Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/33/ Before I Leave

CHAPTER THIRTY-THREE:

Before I Leave


ASH

Tanging sinag ng paparating na araw ang aking naaninag habang ninanamnam ko ang hangin na humahampas sa aking balat ngayong madaling araw. Hindi ko lubos maisip na ang taong inaasahang kong makakasama ko sa pang matagalan ay hindi ko na makakasama pang muli. Hindi rin maalis sa aking isip ang katotohanang wala na siya at tanging alaala at kalungkutan na lamang ang nanaig.

Aking pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan sa kalsada habang ako'y nandito sa taas at napapagisip. Parang hindi na kinakaya ng aking paningin na makakita pa ng ganoong bagay. Kasing bigat ng aking mga mata ang bumabagabag at gumugulo sa aking isipan ngayon.

Nakakapanlumo. Bakit hindi man lang magawa ng tadhanang patikimin ako ng kahit sandaling kapayapaan at kasiyahan? Bakit sa tuwing gagawa ako ng bagay na sa tingin ko'y makakabuti sa akin ay heto naman itong pagkakataong hindi ko inaasahang darating?

Sa hinaba haba ng nilakbay namin ay dito rin pala tutungo ang lahat.

Ngayon lang ako nakaramdam ng kalungkutan habang hinaharap ko ang direksyon ng sumisikat na araw. Kahit anong ganda ng pagsikat nito'y nananaig pa rin ang sakit na dala ng pagkawala ni Claire. Kahit nagkaroon kami ng pagtatalo ay hindi ko pa rin siya matiis. Malaki rin ang naging utangt na loob ko sa kaniya dahil siya ang nandiyan sa akin noong mga araw na kailangan ko ng masasandalan. Noong mga panahong naguguluhan ako sa kung ano ang nangyari sa nakaraan ko ay lagi siyang nandiyan at laging nagsasabing nandito lang ako para sa'yo.

Kung may dapat sisihin sa lahat ng nangyayaring ito, marahil ang tadhana ang siyang dapat managot. Hindi deserve ni Claire na maramdaman ang mga bagay na iyon, hindi niya deserve maghirap at hindi rin niya deserve mawala sa ganitong edad.

Marami kaming mga pangarap ni Claire para sa magiging career namin sa mga susunod na taon ngunit sa ngayon ay hindi ko nakikita ang pagkakataon na iyon na mangyayari. Lahat ng alaalang iniwan niya ang siyang dapat kong baunin.

Kahit anong gawin kong pagluha ngayon ay wala na akong magagawa. Natatakot ako sa kung ano pang maaaring mangyari

Ilang sandali pa habang pinapanood ko ang bawat paggalaw ng mga nasa baba ay may nakakuha naman ng aking atensyon. Bigla kong naigalaw ang aking ulo sa kinaroroonan ng taong ramdam ko ay papalapit sa akin.

Art?

Bigla na lamang akong nakaramdam lalo ng lungkot ng maramdaman ko ang presensya niya sa aking tabi. Naghalo-halo ang aking hiya, lungkot, at pagkadismaya nang makita ko siyang muli.

Nakita kong muli ang maamo niyang mukha at ang emosyon nagpapahiwatig na nandito ako para sa'yo.

"Ash, I'm very sorry."

"W-wala na siya..." namumutol kong saad habang pinupunasan ko ang aking mata, "Wala na si Claire... A-art."

Humakbang siya nang papalapit sa akin. Nagdikit ang aming dibdib at naramdaman ko ang kaniyang dalawang kamay na yumakap sa akin. Nadurog ang aking puso sa aking nadama. Matapos ang mga nasabi kong masasakit sa kaniya ay nandito siya't dinadamayan ako.

Ibinuhos ko sa kaniya ang lahat ng aking hinanakit, lungkot, at ngayon ay hindi ko na ninanais na makawala. Tanging inuusal ng aking bibig ay ang kaniyang pangalan. Sinasamantala ko ang pagkakataong ito upang yakapin rin siya nang sobrang higpit.

"Tahan na Ash..." bulong niya sa akin, "Alam kong pagod ka na... Tahan na."

Kumawala siya sa aming yakap habang hawak naman niya ang aking ulo at pisngi. Dumulas ang kaniyang mga daliri upang sapunin ang aking mukha't panga.

Naramdaman ko rin kung papaano niya pagalawin ang kaniyang kanang hinlalaki upang punasan ang aking luha.

"Ash... I want you to listen," saad niya sa akin habang siya'y bahagyang ngumiti.

Pinapakinggan ko ang bawat pagsasalita niya at tumititig sa kaniyang mga matang ramdam ko'y pagod na rin.

"Before I leave..."

Napaawang ang aking bibig nang bahagya nang marinig ko iyon sa kaniya. Nakaramdam din naman ako kaba dahil sa ipinapakita niya sa aking emosyon.

"B-ba-Bakit? Saan ka pupunta?"

"Babalik na ako, Ash."

Napailing naman ako nang aking marinig ang kaniyang sinabi. Mas lalong kumakabog ang aking dibdib dahil sa aking nasasaksihan ngayon.

"N-no," nanginginig kong sinasabi, "Dito ka lang, Arthur..."

Hinawakan niya ang aking kamay at nakita ko naman na suot niya ang relo at ito'y nakikita kong umiilaw dahil sa sinag ng araw na tumatama dito.

"Hindi ka magiging ligtas do'n, Arthur... please," pagmamakaawa ko.

"I need to leave, Ash," malamig niyang sinabi ito at ramdam kong mahirap itong gagawin niyang desisyon, "As long as nandito ako sa mundo mo, I know, mas mahihirapan ka."

"No, please... I'm very sorry... Art, sorry sa mga nasabi ko kung iyon ang dahilan kaya ka babalik, patawarin mo 'ko Art... Please lang... Please, huwag mo akong iwan ulit," hinahabol ko ang aking paghinga at halos lumuhod na ako sa harap niya, "You will not be safe kapag bumalik ka, Art."

"Kailangan kong gawin~"

"Please, Arthur... nagmamakaawa ako... I'm sorry sa mga nasabi ko sa'yo noon, I know nasaktan kita, p-patawarin mo ako."

"Wala kang dapat ihingi ng sorry, Ash. Don't worry, magiingat ako."

Mas bumuhos ang aking luha nang makita ko ang luha niyang unti-unti na ring pumapatak.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ko kaming dalawang nasa ganitong sitwasyon. Nasasaktan ako lalo sa tuwing nakikita ko siyang nalulungkot rin. Sana ay maintindihan mo ako, Art. Hindi ko kakayaning mawalay sa'yo muli.

"Ipangako mo sa akin, Ash." Hinawakan niya muli ang aking ulo at tumitig sa akin nang mas malapit, "Ipangako mo sa akin na gagamitin mo ang relo to go back... Not for me, but to save Claire."

"Ash, you still have two chances... Use it. Warn her sa mga nangyari ngayon and make her feel safe. Sulitin mo yung mga oras na nawala sa inyong dalawa, okay?"

Hindi ako makapili ng isasagot. Ang hirap!

"I'm begging you. Huwag ka nang umalis please, w-wala na bang iba? Wala ng i-ibang choice?"

"Claire deserves to live longer together with you," saad niya.

"P-paano tayo? Paano ka?"

"Sapat na yung mga panahong nakasama kita nang matagal, Ash," aniya sabay ngiti, "Huwag kang mag-alala, magiging ligtas ako..."

Napapikit na lamang ako dahil alam ko na kung saan pupunta ito at wala na akong magagawa upang mapilit siya.

"Pakiusap, Arthur... Huwag ngayon."

"Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, kahit lumipas man ang panahon, kahit humadlang ang tadhana at ang oras, lagi mong itatatak sa isip mo na mahal na mahal kita."

"Arthur..."

"Pikit ka Ash... Sabayan mo ako," saad niya't agad ko namang pinakinggan ang una niyang sasabihin, "Oras ang pagitan..."

Napatungo na lamang ako't pinipigilan ang labis na pagluha. Habang sinasabayan ko siya sa kaniyang sinasabi ay ako naman 'tong kinakabahan para sa kaniya. Kung nasa akin lang sana ang relo, sasama na ako sa kaniya.

Bigla niyang pinutol ang paguusal ng kaniyang sinasabi at tumingin siya nang diretso sa aking mga mata. Kasabay ng pagkabog ng aking dibdib ang marahan niyang paglapit sa akin at ang pagdikit ng labi niya sa aking noo. Nakaramdam ako ng labis na pagmamahal galing sa kaniya at talagang tagos sa aking puso sa kaniyang ginawa.

"Naniniwala akong magkikita tayong muli..."


Sinabi na niya ang huling linya sa tula at ngayon ay unti-unti ko na siyang nakikitang naglalaho kasabay ng malakas na hangin na bumabalot sa aming kapaligiran ngayon.


"Paalam, Ash."


Hinawakan ko sa huling pagkakataon ang kaniyang kamay habang unti-unti kong naramdaman ang unti-unting paggaan niyang kamay dahil sa kaniyang marahang pagkawala.


END OF CHAPTER THIRTY-THREE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro