
/2/ Artemis
CHAPTER TWO:
Artemis
ASH
"Bie, pwede na ba akong umalis? May aasikasuhin pa kasi ako sa events schedule ng university," Nakahanap ako ng tamang tiyempo para magpaalam sa kaniya, malilintikan kasi ako kapag nagkataong hindi ko matapos iyon within this week.
"Aww, aalis ka na agad?" tanong niya at tumango ako. "Magpapasama sana kasi ako eh, bibili sana ng mga books," sinabi niya habang hinahalo ang kape sa tasa na nakapatong sa lamesa.
Napabuntong hininga na lamang ako nang marinig ko ang sinabi niya at nagdadalawang-isip naman ako kung sasama ba ako sa kaniya o hindi.
"Uhmmm, sige, pero hindi ako pwedeng tumagal hanggang mamayang hapon," tugon ko at nakita ko ang malawak niyang pagngiti.
"Sure ka? Hintayin mo lang akong matapos sa almusal, magaayos na ako," Natutuwa niyang sinabi at dalidaling ininom ang kape.
Habang nakaupo ako sa sofa ay napagmamasdan ko ang nakapaligid sa akin, may glass table sa gitna ng sala at kitang kita ang napakalaking TV malapit sa bintana. Panglabing-walo ko nang napasok ang bahay na ito pero paulit-ulit ko pa ding pinagmamasdan ang paligid.
Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng paglalakad galing sa hagdanan, napatigil siya sa pagkain at ako naman ay napaupo ng maayos.
"Oh, Ash, bakit ka napabisita? Si Claire ba ang hanap mo?" Bumungad sa akin si Tita na nakababa sa hagdan. Tumayo ako at nilapitan siya upang mag-mano.
"Opo tita, hinihintay ko lang po si Claire na makapag-prepare," saad ko at napatingin ako sa lamesa kung nasaan si Claire.
"Sandali lang, kumain ka na ba? Samahan mo na kaming mag-breakfast," anyaya niya ngunit tumanggi ako dahil nakapag-almusal na naman ako.
"Ay siya nga pala, Claire, nahanap na ba si Doris?" Tanong niya at naglakad papunta sa kusina.
Nakita ko ang malaking ngiti sa labi ni Claire at excited na sabihin ang totoo.
"Opo Mie, kaya po nandito si Ash kasi nagpatulong po ako sa paghahanap," sinabi niya at umupo muli ako sa sofa.
"Ikaw talagang bata ka, ang laki laki mo na, inabala mo pa si Ash," Angal ni Tita at napangisi ako sa sinabi niya. Tinitingnan ko ang natatawang reaksyon ni Claire habang sinasabi ni Tita iyon sa kaniya.
Ilang sandali pa ay nakailang minuto din akong nagcecellphone lamang dito sa aking kinauupuan at nagpapatugtog ng mga kanta. Hindi ko alam yung feeling ko ngayon pero nararamdaman kong parang may gusto akong mangyari pero hindi ko magawa.
"Ash, diyan ka muna ha, maglilinis na ako," sinabi niya at nagtungo siya sa banyo at natira lamang ako dito sa sala.
Kinuha ko ang aking sling-bag at kinuha ang isang maliit na notebook upang ilista yung mga naalala ko ngayong araw. Sabi kasi ng mga doctor na kumausap sa akin at yung mga speakers sa session, ilista daw kada araw yung mga bigla-bigla naming naalala. Sa katunayan nga, sariwa padin sa akin lahat ng nangyari samin ni Art pero natutunan ko na ding hindi masyadong paniwalaan ang lahat, na ang lahat ng iyon was part of my imagination when I was in coma.
Imagine, four years na ang nakalipas kaya napagdesisyunan ko na ring kalimutan yung tungkol sa relo, pati na din yung tungkol sa nangyari sa nakaraan ko.
'Memory #822'
Inilagay ko sa taas ng isang page ang number at sa baba naman ang naalala ko. Pang-pitong notebook ko na ito simula noong huli kaming nagsession.
'For this time, bigla kong naalala yung time na bigla kong nahanap yung mga tapes sa ilalim ng kama ni Art. I don't know pero napaka-clear padin sa akin nung memory.'
Matapos kong ilista iyon ay agad ko namang itinago ang notebook sa bag ko, I don't want na malaman ni Claire ang tungkol dito dahil for sure, mag-aalala siya nang todo.
Habang hinihintay ko si Claire na matapos sa kaniyang paglilinis at pagbibihis ay binaybay ko muna sandali ang sala nila, pumunta ako malapit sa TV at tiningnan ang lahat ng mga nakalagay sa isang maliit na shelf. May maliit na picture frame sa gilid at nakita ko ang litrato ng pamilya ni Claire. Napangiti ako dahil bigla sumagi sa aking isip ang family ko.
Hanggang ngayon, hindi padin nagpaparamdam yung Daddy ko since nung iniwan niya kami several years ago. Wala kaming balita kung nasaan siya pero I am hoping na makita ko siya lalo na't ilang buwan na lamang ay magiging malaya na ako sa studies.
May ilang libro ding nakalagay sa isang sulok kaya naman tiningnan ko muna upang malibang naman kahit sandali. Masasabi kong may kaya at mayaman ang pamilya niya by just staring sa paligid. Sino ba naman kasi ang hindi aangat ang buhay lalo't businessman ang tatay ni Claire, sadly wala siya dito ngayon dahil mas pinili niyang magtrabaho sa ibang bansa. Ayun yung kwento sa akin ni Claire.
Naikot ko na halos ang lahat dito sa sala at hindi padin tapos si Claire. Nakarinig naman ako ng isang batang bumababa sa hagdan at tila may dala-dalang teddy bear. Bagong gising yata.
Napatingin siya sa akin at ngumiti lang ako. Kapatid ni Claire ito, si Clan.
"Nasaan po si Ate?" Inosente niyang itinanong sa akin habang yakap-yakap ang teddybear niya.
"Si Ate Claire mo ba? Uhmmm, nandun siya sa banyo, naliligo," tugon ko at nakita kong humikab siya.
"Bakit po kayo nandito? Kuya Ash?" Tanong niya muli at tumabi sa akin sa sofa. Kung may pagkakataon lang sana, pipisilin ko yung pisngi nito at panggigigilan. Napakacute kasi!
"Sasamahan ko si Ate Claire mo," tugon ko at ibinaba muna sandali ang cellphone na hawak ko.
Humikab muli siya at pinunasan ang basa niyang mata. nakatingin siya sa malayo na para bang may iniisip. Pinagmamasdan ko lamang siya habang kinukuting-ting niya ang kaniyang teddybear.
"Anong pangalan nung teddy bear mo?" Mahinahon kong tanong at lumingon siya sa akin.
"Art po,"
Napalunok ako sa kaniyang sinabi, out of all names, ayun pa talaga yung pangalan? Napangiti na lamang ako at hinawakan ang ulo niya. Napakainosente talaga, grabe, sobrang cute.
"Bakit naman Art ang pangalan ng teddy bear mo?" Tanong ko at narinig ko ang pagkalam ng tiyan niya.
"Nickname lang po yung Art, Artemis po talaga yung name niya," paliwanag niya sabay himas sa hawak niya. Artemis naman pala, akala ko naman kasi kung ano na. Ilang sandali pa ay tumayo siya at ibinigay sa akin ang teddybear na hawak niya.
"Kuya Ash, sa inyo po muna si Art, magdidrink lang po ako ng milk," sinabi niya at tumakbo papunta sa kusina. Habang may pagkakataon, pinicturan ko muna ang teddybear gamit ang aking cellphone. Natuwa lang talaga ako sobra sa teddybear na ito.
Halos ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig ako ng isang nalaglag na gamit sa kusina. Inilagay ko muna sa aking tabi ang hawak ko pati na rin ang sling bag na nakapatong sa aking hita.
Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko ang isang maliit na latang may laman na powdered milk, nagkalat ito sa sahig at nakita ko ang damit ni Clan na natapunan.
"Clan, anong nagyari?" tanong ko at yumuko sandali upang pagpagan ang damit niya. Naluluha siya at nakikita kong namumula ang kaniyang ilong.
"Yung milk po, natapon..." Humihikbi siya ngayon at halos nanginginig sa kaba. Nang bahagya kong maalis ang mga natapon sa damit ay napalingon ako sa isang taong nasa likuran ko.
"Oh my god, Clan, anong ginawa mo?" tanong niya at nakita kong nakatshirt siya at may tuwalya sa kaniyang buhok. Si Claire.
"Sorry Ate, hindi ko po sinasadya Ate," naiyak niyang sinabi at nakatitig siya ngayon sa natapong gatas sa sahig. Kumuha ako ng isang basahan at inipon ang mga nagkalat. Si Claire na ang nagpapagpag ng damit ni Clan na ngayon ay humikhikbi padin.
"Sana hinintay mo muna akong makapaligo bago ka magtimpla ng milk mo," nagaalala at naiiritang sinabi ni Claire sa kapatid niya. Naawa naman ako kay Clan kasi alam ko namang hindi niya sinasadya yung nangyari. "Sana nagpatulong ka kay Kuya Ash mo," saad niya.
"Wala po kasing kasama si Art kaya po ibinigay ko muna kay kuya," nauutal niyang pinaliwanag.
"Ay siya, tahan na, dito ka lang, kukuha lang ako ng pamalit mo," tugon ni Claire at sabay takbo sa taas. Naiwan kami ni Clan dito sa kusina.
Halata pading kinakabahan si Clan kaya naman yumuko ako at hinawakan ang balikat niyang magkabila. Tumutulo padin ang luha niya at ako naman ay ngumingiti na lamang.
"Ganito Clan," panimula kong sinabi at nakatingin siya sa akin ngayon. "Pikit mo yung mga mata mo," pakiusap ko sa kaniya at ginawa naman niya.
Naalala ko yung ginawa ni Arthur sa akin noong kinakabahn din ako, I'll try din kay Clan and titingnan ko kung magwowork or hindi.
"Hinga ka nang malalim," sinabi ko at ginawa niya habang nakapikit. "Exhale mo na," saad ko at iminulat na niya ang kaniyang mata.
Tumahan na siya sa pag-iyak at napangiti siya. Hinawakan kong muki ang kaniyang buhok at ginalaw-galaw ito.
"Huwag ka nang iiyak ha, papangit daw kapag umiyak," biro ko at napatawa siya nang bahagya.
"Okay lang po ba si Art?" Napahinto ako sa sinabi niya. Pumasok sa isip ko yung nangyari noong huli ko siyang nakita.
"Hindi ko alam eh," saad ko at hinawakan ang kamay niya. "Tara, tignan natin sa sala," sinabi ko at sabay kaming pumunta sa sala. Nakita namin si Claire na may bitbit na damit at dalidaling nababa sa hagdanan.
Nilapitan niya si Clan na ngayon ay hawak-hawak si Artemis. Hinubad ni Claire ang damit niya at isinuot ang panibago. Pinunasan niya ang pawis na nasa likuran niya at tinutuyo ang buhok niyang pawisan.
"Pasensya na Bie ha, ang kulit kasi nitong si Clan," paumanhin ni Claire matapos niyang mabihisan si Clan.
"Okay lang 'yon, galing din naman tayo sa pagkabata," sinabi ko at ngumiti sa kaniya. Pinaakyat muna ni Claire si Clan sa taas at nakita kong dahan dahan siyang naglakad. Sumenyas siyang namamaalam at kumindat nalang ako. "Ingatan mo si Art ha!" sinabi ko at ngumiti siya sa akin.
Ilang sandali pa ay nakabihis na si Claire pang-alis, fit ang tshirt niya at nakatucked in ito sa isang high waist na pantalon. Hindi naman sa pag-aano pero hindi ako komportable sa suot niya, parang ako yung hindi makahinga.
"May problema ba sa suot ko?" tanong niya at nawala ako sa pagtingin sa damit niya.
"Ano, wala naman, para kasing ang higpit, ako yung hindi makahinga," paliwanag ko. "Okay ka pa ba sa suot mo?"
"Oo naman... Wait, how's my hairdo?" tanong niya at ngumiti sa akin. Ginalaw-galaw niya ang kaniyang bangs pati na rin ang buhok niya sa likuran.
"Ayos naman, bagay nga sayo eh," saad ko at kinuha ko na ang sling-bag ko aa sofa.
"Sure ka? Maganda na ba ako?" Napalunok ako sa itinanong niya. Hindi ko alam kung bakit.
"You're beautiful, and we know it," saad ko at napangiti kaming dalawa.
Hinawakan niya ang aking kamay at sumigaw. "...Ma! We are leaving na! Bye!" Sabay kaming lumabas at nakita ko ang masigla at excited niyang pagsalubong sa labas. Kinumusta din niya si Doris na ngayon ay natutulog na sa kulungan niya.
"Pagpasensyahan mo na kung magiging pasmado ang kamay ko mamaya," natatawang sinabi niya habang hawak ang kamay ko. Sabay na kaming naglakad at kitang kita ko sa mukha niyang excited na excited siya.
END OF CHAPTER TWO
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro