
/32/ Claire Needs You
CHAPTER THIRTY-TWO:
Claire Needs You
ASH
Nakakawalang ganang kumilos matapos ng nangyari nitong mga nakaraang araw. As of now, nandito muna ako tumutuloy kay Benedict at mabuti na lamang at pinagbuksan niya ako ng pinto at ngayon ayu pangatlong gabi ko na ito sa bahay nila. Tahimik lamang akong nakaupo sa sofa sa loob ng kuwarto ni Ben, iniisip kung ano nga ba talaga yung mga dapat kong unahin. Bumabagabag pa rin kasi sa akin lahat ng nangyari lalo na noong halos magkagulo na nang tuluyan sa bahay. Wala rin akong ideya kung ano na ang nangyari kay Claire matapos ang araw na 'yon. Pati kay Art, ni isang balita man lang ay wala akong naririnig.
"Ash, kailan mo balak bumalik sa inyo?" mahinahong tanong ni Ben sa akin.
Alam na rin niya ang tungkol sa mga nangyari dahil sinabi ko na rin naman.
"Hindi ko alam, Ben," matipid kong sagot, "Hindi ko na alam."
Humiga ako sa sofa habang nilalaro ko ang isang maliit na bolang nakita ko malapit dito.
Totoo naman talaga yung mga sinabi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong nagkaalaman na sa bahay. Nakakasama lang ng loob dahil nagawa nila ito sa akin at hindi man lang sila gumawa ng paraan para maayos. Hinayaan lang talaga nila na madiskubre ko yung relo nang ako lang at ng parang aksidente ko lang ulit 'tong nakita. Sumama din nang bahagya ang loob ko kay Claire dahil hindi man lamang niya nagawang mabanggit sa akin ang tungkol dito at parang kinalimutan rin niya yung mga nangyaring biagayn ng relo sa kanilang tatlo ni Mama.
"Siya nga pala, Ash... Kagabi pang maraming tumatawag sa cellphone mo pero hindi mo chinecheck," wika niya.
"Hayaan mo na lang muna sila... Nakakapagod makipagusap sa kanila ngayon," saad ko, "At saka, paniguradong sinusumpa na ako ng lalaking 'yon."
Bumuntong hininga siya nang sabihin ko iyon. Pakiramdam ko ay may mali akong nasabi pero hinddi ko na lamang inisip.
"Ito ha, Ash... I know wala ako sa lugar to say things pero sana maintindihan mo yung point ko," panimula niya, "I think wala namang mali sa ginawa mo na kinausap mo sila nang pabalang patungkol sa relo. Kahit ako man ay magagalit kung bakit nila nagawang gawin sa akin ang ganoong bagay. Plus, noong nakisali ang tito mo sa usapan, I think hindi naman niya dapat ginawa 'yon since nasa inyong dalawa ng Mommy mo ang problema at hindi naman siya involved doon."
"Involved saan? Sa relo?"
"Oo," tugon niya.
"Pero sa paninira ng may relasyon, oo, eksperto siya do'n."
Bigla siyang natahimik sa aking nasabi.
"Hindi ko naman hiningi ang opinyon niya no'ng gabing 'yon pero anong ginawa niya? Umimik pa siya na akala mo'y siya ang itinuturing kong ama," paliwanag ko nang walang preno.
"Kung paguusapan naman ay respect, para sa akin, Tito mo pa rin naman siya, Ash..." mahinahon at malumanay niyang sinabi. "Hindi sa kampi ako sa kaniya ha pero siguro naman, nasuportahan naman niya kayo."
"Sinuportahan dahil may kapalit. Binigay ang aming kailangan, dahil may pabor na hiningi."
Bigla namang nagvibrate muli ang aking cellphone at halatang may tawag itong nakukuha.
"Kung sinusuportahan niya kami noong kumpleto pa kami ni Daddy, e'di maayos sana ang lahat at walang hiwalayang nangyari."
"Teka, maiba naman ako... Ano bang meron sa relong 'yan at ayan ang dahilan ng pagtatalo niyo?" bigla naman niyang sinabi dahil nakita niya ang relong nakapatong sa isang table.
"Mahabang kuwento Ben... pero kung handa kang makinig, ikukuwento ko sa'yo."
"G lang."
"Alam kong alam mo na yung meron sa amin ni Art. Dito kami nagkakilala dahil sa relong 'to," panimula kong sinabi.
Ikinuwento ko na nga sa kaniya ang ilang nangyari dahil kung babaybayin ko isa isa ang lahat ng nangyari, kulang ang isang araw para maipaliwanag sa kaniya. Niyaya naman muna niya akong kumain sa baba at sa kusina upang kumain, nangako naman ako sa kaniya na saka na ako babawi kapag ayos na ang lahat. Mabuti na lamang at may kaibigan akong tulad niya dahil kung wala, baka mapilitan akong matulog sa iba pa.
*
Madalim na ang kalangitan at ngayon ay pinapakiramdaman ko ang lamig ng hanging humahampas sa aking balat. Nakatayo lamang ako dito sa rooftop nila at nakatingin ang aking mga mata sa mga tala. Hawak ko ngayon ang relo at nagbabakasakaling may ibigay ulit itong pangitain sa akin. Hindi kasi naging malinaw ang aking mga nakita noong araw na 'yon at dahil hindi ko rin alam ang aking gagawin.
Ipinikit ko ang aking mata at nakita ko ang pagilaw nito kahit ang mga mata ko'y nakasara na.
Dahan dahang kong iminulat ang aking mata at nasa ibang lugar muli ako. Hindi na puti ang nakikita ko sa bawat gilid bagkus ay para akong nasa mataas na bahagi ng isang gusali. Kulay kahel ang kalangitan at kitang kita ko ang araw na sumisinag sa aking kinatatayuan.
Sa aking nakikita ay wala sa kamay ko ang relo at may taong nakatayo sa tapat ko't nakaharap sa akin. Hindi ko lubusang maaninag ang kaniyang mukha ngunit nararamdaman ko ang bigat na nararamdaman niya. Inilahad niya ang kaniyang kamay at dama ko ang panlalamig nito. Hindi ko siya makilala kaya naman pinipilit kong kumuha ng clue upang maaninang ko kung sino ang nasa harap ko.
Nang ilagay ko ang dalawa kong kamay sa kaniyang mukha ay para bang unti-unti itong nawala at kaagaran akong nakabalik sa aking kinatatayuan ngayon.
"Uy, bro, ayos ka lang?" hawak niya ang aking balikat nang lumingon ako sa aking tabihan, "Ten minutes ka nang nakatayo nang ganyan tapos hindi ka pa gumagalaw."
Nakita ko namang hawak niya ang aking cellphone at nagriring. May tumatawag sa akin at may nakalagay na number na hindi ko naman alam kunng sino at kanino.
"Kanina ka pang tinatawagan niyan, sagutin mo na at baka emergency 'to."
Ibinigay niya sa akin ang telepono ngunit hindi ko ito sinasagot. Baka ibang number lang ang ginamit pero sina Mama ang natawag o kung sino man ang nagkukunwaring concern sa akin.
"Tange, bakit hindi mo sinagot?"
"Cellphone mo ba 'to?"
Napilosopong sagot ko tuloy si Benedict.
"Bahala ka diyan, kapag 'yan nanalo ka sa paraffle, bahala ka."
Hindi ko na lang siya pinansin at nanatili muna ako dito sa taas.
Napaisip naman ako kung anong meron sa nakita ko kanina. Kung puro visions sa future ang nakikita ko? Bakit ganoon ang mangyayari? Ang labo pa rin sa akin lahat ng nakikita ko kaya hindi ko alam kung papaano pagtatagpiin ang lahat.
Ilang sandali pa ay nakita ko muli ang aking cellphone na may tumatawag. Dahil sa sobrang curiosity ko ay hindi na ako nagdalawang isip na sagutin at pakinggan kung sino ang maririnig ko sa kabilang linya.
Nang mapindot ko ang berdeng bilog ay agad kong narinig ang tinig ng isang umiiyak na babae at halatang paos. Bigla naman akong kinabahan agad at alam kong may maling nangyayari.
"Uhmmm, Ash..."
Kinilabutan ang buo kong katawan nang marinig ko ang boses ni Tita. Mommy ni Claire. Bigla naman akong nagtaka kung bakit bigla siyang tumawag sa kalagitnaan ng gabi.
"I'll hope you'll listen."
Inilalaan ko lamang ang aking tenga sa pakikinig at ang aking atensyon sa mga susunod niyang sasabihin. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa aking tiyan at kung anu-ano na ang pumapasok na senaryo sa aking isip.
"C-claire, Claire needs you..." naiiyak niyang sinasabi sa kabilang linya at hindi ko namalayang pumatak na ang aking luha, "She's not okay."
Parang pinipiga ang aking tiyan at ang aking puso. Nang marinig ko ang sakit sa boses ni Tita ay bigla kong napagtantong may mali ngang nangyayari na hindi ko alam.
"N-nasaan po kayo, Tita?" nanginginig kong tanong.
"We're at the hospital..." aniya, "Near San Crispin."
Napatalon agad ang diwa ko't agarang bumaba upang makapunta sa kuwarto ni Benedict. Natutuliro na rin ako't hindi ko na nacoconcentrate ang aking isip dahil alam kong kailangan kong makapunta sa ospital nang mabilis. Base sa boses ni tita, alam kong nasa hindi magandang kalagayan si Claire kaya naman isasantabi ko na muna ang nangyari sa nakaraan at iisiping kailangan niya ako. Kailangan ako ni Claire.
"Uy, sa'n ka naman pupunta?" pagtataka ni Ben habang nagpapalit ako ng damit, "Okay ka lang ba?"
"Kailangan kong puntahan sa ospital si Claire," pagmamadali ko't hindi ko na napansin kung maayos pa ba ang isinusuot kong damit, "Kailangan niya ako."
"Hala, bakit daw?"
"Mamaya na Ben."
"Teka, yung relo mo, baka kailanganin mo?"
Hindi ko na nasagot ang kaniyang huling tanong at agaran na akong umalis sa loob ng bahay nila. Minabuti kong icheck kung kasya pa ang aking pamasahe at ang mga kailangan ko bago pumasok sa ospital at para madalaw si Claire kung ano man ang nangyari.
Agad akong sumakay sa isang sasakyang dumaan sa tapat ko at agaran ko itong pinasok.
"Kuya, San Crispin po."
Habang ako'y nasa kalagitnaan ng biyahe ay talagang binabagabag na ang aking isipan. Patong patong na ang problemang bumabalot sa akin at talagang kung kaya lang ngayon na matapos ang lahat, gagawin ko na at ninanais ko nang mangyari.
Ilang oras pa ang nakalipas ay sa wakas ay nakarating na ako sa ospital. Huminga ako nang malalim dahil kinakabahan na talaga ako't ramdam ko na ang pawis kong namumuo sa aking noo at katawan. Agad kong binaybay ang kahabaan ng hallway at tanging puti lamang ang nakikita ko pati na rin ang ilan kong nadadaanan na mga silver na upuan.
Minamadali ko na ang aking mga paang ihakbang upang makarating agad ako sa isang nurse station.
Tinanong ko kung anong room or kung nasa emergency room ba yung pasyente na si Claire ay agad ko naman nakuha ang sagot. Ibinigay nila sa akin ang isang room number kaya naman nagmadali na akong umakyat sa mga hagdan.
Napahinto ako sa pagtakbo at nakita ko sa hindi kalayuan ang nakatayong dalawang tao na magkayakap.
Sa bawat paghakbang ng aking paa ay sumasabay rin ang kabog ng aking dibdib. Sina Tita ang nakita ko at yakap yakap siya ni Tito.
Bago pa ako makapagsalita ay nakita na agad ako ni Tita na ngayon ay namamaga na ang mata at kitang kita at dama ko ang takot sa ipinapakita niyang emosyon.
"Ash... I'm very sorry." Napaluha ako lalong makita sila sa ganitong kalagayan. Napakalamig ng aking nararamdaman at pilit hinahanap ng mata ko si Claire, "I'm very sorry kung matagal naming inilihim ni Claire ang about sa kalagayan niya."
"N-nasaan po siya, Tita?"
Hindi ko narinig ang kanilang sagot at agad akong napalingon sa glass door. Kitang kita ko ang mga taong nakatayo sa loob at ang ang nakahiga. Si Claire.
Napaawang ang aking bibig nang makita ko siyang may tube malapit sa bibig at may mga nakadikit sa kaniya na apparatus. May isang monitor rin na nakakabit sa kaniya at talagang hindi magandang kalagayan ang nakikita ko sa ngayon.
"A-after Clan's birthday, we asked her kung okay lang ba siya dahil sobrang namumutla na siya... We insisted pero siya na mismo ang umayaw," paliwanag niya, "When we're about to sleep, we heard something and Clan called for help. We saw Claire... N-nasa sahig na and nagseseizure."
Nakikinig lamang ako sa kaniya habang naghihintay pa kami ng ilang oras sa may pinto.
"Claire decided to hide her diagnosis before sa'yo dahil ayaw niyang mag-alala ka... Her brain tumor became worse than before. We thought ayos na ang lahat after her operations pero may chance pala itong bumalik," paliwanag niya.
"We are very sorry if ngayon mo lang nalaman... I hope you'd understand." Bumuhos ang iyak niya ngayon at talagang nahahawa ako sa aking nakikita.
Natatakot ako.
Natatakot ako sa kung anong maaaring mangyari kay Claire. Ayaw kong may mangyaring masama sa kaniya ngayon and sana pala sinamahan ko na lamang siya noong gabing iyon.
Napupuno ng tensyon ang paligid while we are waiting sa kung anong sasabihin ng doktor. Hating gabi na at talagang pagod na ang aming mga mata.
Ilang oras pa ang aming hinintay at sa wakas ay may lumabas na doktor sa pinto kaya naman nagtungo kami sa kaniya upang makapag-usap.
Nanginig ako nang makita ko ang reaksyon ng doktor nang lumapit siya kay Tita.
"We are very sorry..."
Bumuhos ang hinagpis ni Tita at lumuhod ito sa sahig. Hawak siya ngayon ni Tito na ngayon ay umiiyak na rin.
"The patient's body is not responsive... After days of monitoring her status, her body decided to rest."
"D-doc, b-baka puwede pa pong magawan ng paraan, d-doc parang awa mo na..." pagmamakaawa niya.
Gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang nangyari.
Habang sila ay pumasok sa loob ay nandito lamang ako malapit sa pinto at pinagmamasdan ang paligid.
Nakita ko kung paano yakapin ng mahigpit ni Tita si Claire sa kaniyang hinihigaan nang alisin nila ang tube na nakalagay sa kaniyang bibig.
"Claire! Anak... Please... Claire!"
Nabalot ng iyak ang paligid. Habang ako naman ay parang hihimatayin sa aking napapanood.
Wala na si Claire. Why do she need to suffer?
END OF CHAPTER THIRTY-TWO
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro