Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/6/ MCMXCI

CHAPTER SIX:
MCMXCI

ASH

Narinig ko ang alarm ko sa cellphone at bumangon na kaagad ako. May ilang oras pa ako para makapagprepare at makakain. Bumaba ako sa hagdan at napansin kong walang mga nakalagay sa lamesa kaya naman nagtaka ako, pinuntahan ko si Mommy sa kaniyang kwarto at nakita kong wala siya dito. Nakuha ang atensyon ko nang makita ko ang isang papel sa ref na nakadikit sa magnet.

'Ash, I'm up for deliveries, manage the house before you go -Mommy'

Napabuntong hininga ako at binuksan na lamang ang ref, bumungad sa akin ang cordon bleu slices na nakalagay sa pinggan kaya naman napagdesisyunan kong kuhanin ito at painitin. Ito nalang ang gagawin kong umagahan. Nakita ko sa lamesa ang kanin na mainit pa kaya naman perfect na ito at diretso kain nalang mamaya.

Iniwan ko muna ang pagkaing nasa kusina at kinuha ang aking cellphone. Habang bumababa naman ako ay naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone kaya naman tiningnan ko kaagad. Si Claire tumatawag.

"Hello, Bie, goodmorning nga pala," bati ko at narinig ko ang kaunting ingay sa kabilang linya.

"Bie, hindi mo ba ako papapasukin?" tanong niya habang inaayos ang iniwan ko sa kusina.

"Huh? Pumasok ka, sayang attendance mo," sinabi ko habang nakaipit ang cellphone ko sa aking balikat.

"I mean, sa bahay niyo," Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Agad kong inilapag sandali ang hawak ko at nagtungo sa pinto. Nang makasilip ako ay nakita kong kumakaway siya at nakalagay ang isang kamay sa cellphone.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.

"Bakit ka dumiretso dito? Baka mahuli ka sa first period mo," sinabi ko at pinaupo siya sa sofa. Bumalik ako sa kusina at inilagay ang ipinainit kong pagkain sa plato kasama ang kanin.

"Hindi naman, saka okay lang sakin," sinabi niya at ngumiti. "Hintayin nalang kita para sabay tayo."

"Sure ka? Baka mapagalitan ka ng prof mo," pagaalala ko at umupo na ako sa upuan para kumain. "Kain nga pala," alok ko.

"Siya nga pala, Bie, may plan na ba kayo for the Battle Of The Bands?" tanong niya. Bigla ko tuloy naisip yung concept ng Battles, hindi pa kasi masyadong konkreto yung nasa isip ko pero may idea na ako.

"Wala pang final plan, puro ideas palang," simple kong sinabi at nakita kong may binabasa siyang libro. Yung heartless.

About naman doon sa battle of the bands, naisipan kong sa one week na nakalaan para sa event, dapat makapagperform ang lahat ng bands every day. Kung ilan man yung kasali edi go, basta ayun yung naisip ko. Then sa bawat performance nila, yung tao ang magdedecide and kailangan nilang magvote online sa gagawin naming page. Kukuhanin ang total scores or votes at the end of the week which is yung Awards na.

"Alam mo Bie, natapos ko yung kalhati ng part one nitong 'Heartless' kahapon, nakakadala yung mga sinasabi ni Rozen dito," maligaya niyang sinabi habang ipinapakita sa akin ang libro.

"Anong meron kay Rozen?" malamig na tanong ko habang inaayos ang pinagkainan ko sa lamesa.

"Basta yung panga talaga yung nakakadala pati yung pagiging possessive niya."

"So gusto mo pala ng possessive?" seryoso kong tanong kahit nagaattempt akong magbiro

"Slight lang, hindi katulad ni Noah dito na napaka-cold."

"I'll try to be possessive."

Nakita ko ang pananahimik sa mukha niya at nakangisi lamang ako sa pagtingin sa kaniya. Sa totoo lang, parang hindi bagay sakin maging possessive, I prefer to be the boyfriend na hindi ganoong kahigpit.

"Kumusta nga pala si Doris?" pambasag katahimikan kong tanong.

"Uhmmm, ayun, nakakulong padin," Narinig ko ang mahihina niyang tawa.

Nagpaalam muna ako sa kaniya upang makapaligo na din at makapagayos, hindi ko naman inexpect na pupunta siya without earlier notice. Hayaan na, nandito na siya eh.

Ilang minuto din ang itinagal bago ako makalabas ng banyo. Naka-balot sa aking likuran ang tuwalya at ngayon ay nakashort lang ako. Nang makalabas ako ay nakita kong may ginagalaw si Claire sa tabi ng TV kaya naman napahinto kami parehas. Napaatras siya at lumayo sa harap ng shelf.

"Claire, ano iyon?" tanong ko habang tinutuyo ko ang aking buhok.

"Ahhh, wala naman, may nakita lang akong insekto," nauutal niyang sinabi at sumangayon nalang ako dahil kakaunting oras na lamang ay malelate na kami.

Nabobother padin ako kung ano yung ginawa niya, kahit nagbibihis ako ay napapaisip ako sa nakita ko kanina. Ano kaya iyon? Tunay kayang may insekto talaga gaya nung sinabi niya?

Isinuot ko muli ang aking salamin sa mata at nagbihis, kinuha ko na din ang bag kong ginagamit sa pagpasok at inayos ang laman nito. Inilagay ko na din kaagad ang flashdrive, laptop, at iba pang kailangan. Inilipat ko naman dito ang journal notebook ko at ang maliit kong notes.

Lumabas na ako sa kwarto at pinatay ang ilaw, dinala ko muli ang aking earphones at nagiwan ako ng note sa ref.

"Bie, tara na." Anyaya ko at inayos na niya ang kaniyang gamit.

*****

Nakarating kami ng ligtas dito sa university at nakakapagod bumiyahe sa totoo lang, halos nangalhati yung mga kanta ko sa playlist sa sobrang tagal namin dahil sa traffic.

Nang makapasok kami sa loob ay isinarado na ni Claire ang bag niya dahil nagkaroon ng inspection sa gate palang mismo.

"Uhmmm Bie, punta na ako sa building faculty namin, magkita nalang tayo before lunch, vacant ako." sinabi niya at naglakad na kami papalayo sa isa't isa.

Habang binabaybay ko ang kahabaan ng pathway na ito ay nakikita ko ang mga freshmen na nakatambay lang sa pavillion at yung iba naman ay nakatutok sa bookbind, at journals nila.

Ilang sandali pa ay nakakita ako ng isang malaking poster ng Battle Of The Bands. Teaser poster palang ito at dahil dito, mas ginanahan akong mag-isip ng pwede pang ilagay at maging idea para sa buong event.

"Nandito ka na pala Ash."

Nakaramdam ako ng isang pagakbay kaya naman nilingon ko ito. Nakita ko si Kyle na nakangiti at tinitingala ang poster.

"Natapos mo ba yung event schedules?" ani niya.

"Oo, nai-email ko na rin sa admin and waiting for screening nalang," Paliwanag ko. Kinuha ko sa bag ko ang flashdrive at ibinigay ito sa kaniya.

"Nasabi na ba sayo ni Andrew na maraming nagpalista para sa Battle Of The Bands?" tanong niya. Si Andrew nga pala yung nakaassign sa registration ng mga sasali sa battle.

"Hindi pa, paano mo naman nalaman?" tugon ko at nagtanong muli.

"Kaninang umaga lang siya nag-update sa akin," Sinabi niya. "Tara, pumunta tayo sa building nila."

Sumabay nalang ako sa kaniya dahil tungkol naman sa event yung paguusapan namin. Sobrang nacurious naman ako sa mga sasali dahil isa ito sa major event ng school, every year lang nangyayari ito kaya naman nakakaexcite.

Nakarating kami dito sa faculty building nila at nakita kong may mga taong nandito at may mga dalang papel at instruments.

"Ang dami ngang nag-au-audition para dito, tapos apat lang ang mapipiling banda." Sinabi niya habang tinitignan ang kahabaan ng pila.

"Ilan na yung napili? May nabanggit ba si Andrew sayo?" tanong ko at umiling nalang siya.

"Sabi nila iisang slot nalang daw ang natitira tapos kumpleto na ang Magic Four, pasok naman yung pambato nating banda kaya ayos na 'yon." Confident niyang sinabi at umabot kami sa room kung nasaan ang coordinators na nagmemeeting.

"Guys, ito na si Ash, yung bayani nating coordinator." biro niya at napangisi naman ako.

Nakita kong parang namomroblema sila bago ako pumasok. Sobrang nanibago ang atmosphere nang makita nila ako, parang ako yung kasagutan sa pinagmemeetingan nila kanina pa.

"Ayun!" Sigaw ni Benedict, kaibigan kong kasama as event organizer. "I'm glad you're here, namomroblema na kasi kami about sa poster and oara sa background visual sa stage, pwede mo ba kaming tulungan?"

Nabigla ako sa sinabi niya at kahit hindi pa nagsisink in lahat mg sinabi niya ay napa-oo nalang ako.

"Wait lang, diba may poster na sa labas? Hindi pa ba iyon?" tanong ko.

"Sa google lang namin kinuha iyon, baka naman sana magawan mo ng mas maganda pa doon?" pakiusap niya at sumang-ayon ako, madali lang sa akin ang paggawa lalo na't nasa faculty ako ng Digital and Multimedia Arts.

"Sure, sabihin niyo lang sakin lahat ng details na ilalagay sa poster para masimulan ko na sa laptop ko." sinabi ko at agaran nila akong pinaupo sa upuan. Ipinakita nila sa akin yung drawing at elimination bracket sa whiteboard na nasa unahan.

"Ash, yung nasa left side, ayun yung details ng poster tapos dun sa right side, ayun yung listahan nung mga natanggap na mga banda. Gagawan mo din sila ng logo para sa individual flyers nila." Nawindang ako sa sinabi niya pero naunawaan ko naman.

Inilabas ko ang laptop at hinayaan muna nila akong nandito sa room. Sila naman ay nagsescreen ng mga banda kung may potential bang mapasali sa Magic Four or hindi.

Nakita kong muli ang mga official na kasaling banda at nakita kong kasali muli yung pambato namin ni Kyle, ang 'Screamnote'. Ang banda nila ang champion ng dalawang taon at kung maipanalo nila muli ang BOTB ngayong year, magiging third time Champion na sila. Lima ang members nila at lahat dalawa sa kanila ang vocalist.

Sunod ko naman nakita ang 'Lirica', mukhang bago palang silang banda pero sa pangalan palang, maganda na. Tinanong ko ang mga coordinators at sinabi nilang babae daw ang main vocalist at puro babae din daw ang naghahandle ng instruments, three members lang din daw sila.

Huli ko namang nakita ang banda na may pangalan na 'Blr Rppl'. Hindi ko maunawaan noong umpisa ang pangalan kaya nagtanong ako kay Kyle.

"Kyle, anong basa doon?" tanong ko at itinuro ang nasa board.

"Blare Ripple. Four Members lang sila," sinabi niya habang inihihiwalay ang mga nagaudition na hindi nakapasa.

Isa nalang at makukumpleto na ang Magic Four, Una ang Screamnote, Lirica, at Blr Rppl. Agad ko namang inadjust ang mga fonts sa ginagawa kong poster at ipinakita sa kanila ang draft design ko. Sumang-ayon naman sila dito at ipinakisuyong ilagay ko sa flashdrive upang maipaprint na kaagad. Ilang days na nga lang pala at Battle Of The Banda na kaya nangangarag na ang lahat.

"Guys, ito yung naisip kong design and concept ng stage para sa BOTB, I think babagay na siya sa auditorium dahil sakto lang naman yung laki ng stage pati na din nung lawak nung ground." paliwanag ko at tiningnan nila mabuti ang design sketch ko.

"Ano ang magiging color ng mga decorations?" Tanong ni Benedict at ipinakita ko naman ang digital representation ng sketch ko.

"Maglalaro lang sa Royal Blue, Indigo, Red, and Orange ang lahat. From the lights and everything, this is just my design and option. If ever man na may naisip kayong mas better, I'll accept." paliwanag ko ngunit nakita ko ang ngiti sa mga mukha nila.

"Ash, this is great, ito nalang ang gawin nating setting ng stage, for sure, magiging mala-big concert ang event." Sinabi niya at sumang-ayon naman ang lahat. Nakakaproud lang dahil nakikita ko sa kanila na natuwa sila sa ginawa kong simpleng setting.

Nang matapos na ang lahat ay nakita kong pumasok sa loob si Andrew at may hawak na mga papel. Lumapit siya sa whiteboard at may isinulat sa kahilera ng mga pangalan ng mga banda.

"Guys, ito na yung last band na nakapasok sa Magic Four." Saad ni Andrew at humarap sa amin. Nakita ko bigla ang sinulat niya at ang huling banda ay may unique na initials sa name.

'MCMXCI'

Nang mabasa ko iyon ay parang may kaagarang pumasok sa isip ko. Kakaiba yung pangalan at hindi ko alam kung ano yung nangyayari sa tiyan ko.

"Basahin ko lang yung info nila," sinabi ni Andrew. "MCMXCI consist of six members," hindi ko na pinakinggan ang lahat ng kaniyang sinabi nang ipinaliwanag niya ang umpisa.

Gusto ko sanang magtanong pero hindi ko nagawa. May something lang akong naramdaman sa MCMXCI kaya ako nagkakaganito. Sobra tuloy akong nacurious.

END OF CHAPTER SIX



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro