Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/20/ Two Points

CHAPTER TWENTY:
Two Points

ASH

Kinausap ko kahapon si Claire tungkol do'n sa nangyari. Bigla din kasi akong nagtaka kung bakit bigla siyang umuna kaagad papunta sa room nila. Kahit nga si Art at Liberty ay nagtaka din.

Bigla daw kasing sumakit yung ulo niya kaya nakakahiya naman daw kung sa tapat pa naming tatlo siya aatakihin or makakaramdam no'n

Kanina, bago kami makarating dito sa university at kinausap ko muna si Claire kung kakayanin niyang makapasok. Sinabi naman niya na kaya niya, kaya naman hinayaan ko na lang. Nag-aalala naman ako para sa kaniya.

Nakarating ako sa isang room kung saan nagrerehearse ang banda nila. Habang ang mga ka-team ko naman ay kasama ko, inaayos namin ang ilang equipments, cameras, at iba pa na kakailanganin namin sa documentation. Pati kasi 'tong practice nila, kailangan naming i-document.

Kinuha ko naman ang camera ko sa lamesang puro camera din para tignan ang storage at ayusin ang options.

"Puro pictures niyo ni Claire ah," bulong ng katabi ko ngayon, "Bawas bawasan mo naman..." Akala ko kung sino... Si Benedict lang pala.

Hindi naman sa pag-aano, napaka-pakielamero 'tong si Ben. Hindi naman nakakatuwa.

"Bakit ba?" seryosong sinabi ko habang nakatingin ako sa hawak ko.

Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin.

"Save picture perfect memories with Art..." tugon niya at napalingon naman ako, "Habang nasa Pampanga tayo..."

Napa-tant'ya na lamang ako't napailing.

"Kaya ayaw kong sumama eh," buwelta ko, "Pupunta tayo together with them sa Pampanga dahil mag-do-document tayo. Hindi puro kuha ng unnecessary pictures and videos."

"Ikaw bahala... Bukas na yung alis na'tin..." Bumitiw siya sa pag-akbay sa akin at ako naman ay naiwang nakatayo dito.

Wala naman akong nagawa kun'di ayus-ayusin ang mga gamit dito pati na rin ang hawak kong camera. Sinimulan ko na ding videohan ang mga members ng MCMXCI na inaayos ang instruments nila.

Sumagi at nahagip sa camera ko ang nangyayari sa paligid at pati na din sa ginagawa ni Art at Liberty. Nakaupo sila sa mataas na upuan at si Art naman ay may hawak ng gitara.

Naaninag ko din sa mga lente nitong hawak ko ang malawak na ngiti, maliliit na halakhak, at ang masaya nilang mukha. Si Liberty ay may hawak na cellphone pati na din ang mikropono at sabay silang nakanta nang mahina.

May kung ano naman sa kalooban ko na hindi ko maipaliwanag.

Frustration.

Sa tuwing mapapanood ko o kaya naman sasagi ang tingin ko ay sumasama ang pakiramdam ko. Alam kong wala akong karapatan para maramdaman 'to, pero bakit?

Ilang sandali pa ay bahagyang namali si Art sa pag-gigitara kaya naman nagreact si Liberty. Pareho na silang natawa at may paghampas pang nalalaman ang katabi ni Art.

Habang nangyayari 'yon ay tumatama ang tinginan naming dalawa ni Art habang sagana sa paghilhil 'tong babaeng 'to.

"One point for Liberty!" mahina ngunit masiglang biro nang biglang dumaan si Benedict sa likuran ko, "Best of Five ha..."

Halos mabutas ang mata niya dahil sa aking sama ng tingin. Nakakairita sa totoo lang. Hindi ko alam kung kay Benedict o dito sa dalawang naglalampungang ibon. Ayaw seryosohin ang pag-rerehearse.

"Anong best of five?" saad ko nang mahina. Huminto si Benedict dito sa may likod ko at nakangisi.

"Ang slow mo talaga, Federacion..." biro niya.

"Talaga."

Rumaragasa na ang dugo sa ulo ko dahil medyo naiinis at nagagalit na 'ko sa paligid.

Ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat. Ako na nga ang tumatanggi sa lintek na documentation na 'to tapos ito pa yung maaabutan ko.

"Chill lang naman Ash," mala-sinto-sinto niyang sinabi, "Init ng ulo... Sige ka, magiging baga ang abo..." dagdag na biro niya. Akala naman niya hindi ko makukuha yung corny niyang joke.

Hinihingal na nakarating si Kyle dito at si Andrew. May hawak silang papel at nakita kong isang memo 'to na may pirma ng ibang tao.

Lumapit sa amin ang may hawak ng papel na si Kyle at ipinakita sa amin ang naging resulta ng paghahati hati ng i-dodocument namin.

"Ash, sa Charity Concert ka naka-assign,"  saad niya't napalingon naman ako kaagad.

Mapapunta na sa ibang itinerary, huwag lang sa concert. Umiiwas na nga ako kay Art tapos ganito pa?

"Sinong nag-assign? Bakit nasa Charity Con ako?" pagaalala ko.

"Ayaw mo no'n, sa huling araw ka pa mag-dodocument..." singit ni Benedict habang inaassemble ang ilang gamit.

"Wala kaming idea Ash eh, ibinigay lang sa amin 'to ni Prof..." paliwanag ni Kyle.

Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa mga narinig ko. Bakit ba sa tuwing ako na yung gustong lumayo, talagang gumagawa ng daan ang kalawakan para magkasama kami sa iisang event? Nakakainis.

Dahil sa pagkadismaya ko sa mga nangyayari. Wala akong nagawa kun'di ipagpatuloy na lang itong pagcocover dito sa MCMXCI. Kahit labag sa kalooban ko, wala na akong magagawa.

Habang tumutugtog sila gamit ang instruments ay parang naglalaro lamang 'tong dalawang bokalistang nasa harap ko. Akala mo naman napakatino ng rehearsals.

Nang matapos sa pagtawa si Liberty ay napalingon siya sa direksyon kung nasaan ako at nakuha ko ang kaniyang atensyon. Pati si Art, napatingin na din.

"Ash, you're taking pictures?"

Naibaba ko nang bahagya ang camera nang makita ko siyang magsalita. Nakasilip kasi ako sa hawak ko habang nagvivideo.

"Ahhh," nauutal kong bigkas dahil sa mukha nilang parang nagtataka, "F-filming lang... for D-docu- documentation..."

"Really?" masigla niyang salubong, "P'wede mo ba kaming kuhanan ni Art ng picture?" hiling niya't napaisip naman ako kung gagawin ko ba o hindi.

"Sure."

I hate myself for saying that word! As In Ash, kukuhanan mo talaga ng litrato si Liberty at Art? Magagawa mo ba talaga, Ash? Ang tanga mo kapag ginawa mo 'yan.

Pinipigilan ko na lamang ang sarili kong hindi mawala sa mood dahil medyo nagiinit at kumukulo na ang dugo ko sa Liberty na 'yon. Masyadong demanding.

"Okay lang?" mahinahong saad ni Art habang kandong-kandong ang gitara.

"No Problem... Para sa inyong dalawa..." saad ko't ngumiti kahit hindi totoo.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya naman kahit anong ipagawa sa akin, sumasangayon ang dila ko kahit hindi naman kagustuhan ng isip at dibdib ko. Nakakainis, Ash!

Nang makabalik si Liberty sa upuan ay umayos sila ng upo at tumingin sa hawak kong camera. Inayos ko muna ang salamin ko dahil tumatama dito sa camera.

"1...2...3..."

Nakapaling nang bahagya ang ulo ni Liberty sa balikat ni Art nang una kong ma-capture ang photo. Todo ngiti naman si Liberty habang si Art naman ay simple lang, nakangiti at malumanay ang mata.

"Pwedeng isa pa?" utos ni Liberty at bakas sa mukha niya ang saya at excitement.

Wala naman akong nagawa kun'di ang sumunod at sumang-ayon. Hindi ko tuloy makuhanan yung mga nagaasikaso sa mga instruments.

Sa pagkakataon na 'to, si Liberty ay mas nakahilig sa balikat ni Art. Nakapatong na nga yata. Itinaas ni Liberty ang kamay niya't nagform ng finger heart. Nang magflash ang ilaw galing sa camera ay nakalas ang ngiti ni Art at naging seryoso. Si Liberty naman ay kulang na lamang ay magtatalon.

"Patingin!"

Lumapit siya sa akin at walang anu-ano'y hinablot sa akin ang camerang hawak ko kanina. Halos pumatak na sa sahig dahil sa pagiging marahas niya sa pagkuha.

"Anla, Ash... Malabo yung first picture..." parang bata niyang kilos, "Paulit na lang dito sa phone ko..." saad niya't basta na lang ipinatong sa lamesa ang camera.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ngayon ay ibinigay niya 'to sa akin.

Ilang segundo din ang nakalipas at nakuhanan ko muli gamit ang cellphone silang dalawa. Medyo hindi na ako okay sa mga nangyayari lalo na't hindi ako sumang-ayon na kuhanan sila sa pangatlong pagkakataon.

Kitang kita ko naman ang reaksyon ni Art at alam kong hindi din siya nagiging komportable sa nangyayari. Mukha napipilitan din siyang samahan si Liberty.

"Last one, please, Ash... Last na lang..."

Nang kuhanan ko sila sa cellphone ay ginawa ko muli ito ngayon. Kung puwede nga lang sanang ibato sa pader 'tong hawak ko, baka pira-piraso na 'to ngayon.

Agarang lumapit si Liberty sa akin at kaagaran niyang kinuha ang cellphone.

Hindi man lamang niyang makuhang magpasalamat sa ginawa ko. Siya na nga ang naka-abala, siya pa 'tong hindi gagawa ng way para mag-thank you.

Napatingin naman ako kay Art at napansin ko ang kaniyang pagsenyas. Bumuka din ang kaniyang bibig kahit walang boses.

"Ayos lang 'yan, Ash," pagbasa ko sa buka ng bibig niya at nagsign na 'hayaan na lang'.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Liberty nang makita ang litrato.

"Ang gwapo talaga ni Art!" maligayang sinabi niya't nagkatinginan naman kaming lahat dito sa loob ng room. Kahit yung mga nagaayos sa instruments ay napahinto din nang umalingawngaw ang hiyaw ni Liberty.

Wala na naman akong nagawa kun'di ang unawain ang babaeng 'to.

Sa totoo lang, sa sobrang liberated niya, medyo nakakainis at nakakaoffend na din at the same time. Alam kong more on extroversion siya kaya taliwas talaga kaming dalawa. Introvert ako tapos may makikilala pa akong ganitong kahangin na tao.

I know din naman na wala ako sa lugar para magselos or mang-judge pero talagang nakakapuno lang.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang biglang nagsalita si Benedict.

"Two points!" saad niya at ramdam kong hindi siya makatingin sa akin. Sina Andrew naman at Kyle ay napalingon din sa ginawa niya.

Iimik na sana ako ngunit biglang nagsalita si Art. Bumaba siya sa platform kung nasaan siya kanina't nakaupo tapos inilagay ang gitara sa isang gilid.

"Sa'n kayo mag-lu-lunch?"

Agad na napatunghay ang mga kamiyembro niya't iniwan ang mga gamit.

"Bahala na kung saan," saad ng isang lalaki.

"Ako! May alam akong kainan!" mungkahi ni Benedict. May pagka-epal din talaga 'to eh, "May sisig, inasal, lugaw," dagdag niya.

Sumang-ayon naman ang lahat ng nandito sa loob ngunit ako, hindi. Ayaw kong sumama. Kailangan ko pang ayusin ang lahat dito sa loob bago ako makapaglunch. At saka, ayaw kong makasama yung dalawa, paniguradong magiging utusan na naman ako kung saka-sakali ni Liberty.

"Sama ka?"

Naitigil ko ang pagaayos ko sa camera nang bigla akong lapitan ni Art. Silang Benedict naman, kausap sina Liberty pati na din ang ibang kasama namin.

Napabuntong hininga naman ako nang maramdaman ko ang presensya niya.

"Kayo na lang muna, Art. May aayusin pa 'ko," tugon ko at nakita ko kung paano mas lumapit si Art sa'kin.

"Naoffend ka ba sa ginawa ni Liberty?" mahina niyang tanong sa akin. Napalingon naman ako't napatingin sa mata niya. Seryoso ang itsura niya ngayon.

"Hindi naman... Sige na Art, sumabay ka na sa kanila..." paliwanag ko.

"Sure ka?
"Oo, baka magutom pa sina Benedict... Kilala mo naman 'yon..." panlalansi ko para umalis na talaga siya.

Ako na sana ang unang maglalakad papalayo ngunit narinig ko muli ang kaniyang tinig.

"S-sorry kung... nasabi ko 'yun sa'yo..." panimula niya, "Hindi ko dapat 'yon pinilit..."

Napatango na lamang ako dahil alam ko naman ang tinutukoy niya. Hindi ko alam pero kahit na pinipigilan kong makipagusap, hinahanap hanap pa din ng dila at tenga ko. Pero hindi pwede, nangako ka Ash, remember?

Naramdaman ko ang pagtapik ng kaniyang kamay sa balikat ko at saka siya naglakad papunta sa direksyon nina Liberty.

Sinabi ko din sa kanila na mauna na sila dahil may gagawin pa ako.

Bakit parang nakakapangsisi naman yung nasabi ko? May mali ba?

END OF CHAPTER TWENTY

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro