Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/3/ Artless

CHAPTER THREE:
Artless

ASH

Ako na dapat sana ang magbabayad nang pamasahe nang biglang inabot ni Claire ang bayad naming dalawa sa jeep. Ako dapat yung mag-give way sa bayad kasi pinagtitinginan kami ng ibang tao dito sa loob. Baka kasi akalain nila na napakairesponsable kong boyfriend.

Wala akong nagawa kundi ibalik ang atensyon ko sa panonood sa labas kahit napakabilis ng patakbo nitong driver. Halos kumalas na yung kamay ko sa hawakan na nasa gilid.

Nanahimik nalang ako sa tabi niya at nakikita kong may paparating na traffic kaya naman inilagay ko muli ang earphones ko sa aking magkabilang tenga at nagpatugtog muna. Napakaikli kasi ng pasensya ko kahit na maliliit na bagay lang.

"Bie, baba na tayo, malapit na naman yung cafe and bookstore dito," saad niya at lumingon sa akin. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya sa pagbaba habang nakahinto ang jeep. Santing na santing ang araw nang bumaba kami at nakakasilaw ito lalo na't nagrereflect ito sa aking salamin. Nakakairita.

Agad kaming sumilong sa isang building at nakita ko ang excitement sa kaniyang mukha. Tinahak namin ito at nang makarating kami sa tapat ng pinto ng bookstore ay parang batang pumasok sa palaruan si Claire.
Pagkapasok namin sa loob ay nakarinig kami ng isang classical music na mahina. Ang sarap lang sa loob dahil naka-aircon.

Aaminin ko, I am not a fan of books, minsan lang ako makapagbasa ng mga libro and pili pa iyon dahil I want a book na may quality and may class, hindi agad agad ako pumipili ng libro if wala akong nakikitang reviews about doon. Picky nga daw kung tawagin ako but wala akong magagawa, that's me.

"Bie, samahan mo 'ko, help me decide," sinabi niya habang ako naman ay napatigil sa pagupo dito sa maliit na upuan sa loob.

Ilang sandali pa ay halos nalibot na namin nang apat na beses itong section ng bookstore, gusto niya daw kasi ng may romantic scenes. May ilan siyang librong nakikita at lahat ng iyon ay nakalagay sa isang malaking shelf at para bang series yung books.

Nang may makita siyang libro ay nagmadali siyang abutin iyon ngunit nakarinig kami ng ilang librong nagpatakan. Bigla tuloy sumagi sa isip ko yung nangyari noong nasa library kami ni Art.

"Gosh, I'm sorry," Mahina niyang sinabi at nakita ang mga librong nasa sahig. Tinulungan ko siya sa pagpupulot ng libro at nababasa ko ito. Puro 'Heartless' ang mga nalaglag na books.

"Heartless? ni Jonaxx?" Namangha niyang sinabi at kinuha ang part one at part two ng libro. Tiningnan niya ang likuran at hinanap ang presyo nito. "Sa tingin mo Ash, should I buy this?"

Kinuha ko sa kaniya ang libro at ininspeksyon. I think maganda naman ito, knowing na si Jonaxx ang writer. Ibinalik ko sa kaniya ang libro at hinihintay ang sasabihin ko.

"Sa book cover palang, I think na maganda na yung laman. Read the back, check if you really want to buy it para hindi naman sayang yung pera mo," seryoso kong sinabi at inilibot ang paningin na nasa paligid.

"Coreen Samantha Aquino? Noah and Rozen?" Tanong niya sa kaniyang sarili na tila ba may naalala. "Usap-usapan 'to sa school namin dati!"

Napangiti nalang ako sa reaksyon niya na para bang gustong gusto niya ang mga books talaga. I am not against her pero if nakikita ko siyang masaya buying books, hahayaan ko lang siya.

"Sana kasing possessive ka din ni Rozen," pabulong niyang sinabi at kunwaring tumitingin pa sa bookshelf. Nakangiti na para bang nagbibiro. Hindi ko pa alam yung 'Heartless' but nakikita ko palang sa kaniya na may knowledge na siya about doon.

And who is Rozen? At bakit nasabi iyon ni Claire? I want to know kasi ayokong maging possessive sa kaniya, I'll let her do the things she likes para naman maramdaman niya na hindi ko siya kinukulong.

"Sino si Rozen?" Tanong ko at lumapit sa kaniya. "Fictional Character ba?"

"You'll find out later when I purchased this one," Kumindat siya at nagmadaling naglakad papunta sa kabilang section ng bookstore. Sa sobrang curious ko ay natatawa nalang ako sa kakaisip kung sino yung Rozen. Baka siguro ayun yung main character sa 'Heartless' na kinuha niya.

Agad ko siyang sinundan at hindi tinigilan sa pagtatanong. Nang hindi padin niya sinasagot ang mga tanong ko ay nanahimik nalang ako habang pinagmamasdan ang masaya niyang pamimili sa bookshelf.

"Please tell me Claire, sino si Rozen na sinasabi mong possessive?" Naging seryoso ang pagtatanong ko habang siya ay nakangisi padin. "Kapag hindi mo ako sasagutin, I'll leave this bookstore," Banta ko ngunit napatawa nalang siya. Sinabi ko lang iyon pero hindi ko talaga gagawin dahil wala naman akong ibang pupuntahan.

"Nagseselos ka yata eh?" Nakangisi niyang panunukso sa akin habang bitbit ang mga librong kinukuha niya.

"Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman kilala si Rozen," saad ko.

"From the tone of your voice at noong sinabi kong possessive si Rozen, I can feel and tell na nagseselos ka," nakangiti niyang sinabi. "He is just a fictional character Ash, don't worry," sinabi niya at hinawakan muli ang aking kamay at naglakad papunta sa counter.

Hinayaan ko munang pumila si Claire sa counter habang ako naman ay nagmamasid sa mga paintings and canvas na nakapalibot sa paligid.

Agad namang nakuha ng atensyon ko ang isang napakalaking painting na pamilyar sa akin, hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero may something dito habang tinititigan ko. Isang sunset tapos ang setting ay nasa karagatan, may nararamdaman akong kakaiba dito sa painting kaya naman tiningnan kong maigi ang nasa baba upang tignan kung sino ang gumawa. Faded ito at halos pilas na ang bawat gilid.

Halos magsalubong ang kilay ko kakaisip sa kung saan ko ito nakita. May biglang dumaang babae na para bang isang taga-maintain ng bookstore.

"Ah, sir, sorry po pero hindi po namin binebenta iyan, for display lang po," sinabi niya at naglakad paabante.

"Ahh, Miss, pwede ko bang malaman kung saan niyo ito nakuha?" Saad ko at napalingon sa akin ang babae.

"Sir, pasensya na po pero hindi ko po alam, simula po noong nagtrabaho ako dito ay nandiyan na po talaga iyan," paliwanag niya at hinayaan ko na lamang siyang makaalis. Ilang sandali pa ay tinawag ako ni Claire sa counter upang ipakisuyo ang mga dadalhin. Nang makarating ako ay nakita ko ang isang matandang babae na nakaupo sa isang rocking chair at nagbabasa ng libro.

"Ahhh Miss," tawag ko sa babeng nasa counter at napahinto si Claire sa paglalakad palabas. "Siya po ba yung may ari nitong bookstore?" Itinuro ko ang kinaroroonan nang matandang babae. Tumango lamang siya at agad kong nilapitan ang may ari nitong bookstore.

Kinakabahan ako't lalo na baka hindi niya ako marinig ng maayos, sana naman ay magkaintidihan kami.

"Magandang Araw po," Bungad ko at napalingon ang babae. Nakangiti siya at parang ang saya-saya niyang nakita ako.

"Sandali lang, parang namumukhaan kita," Mahina niyang sinabi at inalis ang salamin na nakalagay sa kaniyang mata. Sinusubukan niya akong mamukhaan ngunit itigil niya. "Di bale, anong kailangan nila?" Saad niya.

"Uhmm, maaari po bang magtanong?" tanong ko.
"Oo naman, may problema ba?" tugon niya at ngumiti.

"Yung painting po bang iyon? Kayo po ba ang gumawa or nakuha niyo lang po?" Nilakasan ko lamang ang loob ko upang itanong at ituro iyon. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Claire na nakaupo at nakatingin sa amin.

Maligayang tumawa ang may ari ng bookstore at ako naman ay nakitawa na din kahit hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit.

"Iyan bang painting na iyan?...Ay napakatagal na panahon na, halos mag tatatlumpu't lima na ang edad niyan," sinabi niya at inalis ang salamin. "Hindi ako ang gumawa niyan Iho, nakita lamang namin iyan ng kapatid ko noong nagkalat ang mga sirang bahay noon,"

Napaisip ako sa kaniyang sinabi at halata sa aking mukha ang pagtataka at pagiisip sa kung anong meron nga sa painting.

"Kilala niyo po ba yung may ari?" Tanong ko at napabuntong hininga siya.

"Sa totoo lang Iho ay hindi ko mawari kung kanino iyang painting," tugon niya at hindi na ako muling nagtanong pa. Lumingon muli ako sa kinaroroonan nang painting at nagpasalamat na ako sa nakausap ko.

"Namumukhaan talaga kita pero hindi ko maalala," sinabi niya at nagpaalam na ako.

Pinuntahan ko si Claire sa kaniyang kinauupuan at kinuha ang binili niya kahit ako ay may malalim na iniisip. Sabay kaming lumabas sa bookstore at nakita ko ang nasa labas. 'Center Faith Bookstore'

"Anong nangyari bakit kinausap mo yung may ari ng bookstore?" Tanong ni Claire habang naghihintay kami sa labas.

"May nakita lang akong painting na pamilyar sa akin," paliwanag ko at napanguso nalang siya.

Sumagi sa isip ko ang lugar kung nasaan ko huling nakita si Mang Ipe, baka may alam siya para malaman ko kung totoo nga ba yung nangyari sa akin o hindi.

"Bie, Claire, pwede mo ba akong samahan bago tayo umuwi?" Hiling ko sa kaniya at sumangayon na lamang si Claire.

"Sure, saan ba?" Sinabi niya at medyo hinawi ang buhok na humaharang sa kaniyang mukha. Ngumiti nalang ako at hinawakan ang kamay niya at naglakad. "Uy saan mo ako dadalhin?"

"Basta, hindi naman kita ililigaw, may bibisitahin lang tayo," excited kong sinabi at pumara kami ng jeep. Nang makapasok siya sa loob ay kinuha ko ang aking wallet at agarang nagbayad sa driver. Baka kasi maunahan na naman ako ni Claire tapos pagtinginan na naman kami ng mga tao.

"Bie, sabihin mo naman sakin, please," Sinasabi niya habang kandong-kandong ang bag niya.

"May kailangan lang akong puntahan, dadalawin ko lang yung kakilala ko noon," Paliwanag ko at nanahimik na siya sa aking tabi.

Sana makita ko pa si Mang Ipe para matapos na lahat ng mga iniisip ko. Kung makita ko man siya at sabihin niya sa aking totoo o hindi ang relo, titigil na din ako dahil nakakapagod na.

Sinasalubong namin ang malakas na paghampas ng hangin habang nabiyahe. Hawak ko ang kamay niya at nang nilingon ko siya ay napangiti kami sa isa't isa.

END OF CHAPTER THREE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro