/28/ That Ship Has Sailed
CHAPTER TWENTY-EIGHT:
That Ship Has Sailed
ASH
Honestly, nitong mga nagdaang gabi bago ang event, binabagabag ako ng aking pagiisip dahil wala kaming nagiging imikan ni Art kahit na magkatabi kami. Nawawalan ako ng confidence na magsalita when he's around kaya naman hindi kami nakakapagusap, feeling ko, ako ang may gawa ng lahat kung bakit siya nalulungkot ngayon.
I stayed here in the hotel, I told Sir Primo na hindi ako makakasama sa kanila sa charity event. Mabuti na lamang at pumayag si Sir dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko if magpeperform na silang MCMXCI. Makatingin nga ng matagal sa mata ni Art, hindi ko magawa, manood pa kaya while he's singing with Liberty.
Hindi naman sa nagiinarte ako pero baka makaapekto lang ako sa performance nila if nagkataong nandun ako at kumukuha ng video for documentation.
Ibinilin ko na kay Benedict ang lahat. I told him na since nasa kaniya na ang camera, siya na rin ang magvideo. Gagawin ko na lang yung kinundisyon niya sa akin na pagkain.
"Susunod ka sa kanila Ash?"
Narinig ko si Kyle na nagsalita nang ako'y papunta sana sa may pool area malapit sa pavillion sa baba.
"Ah hindi ako sasama, naipagpaalam ko na rin kay Sir kaya okay na," tugon ko sabay ngisi na para bang wala akong tinatago.
"Sayang naman," mahinahon niyang opinyon, "Kung pwede nga lang rin akong sumama sa kanila, sasama ako, kaso sila lang yung nakaregister for the event."
"Puwede ka namang sumama Kyle, sa audience."
"Kaso hindi na lang rin... Walang kasama si Andrew dito."
Ilang sandali pa ay nakarating na rin dito si Andrew at nagkausap usap kami tungkol sa mga naging experience nila sa event na napuntahan nila nitong nakaraang araw. Ako naman, nililibang ang aking sarili sa pakikinig sa mga ikukuwento nila para hindi ko mamalayan ang oras at para makalimutan ko panandalian ang aking mga iniisip.
Bigla ko namang narinig ang pagsingit nila sa pangalan ko nang sila'y nagkekwentuhan.
"Alam mo ba Ash, kaming tatlo ni Benedict at Kyle yung nautusan ni Sir Primo na ayusin yung mga naibabang baggage sa lobby area," nakangiting kuwento ni Andrew, "Itong si Kyle, nagmagaling na lahat daw ng gamit ay sa malaking room which is room rin namin. Noong nasa loob na kami ilalagay yung maleta, sabi ni Sir, hindi daw dito kaya tawanan kami sa loob."
"Malay ko bang ibinukod yung kuwarto nilang dalawa?" sagot ni Kyle habang umiinom ng parang smoothie at natatawa.
"Sabi kasi ni Sir, magbukod na lang kayo ng kuwarto at hiniling din daw ni Arthur," saad ni Andrew at ngumiti na lang rin ako kahit medyo naguluhan ako sa aking narinig.
Inunawa ko na lang rin yung nalaman ko tungkol sa designation ng rooms kasi nangyari na.
Ilang oras pa kaming nanatili dito sa malapit sa pool habang yung iba naman ay nagaayos na ng gamit. Siguro, hihintayin ko na lang na makabalik sila dito sa hotel bago ako magimpake ng pinaggamitan ko.
"After nga pala ng event na 'to, uwian na rin tayo 'no?" narinig kong paguusap nila at sinangayunan na rin. Medyo hapon na dito at nagiging kulay kahel na ang kalangitan.
Hindi nagtagal ay nakita na namin ang pagdating ng nanggaling sa huling event. Masayang sumalubong si Sir Primo at ang ilan pang mga kasama kaya halatang naging successful ang naging performance nila doon.
Nakita ako ni Benedict na nakaupo lamang dito kaya naman nakita ko ang paglapit niya sa akin.
"Kumusta? It's a wrap ba?" tanong ko kahit medyo inaantok na ako.
"Ang daming tao sa event, ang hirap umanggulo pero nakaya naman," tugon niya, "Dapat kasi sumama ka na eh! Ang saya kaya."
Bigla namang sumagi sa isip ko si Art. Hinahanap ko siya dito sa may baba pero kahit anino man lang niya ay hindi ko nakita. Magtatanong na ulit sana ako kay Benedict pero sinabi na ni Sir Primo sa amin na magpack up na para hindi kami masyadong gabihin sa pag-uwi.
"I'll give everyone thirty minutes to pack up and lalarga na tayo, okay?"
Naghiwa hiwalay na kami dito at nagpunta na sa kani-kaniyang rooms... Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako at naghintay. Baka kasi may nagbibihis sa loob or what pero noong narinig ko si Art na nagsalita na pasok, ginawa ko na rin naman kaagad.
Napalunok ako bago ko pihitin ng kamay ko ang doorknob, feeling ko kasi, ang awkward na magpakita ako ngayon matapos kong hindi siputin ang event. Pumasok na ako sa loob bitbit ang kakapalan ng mukha kong humarap sa kaniya. Nakita ko ang pagliligpit niya ng gamit tulad ng damit at ilan pang inilalagay niya ngayon sa kaniyang maleta, kahit na kakapasok ko palang ay ramdam ko na na parang may negative energy dito at ilang.
Sinimulan ko na rin ang pagaayos ko ng gamit para naman hindi awkward ang namamagitang katahimikan sa amin. Kahit na kinukuha ko sa cabinet ang mga damit ay hindi ko maiwasang magisip sa mga kung anong puwedeng mangyari, pinipilit ko na rin na gumawa ng obvious na ingay sa gamit pero hindi talaga ako iniimikan ni Art.
I know, may karapatan siyang hindi ako pansinin kasi nga ginusto ko rin pero bakit hinahanap hanap ko parin? Hindi ako sanay. Parang mas gusto kong may nangungulit sa akin ngayon at gusto kong si Art ang marinig ko. Napakaseryoso niya ngayon na para bang hindi kami magkakilala.
Bigla naman akong napahinto ng bigla kong makita ang relo niya sa isang gilid katabi ng phone niya. Nakapatong ito sa isang panyo at kapansin pansin talaga ng kulay nito kapag natatapatan ng ilaw.
"K-kumusta naman yung event?"
Gosh. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang iyon sinabi. Nakakainis. Baka kung saan pa makarating 'tong usapan namin.
"Ah 'yun ba?" nakangiti na para bang nahihiya at hindi makatingin sa akin, "Naging maayos naman."
Nakatingin lamang ako sa ginagawa niya habang hinihintay kung may sasabihin pa siya pero wala na akong narinig pa.
Mas lalo naman akong kinabahan. Feeling ko maling itanong ko pa 'yon or ewan.
"Kayo dito? Anong mga ginawa niyo?" habol niya pero umiiwas pa rin talaga siya.
"Uhmmm, a-ano... nagstay lang kami sa baba," saad ko.
Matapos noon ay wala na ulit nangyari at naging dead air ulit. Ang hirap pala ng ganitong set-up, minsan naiisip ko na lang na nakakapangsisi lahat ng naging diskusyon namin noong nakaraang araw, masyado ko kasing pinairal rin yung emosyon at interes ko. Hindi naging malawak ang pangunawa ko sa kaniya.
Isasara ko na sana ang zipper ng aking dalang bag nang bigla kong maaninag sa gilid ko ang jacket na dapat ay ipapasuot niya sa akin. Napatingin at inobserbahan ko muna kung titingin siya sa direksyon na 'yon pero hindi niya napapansin. Nilapitan ko na lamang ito at inalis sa hanger at inabot sa kaniya.
"Art, b-baka makalimutan mo yung jacket mo," mahina kong sinabi at marahang inilahad ang aking kamay.
Ngumiti na lang siya at kinuha sa aking kamay ang jacket. Ramdam ko ang pagdulas nito sa aking kamay dahilan para malaman kong umiiwas na talaga siya.
Hindi ito si Art... Hindi siya yung Art na nakilala ko... Nakakailang.
Habang inilalagay ko sa aking bag ang ilang gamit tulad ng charger at iba pa, nakita ko na siyang pumunta sa pinto at bahagyang binuksan ito. Iginalaw niya ang kaniyang ulo sa huling pagkakataon at iniinspeksyon ang kapaligiran.
"Una na ako sa baba Ash, double check mo gamit mo para wala kang maiwan," matipid niyang sinabi at hinayaan ko na siyang lumabas sa kuwarto.
Narinig ko ang dahan dahang pagsara niya sa pinto at ngayon ay para bang nawalan ako ng bigat sa dibdib. Napabuntong hininga na lamang ako dahil ang hirap sa pakiramdam... Feeling ko, ako ang may gawa talaga kung bakit siya nagkakaganito ngayon.
Isinarado ko na ang switch ng ilaw at dinala ang susi sa aking pagbaba. Naubos na rin ang thirty minutes na ibinigay sa amin kaya okay lang ang naging oras namin sa pagiimpake.
Bumungad sa lobby ang lahat at ang mga sasakyan ay nakaparada na malapit sa labas. Ang ilang member ng banda ay inilalagay pa sa malaking sasakyan ang instruments habang ang girls naman ay nagaayos na rin. Hindi na masyadong maingay si Liberty 'di gaya noong papunta pa lang kami dito.
"Wait lang, before we leave this place, hindi puwedeng wala tayong remembrance!" ani Sir Primo.
Naging ready naman ang lahat habang naghihintay kami sa lobby.
"Okay, tingin kayo sa camera guys!" suyo niya sa amin.
Sumiksik naman kaagad sa tabi ko si Benedict, magkatabi naman si Andrew, Kyle, at ilang girls, at sa kabilang side naman ang grupo ng MCMXCI. Napalingon naman ako kay Art habang akbay akbay ni Liberty. Gumuhit ang ngiti, kumislap ang mga mata.
Lumabas na kami sa parking lot. Nasettle na ang lahat at ready na kami to go. I saw them entering the vehicle na kinabibilangan nila noong papunta kami dito while ako naman, torn between two cars.
"Art! Dahil iniwan niyo ako noon, ako naman ang uupo sa front seat," demanda niya.
Okay, bahala ka na diyan, you can seat wherever you want. Kahit kumandong ka pa kay Art, go lang.
"Uh uh, kung sino ang nandito sa sasakyan noong nakarating dito, sila ang sasakay, 'di ba Ash?"
Bigla naman akong napalingon nang marinig ko si Benedict.
"No, sige, diyan na kayo sa sasakyan ni Art, parang kailangan ko munang sumakay sa sasakyan ni Sir Primo," alibi ko basta hindi lang ako makasakay ulit doon kay Art. Bukod sa nakakahiya, eh talaga namang nakakahiya na.
"Ayun naman pala eh, dito na lang ako," tugon ni Liberty at walang anu-ano'y sumakay na kaagad sa front seat katabi ng driver.
Sinamaan na lamang ako ng tingin ni Benedict dahil sa ginawa ko.
Nagsialisan na ang iba ngunit naiwan ang sasakyan ni Art at Sir Primo. Dahil nakapagdecide na akong kay Sir Primo na sumunod, inilagay ko na ang aking gamit doon at hinayaan sila.
"Sure ka bang diyan ka na sasakay?" seryosong wika ni Ben sa akin.
"Dito na lang siguro ako, at saka, mas makakatulog ako dito nang maayos," palusot kong muli.
"Sure ka na ba talaga diyan?" pangungulit niya, "Kung gusto mo, palit na lang tayo. Diyan ako, doon ka."
"Hindi, ayos na ako dito."
"Yung bruhang 'yon kasi, singit pa ng singit," iritable niyang tugon.
"Ay siya sumakay ka na doon at para makaalis na tayo," habol ko.
"Wait lang..." nakita ko naman na may kinuha siya sa bitbit niyang bag at ito ay ang camera na ipinahiram ko sa kaniya, "Ito na yung cam... marami akong footages na nakuha kaya ikaw na bahalang magayos ng video edit."
Kinuha ko na ang kaniyang ibinigay at naglakad na siya at sumakay sa sasakyan ni Art. Nawa ay maging ligtas at maayos ang aming pag-uwi.
END OF CHAPTER TWENTY-EIGHT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro