
/21/ Do Not Ignore The Sign
CHAPTER TWENTY ONE:
Do Not Ignore The Sign
ASH
"Ang dami mo namang dala."
Biglang sumalubong si Benedict sa akin habang ako naman ay abala sa pagbababa ng gamit dito sa may parking lot ng university. Ngayon na kasi yung alis namin papuntang Pampanga kaya ayun, nakakapagod kahit paalis pa lang.
Nakita ko naman ang mala Hawaiian na suot ni Benedict at may suot na sunglasses.
"Anong gusto mong dalhin ko? Bayong?" ganti ko.
"Agang-aga ang init ng ulo mo," saad niya habang iminumustra ang kagandahan ng paligid, "Tingnan mo yung araw, yung ulap, napakaganda! Wala ka dapat ika-init ng ulo..."
"Sino ba ang hindi iinit ang ulo sa padali mo? Hindi mo ako pinagpahinga kahapon dahil diyan sa kakasend mo sa'kin ng post ni Liberty, tapos ito ang isasalubong mo sa'kin," Sinamaan ko na lamang siya nang tingin dahil nakakabuwisit naman talaga.
"Pinapaalala ko lang na may two points na siya, ikaw... wala..."
"Tigilan mo nga ako diyan sa points points mo, wala akong pakielam kung anong ginagawa nilang dalawa." saad ko't naisaayos ko na ang huling bag na dadalhin ko.
"Let's see..." saad niya't ngumisi.
Akala mo naman kaguwapuhan, hindi naman. Napakalakas lagi ng loob na magpakita ng kayabangan. Kung hindi ko lang siya kaibigan, baka matagal ko na 'tong nabatukan.
Ilang sandali pa habang naghihintay kami nina Benedict, Andrew, at Kyle dito ay biglang sumulpot ang banda. Nangungunang maglakad si Art at Liberty matapos makapagpark ng sasakyan ang dalawa. May isang malaking sasakyan pa na nagpark at sa tingin ko'y si Sir Primo 'to.
"Goodmorning!" bati sa amin ni Liberty na ngayon ay nakasuot ng crop top na off shoulder at denim na pantalon.
Ano ba 'tong pinunta namin? Beach party? 'Mantalang ako, naka-polo shirt lang at mahabang shorts.
"Malapit na ba tayong makumpleto?" tanong ni Art ngunit nagkunwaring naglalakad ako papalayo upang may hanapin. Iiwas ako.dahil mukhang sa akin siya nagtatanong.
"Tanong mo kay Ash."
Nagulantang naman ako nang biglang umimik si Benedict at nakisawsaw sa tanong ni Art. Nakakainis. Napakingon tuloy si Art lalo sa akin at nagtama pa ang tingin namin. Minsan kasi, hindi na topak ang umiiral kay Benedict eh, katangahan na din.
Mabuti na lamang at nakarating kaagad si Sir Primo. Nadivert naman ang atensyon ng lahat.
"Kumpleto na tayo?" tanong niya't nagsimulang mag-head count.
May iba pa pala kaming kasama. Hindi na lang si Claire ang nag-iisang babae sa amin, may nadagdag pa na galing sa music club.
Ilang oras pa ang nakalipas, napagdesisyunan na nilang ilagay sa malaking sasakyan na parang jeep ang lahat ng instruments na kakailanganin. Habang ako ay nanonood at naghihintay sa kanila, nakikita ko ang bawat pagkilos nila lalo na si Liberty.
Alam kong hindi magandang sipatin ang kinikilos nila pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kahit na umiiwas ako sa kanila lalo na kay Art, may kung ano sa kalooban ko na gustong gustong mapaghiwalay yung dalawa.
Nawala naman ang aking iniisip nang biglang magsalita si Sir Primo.
"MCMXCI, pagkatapos niyo sa paglalagay ng instrument, sakay na kayo sa sasakyan na gagamitin niyo..." panimula niya, "Girls, doon kayo sa isa pang sasakyan, okay?"
Sumang-ayon ang lahat ng babae maliban sa isa.
"Sir Primo, dito na lang po ako sa sasakyan ni Art," saad niya. Napatingin naman sa akin si Benedict at sumenyas, "Aayusin po namin yung line-up ng kanta po," dagdag niya sabay ngiti.
"Kakasya kayo?" Pagtataka ni Sir Primo, "Sikip na yata sina Ash sa loob..."
Napalaki naman ang mata ko dahil sa aking narinig. Doon na sana ako sasabay sa isang sasakyan tapos dito din pala ako sa sasakyam ni Art makikiride?
Bago pa muling makapagsakita si Sir Primo ay kusa na akong umimik
"Sir, lilipa-"
"K-kasya po kami sa loob, Sir, apat po sa backseat... Kaya naman po namin..." paniningit ni Ben.
Naaninag ko sa mukha ni Andrew at Kyle ang pagtataka at pagkadismaya.
"Sigurado kayo?" paninigurado ni Sir Primo ngunit wala na kaming nagawa. Sumang-ayon din ang bruhang si Liberty.
Halos masipa ni Kyle ang paa ni Benedict dahil sa nangyari. Sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo? Ang usapan, ang girls ay doon sa isa pang sasakyan, tapos ako, sasama na do'n sa mga iba pa, huwag lang kay Art. Kahit pala anong gawin kong pagtanggi, wala na... Nangyari na.
Ilang sandali pa ay nanguna-nguna pa si Benedict, Andrew, at Kyle sa pagsakay sa backseat.
"Ash, dito ka na lang ulit sa unahan," alok ni Art kaya naman napalingon ako sa kaniya. Wala tuloy akong maipalusot.
"Si Liberty na lang d'yan," matipid kong sagot habang inilalagay ko sa compartment ng kotse ang isa ko pang bag, "Kasya nama kaming apat dito sa backseat."
"Unahan mo na si Liberty," ." aniya, "I want you on my side..." Napalunok naman ako ng laway dahil do'n.
Ilang segundo din ang naging katahimikan dahil pinoproseso pa ng utak ko ang lahat. Kung papayag ba ako o hindi.
"B-baka magalit pa si Liberty, dito na lang talaga ako sa likuran..." paliwanag ko. Ibinaba ko ang likuran nitong sasakyan at saka dumiretso sa isang side.
Bubuksan ko na sana ang pintuan sa likod, ngunit naramdaman ko ang isang bagay na kumapit sa akin. Kamay ni Art.
"Please," pagsusumamo niya, "Habang hindi pa bumabalik si Liberty dito... unahan mo na siya sa tabi ko."
May kung anong utos ang umaalingawgaw sa isip ko't kumakabog din ang dibdib ko. Bakit hindi ko magawang makasagot? Ang hirap tumanggi na ewan.
"S-sigurado ka?"
Nakatanggap naman ako ng isang pagsangayon sa kaniya kaya naman wala akong nagawa kun'di kunin ang bag kong maliit kung saan nakasiksik ang mahahalaga kong gamit. Papasok na sana ako sa sasakyan pati si Art ngunit bigla kaming tinawag ni Sir Primo.
Umalingawngaw sa parking lot ang boses niya't nadinig din pati ng tatlong mokong sa likuran.
"Picture taking muna!"
Nagkatinginan naman kami ni Art at sabay kaming naglakad papunta doon. Kaya naman pala hindi pa nakakabalik si Liberty dahil nandoon at naghihintay na sa amin.
Ilang sandali pa at nakarating na kami at bumuo na sila mg formation para makuhanan na kami. Nagmadaling pumunta sa sentro ng lahat si Benedict habang ako naman ay naiipit ni Liberty at Art dito bahagya sa likuran.
Ang ilan sa amin ay nakasquat, at kaming nakatayo naman ang nandito sa likuran.
Nasa kaliwa ko Liberty at dikit na dikit naman sa kanan ko si Art.
"Secure your things, Ipo-post ko muna yung picture then aalis na tayo..." utos at paliwanag ni Sir Primo kaya naman bumalik na kami sa sasakyan.
Nauna naman akong makasakay sa unahan katabi ng driver seat. Habang ang tatlo naman sa likod ay napakarelax at walang masyadong inaabala.
Ilang minuto din ang hinintay namin dito sa parking lot dahil sa nagaayos pa ang ilan.
Isasalpak ko na sana sa tainga ko ang earphones pero nakatanggap ako ng isang tawag.
Si Claire.
"Hello Bie!" panimula niya't napalingon si Art sa akin.
Bumaba muna ako at saka nakipagusap kay Claire. Ayaw ko kasing may nakakarinig ng usapan namin.
"Hello, Claire? Napatawag ka? May classes ba kayo?" balik ko.
"Break namin, napatawag lang ako sa'yo dahil mukhang kakaunti kayo sa room niyo..." tugon niya.
"Ahhh, oo, paalis na kasi kami ngayon kaya yung iba naming kasama sa room, wala... May pupuntahan din sila..." paliwanag ko.
"Sa'n kayo pupunta?" excited niyang tanong.
Napakunot naman ang noo ko dahil parang nasabi ko na sa kaniya ang tungkol sa pag-alis namin.
"Sa Pampa-"
"Ay siya nga pala Ash," bigla niyang sinabi kaya naman nahinto ako sa pagsasalita, "Nakita kita sa isang group photo kani-kanina lang. Nandito pala kayo sa university..." saad niya at medyo nagtataka na ako kung anong mayroon sa ikinikilos niya ngayon.
"N-nandito pa kami Bie," tugon ko.
"Sino yung katabi mo sa photo?" habol niya, "Yung babaeng naka-crop-top?"
Mas lalo naman akong nagtaka kung bakit niya tinanong kung sino ang katabi ko. Parang ilang araw lang silang nagkakilala ni Liberty pero ngayon, hindi niya mamukhaan?
"Claire, si Liberty 'yun..." seryoso kong sinabi.
Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil biglang nag-announce muli si Sir Primo.
"Tara na! Sundan niyo na lang yung kotse ko okay?" saad ni Sir.
Bigla naman akong nataranta dahil aalis na kami. Hawak ko pa din naman ang cellphone at hindi pa napuputol ang tawag.
"Claire?" paninigurado kong nasa linya pa siya.
"Why?"
"Aalis na kami, Bie... Message na lang kita mamaya, okay?" pagpapaliwanag ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
Nawala na ang tawag at kami naman ay nakasakay na sa sasakyan. Sa hindi kalayuan, nakita naming nagmamadaling maglakad papunta dito sa sasakyan si Liberty.
Mabuti na lang at naunahan ko siya dito sa tabi ni Art.
Nakarinig kami ng isang pagkatok sa bintana. Tumapat si Liberty dito sa unahang pinto sa side ko at naghihintay na mabuksan, "Ash, pwedeng tabi kami ni Art?" salubong niya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sa sobrang clingy niya kay Art, pati yung unang taong nakaupo na sa tabi niya, aagawan pa niya ng puwesto. Kung puwede nga lang sanang manabunot, baka tanggal na ang anit ng babaeng 'to.
"Kasya pa naman kayo sa likod," dagdag niya at para bang nagmamakaawa.
Dahil mabait ako, wala akong nagawa kun'di ang magparaya sa puto-kutsintang babaeng 'to. Hindi talaga siya uupo sa backseat kahit anong gawing pilit.
Nang magtama ang tingin namin ni Art ay ramdam kong gusto ni Art na katabi niya ako. Wala naman akong nagawa kun'di magsenyas kahit sa tingin lamang.
"Yey, thanks!" tugon ni Liberty at dali-daling sumakay sa unahan.
Nang makababa ako'y pumunta naman ako sa gilid ng sasakyan para buksan ito. Ipinagsiksikan ko na lamang ang sarili ko dito sa loob.
Nahihirapan na din silang tatlo pero no choice, makapal talaga yung nasa unahan kaya wala tayong magagawa.
Sinamaan ko naman ng tingin si Benedict dahil ideya niya din 'to. Magsama silang dalawa ni Liberty.
"Okay lang ba kayo d'yan?" tanong ni Art.
"Okay lang sila d'yan, Art. Don't worry..." paliwanag at paniningit ni Liberty.
Nakita ko kung paano magreact si Kyle sa tabi ko. Kahit naman sino eh, maiinis kapag ganitong sitwasyon ang nangyari. Masyado kasing pa-epal yung nasa unahan.
Ilang sandali pa ay nagstart na ang makina ng sasakyan. Aalis pa lang sana kami, mukha na kaming pagod.
"Three points..." bigkas na mahina ni Benedict ngunit narinig ko naman.
Kung magkatabi lang sana kami ngayon, iuuntog ko siya sa salamin. Nakakabuwisit na talaga!
END OF CHAPTER TWENTY-ONE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro