Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/4/ Mang Ipe

CHAPTER FOUR:
Mang Ipe

ASH

Nakarating kami nang ligtas sa isang baranggay kung nasaan ang pagawaan ng relo ni Mang Ipe, narinig ko ang pag-alis ng jeep at hawak ko padin ngayon ang bag na pinaglalagyan ng mga librong binili ni Claire. Nang hahakbang na sana ako ay hinawakan ako sa braso ni Claire at napalingon naman kaagad ako.

"Bie, bakit parang ang layo? Sure ka bang nandito yung sinasabi mo?" Tanong niya sa akin habang nakasalubong ang kilay niya.

"Oo sure ako," Tugon ko kahit parang hindi ko na sigurado kung nandito nga ba yung tindahan ni Mang Ipe.

Naglakad kami nang dahan dahan sa kalsada habang pinagtitinginan kami ng mga batang nakakasalubong naming naglalaro. Masasabi kong malayo sa bayan ito pero sa tingin ko naman ay masaya dito kahit hindi ganoong umasenso ito sa nakaraang taon.

Umabot kami sa kalagitnaan at nakita ko ang isang malaking puting tolda at maraming mga nakaupo sa labas at tahimik. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero ramdam kong may mali. Wala akong nakikitang maliit na stall ng pagawaan.

"Magandang araw po, alam niyo po ba kung nasaan ang bahay ni Mang Ipe?" Tanong ko sa nagwawalis na babae sa tapat ng kaniyang bahay.

"Ahhh si Ipe ba? Nakikita mo yung toldang iyon, pumunta ka doon at nakita kong may burol eh," saad niya at nagpasalamat ako. Nakasunod padin sa akin si Claire na tila ba naguguluhan sa aking pinaggagagawa.

Habang binabaybay namin ang maikling daan ay bigla akong kinabahan at para bang nadidismaya, hindi ko alam pero may kung ano sa tiyan at dibdib ko na mabigat, hindi ko maexplain.

"Bie, okay ka lang? You need water?" Alok ni Claire at hawak ang braso ko, medyo pinagpapawisan ako at hindi ko maexplain talaga kung bakit.

Ilang sandali pa ay may isang lalaking napatingin at inapproach kami, sa totoo lang, si Mang Ipe lang yun habol ko dito.

"Si Mang Ipe po? Nandiyan po ba sa loob?" Napasilip ako sa loob ng bahay at nakita kong may nakaburol nga, sobra akong nacurious at kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isip.

"Nako, ay iho, wala na si Tatang ay," Tugon niya.

Halos malunok ko nang buo ang laway ko nang marinig ko iyon sa kaniya, kinilabutan din ako at hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko. Nakakapanghinayang.

Pinaupo muna kami sandali ni Claire sa labas dahil puno ang tao sa loob, mamaya nalang siguro kami papasok.

"May mga biskwit dito, kumuha nalang kayo," saad ng anak ni Mang Ipe at nakaupo na kami ngayon sa ilalim ng tolda.

"Kuya, ano pong nangyari? Naalala ko po kasi na dalawin siya dito para po may itanong kaso po ito nga po yung nangyari," Nagaalala kong itinanong at ipinaliwanag. Si Claire naman ay nakikinig lamang sa usapan namin.

"Noong nakaraang linggo ay bumagsak si Tatang dito sa labas, hindi nga namin alam kung bakit ga nangyari ayun, napakalakas pa naman niya ay," kuwento niya. "Pagkatapos noon ay dinala namin siya sa ospital kaso ay hindi na siya umabot,"

Kahit hindi ko kaanu-ano si Mang Ipe ay todo ang panghihinayang ko't lalo na't may mahalaga akong itatanong sa kaniya, naalala ko tuloy yung araw na sinabi niyang ingatan ko daw ang relo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung nagha-hallucinate ba ako nung mga panahong iyon o hindi.

"Ilang taon na po si Mang Ipe," tanong ko at nakita kong kumakain si Claire sa aking tabi, hindi pa kasi kami nagtatanghalian.

"Eighty Three na siya, naiwan nga yung mga gamit niya sa paggagawa ng mga kinukumpuni niyang relo." tugon niya at nakita kong magsilabasan na ang mga taong nasa loob. "Gusto niyo?"

Iniwan ko muna si Claire sa labas at pumasok naman ako sa maliit nilang bahay, nandito din sa iang gilid ang mini stall niya katabi ng kabaong. Nakita ko sa loob ang katawan ni Mang Ipe.

Nang makita ko iyon ay para akong nasilaw, napaatras ako at napalyo sa pagtingin dito. Medyo naliyo at na-out of balance ako nang makita ko iyon. Napakapit ako sa anak ni Mang Ipe at ngayon ay inaalalayan niya ako sa pag-upo sa sofa.

Ano kayang meron? Bakit biglang nangyari sa akin iyon?

Hawak hawak ko ang aking gitna ng ilong at nng makaupo ako ay dahan dahan kong iminulat ang aking mata.

"Iho, ayos ka lang ba? Gusto mo ng tubig?" alok niya ngunit tinanggihan ko nalang muna.

Parehas yung naramdaman kong pagkahilo ngayon noong una akong inatake ng relo. Hindi ko na talaga malaman kung totoo ba lahat nung nakita ko o gawa gawa lang talaga ng isip ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay naisipan kong itanong sa kaniya kung may nalalaman ba siya tungkol sa relo at sa Pinatubo.

"Manong, tanong ko lang po, may naikukuwento po ba si Mang Ipe sa inyo noong huli po akong nagpunta dito para magpaayos ng relo?" tanong ko.

"Uhmmm, parang walang nasasabi si Tatang sa amin," Halos madismaya na naman ako sa narinig kong sagot. "Pero noon, nung malakas pa siya, sobra yung tuwa niya... lagi niyang sinasabing 'nahanap na ang itinakda ng kapalaran', lagi niya iyong sinasabi pagkatapos niyang gawin ang mga mga gagawin niya sa buong araw."

Inilaan ko lang ang aking sarili sa pakikinig sa kaniya at halos hindi ko pinapansin ang paligid.

"Noon kasi, sikat na sikat si Tatang sa paggawa ng mga relo pati na din ng mga orasan," saad niya. "Noong nasa Tarlac pa siya ay talagang halos araw-araw kaming may laruan dahil nakakabonus at extra daw siya sa mga nagpapagawa," napapangiti niyang sinabi.

"Ipinagpapasalamat daw niya iyon noong may isang taong nagpagawa ng relo sa kaniya na ginawa niyang libre, ayun daw yung dahilan kung bakit siya sinuwerte nang todo noon," sinabi niya.

Pinipigilan ko lang maiyak dahil sa natotouch ako sa mga kwento niya tungkol kay Mang Ipe, siguro kung nabubuhay pa siya at nakita niya akong muli, matutuwa at madidismaya iyon dahil hindi ko napangalagaan nang maayos yung relo, kung totoo man iyon.

*****

Dumadami na ang tao dito kaya naman napagdesisyunan ko nang lumabas at samahan si Claire sa labas, nakita ko siyang nagbabasa na ng libro na binili niya. Ang tagal ata niyang naghintay sa akin.

"Bie, nakapag-paalam na ako, tara na," mahinahon kong sinabi at tumingala siya sa akin.

"Okay ka na?" tugon niya at kinuha ang bag na katabi niya sa upuan. Kinuha ko na rin ang aking bag para makaalis na din kami.

"Oo, nakausap ko na naman yung anak ni Mang Ipe," sinabi ko at tumayo na kami parehas, nagpaalam muli ako sa kanila at naglakad papaalis.

"Anong sabi? Nakuha mo ba yung sagot sa tanong mo?" tanong niya.

"Hindi ko nga alam eh, wala siyang nasabi tungkol doon sa relong matagal ko nang hinahanap," paliwanag ko at nakita ko ang paninibago ng reaksyon niya, natahimik siya sa sinabi ko kahit akmang may sasabihin siya. Napakagat siya nang labi at para bang namumutla.

"May problema ba?" tanong ko at nawala siya sa malalim niyang iniisip.

"Ahh, wala naman, ano kasi... yung tiyan ko, gutom na yata," sagot niya at ngumisk. Ako din, nagugutom na, mag-two-two  na ng hapon, kaya parehas na kaming nagutom.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko habang naghihintay kami ng masasakyan.

"Sabi mo uuwi na tayo?" tanong niya sa akin at nakasalubong ang kaniyang kilay. Napabuntong hininga na lang ako.

"Basta, we need to eat, ayoko pa namang makita kang nagugutom," sinabi ko at narinig kong kumalam ang tiyan niya. "Lumiliit na yung bilbil mo tuloy," pabiro kong sinabi at hinampas niya ang braso ko.

"Anong bilbil? On-diet na nga ako tapos sasabihin mong may bilbil padin," reklamo niyang parang bata, "Sigurado ka? May bilbil ako?" parang batang itinanong niya.

"Learn how to determine the truth sa joke," seryoso kong sinabi, "Sige ka, magkakabilbil ka talaga if you will entertain your bilbils," pabiro kong sinabi at kinurot niya ang aking tagiliran.

May tumigil na jeep sa aming tapat at sumakay na kami kaagad.

"Ako na ang magbabayad," sinabi niya at akmang kumukuha na ng pera sa wallet.

"Hindi, ako na ang magbabayad," sinabi ko dahil nasa kamay ko na ang pamasahe para sa aming dalawa. Inabot ko na agad sa katabi namin ang pamasahe at ipinakisuyong iabot ito sa driver.

Kinuha ni Claire ang librong binuksan niya kanina at binabasa ito nang tahimik sa loob ng umaandar na jeep.

"Maliliyo ka niyan," sinabi ko at lumingon siya sa akin.

"Huh? Bakit naman?" tanong niya at nagtataka.

"Motion sickness," sinabi ko at ipinagpatuloy padin niya ang pakikinig sa susunod kong sasabihin, "Yung mata mo kasi ay nakafocus sa librong binabasa mo while your inner self ay nakaconcentrate sa galaw ng paligid. It can cause vertigo if tumagal pa yung pagbabasa mo." paliwanag ko at nakita ko ang pagkamangha niya sa aking sinabi.

"Paano mo naman nalaman?" tanong niya.

"Google." tipid kong sagot at napatawa kami parehas. Sinunod naman niya ang aking sinabi at isinilid muli ang libro. Malapit na kami sa bayan at nakikita ko na ang matataas na building pati na rin ang logos ng mga fastfood chains.

Ilang sandali pa ay ramdam kong may nagvibrate sa bulsa ko kaya naman kinuha ko ito kaagad.

"Hello?"

"Ash, si Kyle ito." saad ng nasa kabilang linya. Si Kyle, isa sa coordinators ng event na kaibigan ko.

"Oh, Kyle, napatawag ka?"

"Ash, kaya mong matapos yung event plan within this day? Bukas na kasi kakailanganin ng admin yung schedule para maapprove na nang mas maaga," sinabi niya sa akin habang stuck kami nang bahagya sa traffic.

Shot, I forgot na may gagawin pa pala ako, I need to finish it as soon as possible.

"Sige Kyle, ayusin ko mamaya, may pinuntahan kasi kami ni Claire, wala pa ako sa bahay," paliwanag ko.

"Sige Ash, basta balitaan mo kaagad ako para incase na maipasa natin this day, yung Battle of the Bands naman yung aasikasuhin natin," sinabi niya at ibinaba na niya ang tawag.

Ilang sandali pa ay nakababa na kami sa wakas galing sa jeep at tumambad sa amin ang napakaraming tao, sumabay si Claire sa paglalakad at nakita kong namumutla na siya at ramdam kong gutom na gutom na ang aking girlfriend.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko at napalingon siya sa mga fastfood chain na nakikita namin.

"Ikaw na magdecide, basta doon sa masarap at nakakabusog," sinabi niya at halata kong nawawalan na siya ng energy.

Dalidali kaming pumasok sa isang kilalang fastfood restaurant at ipinaupo ko na siya sa isang bakanteng upuan.

"What do you want? Ako na magoorder," sinabi ko habang nakatayo at hinihintay ang sagot niya.

"Alam kong alam mo na yung gusto kong kainin, you decide," sinabi niya at parang lutang na sa gutom.

"Wala naman ako sa menu nila ah?" pabiro kong tanong at marahan niyang ibinato ang panyo niyang nakalagay sa kaniyang kamay.

"Sira ka talaga, bilis na, nagugutom na ako, pakiusap," sinabi niya at sumubsob sa lamesa. Agad naman akong pumila sa counter at hawak hawak ang wallet ko.

END OF CHAPTER FOUR

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro