Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/24/ Puzzle Piece

CHAPTER TWENTY-FOUR:

Puzzle Piece

ASH

"Art, seryoso na 'ko," panimula ko nang masubaybayan ng dalawa kong mata ang mabilis niyang pagkilos para makarating kami sa sasakyan, "Saan tayo pupunta?"

"Don't worry Ash, I'm pretty sure na magugustuhan mo ang lugar na 'yon..." saad niya't kumurba ang labi niya upang ngumiti.

"Saan nga?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong magtaas ng boses dahil hindi sinasabi ng kausap ko ngayon kung saan nga ba kami pupunta. Ayaw pa kasing diretsuhing sabihin!

"Kung sasabihin mo sa akin ngayon Art, I'm pretty sure din na baka mapapayag mo pa ako..." paliwanag ko at nakita kong lumingon siya sa akin, "Hindi ko din kasi alam kung anong gagawin n-na...tin."

Ilang sandali pa ay tila ba nagliwanag ang mukha at napatawa nang bahagya si Art dahil sa nasabi ko. May mali ba?

"Wala akong ibang gagawin sa'yo Ash..." saad niya't sabay ngiti, "I'm asking for permission first before I make a move..."

Nanlaki naman ang mata ko dahil kahit straightforward ang sinabi niya.

"N-no, Art... W-what I mean is..."

"Sumakay ka na sa loob Ash and we will start the ride, okay?" pamumutol niya sa sasabihin ko sana.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko..." dagdag ko habang nakatayo parin ako dito sa labas, "Saan tayo pupunta?"

Nabaling naman ang atensyon naming dalawa nang biglang makita namin si Liberty na lumabas sa main entrance ng hotel at naglalakad papunta sa parking lot. "Art!" bulyaw niya habang inililibot niya ang kaniyang paningin para kami ay kaniyang mahanap.

"Gusto mo bang makita yung crater o hindi?"

Napatingin naman ako sa kaniya at ilang segundo din akong nagisip kung sasama nga ba ako o hindi. Sayang yung opportunity pero nakakahiya naman sa mga kasama namin kung kami lang ang pupunta.

"Paano yung rooms pati gamit natin sa loob?" saad ko.

"Huwag mo na munang isipin 'yon, they can manage our things... okay?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at ako'y sumakay na sa loob ng sasakyan bago pa kami tuluyang mapuntahan ni Liberty. I'm not agreeing with this trip pero I feel na there's something special na mangyayari when we go in that place, Pinatubo's Crater. I don't know pero kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

Ilang sandali pa ay nagsimula nang paandarin ni Art ang minamaneho niyang sasakyan. Unti-unti na ring binabalot ng lamig ang loob nito dahil sa pagbukas niya ng air-conditioner.

"Marami akong nakitang reviews about sa lugar na 'yon, Ash..." saad niya habang ako naman ang nananahimik at nakaupo lamang dito sa tabi niya, "Maganda daw talaga yung crater."

Iginalaw ko ang aking ulo at mata upang tumingin sa kaniya. Hindi ko aakalain na for the second time, makikita namin ang bulkan na 'yon and this time, malapitan na.

Sa sobrang pagkalunod ko sa aking iniisip ay hindi ko namalayang napakatagal nang nakapako ang mga mata ko sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari pero parang naghahalo ang excitement, kaba, at lungkot sa buong sistema ng katawan ko. I can't even identify what kind of emotion and feeling is this.

Habang patuloy lamang ang pagbuka ng kaniyang bibig habang siya'y nagsasalita, ito naman akong kanina pang nakatulala at nahihiwagahan. Nawei-weirduhan lang ba ako or talagang nabibigla lang talaga ako sa mga nangyayari?

"Ash?" Nabasag ang konsentrasyon ko't nakita ko kung paano siya tumingin sa akin na may kasamang pagtataka. Agaran ko namang inayos ang salamin ko.

Ilang segundo pa ang lumipas nang sapilitan kong naialis ang pagkakamagnet ng tingin ko sa kaniya. Nakakainis, ano bang nangyayari sa'kin ngayon?

"M-may problema ba?" mahinahon niyang sinabi habang nasilip-silip siya sa daan.

"S-sorry... pinoprocess ko lang yung mga sinasabi mo..." napuputol kong sinasabi habang ako ay umaastang kalmado lamang, "Tuloy mo lang..."

Habang patuloy lamang siya sa pagsasalita ay ito namang ikinatahimik ko. Kinekwestyon ko pa rin kung tunay yung nangyayari sa amin dahil nga akala ko, nananaginip na naman ako or what.

Sa kalagitnaan naman ng kaniyang pagmamaneho, narinig ko naman siyang may sinabi, "Kumusta na nga pala si Claire?"

Tumaas ang isa kong kilay nang bahagya dahil sa tanong niya.

"A-ayos na naman, nagcheck-up na naman siguro 'yon," tugon ko.

"Negative?"

Gumuhit sa gilid ng pisngi niya ang isang ngiti. Agaran namang nagsalubong ang kilay ko nang kaunti at napatingin sa kaniya na may halong banta at medyo inis.

"Anong negative?" madaling tanong ko.

"Ah, so positive?"

"Ano bang pinagsasasabi mo? Klaruhin mo kasi."

"Ah so wala... Maigi naman," sabay ngiti habang nakatitig sa kalsada.

Sa sobrang inis ko, hindi ko namamalayang napipisil ko na yung lente ng camera na nakapatong sa mga binti ko.

"Alam mo, kung pinagtitripan mo lang ako, ihinto mo na lang yung sasakyan, bababa na 'ko. Nang-aano ka eh," reklamo ko.

"Uy, Ash naman hindi mabiro," saad niya.

"Mukha ba 'kong nakikipagbiruan?

"Sorry na... hindi na mauulit," wika niya at nagsimula na siyang tumahimik kahit bakas pa rin sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa.

Hindi naman talaga ako totally galit. Pinapaalam ko lang sa kaniya na dapat may limitasyon rin yung mga biro niya. Kilala ko naman 'tong si Art, may ilang pagbabago nga lang kasi nga, apat na taon kaming hindi nagkita... malay ko bang totoo siya noong nalilito ako sa mga nangyayari. At saka, alam naman niyang si Claire na ngayon eh, alam na naman niya.

Matagal rin ang itinagal ng pananahimik naming dalawa sa loob ng sasakyan. Habang siya'y patuloy na nagmamaneho, ako naman, nakakaramdam na ng gutom.

"Ilang oras pa tayo babiyahe?" Mahinahon kong tanong.

"Ilang minuto na lang Ash, bakit?"

Napalingon siya sa akin habang ako'y nakatingin at nanonood sa mga lumalagpas na food resto na madadaanan namin. "Gutom ka na 'no?"

Tumama ang tingin ko sa kaniya at nakita ko ang kaniyang pagngisi.

"O-okay pa naman ako," alibi ko, "Hindi pa naman ako gutom."

Bumuntong hinga siya habang nakangiti sabay harap muli sa tapat ng daan. "Sabihin mo lang sa'kin, libre ako."

Napapikit na lang ako nang marinig ko na naman siyang magbiro. Oo, nakuha ko yung ibig niyang sabihin, ibig niyang kagaguhang sabihin. Nakakainis.

Gumagala lamang ang paningin ko sa mga nadadaanan naming mga gusali, may mga matataas na boards ng pangalan ng resto kaya ayun na lang ang ginagawa kong basahin para kahit papaano, malibang ako.

Napukaw ang aking atensyon dahil sa isang taong nakita kong nagaaccommodate ng mga customers sa parking lot. Nakasuot siya ng pulang polo shirt, may hat, at may hawak na parang clipboard. Aninag ko nang madalian dahil napalapit kami dito sa tapat.

"Art..."

Patuloy siya sa pagmamaneho habang unti-unting nawawala ang nakita kong tao kanina.

"Ihinto mo muna yung sasakyan," pakiusap ko nang tapikin ko ang kaniyang kamay.

"Bakit? Anong meron?"

"Wait lang Art, please... itabi mo muna yung sasakyan."

Agad naman niyang sinunod ang aking ipinakiusap. Dahan dahan niyang itinabi ang sasakyan para hindi kami nakaharang sa kalsada.

Bababa na sana ako sa sasakyan pero hinawakan niya ako sa braso, "Saan ka pupunta?"

"Balik na lang tayo do'n sa resto na 'yon, may hahanapin lang ako."

Nang masabi ko 'yon ay siya na mismo ang nagmaneho papunta sa nadaanan namin kanina. Nang makapagpark kami ay hindi ko siya nakita kaya naman bumaba na ako upang hanapin siya.

"Bakit dito? Oorder ka ba ng pagkain?" saad niya nang makababa na ako sa sasakyan. Nakita ko rin naman siyang bumaba muna.

"Sandali lang. Dito ka na lang muna."

Napapalibutan ng maraming tao ang restaurant na ito at may kaunting ingay rin at ang mga natunog na paghampas ng kubyertos sa pinggan nang ako'y pumasok rito. Inilibot ko ang aking ulo para hanapin siya pero halos wala na akong maaninag kundi ang ilang naglalakad na waitress at mga waiter.

Ilang sandali pa ay napahinto ako nang makita ko si Papa na may kausap sa hindi kalayuan. Mayroon siyang inaayos sa counter at siya'y abalang abala.

Hindi ko alam kung bakit napako ako sa kinatatayuan ko nang magtagpo ang mata naming dalawa. Kahit siya, kitang kita ko sa reaction niya ang pagkabigla at pagtataka kung bakit ako naririto.

Sa bawat paghakbang niya papalapit sa akin ay mas nagiging klaro sa aking mga mata na siya nga... siya nga si Papa.

"Ash," tanging salitang narinig ko sa kaniya nang mapalapit siya sa akin, "Anong ginagawa mo rito?" mahinahon niyang saad.

Walang lumalabas na salita sa aking bibig at tanging mata ko lamang ang nangungusap sa kaniya.

"Sa labas tayo, nak. Hindi tayo magkakaintindihan dito sa loob."

Agad ko namang sinunod ang kaniyang sinabi at ngayon ay nandito na kami sa bukana ng resto, malapit sa parking lot. Nang makarating kami ay tinanggal ni Papa ang suot niyang saklob at humarap sa akin.

"Sinong kasama mo papunta dito?" tanong niya, "Kasama mo ba mama mo ngayon?"

Nakita ko kung paano niya igala ang kaniyang paningin habang hinahanap at sinisigurado kung kasama ko nga si mama.

"K-kaibigan ko po... Pa," wika ko.

"Bakit ka napadaan dito, nak? Wala ba kayong pasok?"

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Para akong bumalik sa pagkabata na uhaw na uhaw sa pagmamahal at boses ng tatay ko. Sa pagkakataong ito, hindi ko nararamdaman yung disappointment na iniwan niya kami, mas nananaig sa isip ko ngayon yung pagkakataong makita at marecognize ko siyang muli sa napakahabang panahon.

Wala na lang akong nasagot sa tanong niya, humakbang na lamang ako papalapit sa kaniya at niyakap siya nang sobrang higpit habang nararamdaman ko ang luha kong pumapatak sa aking mga mata.

"Sorry, Papa. Sorry po."

-

Umupo ako sa isang malapad na semento habang hinihintay si Papa na lumabas ulit sa resto. Nang makita ko siyang lumabas ay may hawak siyang isang basong may lamang tubig at ipinainom 'to sa akin.

"Anong nangyari at papaano mo ako nahanap, anak? Ang layo nitong Pampanga."

Matapos kong inumin ang tubig ay nagsalita na ako, "May project po kasi kami na dito po nakabase sa Pampanga, papasyal po sana kami malapit dito kaso po, nakita po kita kanina kaya po pinuntahan kita," mahinahon kong tugon, "Hindi ko rin po inexpect na magkikita tayo ngayon."

"Oo nga nak, nabigla lang rin ako kanina."

Nakikita ko ang ilang sasakyan na umaalis sa parking lot habang ninanamnam naming dalawa ang malamig na hangin.

"Bakit ka nga pala nagsorry nung niyakap mo 'ko?"

Bigla kong naramdaman sa gilid ng mga mata ko ang pagipon ng aking luha. Hindi ko mapigilan ang aking sarili at ngayon ay naluluha pa rin ako.

"N-nagso-s-sorry po ako kasi wala po akong nagawa..." Namumutol kong salita, "Wala po akong nagawa para hindi po tayo masira."

Tuluyan nang kumawala ang luha sa mga mata ko.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, anak. May mga bagay lang talaga sa buhay natin na hindi na natin maibabalik sa dati. Tulad namin ng mama mo."

Tumingin ako sa kaniya kahit na namamaga at basa ang paligid ng paningin ko.

"H-hindi na po ba talaga maayos... Pa?"

"Kung ako ang tatanungin mo Ash... gusto ko pa ring maayos ang lahat," wika niya habang nakatingin sa mga daliri niya, "Pero kung masaya na siya sa Tito mo, wala na akong magagawa kahit anong pilit kong gawin."

"Bakit mo po kami iniwan?"

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa at nakita ko ang mapait niyang pagngisi.

"Sinunod ko lang yung napagkasunduan namin ng mama mo... Pinili ko lang yung mas makakabuti sa'yo, 'nak," saad niya, "Kapag ibinigay ka sa akin ng mama mo, hindi kita mabibigyan ng pagkakataong mabuhay gaya ng ibang bata noon... Ito lang kasi ang kaya ko, Ash."

Nakikinig lamang ako habang nagpapaliwanag siya sa mga nangyari noon na hindi ko alam.

"Kung aalis ako, mas mabibigyan ka ng mama at tito mo ng magandang pagaaral. Mas magagabayan ka nila."

"Bakit po si tito? Si tito po ba ang dahilan?" seryoso kong tanong.

"Siya kasi ang panganay sa aming magkakapatid. Nasa kaniya ang lahat, nasa kaniya lahat ng oportunidad at pagkakataong umangat, Ash. Noong nahihirapan akong maghanap ng matinong trabaho, sa tito mo ako lumalapit... Pero noon, hindi ko alam na may namamagitan na pala sa kanilang dalawa," paliwanag niya, "Hanggang sa umayaw na ang mama mo sa akin. Nagkagulo kami noon dahil nasaktan ko si Kuya, ang paborito ng lahat. Simula no'n, nangako ako sa sarili ko na lalayo ako, magsisimula nang sa sarili ko lang. Kahit labag sa kalooban ko na iwan kayo ng mama mo, wala akong nagawa dahil wala pa naman akong napapatunayan 'di gaya ng tito mo."

"Balik ka na Pa, please... Subukan nating ayusin ulit. B-baka may chance pa po."

"Hindi ito yung tamang oras at panahon, Ash," tugon niya, "Baka may mangyaring masama pa kapag bumalik ako sa probinsya natin."

"P-paano po tayo?"

"Gagawa tayo ng paraan, anak. Gagawa ng paraan ang tadhana para maayos ang lahat."

Ilang sandali pa ay may biglang tumawag sa pangalan ni Papa sa hindi kalayuan. "Federacion, hanap ka sa counter. Ito na rin yung inorder mo!"

Agad namang lumapit si papa at kinuha ang inaabot ng babaeng tumawag sa kaniya.

"Ay siya, anak, babalik na ako sa loob," saad niya, "Itong pagkain mo, uubusin mo ha. Masarap 'yan." Sabay abot ng isang plastic na may laman na tupperware at styro foam sa loob.

Tinapik niya ang aking balikat at sinabing, "Magaaral ka nang mabuti, Ash. Alam kong malayo ang mararating mo."

Bago siya makaalis muli ay niyakap ko ulit siya nang mahigpit. Matagal ko nang gustong mangyari 'to at ngayon, hindi ko na palalampasin pa.

"Magiingat po kayo, Pa."

"Kayo rin ng mama mo, anak."

END OF CHAPTER TWENTY-FOUR

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro