
/22/ She'll Understand
CHAPTER TWENTY-TWO:
She'll Understand
ASH
Masikip.
Mas lalo lang kaming naiipit dito sa likuran ng sasakyan dahil nga apat kaming pinagkasya dito habang si Liberty naman ay malayang malayang nakaupo na parang prinsesa sa unahan. Wala na din siyang ginawa kun'di ang i-flex lahat ng mga kuko niyang kasing kulay ng kapa ni Superman.
Ilang oras na kaming nasa ganitong posisyon at nakikita ko din ang discomfort sa mukha ng tatlong katabi ko.
"Ang boring naman ng patugtog sa radio, Art," saad ni Liberty. Bigla niyang pinihit ang radyo ng sasakyan at nagsimulang magsalpak ng isang flashdrive, "Ito na lang ang pakinggan na'tin..." excited niyang dagdag.
Bago pa magkaroon ng sound, napagmasdan ko naman nang maigi ang dalawa kong katabi na si Andrew at Kyle. Gising si Kyle ngayon habang si Andrew naman ay nakaidlip. Ang ulo niya'y nakapatong sa balikat at hindi gumagalaw.
Si Benedict naman ay walang ginawa kun'di ang pagmasdan at bilanggin ang posteng mabilis na nawawala. Parang abnormal.
Nawala naman ako sa pagtingin sa paligid nang biglang magpakawala ng tunog ang speaker.
"Kung Wala Ka," masayang bulalas ni Liberty sabay sandal sa kaniyang kinauupuan.
Agaran naman akong naalarma dahil sa unang tono palang ng kanta ay napatibgin agad ako kay Art. Nakita ko din kung paano gumalaw ang mata ni Art upang tumingin sa salamin sa unahan at pagmasdan ako. Halatang nagulat din siya sa kaniyang narinig.
Wala pa sa kalahati ang tugtog nang biglang laksan ni Liberty ang volume kasabay ng kaniyang pagsabay din sa kanta.
"Liberty, hayaan mo na lang na Hale ang kumanta," Walang prenong pambabara ni Benedict.
"Shut up..." maarteng bawi ni Lib, "Hindi ka naman kasama sa MCMXCI 'no?"
Tinitiis na lamang namin dito sa loob ang nagiging palitan ng paguusap nilang dalawa. Ngayon ko pa lang silang nakitang magkausap nang ganitong katagal tapos nagtatalo pa. Daig pa ang aso at pusa sa sobrang gagaling mambara.
'Mga pangarap ko para sa'yo... para sa'yo...'
Habang taimtim na nagmamaneho si Art, nahuhuli ko pa din ang kaniyang mga pagtingin at pagsulyap sa akin. Sa totoo lang, medyo naiilang na ako pero wala akong magawa. Sa tuwing lilingon siya at titingin sa salamin na nakalagay sa taas at unahan, parang nahuhuli ako at hindi makawala. Nakakadala.
Hindi ko malaman kung anong nangyayari sa tiyan ko ngayon. Unti-unting nanunumbalik sa aking isip lahat ng nangyari noong nakaraan. Alam kong hindi ko dapat 'to nararamdaman dahil tapos na ngunit hindi ko talaga maiwasan. Aaminin ko, may nararamdaman pa rin ako. Bahagya na nga lamang.
Patuloy sa pagmamaneho si Art habang ang mga katabi ko ay tahimik.
"Siya nga pala Art," Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig sa radio nang biglang magsalita si Liberty, "Kapag na-touch-down na natin ang Pampanga, mag-take tayo ng photo ha!" Excited niyang dagdag.
Hindi na lamang nakaimik si Art bagkus ay napangisi na lamang ito sabay tingin sa akin gamit ang rear view mirror. Umiwas ako ng tingin, baka kasi mahalata pa kami ni Lib, ang ingay pa naman nitong babaeng 'to.
"Hindi pictorial ang pinunta natin sa Pampangga, Liberty," singit ni Ben at sinamaan naman siya ng tingin ni Lib.
"May problema ka ba sa akin, Benedict?" reklamo niya, "Sabihin mo lang..."
"Mayro'n! Liberty, mayro'n..."
Napuno na ng pagtatalo ang sasakyan at tanging tinig lamang nilang dalawa ang naririnig namin.
"Kung hindi ka kasi umupo diyan sa tabi ng driver's seat, e' 'di sana, payapa na yung tatlo dito sa likod," bakas ang pagngisi ng dalawa ko pang katabi pati na rin si Art sa unahan.
Para naman talaga silang mga bata na nagaagawan sa laruan. Kung tutuusin nga, mas mukhang bagay pa silang dalawa.
"Tama na 'yan at tayo'y magso-stop over muna... Mag-c.r na ang mag-c-c.r," saad ni Art at naging maayos na ang kalagayan dito sa loob.
Ilang sandali pa ang nakalipas, naunang bumaba si Liberty para siya'y makagamit ng C.R, si Ben naman ay lumabas muna at nag-uunat-unat. Itong dalawa naman na secret love birds ay nandito lang sa loob at ang ganda ng pagkakaupo, suot ng dalawa ang earphones nila. Si Art naman ay sumandal muna sandali habang may pagkakataon. Ako naman, pinapanood lamang ang paggalaw ng mga taong nasa paligid ko dahil medyo mahaba-haba pa ang biyahe namin.
Naaninag ko din dito sa kinaroroonan namin ang iba pang mga sasakyan na kasabay naming papuntang event.
"Ash..." narinig ko kay Art habang ako naman ay nakatitig lamang sa salamin, "Okay ka lang?"
Napalinga naman ako papunta sa direksyon niya. Nakakabigla lang pero okay lang.
"O-okay naman a-ako... bakit?" saad ko.
"You looked tired," balik niyang sinabi habang naguusap ang mga mata naming sa pamamagitan ng rear view mirror sa unahan, "May problem ba?"
"W-wala naman... Art," I replied.
Nakita ko ang pagsangayon ng mga mata niya kaya naman ibinalik ko na lang muli ang atensyon ko sa pagtingin sa paligid habang naghihintay sa kanila na makabalik.
"If you want to tell something, nandito lang ako..." sincere at kalmado niyang tugon.
Nakalipas din ang fifteen minutes at ang isang sasakyan naming ay nakaalis na, so bale, dalawa na lang ang natira... Vehicle ng girls at sasakyan namin.
Bigla naman akong nagulat nang biglang pumunta at buksan ni Benedict ang pinto sa gilid kung saan dapat nakaupo si Liberty. Nagmamadaling kinuha ni Ben ang bag ni Liberty at tumakbo papunta sa isa pang sasakyan. Habang pinapanood ko ito ay nakita ko kung paano ibinigay ng lokong 'yon ang bag na kinuha niya sa isa niyang kakilala sa kabilang sasakyan.
"T-tara na Art..." hinihingal na utos ni Benedict nang bigla niyang buksan ang pinto ng sasakyan at umupo sa unahan.
Medyo nataranta naman ako't nag-alala dahil sa ginawa niya.
"Hoy Ben!" pagrereklamo kong tawag, "Anong ginagawa mo? Anong tara na? Wala pa si Liberty oh, 'di pa nabalik!"
"Hayaan mo na 'yon... Ang kupad kumilos eh..." saad niya't naramdaman ko naman kung papaano i-start ni Art ang sasakyan.
Halos magsalubong na naman muli ang kilay ko dahil sa pinaplano nilang gawin. Kahit na medyo naiirita ako kay Liberty, parang unfair naman kung iiwan na lang naming siya nang walang kaalam-alam. Ito naman kasing si Benedict eh, napaka-siraulo din talaga.
"Art," seryoso kong sinabi senyales na ihinto niya ang sasakyan.
Wala siyang ginawa at parang ang saya pa niyang tapakan ang gas upang umandar. Nakangisi pa talaga 'tong lalaking 'to.
"Art!" bahagyang tumaas naman ang boses ko at nakita ko ang pagkagulat ni Ben at ang dalawa ko pang katabi dito sa likod na sina Andrew ay Kyle, "Paano na si Lib?"
"Hayaan mo na 'yon Ash... do'n naman talaga siya nararapat sa mga girls..." kat'wiran ni Benedict.
"What if magalit si Lib sa inyo? Sa atin?" kinakabahan at nagaalala kong ipinaliwanag.
Hindi na lamang nakaimik si Benedict at ramdam kong nagpipigil lang siya ng tawa. Grabe ka Benedict, hindi ka na naawa sa tao.
"Ash... don't worry..." panimulang sinabi naman ng katabi ni Ben na si Art, "She'll understand."
Tumaas naman ang mga kilay ko nang marinig ko iyon at nang makita ko ang nakangisi niyang labi sa salamin. Wala akong masabi sa pinaggagagawa ng dalawang 'to. Nabalot naman ng tawa ni Benedict ang loob ng sasakyan. Gusto ko na sanang bumaba habang hindi pa ganoong kabilis ang patakbo niya ngunit hinila naman ako at pinigilan ni Kyle. Napalingon naman ako sa kaniya ngunit wala akong nagawa.
"Hayaan mo na siya Ash..." dagdag ni Benedict. Halos hikain na din siya kakatawa.
Ilang sandal pa ay nakita ko sa malayo ang naglalakad na si Liberty at parang wala pang kaalam-alam sa ginawang kademonyohan ng dalawang 'to. Hindi nagtagal ay mas lalong lumalayo ang sasakyan naming at si Lib naman ay napahinto nang maaninag niya ang sasakyan naming paalis na. Nakakaawa na medyo hindi.
"Art... Baka makahabol... dali!" pagmamadaling sinabi ni Benedict habang unti unting lumalapit si Liberty sa sasakyan namin.
"Art... huwag nating iwan si Liberty... magagalit 'yon sa atin... lalo na sa'yo..." medyo hindi ko na mapigilan na magsalita. Ang kukulit kasi eh.
"Ayaw mo no'n Ash?" paniningit ni Ben, "Maluwag na kayong tatlo di-"
"Hindi ikaw ang kausap ko..." Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya kaya wala siyang nagawa kun'di ang manahimik at sumandal, "Art... ano?"
"Ako na ang bahala kay Liberty..." nakangiti niyang sinabi, "Hindi 'yon magagalit sa 'kin kaya huwag ka na ding magalit..."
Bahagya naman akong napaatras at hindi nakaimik. Parang may kumawalang enerhiya sa bibig niya nang sabihin niya ang mga salitang iyon dahilan para mawalan ako ng sasabihin. Nakita ko din kung paano lumingon si Ben sa akin na para bang mas nanalo pa sila sa pagtatalo namin. Kainis!
Habang nakatitig ako sa salamin, mas lalong bumibilis ang patakbo ng sasakyan at si Liberty ay hindi na naming maaninag. Mas lumuwag naman ang espasyo dito sa backseat at nagging komportable na din kami. Ang problema nga lang, wala ang maingay na si Liberty.
END OF CHAPTER TWENTY-TWO
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro