/23/ Touchdown
CHAPTER TWENTY-THREE:
Touchdown
ASH
Nananahimik na lamang ako dito sa isang tabi dahil hindi ako natuwa sa ginawa nilang dalawa. Ano na lang ang sasabihin ni Liberty sa amin? Sa totoo lang, naawa ako kay Liberty kanina hanggang ngayon kasi parang hindi talaga tama. Ito naman kasing dalawang 'to, siraulo din eh. Ito namang dalawa kong katabi, gusto ding hindi sumakay si Lib sa sasakyan.
Umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang tunog ng isang cellphone na nakakatanggap ng tawag. Una kong tinignan ang cellphone ko pero hindi sa akin... kay Art pala.
Anim na missed calls ang natanggap niya ngunit hindi niya masagot dahil siya'y nagmamaneho. Nakikita ko ditto kung paano ngumisi at pigilan ni Benedict ang kaniyang pagtawa.
"Benedict, pasuyo na nga nung cellphone ko..." pakiusap ni Art.
Nang makuha ni Ben ang cellphone ay tuluyan siyang napatawa.
"Bakit?" tanong ni Art.
"Si Liberty, kanina pang tumatawag," tugon ni Ben kasabay ang mala-demonyong halakhak.
Nakakab'wisit.
Sa huling paggkakataon na tumawag si Liberty ay agad naman itong sinagot ni Ben. Yari ka sa kaniya, makita mo.
"Hello, Art!?"
Inilayo ni Ben sa kaniyang tenga ang cellphone na kaniyang hawak nang biglang marinig niya ang malakas na boses ni Lib. Sinasabi ko sa'yo, yari kayong dalawa.
"Art? Ba't niyo ako iniwan?" naiirita niyang saad.
"S-sorry, Liberty..." bigkas ni Art at mas lalong nagpipigil ng tawa si Ben pero rinig pa din. Ito namang mga katabi ko, walang pakialam.
"Sino yung natawa? Benedict ikaw ba 'yon!? Bakit niyo nga kasi ako iniwan?" mas lalong lumalakas ang kaniyang boses, "Sikip na kami dito ng mga girls!"
"Sana inisip mo muna 'yan bago ka sumiksik dito sa sasakyan namin!" buwelta ni Benedict na pabiro.
"So what? I have the right to choose where I want to go wi-"
Hindi na nakatapos sa pagsasalita si Liberty dahil binabaan na siya ni Ben. Siraulo talaga. Okay naman silang dalawa nitong nakaraan, anong nangyari?
Ilang sandali pa ay lumingon siya sa akin ngunit pinakitaan ko na lamang siya ng masamang tingin. Deserved niya ngayong pagsungitan.
Sa wakas, nabalot din ng katahimikan ang paligid. Nawala na ang ingay ng mga lalaking kasama ko dito. Nakailang ikot at harurot ang sasakyan kaya feeling ko, malayo na kami sa pinanggalingan namin kanina.
"Nasaan na tayo Art?" bigkas ni Benedict habang siya'y may hawak na cellphone, "Nagugutom na 'ko..."
"Kaunting layo pa... Pero kung gutom na kayo, hahanap ako ng mabibilhan ng pagkain," saad niya.
"Sige Art."
"Huwag na!"
Nagkasabay kami ng pagsalita ni Ben at ako naman ay medyo naiinis na talaga sa kaniya. Saan kaya niya nakukuha yung kakapalan ng mukha niya? Nakakaurat. Talagang tinaasan ko na lang din ang aking boses para marinig nilang dalawa.
"Bakit naman Ash?" tugon ni Art.
Aba naman talaga. Nagawa pa talagang makasagot.
"Hindi ba sabi mo, kaunting layo na lang?" seryosong lumabas sa mga labi ko, "Kaunting layo na lang pala naman kaya i-diretso na lang natin," paliwanag ko.
"P-pa'no sila b-baka guto-"
"Hindi 'yan..." kunot ng noo ko.
Matapos ang palitan namin ng salita ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang pakiusap ko. Bakas ang hindi maipinta na mukha ni Benedict ngunit wala siyang magagawa. Consequence nila 'yan sa ginawa nilang dalawa kay Liberty.
Nabasag naman ang katahimikan nang biglang magsalita muli itong si Benedict, "Bakit ang sungit mo ngayong araw?" saad niya ngunit hindi nagtatama ang tingin naming dalawa, "Kanina, habang nasa univ tayo, hindi na okay mood mo, ngayon naman, hindi parin..."
"Hindi na nga kasi okay kanina tapos makikita ko pa yung kalokohang ginawa mo kay Liberty," unti unting tumataas ang boses ko, "Sino ba naman kasi ang matutuwa do'n?"
"Ako na nga 'tong gumawa ng paraan para magkasya kayong tatlo d'yan e..."
Nablangko ang isip ko nang bigla kong makita ang entrada nitong lugar na pinasukan namin. Unti unting nafifigure out ko kung anong lugar ang dinadaanan namin ngayon. Parang naaalala ko ang lugar na'to.
Patuloy lang si Benedict sa pagsasalita ngunit hindi ko siya iniintindi. Nakadungaw na lamang ako dito sa bintana at pinagmamasdan ang paligid. Habang masugid kong pinagmamasdan ang mga nakikita ko, parang may namumuong senaryo sa utak ko na parang parte ng nakaraan ko. Naaalala ko ang lahat ngunit malabo lamang ang mga ito.
"Art, nasaan na tayo?" saad ko habang nakatitig sa salitang nakasulat sa isang pader.
"Nasa Pampanga na tayo Ash, bakit?"
'Estrella'
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa lugar na ito ngunit bakit dito? Dito sa lugar kung saan nagsimula ang lahat? Kung saan...
"Tanda mo pa yung lugar na 'to Ash?" Nawala ang mga iniisip ko nang bigla niya akong tanungin. Ramdam ko sa boses niyang kalmado, may galak na may kasamang excitement na hindi ko maintindihan.
Unti-unting nagkakaroon ng traffic sa kalsada kaya naman may pagkakataon pa akong muli upang maiging pagmasdan ang nasa gilid-gilid ko.
"Nakapunta na kayo dito Art? Ash?" narinig kong tinig ni Ben.
Napalunok naman ako kaagad dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Ayaw kong may ibang makaalam ng nangyari sa amin dati. Ayaw ko.
"Hindi p-"
"Oo, Ben..."
Humalo sa boses ni Art ang sagot ko kaya naman namuo ang kalituhan sa lahat ng kasama namin dito. Napapaghalataang nagsisinungaling ako eh. Bakit ba naman kailangan mo pang sagutin 'yon Art? Mapapahamak tayong pareho sa ginagawa mo.
Nakatingin lamang si Ben, Andrew, at Kyle sa akin na parang nagulat sila sa isinagot kong taliwas sa tugon ni Art. I need to think of an alibi.
"U-uhmm, I mean..." nahinto naman ako sa pagsasalita nang biglang sumingit si Art sa ipinapaliwanag ko.
"I guess... Hindi pa nakakapunta si Ash dito, pero ako... Nakapunta na talaga ako," bawi niya pero alam kong hindi iyon ang totoo.
Bigla namang naiba ang atensyon ko nang makita ko pa ang isang intersection kung saan kakadaan pa lang namin ngayon. May kung anong nangyayari sa tiyan ko dahilan para hindi ako maging komportable. Bakit buhay pa ang bayan ng Estrella gayong natabunan ang lugar na 'to dati ng abo at lahar? Hindi kaya Poblacion ang tuluyang nawala at hindi ang Estrella?
"Yung lola ko, dito nakatira dati bago pa yung pagsabog ng Pinatubo..."
Walang anu-ano'y nakita ko ang mabilis na pagtama ng aming tingin ni Art sa isa't isa sa pamamagitan ng rearview mirror. Ramdam ko ang seryoso niyang tingin kasabay ang hindi ko maipaliwanag na emosyon galing sa akin at galing sa kaniya.
Sa isang iglap lang, nanumbalik lahat sa alaala ko ang lahat ng nagging paghihirap namin noon habang nagbubuga ng makakapal na abo at usok ang Pinatubo. Nakakatakot... Nakakabahala pero ngayon, tanging alaala nalang ang natira.
Natahimik na lamang kaming lahat dahil sa nagiging pagpapaliwanag ni Benedict.
"May isang heritage dito na may mga listahan ng pangalan ng mga nasawi dati... Hindi ko lang tanda kung saan dito sa Pampanga pero malapit lang dito," dagdag niya.
Pinapakinggan ko lamang sila at naririnig kong nagtatanong din si Kyle sa kaniya. "Saan na tayo dito sa Pampanga?"
"Estrella..." biglang kumawala sa bibig ko nang may mabasa ako sa isang poste na may nakalagay din na Estrella.
"No..." sabat ni Benedict na bahagyang ipinagtaka ko naman. Napalingon tuloy ako nang wala sa oras, "Oo, Estrella 'to dati pero hindi na ngayon... most of the towns here ay buried na dahil sa lahar..." dagdag niyang paliwanag. "Yung mga Estrella na nakikita mo ay painted lang dahil karamihan ng tao dito ay alam kung anong lugar pa 'to dati."
Napatulala na lang ako sa mga sinabi niya dahil hindi ko inexpect na yung mga bahay at lugar kung saan kami naglalakad ni Art ay wala na at ang mas malala pa nito, karamihan nito, hindi na maibabalik sa dati.
Nagkataon naman na naudlot ang diskusyon namin dito sa loob nang biglang mag-ring ang telepono ni Art. Agaran naman itong kinuha ni Benedict at sinagot.
Kahit hindi ko marinig masyado ang pinaguusapan nila ay alam kong malapit na kami sa pupuntahan namin. Ilang liko pa ng sasakyan ay nakarating na kami sa lugar kung saan nakita ko ang sasakyan ni Sir Primo na nakapark. Bumungad naman sa aming lahat ang isang hotel kung saan siguro kami mags-stay for three days.
Binuksan naming lahat ang pinto upang kami ay makalabas at hanapin sina Sir Primo, yung mga bagahe namin ay maayos na nakalagay sa lobby at reception ng hotel.
Hindi nagtagal ay nakarating na din ang sinasakyan ni Liberty at sabay-sabay din silang naglakad papunta dito. Nakakagulat lang dahil nauuna pang maglakad at hinihingal si Lib.
"Yare..." mahinang bulong nitong mokong sa tabi ko.
Nagkatinginan naman kami ni Art ngunit ang napansin ko lamang sa reaksyon niya ay ang kaniyang pagtango at pagtaas ng kilay. Parang tinatanong ako na hindi ko maintindihan. Nagsalubong naman tuloy ang dalawa kong kilay.
"Sir Primo!" Dumali na naman ang eskandalosang babaeng 'to. Napapunta tuloy ang atensyon ng lahat sa kaniya.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang nasa paligid ko. Nang masulyapan ko ang direksyon ni Sir Primo at ni Art, nakita ko kung paano ilaan ni Sir ang pakikinig niya sa pagbulong ni Art sa kaniya kanina. Hindi ko alam kung anong pinaguusapan nila pero for sure, deal 'yon.
Ilang sandali pa ang nakalipas, nakita naman ng dalawa kong mata ang papalapit na si Art papunta sa direksyon kung saan ako nakatayo. Parang nanigas na ako sa puwesto ko dahil hindi ko alam ang gagawin.
"Samahan mo 'ko, Ash..." saad ni Art nang bigla kong maramdaman ang kamay niyang kumapit sa isa ko pang braso.
"S-sandali... Sa'n t-tayo pupun-?"
Naputol ang pagimik ko nang bigla kong makita si Liberty na papalapit sa amin, "Art!" naiinis niyang sinasabi habang sinusundan niya kung saan kami papunta. Bigla naman siyang nahinto sa pagsunod nang makita ko si Ben na kaagarang hinablot ang kamay niya dahilan para makalayo pa kami nang kaunti.
"Dala mo camera mo?" biglaang tanong niya habang nagpapatianod ako sa kaniyang paghila sa akin.
"B-bakit? Saan mo ba kasi ako dadalhin?" hinihingal kong tugon, "Kailangan talagang magmadali?"
"Kapag hindi pa tayo nagsimulang bumiyahe papunta do'n..." Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabayan ko ang bawat paghakbang ng kaniyang mga paa, "...hindi natin maeenjoy yung view nang matagal... dadami na din ang tao do'n."
Mas lalo naman akong nalito dahil sa ginagawang pagmamadali at pagpapaliwanag ni Art. Hindi na lang ako makaimik dahil wala na akong magagawa... Nandito na ulit kami sa parking lot.
END OF CHAPTER TWENTY-THREE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro