Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/34/ A Box Of Memories

CHAPTER THIRTY-FOUR:

A Box Of Memories


ASH

Kahit ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos ang mga pangyayari ay pakiramdam ko'y parang kahapon lang naganap ang lahat. Kahit na halos may isang linggo na ay sariwa pa rin sa akin lahat ng sinabi ni Arthur sa akin at ang pagsugod ko sa ospital noong gabing iyon.

Luntiang kapaligiran ang aking naaaninag habang nagtitipon ang mga tao sa kinaroroonan namin ngayon. Tahimik, payapa, ngunit mabigat ang aking pakiramdam sapagka't ito na ang huling pagkakataong makikita ko ang mukha ni Claire. Ramdam ko ang bigat ng emosyon habang pinagmamasdan ko ang mga taong nandirito. Kung ihahalintulad ko ang aking sarili ay taliwas ang kulay na nasa aking suot at sa green na damong tinatapakan ko.

"Sa mga nakakakilala po kay Claire... I know mabigat po ang nararamdaman ng lahat," malungkot na sinasabi ni Tita, "Siguro rin po, marami po sa atin ang nabigla sa mga nangyari sa kaniya ngunit alam naman po natin na makakapagpahinga na siya."

Patuloy lamang sa pagsasalita si Tita sa unahan habang pinapakinggan siya ng lahat.

Nabaling naman ang aking atensyon sa aking nasa harap na si Clan. Hawak ang kaniyang laruan at tila wala pang kamuwang muwang sa mga nangyayari. Pinasisirko lamang niya sa kaniyang kanang kamay ang laruan niyang hawak.

"Kuya," napalingon ako nang marinig ko si Clan na umimik at kumakausap sa akin, "Bakit po nandoon sa loob si Ate?"

Kitang kita at ramdam ko ang inosente niyang pagtatanong sa akin. Sa murang edad niya ngayon ay hindi niya alam na hindi na niya makakalaro at makakasama ang kaniyang Ate. Hindi ko rin alam kung alam rin niya kung anong nangyari sa kaniyang ate gayong hindi nga ito pinapaalam sa kaniya.

"Naglalaro po ba kayo ng tagu-taguan?"

Ngumiti na lamang ako upang hindi niya mahalata ang itinatago kong kalungkutan kanina pa.

"May pupuntahan lang ang Ate mo, Clan," paliwanag ko nang mahina habang nakikinig ang mga tao sa nagsasalita sa unahan, "Kaso mukhang matatagalan si Ate mo, eh."

"Saan po?"

"Saan ba yung lugar na gustong-gustong puntahan ng ate mo?"

"Sa beach po kuya... Lagi niya po yung kinukwento sa amin nina Mommy..." saad niya.

"Ayun, papunta na siya do'n mamaya."

"Hala! Ang daya naman po ni Ate, hindi ako sinama," pagaalala niya.

"Hindi ka pa niya puwedeng isama dahil bata ka pa, Clan."

Hindi na lamang siya nakasagot at nagpatuloy na lamang siya sa kaniyang ginagawang paglalaro.

Ninanamnam ko lamang ang bawat paghangin dito at pinapanatili ko ang aking sarili na kalmado. Hindi naman sa dahil wala akong pakielam sa nangyayari sa paligid ko ngunit alam kong may dahilan ang lahat kung bakit ito nangyayari sa amin.

Sunod na nagsasalita sa unahan ang tatay ni Claire na hindi rin maiwasang umiyak. Bilang isang amang nawalan ng minamahal na anak sa araw rin ng kaniyang pagdating, sobrang sakit nito lalo na't inaasahan mong pagkatapos ng gabing iyon ay magkakasama-sama pa rin kayo. Hindi rin biro na mawalan ng anak dahil may pangarap ka para sa kaniya at alam mo na sa ngayon na hanggang pangarap na lamang ito at hindi na matutupad pa.

"Mabait na bata si Claire," aniya't nanginginig, "Talagang ibinibigay namin sa kaniya ang lahat para lang maging masaya siya kahit na noon ay nagkasakit siya nang malala."

"We really love how Claire gives effort sa lahat ng kaniyang gagawin. Kahit na nahihirapan na siya, she will always just say na kaya 'yan, magiging okay rin ang lahat. Lagi rin siyang umiintindi kapag nangungulit ang kapatid niya, si Clan everytime na gusto niyang makipaglaro," paliwanag niya, "Saka lang namin napansin noon ang mga signs na nagiging makakalimutin siya, frequent ang pamumutla ng mukha niya, and nawawalan siya ng gana to do things na nakasanayan na niya. Akala namin need niya ng professional person na makakausap niya and inassume namin na baka depression lang but then we heard from the doctor na nagkaroon siya ng Brain tumor way back 4 years ago. By that time, I worked overseas to sustain Claire's medication and para mapabilis ang recovery niya until nito nga lang, nalaman ko na maaari palang bumalik ang kondisyon niya and this time, it is fatal. Hindi ko inexpect na magiging ganito ang kahihinatnan ng lahat pero wala na akong magagawa kun'di ang samahan siya hanggang sa dulo... It was so painful sa part naming parents kasi ang bata pa niya to go..."

Nagsimulang bumuhos ang kaniyang luha.

"Noong nasa hospital kami, sabi ko na lang sa sarili ko na bakit hindi na lang ako? Kung puwede lang maipasa sa akin yung tumor na meron siya, tatanggapin ko ng buo just to save her."

Ilang sandali pa matapos ang kanilang mga mensahe ay tumayo na ang lahat at binigyan kami ng pagkakataon to see Claire once again. This is the last so hindi ko na ito palalampasin pa.

Someone gave me a white rose at agad ko naman itong kinuha. I am approaching the spot kung saan siya ilalagay at dinig ko na ang pagiyak ng mga tao sa paligid ko. Nito ko lang rin napansin na nandito sina Ben at ang ilang kasama pa.

*

Everyone is leaving at may bumabalik na rin sa kani-kaniyang sasakyan. Habang ako naman. Nakaupo sa isang concrete at hinihintay na kami na lang ang matira dito sa sementeryo.

Benedict appraoched me as well as Liberty na aalis na rin daw sila and condolence. Sa pagkakataong ito, gumaan ang loob ko kay Liberty dahil even though hindi naman kami and ni Claire kaclose, namanage pa rin niyang dumating dahil nakilala na rin naman niya si Claire.

"Alis na kami Ash, I hope, maging okay na ang lahat after this," saad ni Lib sa akin.

Ilang sandali pa ay nakita ko naman si Tita na papalapit sa akin habang may bitbit na isang bagay. Nabigla na lamang ako nang bigla siyang tumabi sa akin at tumingin sa parang kasing laki na shoebox na hawak niya.

"Ash," tawag niya sa akin.

"Tita."

"I know it is hard for you to accept what happened dahil alam ko rin na sobrang napalapit ka kay Claire," aniya, "I am very thankful na nakilala ka ng anak ko dahil alam kong naging masaya siyang kasama ka."

Pinapakinggan ko lamang ang bawat sinasabi niya nang makita ko rin siyang may iniabot sa akin. Yung maliit na box.

"This is for you, Ash."

Inabot niya ito sa akin at nakita ko ang isang maliit na nakasulat sa cover nito. 'For Ash' noong una ang nagtataka ako kung anong laman nito ngunit nagsalita naman kaagad si Tita.

"Claire told me to give this to you."

"Ano po ito tita?"

"I don't know what is inside it, siguro, ikaw na lang ang makakaalam kung anong nilalaman nito."

Ilang sandali pa ay tinawag na siya habang hinihintay siya ni Clan at ng kaniyang asawa.

"We are going to leave na," paalam niya sa akin, "Tell me Ash if wala kang mauuwian... Our door is open for you."

Naramdaman ko ang pagpatong ng kaniyang kamay sa aking balikat at siya'y umalis na.

"Thank you po."

Bubuksan ko na sana ang relo ngunit nakita kong papalapit naman sa akin si Mama. Nakita ko sa hindi kalayuan ang lalaking pinigilan ni Mamang sumabay sa kaniya papunta sa kinauupuan ko.

"Ash... anak."

Narinig ko ang boses niya.

"Sasabay ka sa amin, paguwi?" maamo niyang saad.

"Dito muna ako... Mauna na po kayo," wika ko.

"Are you sure? Sasabay na tayo sa Tito mo."

Umiwas na lamang ako ng tingin at hindi pinansin ang kaniyang pagimik.

Nakita ko na lamang siyang naglakad papalayo papunta sa nakaparkeng sasakyan ng lalaking iyon. Kahit anong gawin niyong suyo sa akin, kapag nalaman kong involved na naman si Tito, bahala na kayo sa buhay niyo.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay ako na lamang ang magisang natira dito sa lugar kung saan pinili kong manatili. Naibalik ko na sa aking atensyon ang box na naibigay sa akin kaya naman binuksan ko na ito.

Nadurog ang aking puso nang makita ko ang nilalaman ng mga gamit na ito. Hindi ko namalaayaan ang aking luhang pumapatak na sa bawat galaw ng aking mata dahil sa aking nakikita. Nandito sa loob ang lahat ng litratong kasama ko si Claire at labis naman akong nakaramdam ng kalungkutan sa ngayon. Pakiramdam ko'y tumabi sa akin si Claire upang makita ang magiging reaksyon ko sa pagbukas ko nito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil nagsisimula na akong umiyak nang todo. 


END OF CHAPTER THIRTY-FOUR

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro