Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/19/ When The Past Meets The Present

CHAPTER NINETEEN:
When The Past Meets The Present

ASH

I was so busy fixing all the things I need to fix noong nakauwi ako dito sa bahay kahapon. Wala na nga akong sapat na kain at tulog kagabi dahil babad na naman ako sa harapan nitong screen ng laptop ko. Kapag hindi ko kasi 'to natapos, for sure, lagot ako.

Hindi din naman kasi ako tinigilan ni Benedict sa pagcha-chat niya tungkol kay Liberty. Sa totoo lang, ang dami kong nasagap na impormasyon tungkol kay Liberty dahil sa pagiging mala-hacker nitong si Ben. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang dati kong kaibigan, si Adrian. May similarities sila ni Ben pero mas baliw 'tong si Benedikto.

Laging binabanggit sa akin ni Benedict na hindi daw madaling pakisamahan si Liberty lalo na kapag hindi niya ito type or makasabay sa mga trip niya. Nalaman ko din galing kay Ben na si Liberty daw ang pinagpapares noon kay Art, hanggang ngayon. Kabahan na daw ako sabi niya.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga bagay na 'yon dahil alam ko na kung saan ako lulugar, kung saan ako dapat mananatili sa tuwing magkakasama kami ni Art. Dapat may agwat na, hindi katulad ng dati.

Ilang oras pa ang nakalipas at handa na muli akong pumasok. Ayos na lahat ng dadalhin ko at gagamitin at kahit papaano'y naimis konna ang naging kalat ko sa kuwarto.

Binabaybay ko ang hagdanan pababa nang bigla akong mapahinto. Nadali ko na naman kasi yung package na nakalagay lamang dito sa may paanan. Ayaw kong galawin ang bagay na 'yon dahil alam ko kung kanino nanggaling ang lahat. May laptop na kasi ako kaya naman wala nang pakinabang 'to sa akin.

Ilang sandali pa ay binuksan ko ang kahon upang tingnan kung anong laman nito sa loob. Bumungad sa akin ang isa pang malaking kahon sa loob at ang ilang mga gamit tulad ng mouse, mousepad, flashdrives, at iba pa.

Masasayang lang kasi 'to dahil lahat ng nakalagay ditong gamit ay mayroon na ako. Not unless kung ibibigay ko na lang 'to sa ibang nangangailangan.

Napagdesisyunan ko namang alisin ang kahon na nandito at kunin ang laman sa loob. Ibibigay ko na lang siguro kay Claire 'to dahil alam kong kakailanganin niya din ang laptop. Sayang naman kung hindi magagamit.

Nang nilisan ko ang bahay ay nagmadali akong maglakad papunta sa kanto at sa paradahan. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng masasakyan kaya naman mabilis akong nakarating dito sa tapat ng university.

Nang iabot ko ang pamasahe ay kaagaran akong bumaba. Sumalubong sa mukha ko ang hangin at bumungad sa akin ang entrance nitong papasukan ko.

"Ashawa ko!"

Nagulat na lamang ako sa narinig ko kaya naman inilibot ko ang aking paningin. Tumama naman kaagad ang aking atensyon sa isang babaeng papalapit na tumatakbo sa akin ngayon. Si Claire.

Mabilisan siyang nakarating at agad naman akong niyakap sa may tiyan. Mas matangkad kasi ako kaya ayun, tiyan lang ang abot.

"Sabay lang pala tayong nakarating," bigkas niya at kumawala sa pagkakayakap. Naaninag ko ang kaniyang mukha at siya ngayo'y pinagpapawisan at nakangiti, "Goodmorning nga pala..."

"Okay ka na?" tanong ko, "Wala ng masakit sa'yo?"

Tumango na lamang siya habang sabay na kaming naglalakad papasok.

"Nabigyan na naman ako ng pang-medication kaya okay na okay na 'ko nito," masiglang paliwanag niya.

"Medication? A-anong nangyari sa check-up mo?"

Bakas sa mukha niya ngayon ang pagaalala sa sinabi ko.

"Ano daw... S-sabi, migraines lang..." tugon niya kahit nauutal siya nang bahagya.

"Makukuha na daw 'yon through medication?"
"Ma-lelessen lang siguro yung palaging pag-atake, pero okay na..." saad niya't ngumisi.
"Sure 'yon Bie?"
"Oo, sure na sure na mawawala..."

"Siya nga pala," dagdag niya, "Ano nga palang nangyari kahapon? Wala tuloy akong update."

Namuo ang likido sa bibig ko't kaagaran ko namang nalunok. Nagbalik tuloy lahat ng mga nangyari sa isip ko't medyo nawindang.

Kahit na nakasama ko si Art kahapon, hinding hindi ko babanggitin kay Claire 'yon ngayon.

"Gano'n pa din naman Bie..." alibi ko, "May nadagdag na naman sa schedule ko."

"Gano'n ba? Teka... Anong sched naman?" Inayos niya nang bahagya ang kaniyang buhok habang ako naman ay nagiisip na ng ipapaliwanag para hindi ko mabanggit ang tungkol kay Art.

"Ganito kasi yung nangyari kahapon..." panimula ko habang mabagal kaming naglalakad, "Kinuha ako para maging seventh member ng MCMXCI..."

"Talaga? 'Di ba sila yung nagchamp?"

Tumango na lamang ako't ipinagpatuloy ang pagkukuwento.

"Kaso, tinanggihan ko..."

Nakita ko ang panghihinayang sa reaksyon niya at kitang kita ko kung paano mawala ang excitement sa mukha niya.

"Bakit naman?" Panghihinayang niya, "Masamang tumanggi sa opportunity, Ash. Bakit ayaw mo?"

Napakamot na lamang ako sa ulo dahil pare-parehas sila ng sinasabi tungkol sa naging desisyon ko sa banda. Hindi ko din naman sila masisi na magreact dahil may mali din naman ako.

"Full na yung sched ko," panlalansi ko at ngumiti nang bahagya.

"Ano nang nangyari pagkatapos?" unti unting namumuo muli ang excitement sa mukha niya habang hinihintay niya ang aking ikukuwento.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko ang mga mata niya, "Promise me, hindi ka malulungkot sa sasabihin ko..."

Tinanggap naman niya ang sinabi ko kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Mawawala ako ng three days dito dahil kailangan naming sumama sa mga events na sasalihan ng university sa Pampanga," paliwanag ko at walang kahit anong reaksyon ang nakita ko galing sa kausap ko, "Malapit na din 'yon, Claire," dagdag ko.

"Awww," panghihinayang niya habang inaayos niya ang kaniyang bangs, "Hindi ka pala masasamahan ni Mommy this week para makabili ng pang-birthday ni Clan," dagdag niya at tumingin sa akin.

Nagisip naman ako nang sasabihin para kahit papaano, mapangakuan ko siyang sa paguwi ko, sasama ako sa Mommy niya sa pagbili. Ayaw ko din namang umasa si Claire.

"Kapag nakabalik ako, I promised, makakasama na ulit kita pati si Clan," saad ko at ngumiti.

Lumiwanag naman ang aliwalas ng kaniyang mukha dahil sa ipinangako ko. Sana naman kahit papaano, kahit wala ako ng ilang araw, maranasan niya na I'm still here for her. Baka kasi mag-isip siya na nawawalan na ako ng time sa kaniya. Ayaw ko naman ng gano'n.

Binabaybay namin ang kahabaan ng pathway nitong main building at ngayon ay nakarating na kami sa center. Magpapaalam na sana siya para pumunta sa faculty department niya kaso pinigilan ko siyang makaalis.

"Punta muna tayo sa Library," anyaya ko.

"Bakit? Vacant ka ba ngayon?" Hindi siya makawala sa pagkahawak ko sa kaniyang kamay. Nagpapadala lang siya sa kung saan ko siya dalhin.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa library at sumenyas akong magdahan dahan kami. Pinakawalan ko na din siya dahil alam kong hiningal siya sa ginawa ko.

"Ba't ba tayo nandito?" mahina niyang sinabi na may kasamang pagtawa ng bahagya.

"Shhh," mustra ko, "Hanap tayo ng table... May ipapakita ako sa'yo."

Nang makaupo na kaming dalawa ay hindi maipinta ang mukha niya. Alam kong kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip niya kaya pinakalma ko siya kahit papaano.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya.

"Close your eyes," saad ko at nakita kong kumurba ang dalawa niyang kilay papunta sa gitna.

"Ano ngang gagawin natin dito? May ibang tao oh, baka maka-istorbo tayo..."

"Close your eyes..." panguulit ko.

Kahit medyo naiinip siya ay wala siyang nagawa kun'di ang pumikit.

Nang samantalahin ko ang pagkakataong naka-pikit siya ay agaran kong kinuha ang laptop sa loob ng bag ko. Dahan dahan kong inilapag 'to sa lamesa at ipinatong din ang charger pati na din ang manual.

"Surprise!"

Ang mukha niyang naiinip ay nawala dahil napalitan ito ng excitement. Napakangiti naman din ako dahil sa nakita kong reaksyon ni Claire.

"Seryoso ka!?" Pinipigilan niya na lamang na hindi makapagsalita ng malakas dahil nasa library kami, "Bie, ang mahal nito ah?"

"Don't worry Bie, regalo lang din sa akin 'yan..." Hinihimas himas niya ang laptop na nasa lamesa habang pinagmamasdan ito.

"O, sa'yo naman pala 'to... Ba't mo binibigay sa'kin?" pabulong niyang sinabi at nakangiti.

Naahingang malalim na lang ako at nagsimulang magpaliwanag sa kanya.

"May laptop pa naman akong nagagamit. Kaya naisipan kong iregalo na lang sa'yo dahil alam kong kakailanganin mo," habang nagsasalita ako ay binuksan niya ito at kinapa-kapa ang keyboard.

"Maraming thankies talaga!" pabulong niyang sinabi habang nakatingin sa 'kin, "Magagamit ko 'to nang sobra sobra. Thank you!"

Napagdesisyunan na naming dalawa na lumabas sa library at pumunta na sa aming mga faculty department. Kahit na  medyo late na kami, pipilitin pa din namin.

Habang binabaybay namin ang hagdan pababa ay pinapaalalahanan ko si Claire na ingatang mabuti ang laptop para matagal niya 'tong magamit.

Kitang kita ko naman kung paano kami pagtinginan ng tao nang makababa kami. Pilit ko mang iwasan ang pagtingin sa kanila, naiintimidate pa din ako lalo na't mas tinitignan nila si Claire ng masama.

Sa hindi kalayuan, unti unti kong narinig ang tinig ng dalawang naguusap at nagtatawanan dito sa hallway. Habang papalapit kami ay lumalakas ang tunog at mas nakikilala ko ang mga boses nila. Sina Art at Liberty.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung dadaan kaming dalawa dito ngunit huli na. Nakaliko na kami at naaninag na namin ni Claire ang dalawa.

"I'm sure, everybody knows that song..." saad ni Liberty habang nakikita ko silang tumatawa.

Napalingon sa akin si Claire habang bitbit niya ang laptop. Napahinto kaming dalawa at naaninag ko ang paglingon nilang dalawa.

"Hi Ash!" maligayang bati ni Liberty dahilan para mawala ang pagkatitig ko kay Art.

Mabilisang lumapit si Liberty at sumunod din naman si Art. Magpapaalam na sana si Claire na umalis at dumiretso na sa room nila ngunit pinigilan ko.

"Hi..." dagdag ni Liberty at tumingin kay Claire. Naglahad siya ng kamay dahilan para gawin din ng kasama ko, "Anong name mo?"

"Claire..."

"Sorry kung feeling close ako sa inyong dalawa... By the way, Claire, si Art nga pala... Arthur Dimasalanta," dagdag ni Liberty at napangiti naman si Art.

"Art?" Napatingin si Claire sa mga mata ko't napalingon naman ako nang mabilisan kay Art, "Siya ba yung kinukwento mo sa'kin Ash?"

Hindi na lamang ako nakasagot.

"So both of you know each other?" paniningit ni Liberty sa amin at nakangiting ngiti matapos magsalita.

"Honestly, ngayon ko pa lang nakita si Art in person pero nakuwento na siya ni  Ash sa akin," tugon ni Claire dahilan para maiiwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon pero I know this is not right.

Natahimik ang paligid kaya naman gumawa ng way si Liberty para mabuhay muli ang usapan.

"Sorry nga pala kung naabutan niyo akong nagiingay dito sa hallway. Pinaguusapan kasi namin yung magiging line up namin for the Charity Con, about sa mga songs na isasalang namin sa performance..." mahabang paliwanag niya, "Pinagpipilitan kasi ni Art na isama sa line up namin yung mga favorite songs niya kaso 'di ko type, magkaibang genre kasi yung mga bet namin."

Nakikinig lamang si Claire habang ako naman ay napapatitig sa kamay ni Art. Suot niya ngayon ang relo ngunit nakikita ko itong umiilaw gaya noong nakikita ko dati. Sumagi tuloy sa akin isip ang posibleng dahilan kung bakit ko nakikitang umiilaw 'yon.

"Hindi ba Ash?" tawag sa akin ni Liberty kaya nabigla ako. Nagtaka naman ako kung bakit niya ako tinawag.

"S-sorry, 'di ko narinig... Ano 'yon?" tanong ko.

"Yung about sa songs, it's better na ako yung maging main vocalist kaysa kay Art 'di ba?"

Dahil sa hindi ko alam ang aking isasagot ay nakita ko si Claire na biglang napatingin sa kamay din ni Art. Napaatras siya nang bahagya dahil dito. Nasulyapan ko din ang pagaalala at kaba sa kaniyang mukha.

"Ash?"

Nabasag ang concentration ko dahil sa pagiinterrupt ni Liberty.

"I think it's better kung sa inyo manggaling ang sagot..." nauutal ngunit matino ko namang nasabi.

Ilang sandali pa ay nakita kong napahawak sa batok si Claire at ako napatuon naman ang atensyon ko sa kaniya. Patuloy pa din si Liberty sa pakikipagusap kay Art ngunit hindi ko naman pinapansin.

"Liberty, Art, Ash... Una na muna ako, baka kasi mahuli ako sa next period ko..." nauutal niyang saad.

"Uhm, okay."

Bakas sa mukha ni Claire ang hindi mapakaling reaksyon. Sumang-ayon naman silang dalawa kaya naman naglakad na si Claire papalayo. Nagpaalam na din naman ulit siya bago siya makaalis.

END OF CHAPTER NINETEEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro