/27/ Distance
CHAPTER TWENTY-SEVEN:
Distance
ASH
Nagising na lamang ako nang bigla kong maramdaman na parang ako na lang ang mag-isa sa kama. Napagulong kasi ako sa part kung saan nahiga si Art kagabi, bigla lang pumasok sa isip ko na baka nadali ko siya or what kaya bigla akong nagising.
Tama nga ako, ako na lang ang mag-isang nakahiga sa kama. Nakailang segundo ako bago ko magsink in sa akin yung paligid ko.
"Art?" mahina kong tawag, nagbabakasakaling may sumagot or baka nasa banyo lang siya ngunit wala akong narinig pabalik. Marahil ay nasa labas na siya.
Humiga muli ako sandali upang namnamin pa nang kaunti ang lambot ng kama. Sayang naman kung hindi ko susulitin yung stay dito.
Ilang sandali pa ay kinapa ko na ang aking cellphone sa may maliit na table katabi ng kama. Nang makuha ko na ito ay bigla kong napindot at power button at bumungad naman sa akin ang wallpaper na ngayon ko lang nakita. Ngayon ko lang napagtanto na hindi sa akin ang hawak kong cellphone at kay Art ito.
Bumungad naman sa akin ang wallpaper na may litrato namin ni Art na magkatabi. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung picture na inupload noong katatapos ng Battle of The Bands... noong nagkataong magkatabi kaming dalawa sa photo. Nakakapagtaka rin na walang lock ang phone pero hindi na ako nagatubiling buksan pa dahil hindi naman ako nagpaalam sa kaniya, baka kung ano lang rin ang makita ko dito sa phone niya kaya nevermind na lang.
Nang ibalik ko na sa table ang hawak ko, umupo muna ako sa gilid ng kama para mas maengganyo akong gumalaw na. Hinihila pa kasi ng kama yung diwa ng pagtulog ko kaya need kong labanan. Umagaw naman ng pansin ko ang cellphone kong nagriring katabi sa table, tiningnan ko muna ito bago damputin at nakita kong si Benedict ay natawag. Kinolekta ko ang hangin sa aking baga dahil alam ko na ang pakana nitong si Ben. Mambibwisit na naman.
"Ano bro, good ey em!"
Napapikit na lang ako. Ang aga aga pero yung energy niya, parang maggagabi na.
"Anong ganap this midnight?" excited at natatawa niyang sinabi, "Another point na ba? Nagshooting shooting ba kayo? Kuwento naman diyan!"
Tarantado talaga. Agang aga.
"Alam mo Ben, matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo," panimula ko.
"Ano 'yon?"
"Putangina mo as a friend." Lakas loob kong sinabi.
Tila natahimik ang kausap ko sa kabilang linya.
"Grabe ka naman po, As..."
"Ang aga Benedict para sa mga kalokohan mo, kung gusto mong malaman yung nangyari kagabi, fine! Ask Arthur," seryoso kong sinabi, "Kung wala kang magandang sasabihin ngayon, ibaba ko na yung taw~"
Ibaba ko na sana ang cellphone pero bigla naman siyang nagsalita.
"Huy sandali! Ito naman, hindi mabiro..." aniya, "Humingi lang naman ako ng update kasi dapat magkakasama tayong boys sa malaking room."
"Ano naman ang kailangan mo?"
"May pinapasabi kasi si Art kaya makinig ka, init agad ng ulo mo eh."
Nakinig na lamang ako sa mga sinabi niya para naman makapaghilamos na ako.
"Tumingin ka sa room niyo daw, may isang table diyan malapit sa may bintana," saad niya at sinundan ko naman ang paliwanag niya.
"Tapos?"
"May parang tray raw diyan na sealed ng cling wrap, buksan mo daw 'yun sabi niya."
Bumangon naman ako't nilapitan ang table na malapit nga sa bintana. Nakita ko ang mga plato at tray nga na balot ng plastic wrap at may maliit na note sa loob. 'For your breakfast' ang nakalagay at may kasamang smile.
"Para sa'kin raw 'to?"
"Kung para kay Art 'yan, baka wala ng matira sa'yo."
"Nagtatanong ako ng maayos, loko ka..." irita ko.
"Syempre sa'yo 'yan, ipapabilin ba sa'kin ni Art kung hindi 'yan for you?"
Hindi na lamang ako sumagot pero hindi ko pa rin naman ibinababa ang telepono, binuksan ko muna ang tray at bigla kong naamoy ang mga nilutong pangbreakfast.
"Nasaan ba si Art?" saad ko muli at sumubo ng kanin.
"Yieee, hinahanap... Gusto ng round 2?" maladiablo ang tawa niya. Nakuha pa talagang magbiro na naman.
"Kapag ako nakapunta sa kinarorooonan mo, yari ka sa akin," banta ko.
"Nandito sila sa baba, pinagrerehearse ni Sir Primo, wanna watch?"
Napahinto ako sa aking pagnguya, bigla ko na naman kasing naalala yung nangyari kahapon. Nagdalawang isip rin ako kung magpapakita ako mamaya kasi nga alam kong alam rin niya yung feeling na nararamdaman ko ngayon. Yung ilang and distansya.
"Susunod na lang ako mamaya, maghihilamos pa kasi ako."
Ibinaba ko na ang telepono at napagdesisyunan ko nang pumunta sa banyo at maghilamos.
Hindi nagtagal ay nakarating ako dito sa baba kasama ang ilan naming makakasama sa charity event. Ako naman, hinanap ko agad si Ben para tanungin yung camera kung okay na at gumana.
Napalingon ako sa lugar kung saan nandoon ang banda ng MCMXCI at si Liberty, naggigitara si Art habang kumakanta kasabay ni Liberty. Si Sir Primo naman ay nakaupo sa tabi nila at nakikinig.
"Makatitig, wagas?" narinig ko ang boses ni Benedict sa aking tabi, "Siya nga pala, wala namang serious damage yung camera kaya pwede pang gamitin. Magpasalamat ka at hindi nawala ang files nito dahil kapag nagkataon, mabubura yung memories niyo sa Pinatubo kahapon."
Sinamaan ko na lamang siya ng tingin dahil ang lakas talaga ng loob niya to do that.
"Yung mga ilang team nga pala natin? Nasaan?"
"Nandoon na sila sa event, schedule nila ngayon na maunang makapunta doon." Paliwanag niya.
"Eh tayo? Bukas?"
"2 days pa... kaya may time pa to prepare."
Napatuon muli ang atensyon ko sa kinaroroonan ng banda. Parang wala silang gana sa ginagawa nila base sa obserbasyon ko or talagang maaga pa lang ay gising na sila kaya ganiyan. Kahit talaga anong iwas ko ng tingin ay nagtatama pa rin ang mata naming dalawa. Oo, naggigitara at rinig ko ang ginagawa nila ngayon pero bakit parang konektado kaming dalawa kahit malayo ako? Parang laging nasesense ng mga mata namin ang isa't isa.
Bigla ko naman ring napansin ang biglaan niyang pagiwas ng tingin at kita kong tila ba maga ang mata niya.
"Uhmm, guys, break muna kayo, drink water..." rinig kong galing kay Sir, "Liberty, bagay na bagay sa range ng voice mo yung song, execute the right emotion for it and then okay na tayo. Art..."
Habang inilalagay ni Art ang gitara sa stand nito ay nagbilin si Sir sa kaniya.
"May gusto ka bang ikuwento sa akin? At saka, napano 'yang mata mo?"
Hindi ko na narinig ang paguusap nila at sumangguni na lang ako at nangalap ng impormasyon kay Benedict. Baka may alam siyang about sa kaniya at sa mga nangyari na hindi ko nalalaman.
"Kagabi kasi, imbes na matulog ng maayos eh tumambay doon sa rooftop kasama nung ilang kabanda niya, doon tumambay paninigarilyo. Nandoon naman ako kaya alam kong hindi nagyosi 'tong si Art."
Nakikinig lamang ako nang mabuti habang nagpapaliwanag pa siya.
"Ganoon pala siya umiyak, ngayon ko lang nakita na umiyak siya ng ganoon," dagdag niya, "Hindi naman totally nagdrama pero namula yung mata."
"Totoo ba 'yang kinukuwento mo? Baka niloloko mo na naman ako."
"Tange, seryoso ako," saad niya, "Tahimik lang 'yan kagabi sa rooftop tapos nagpapahangin... Yung ilang mga kabanda, naglalaro doon sa inilatag nilang tela sa semento."
Bigla naman ako lalong naalarma sa aking narinig dahil feeling ko, involved ako sa nangyari. Oo, hindi maipagkakaila na isa ako sa dahilan para malungkot siya pero sana kasi magets niya rin yung gusto kong mangyari. Dapat pala hindi ko na lang siya kinontra kahapon at nasagot nang pabalang.
"May nakuwento rin siya sa amin, tinanong kasi siya kung okay lang siya kaso ayun na nga, tahimik."
Napabuntong hininga ako sa aking narinig. Ano ba talaga? Ang gulo.
"Ang gulo mo naman magpaliwanag, nagalmusal ka ba?" sarkastiko kong sinabi, "Sabi mo nagkuwento siya sa inyo tapos sasabihin mo rin na tahimik, ano ba talaga?"
Tumawa na lang siya na para bang ang ganda ng kaniyang pagpapaliwanag.
"I mean tahimik nga siya noong kinukumusta siya pero nagkwento talaga siya. May nabanggit siya tungkol sa mga magulang niya ata... 'yun yung dinig ko eh."
Napaawang naman ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi.
"Ano pang sabi?" seryoso kong tinanong muli.
"May narinig lang ako na gusto niyang bumalik na ewan, hindi ko sure..."
"Bumalik saan?"
"Hindi ko nga sure, basta narinig ko, gusto na niyang makabalik."
Bigla kong naramdaman ang mabilis na pagragasa ng dugo sa dibdib at ulo ko. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. I know, hindi ko dapat na inuusisa yung tungkol na sa kaniya pero bakit parang nababahala ako? Kasalanan ko ba?
Nakita ko silang naglakad papunta sa table at si Liberty ay nagvovocalize sa part niya. Si Art naman, kinakausap pa rin ni Sir Primo.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo kahapon? Seryoso..." ani Benedict.
Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi.
"Sa amin na lang siguro 'yon Benedict," tugon ko at hindi na siya nangulit pa.
Dumaan ang ilang oras ay napanood na namin ang unti-unting pagayos ng performance nila. Si Arthur ay nakakahabol na sa nagaganap na performance nila kaya hindi na sila pinahirapan pa lalo ni Sir Primo.
END OF CHAPTER TWENTY-SEVEN
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro