Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/5/ Double Preparation

CHAPTER FIVE:
Double Preparation

ASH

"Salamat Bie, nabusog talaga ako sa kinain natin," Sinabi ni Claire na ngayon ay nakasandal na satisfied sa upuan. Hinihimas niya ang kaniyang tiyan at niluluwagan ang pantalon.

"Sabi ko naman kasi sayo, parang ang sikip ng suot mo, push na push yung dibdib at tiyan mo tuloy," sinasabi ko habang binabalot ang burger na natira sa lamesa. "Sayo nalang itong burger, hati kayo ni Clan," Inabot ko sa kaniya at inilagay sa tapat ng lamesa.

"Sure ka? Ang sweet mo naman," tugon niya.

"Hindi ko sinabing lantakan mo iyan magisa, maghati kayo ni Clan para naman matuwa siya," sinabi ko habang pinagmamasdan ang pagcecellphone niya habang nakasandal sa upuan.

Nagpahinga din muna ako at pinanonood ang mga nasa paligid ko. Bigla kong naalala yung panahong sabay kami ni Art na kumain noon sa isang mamahaling restaurant, naalala ko din na yung nakita niyang balita noon sa TV ng resto ay tungkol sa alert noon sa Pinatubo. Medyo nanghihinayang ako ngayon dahil kung nagamit namin ang relo at naagapan ang mga mangyayari, baka siguro okay ang kalagayan niya ngayon.

Hindi ko din alam kung buhay pa siya o hindi na kaya gustong gusto kong makuha yung relo para alamin kung nasa maayos siyang kalagayan. Hindi ko na din sasayangin ang oras ko dahil napakaimposibleng mangyari yung gusto kong mangyari.

"Bie, diba club president ka ng event organization sa university?" nawala ako sa aking iniisip nang umimik si Claire. "Pwedeng makahingi ng favor? For Clan sana."

Agad ko siyang nilingon at sinang-ayunan.

"Anong favor iyon?" tanong ko.

"Malapit-lapit na din kasi yung seventh birthday ni Clan, nagsastart na din kaming magisip ng theme at preparation para sa birthday niya," ipinaliwanag niya. "Ask ko lang sana Bie, if kaya mong maging host ng event and magorganize ng flow ng birthday?"

Napaisip ako sa kaniyang sinabi at medyo napressure at naexcite ako at the same time. Ang dami ko kasing gagawin pero sayang din yung sayang maibibigay ko kay Clan sa mismong birthday niya sa simpleng pagtulong ko.

"Sure, kailan nga yung birthday niya?" Tanong ko at nakita ko ang excitement sa kaniyang mga mata.

"Next month pa, kaya ba?" nahihiya niyang tanong at tumango naman ako. Kaya kong magawa yung event plan dahil next month pa pala, I can handle my time efficiently kahit isiningit ko yung araw na ito sa academic sched ko.

"Oo, kaya namang magawa, basta tell me the details ng birthday, kung ano yung theme, motif, tsaka yung mga iimbitahin nating guests," sinabi ko at  may biglang lumapit na waiter sa table namin upang kuhanin ang mga plato at basong nagamit namin.

"Actually, may naisip na si Daddy at si Mommy about sa birthday," panimula niya at nilabas ko ang isa ko pang journal na nakalagay sa loob ng bag. Ililista ko dito ang mga sasabihin niya to construct and give more ideas sa mangyayaring event.

"Based daw sa observation ni Mommy, favorite color daw ni Clan ang Yellow, tsaka lagi niyang bitbit si Artemis, yung favorite teddybear niya," inilista ko ito sa papel at ipinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag, "Hindi namin alam pero sa edad palang niya interested na agad siya sa Greek Mythology, naisipan tuloy namin na parang nasa Greece yung setting ng birthday niya," 

"Saan daw yung target place niyo para sa venue?" tanong ko at naglagay ako ng tatlong bullet sa nilagay kong words kanina.

"Ayun yung problema namin, ang mamahal ng rent sa mga venues kahit maliit lang yung space, kaya naisipan namin na sa bahay nalang ganapin. Malaki din kasi yung bakuran namin kaya doon nalang, nakita mo naman iyon diba?" sinabi niya at inilista ang venue na sa bahay nina Claire

"Anong mangyayari sa event?" tanong ko at nakita kong inaayos na niya ang kaniyang gamit at isinilid ang burger sa bag niya.

"Yung simpleng seven gifts, seven candles, seven wishes, mga ganoon," sinabi niya. "Isama mo na rin yung seven dwarves."

Muntikan ko nang mailista yung seven dwarves na sinabi niya. May pagsa-luka din pala itong girlfriend ko.

"Joke lang, masyado ka kasing seryoso, pinapahappy lang kita," sinabi niya at ngumiti. "Yung mga invitation and visitors, send ko nalang mamaya, baka kasi hapunin tayo sa pag-uwi,"

Tumayo siya at inilagay ko na kaagad sa bag ang journal notebook. Nakita ko ang malaking wallclock na halos mag-aalas-tres na nang hapon kaya nagmadali kaming lumabas.

Pumara na kaagad si Claire ng jeep at agad kaming sumakay.

"Dahil nilibre mo ako ng lunch, ako ang magbabayad ng pamasahe," sinabi niya at pinigilan ang pagabot ko ng bayad. Wala akong nagawa kundi matawa sa ginawa niya at sundin ang gusto niya.

*****

"Bie, thank you nga pala ha, for helping me find Doris and for treating me lunch," malambing niyang sinabi at niyakap ako sa tiyan. "Let me count this day as our date," nakangiti niyang sinabi at kinuha na niya ang gamit na bitbit ko at ang mga ipinamili niyang books.

"Bie," tawag ko sa kaniya at bumalik siya sa harap ko. Yumuko ako saglit at hinalikan ang noo niya. Nang matapos iyon ay ngumiti ako at pinagmasdan ang tila kinikilig niyang mukha.

"Let's talk later nalang sa phone ha, I'll wait for your call if wala ka nang masyadong gagawin," sinabi ko at pinagbuksan siya ng pinto. Nakita ko si Clan na nakaupo sa sala at nanonood ng TV.

"Bye Bie, ingat ka sa pag-uwi mo," sinabi niya at isinarado ko na ang pinto.

Ang daming nangyari sa araw na ito at talagang masasabi kong nakakapagod at the same time, nakakadismaya. Yung painting, hindi ko manlang nalaman kung kanino talaga. Si Mang Ipe, pumanaw na nang hindi ko pa nakakausap muli para alamin yung tungkol sa relo.

Naging masaya nama ako dahil nakasama ko si Claire, kahit papaano ay hindi ako nabored sa bahay sa paggagawa ng sched.

Pumara muli ako ng masasakyan pauwi at sumakay, inilagay ko ang earphones ko sa magkabila kong tenga at pinakinggan ang paborito kong kanta ng CALEIN, Umaasa.

Habang nasa kahabaan ako ng biyahe ay sinasabayan ko lamang ang kanta at pinapanood ang paligid na mabilis na nawawala sa aking paningin.

'Nilibot ang tahanan
Tagpuan, wala ka
Paano hihilom ang sugat na gawa sa pagmamahalan?
Pagmamahalan'

Sa tuwing sasagi sa aking isip ang lahat ng nangyari, lagi kong pinapatugtog ito dahil alam ko sa sarili kong may espasyo na si Arthur sa puso ko, kahit sabihin nilang hindi siya totoo, sa kaloob-looban ko, buhya at totoo siya. Kahit ilang taon na yung nakalipas, at kahit naniwala na akong wala ng pag-asang makita ko si Art sa personal, ayos lang sa akin dahil may special part na siya sa puso ko.

Nagpapasalamat ako lalo na kay Claire dahil kung hindi din siya dumating sa buhay ko, baka hindi ko mararanasan yung saya sa tuwing magkakasama kaming dalawa. Tinulungan niya ako sa lahat ng bagay na hindi ko alam.

Ilang sandali pa ay huminto ang sasakyan at nakita kong lumiko na ito papunta sa subdivision namin. Malapit na akong makababa. Inayos ko na ang aking sarili at nagprepare ng pamasahe.

Nang makababa ako ay ibinayad ko na ang perang hawak ko at napabuntong hininga ako.

"Another assignment," saad ko sa aking sarili at narinig ko ang pagandar ng sinakyan ko kanina.

Pumasok ako sa loob ng bahay at bumungad sa akin si Mommy na binibilang ang mga tupperwares at plastic na nakasalansan sa lamesa. Lumapit ako sa kaniya at nagmano.

"O, you're here na pala, what happened sa lakad niyo ni Claire?" tanong niya. Hindi ko sasabihin kay Momny tungkol sa pagbisita ko kay Mang Ipe dahil uusisain lamang niya ang tungkol doon.

"Naging maayos naman po Mommy, nahanap na din po si Doris," paliwanag ko at unti unti niyang inaayos ang gloves na nasa kamay niya. Clarification lang, hindi boxing gloves, pang-kitchen.

"Ay mabuti naman kung ganoon, ay siya nga pala, kumain ka na ba?" tanong niya at sumang-ayon nalang ako. "Yung kaibigan mo, dumaan dito kanina, tapos may ipinabibigay na flashdrive," sinabi niya at iniabot ang isang maliit na flashdrive sa akin.

"Para saan daw po ito Mommy?" tanong ko.

"Diyan mo daw ilagay yung isesend niyong proposal, for back-up and printing daw," sinabi niya at pumunta na ako sa taas upang ayusin ito.

Inilagay ko sa kama ang aking bag at cellphone, inalis ko din muna ang salamin ko sa mata dahil medyo sumasakit ang gilid ng tenga ko. Hinubad ko ang aking damit at nagpalit na kaagad. Binuksan ko ang laptop ko at kinuha ang notebook para ilipat ang naisip kong schedule dito.

Nagulat ako nang marinig kong tumatawag muli si Kyle sa cellphone ko.

"Pre, Ash?" Salubong niya, "Nakauwi ka na ba? May ibinigay ako sa Mommy mo na flashdrive," sinabi niya at ipinaliwanag kong nakuha ko na.

"Nagchange ng plano yung admin, sabi nila, kailangan daw may maisesend sa kanila through email at yung isa ay printed copy," paliwanag niya at nagsalubong ang aking kilay.

"Bakit daw?" Tanong ko habang inililipat ang page ng journal ko.

"Hindi ko alam eh, basta daw dapat masend this day at maipakita natin yung printed tomorrow. Sinabi din niya na simulan na natin yung pangongolekta ng names para sa magiging contenders sa Battle of the Bands," sinabi niya at napahawak ako sa aking mukha na para bang ipinapahiwatig ng katawan ko na napepressure ako.

"Sige, send ko nalang mamaya if natapos ko na yung event schedule at set-up ng BOTB," sinabi ko at ako na mismo ang nagbaba ng tawag.

Exhausted na naman ako mamayang gabi! Nagsisimula na namang magbuild up yung insomnia ko dahil late na late akong natutulog sa gabi. Wishing and hoping na matapos ko itong schedule and set-up this remaining time of the day.

Ilang oras akong nakaupo at nakatutok sa aking screen at medyo bumabagsak na din ang mata ko. Natapos na din ako sa hapunan at halos maging lutang na ako kakainput ng words.

Ang hirap din palang maassign as event organizer, nakakatunaw ng brain cells.

Tumunog na naman ang cellphons ko at nakita ko namang si Claire ang tumatawag.

"Hello Bie, natapos ko na lahat ng gagawin ko," maligaya niyang bati at ako naman ay bumulong ng 'Hindi pa ako tapos'. "May ginagawa ka pa ba Bie?" tanong niya.

"Oo Bie eh, pero malapit na akong matapos, huwag kang mag-alala." sinabi ko at ilang sandali nalang ay matatapos ko na talaga ito.

"Nagustuhan ni Clan yung burger na ipinadala mo sa akin, ibinigay ko nalang sa kaniya lahat para maenjoy niya," Masaya niyang sinabi at napangiti naman ako.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay sa wakas at natapos ko na din. Inilagay ko na sa flashdrive ang ginawa ko at isinend sa demanding naming admin ang sched. Kinuha ko na kaagad ang cellphone at isinara ang laptop.

"Bie, natapos ko na yung ilang chapters sa Heartless, nakakakilig siya sobra! So sad nga lang kasi habol nang habol si Coreen kay Noah," sinabi niya at napapangiti naman ako sa kuwento niya. Her voice makes me so calm and relaxed, hindi ko maexplain kung bakit.

"Bie, sabihin mo lang sa akin if matutulog kana, I'll let you sleep na din para hindi ka puyat para bukas sa pasom natin," sinabi niya at sabay naman kaming napahikab. Dinig ko sa kabilang linya ang paghikab niya.

"Okay lang ba?" tanong ko at unti unti kong pinikita ang aking mata.

"Oo naman, inaantok na din ako," sinabi niya at narinig ko ang mahina niyang tawa.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakaramdam ako ng antok kaya naman nagpaalam na ako kay Claire.

"Goodnight," malambing kong sinabi at narinig ko din ang tugon niyang goodnight. Time to enjoy this night with a sleep.

END OF CHAPTER FIVE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro