Oo, tanda mo yung nagchampion last year? Sila ulit yung pambato ko," saad ko at nacurious siya. Iniisip niya siguro yung nanalo last year.

"Yung Screamnote?" nakangiti niyang tanong. Tumango nalang ako at para siyang ligayang ligaya nang malaman niya iyon. "Oh my god, nanalo sila last year kasi mapanakit yung ginawa nilang composition, saka yung line up ng songs nila," sinabi niya at medyo pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid.

"Shhhh. Kalma lang." Sinabi ko at napangisi kaming dalawa.

"Sana ganoon din yung maging set-up nila this coming week para naman manalo ulit sila ng back to back to back." Mahina niyang sinabi at ngumiti.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan na naming lisanin ang kainan upang bumalik na sa university, kailangan naming matapos ang props and design sa stage para hindi na kami kainin ng oras. Ilang araw nalang, Battle of the Bands na.

"Tara na Bie, baka nandun na din sila," sinabi ni Claire at sabay kaming naglakad pabalik.

END OF CHAPTER SEVEN




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro