/35/ Follow Your Heart
CHAPTER THIRTY-FIVE:
Follow Your Heart
ASH
Matapos kong makita ang mga photos namin ni Claire dito sa loob ng box. Agaran ko namang nakita ang ilan pang nasa loob nito tulad ng camera na naiwan ko pati na rin ang mini notebook ko na may lamang journals ko. Hindi ko na muna ito pinansin dahil alam ko kung bakit naman ito nandito.
Hindi nagtagal ay may nakita naman akong isa pang bagay na nakasingit sa loob nitong box. May malaking folded na papel at masasabi kong bond paper ito. Bigla naman akong nacurious dahil sa itsura nito at sa mga nakikita kong bakat ng sulat sa likuran.
Bago ko mabuksan ang sulat ay agaran naman akong nakaramdam ng hangin kaya naman isinara ko muna nang bahagya ang box.
"This is for you, Ash."
Nakita ko ang makapal na maraming nakasulat sa papel at ang pangalan ko sa upper left side nitong aking hawak.
Bago ko pa ito mabasa ay kinapa ko muna nang marahan ang papel at ramdam ko ang gaspang at ang texture nito. Sa bawat dulas ng aking daliri ay nararamdaman ko ang sulat ni Claire para sa akin.
"I'm very sorry Ash for what I've done to you," bungad kong nabasa, "I know, it is my fault dahil hindi ko agad sinabi sa'yo because I am afraid sa kung anong pwedeng mangyari sa ating dalawa."
Iniiwas ko ang papel sa akin dahil baka mabasa ito sa pumapatak kong luha.
"I regret hiding everything from you... Dapat ako mismo ang naging transparent sa iyo. I am very sorry rin dahil inilihim ko sa iyo ang condition at sakit na nararamdaman ko."
Pinunasan ko muna ang luhang namumuo sa mata ko bago ko ipagpatuloy ang pagbabasa.
"When we took check up ni Mommy that day, nalaman kong maaari palang mag re-occur yung sakit ko... Natakot talaga ako Ash. Natakot ako dahil concern ako sa'yo at sa ating dalawa. I remained it as a secret dahil ayaw kong maging abala or maging dahilan para mag-alala ka for me. I hope you would understand."
Bigla namang sumagi sa aking isip noong mga panahong sinasabi niya sa akin na may nararamdaman siyang hindi maganda pero lagi na lamang niyang sinasabi na okay lamang siya. Dapat pala, noong una pa lamang ay gumawa na ako ng paraan para maagapan ang pangyayari ngayon.
"Hindi ko alam kung hanggang saan ako aabutin ngayon at kung saan patungo ang lahat... Hindi ko rin alam kung hanggang kailan na lang ako magse-stay dito kaya sorry at forgive me kung hindi na ako makakasama sa journey nating dalawa to reach our dreams..."
Patuloy pa rin ang aking pagbabasa kahit nakakaramdam na ako ng init.
"I have seen all your photos with Art... sa camera mo. And I realized na mas nagshishine ang mga mata mo when he's around you. I know, he has a special space in your heart bigger than mine and that's okay."
"I have read your mini journal and nalaman kong siya ang bumuo ng mga alaalang dala dala mo ngayon. Please... Do not forget everything na magandang nangyari sa inyo."
"I hope... After all this conflict and tragedies na nangyayari sa ating lahat ay matapos na. Ipinapanalangin kong makaramdam ka ng kapayapaan and I want you and Arthur to be happy."
Hindi ko namalayang may mg pumatak ng luha sa papel na hawak ko ngayon kaya namin pinunasan ko muna ito bago basahin ang huling mga nakalagay sa papel.
"Ash... I am very sorry din kung hindi ko man masasaksihan ang pagsasama niyo ng taong minahal mo. But always remember na kahit hindi ko na magagawa ang lahat ng ito, I am here to support you even if my days are few."
"I hope maging masaya kayo ni Art... Ipagpatuloy niyo ang naputol niyong storya... Choose Art and follow your heart."
Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng aking luha sa huli kong nabasang salita sa letter ni Claire for me. Sobrang naaawa ako sa naging kalagayan namin and alam kong hindi niya sinasadya ang nangyari at biktima lamang talaga siya ng pagkakataon.
Ako. Ako dapat ang magsorry sa kaniya dahil nagpadalos dalos ako sa mga naging desisyon ko kaya naman hindi ko naunawaan ang mga nangyari. Dapat hindi na lamang ako umalis sa bahay nila at dapat sinamahan ko siya noong mga araw na kinakailangan niya ng karamay at kasama.
Nakakapangsisi.
Mas lalong nadurog ang aking puso nang sabihin niyang mas piliin ko si Art na makasama kaysa sa kaniya. Alam kong napakahirap sa kaniyang sabihin ito ngunit kasiyahan ko pa rin ang kaniyang iniisip.
Aaminin ko naging makasarili rin ako sa mga desisyon ko at hindi ko inisip kung anong magiging epekto nito kay Claire. Nalilito ako gayong mahal ko si Claire ngunit hindi ko naman mabura sa aking isip at puso ang minahal ko ring si Art.
Kung may pagkakataon akong baguhin ang mga pagkakamali ko ay ito na iyon.
Ibinalik ko na sa loob ang mga gamit ko pati na rin ang camera. Iniisip ko kung papaano ko magagawang baguhin ang lahat gayong dalawang pagkakataon na lamang ang pwede kong magamit.
Nakita kong umiilaw ang relong nakasuot ngayon sa aking kamay.
Habang iniisip ko ang lahat ng nangyari ay minabuti ko munang huminga ng malalim at pakalmahin ang aking sarili. Inilagay ko sa aking harapang hita ang box at aking ipinikit ang aking mga mata.
Unti unting bumaha sa aking isip ang lahat ng nangyari kung bakit napapunta ako sa ganitong sitwasyon. Kapayapaan lamang ang aking hiling bago ako bumalik at ayusin ang lahat.
Lahat ng buhay na nakasalamuha ko'y may chance na hindi ko na muli sila makita sa aking pagbabalik. Maraming posibleng magbago.
Hinigpitan ko ang aking hawak sa kahon at inusal ko ang tula upang magamit ko ang relo. Nakaramdam ako ng napakalakas na hangin ngunit patuloy pa rin ako sa pagsasabi ng...
"Oras ang pagitan, hadlang sa ating pagmamahalan... Ibabalik ka sa nakaraan, iiwanan ang kasalukuyan. Sa bawat panahong dadaan, hihintayin ang itinakda ng kapalaran, oras ang nakalaan..."
Napuno ng hangin ang aking dibdib at aking inihahanda ang aking sarili sa kung anong makikita ko sa aking pagmulat.
Hahayaan ko na lamang ang tadhana na dalhin ako sa kung saan nito ako gustong dalhin.
"Dadalhin sa pinanggalingan."
*
Naramdaman ko ang isang malambot na bagay sa aking likuran. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang kahong nakapatong sa akibg tabi. Agad ko namang napansin na ako'y nakahiga.
Sinubukan kong ibangon ang kalahati ng aking katawan at nakita ko ang kabuuan ng paligid. Nakasuot ako ng komportableng damit, at may nakabalot na kumot sa aking katawan. Bigla ko naman napansing malinaw muli ang aking mata hindi gaya noong may salamin ako.
May tumulong luha sa akin nang unti unti kong napagtanto na nakabalik ako sa panahong nagsisimula pa lang ako. Ito yung panahong alam ko sa aking sarili na payapa pa ang aking isip at wala masyadong pinoproblema.
Nabaling naman ang aking atensyon sa box na nasa aking tabi at nang buksan ko ito'y mabuti na lamang at nandito pa ang mga laman. Buo ang mga litratong nasa loob, yung camera, ngunit may napansin naman akong kakaiba. Wala na ang papel na binasa ko kani-kanina lamang.
Napatingin naman ako sa aking kamay at nakita kong nandito pa rin at suot ko ang relo. Unti-unting nagfade ang ilaw nito at alam kong may isa pa itong chance.
Binuksan ko ang camera at mabuti na lamang at gumana ito. Hindi na rin ako nagexpect na same parin ang lamang videos and photos nito pero sinubukan ko pa ring icheck.
Bumungad sa aking mata ang video na kinuhanan ni Benedict sa event.
Naglaan muna ako ng ilang minuto upang mapanood ito.
Nakita kong izinoom niya ito kay Liberty at nagsimula na silang magperform. Kahit mahina ang volume ay rinig ko ang hiyawan at sigawan dito. May mga nagtataas rin ng kanilang banner.
"Sa lahat ng mga manhid!!!" lakas loob na isinigaw ni Lib at mas nagingay ang crowd, "May gusto ka bang sabihin?" pagkanta niya.
Finast forward ko na ito sa may gitna at nakita ko naman ang pagkanta ni Art.
"Tunay mong mamahalin... Ohhh ohhh, huwag na huwag mong sasabihin na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo!"
Nagsimulang sumabay ang crowd sa kanilang pagkanta. Ilang saglit pa'y napagdesisyunan ko nang ilipat sa next video. Nakita ko naman ang nakaupong si Art habang may mga taong nagaayos sa paligid. Stolen lamang ang pagkuha ng video sa kaniya at ang camera ay nakapatong lamang sa isang table.
Nilalaro niya ang gitarang hawak niya habang abala ang ilang tao sa loob ng room nila na magayos. May mga ilang tao ring naguusap sa video ngunit hindi masyadong marinig.
"Anong tinutugtog mo Boss Art?"
Napangiti naman siya't patuloy sa pagfifingerstyle.
"If... by Bread."
Narinig ko muli ang boses niya't ngayon ay napapanood ko siyang kumakanta na nakapikit.
"If a picture paints a thousand words, then why can't I paint you? The words will never show the you I've come to know..."
Sa pagkakataong ito'y kitang kita ko kung papaano siya kumakanta galing sa kaniyang puso. Damang dama ko kahit nandito lamang ako't nanonood sa kaniya. Bahagyang tumahimik ang paligid at mas lalong narinig ang kaniyang boses.
"If a face could launch a thousand ships, then where am I to go? There's no one home but you, you're all that's left me too."
Patuloy lamang siya sa kaniyang pagkanta at ang ilan ay lumalabas na sa kuwarto. Nakaiwan lamang doon ang camera at wari ko'y sinadya ito ni Benedict na kuhanan siya ng video ng solo sa designated room nila bago ang performance.
"If a man could be two places at one time, I'd be with you... Tomorrow and today, beside you all the way..."
Bago ko pa matapos ang aking pinapanood ay may biglang pumasok sa aking kuwarto dahilan para mahinto ko ang aking ginagawa.
"Ash, gising ka na pala. May pasok ka pa."
Nakita ko si Mommy na nakasuot ng uniform na halos nagmamadali.
"I prepared your breakfast on our dining table, don't forget your vitamins," dagdag niya habang inilalagay ko na ulit ang mga gamit na nasa kama pabalik sa kahon, "Siya nga pala, don't forget to bring your cellphone. I will call you later... And please, Ash, answer my calls... okay?"
I saw her face once again after what happened bago ako makabalik dito kung saan nagsimula ang lahat. Halatang ako lang ang nakaalam ng kung anong nangyari't wala silang kamuwang-muwang.
"Can I call Dad to join our dinner later?" walang preno kong nasabi at hindi ko man lang inisip kung tama bang itinanong ko 'yon.
"Ash... Alam mo nam~"
"I'll call him..."
Napatigil siya sa may pinto at napatingin sa akin.
"Ash, baka hindi rin siya pumunta rito and besides, baka gabihin rin ako ng uwi..." paliwanag niya't akmang isasara na sana ang pinto ng aking kuwarto, "Yung boss ko kasi, baka magcelebrate ng birthday sa office nang gabi."
I knew it. I know what will happen.
"Baka po ni Tito?"
Napatingin ulit siya sa aking direksyon at nagtataka.
"P-paano mo nalaman Ash?"
"I'll call Daddy nalang po na magdinner kasama tayo," saad ko't hindi siya nakaimik, "I need to start fixing things up na po."
"Ash?"
"Ano pong mga nakahain sa table?" paningit ko at ako na ang mismong bumaba upang pumunta sa kusina.
Our conversation ended here and nagpaalam na siyang aalis. At least, I made a way to make things okay... We deserved to be complete once and for all. Kung hindi ko tatawagan si Daddy ngayon, for sure, talagang hindi na kami maaayos.
After all my preparations ay minabuti ko nang ayusan ang aking sarili upang magbihis ng uniform. I can sense na malelate ulit ako kaya hindi na ako nag-abala pang magmadali.
END OF CHAPTER THIRTY-FIVE
finale
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro