Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/18/ The Power Of Choice

CHAPTER EIGHTEEN:
The Power Of Choice

ASH

"Bakit tinanggihan mo yung offer?"

Nawala naman ang diwa ng pag-iisip ko nang marinig ko ang tinig ni Art sa tabi ko.

"We only need one more member," dagdag niya.

Nakagat ko na lamang ang ilalim ng dila ko nang wala akong masabi at masagot sa lahat ng kaniyang paliwanag at tanong. Hindi ko na kasi alam yung mga gagawin ko, sabay sabay na ang lahat.

"Ash..."

Tuluyang nawala ang wisyo ko sa pagiisip nang tawagin na niya nang mahinahon ang pangalan ko.

"A-ano kasi..." nauutal kong sinabi, "Hindi ko kaya, h-hindi ko magagawa... Sorry."

"Bakit naman Ash?" concern niya, "Kilala kita, hindi ka basta basta tumatanggi sa magagandang offer..."

Lalo naman akong nagalala sa sinabi niya. Para naman kasing biglaan yung lahat. Ang plano, ipapakilala lang, hindi yung ikokontrata na may gawin.

I'm into that offer pero I doubt and I am worrying about something. I don't know pero there's something na mangyayari kapag tinanggap ko 'yon.

"Dahil ba sa'kin?" seryoso at nagaalala niyang tanong.

Napatingala naman ako sa kaniya at kitang kita ko sa mata niya ng concern at pagkadismaya sa naging desisyon ko. Hindi ko tuloy maiwasan na kagalitan ang sarili ko, pero may iba talaga eh.

"No, Art..." mahina kong sinabi nang hindi tumitingin sa kaniya, "F-full na kasi yung schedule ko, natatakot lang ako na baka hindi ko mabigay yung dapat kapag nagpeperform na tayo."

"Pero we know that you can do this... alam naming kaya mo 'to Ash," aniya, "Let me see your schedule..."

Mas lalo lang akong naiipit sa sitwasyon sa tuwing tatanggi ako.

"Hindi na Art," usal ko.

Napapakapit na ako nang mahigpit sa bag ko at inaayos ko ang salamin ko dahil feeling ko, kasalanan ko kapag hindi ako pumayag sa gusto nila.

"Please Ash," pakiusap niya sa akin nang aalis na sana ako, "Kailangan ka ng MCMXCI. Kailangan ka namin. Kailangang kita."

"Iba nalang Art, I know I can, pero I know that someone is much better than me," paliwanag ko nang diretso at nakatingin sa kaniya. Sabay din naming binabaybay ang hagdanan ng building.

Nang ilang hakbang pa lamang ang nagagawa kong makalayo sa kaniya ay bigla siyang naglakad nang mabilis at naramdaman kong dumampi ang kaniyang kamay sa aking braso. Napahinto naman ako at napaharap sa kaniya.

"Umiiwas ka ba sa'kin?"

Parang may nalagot na litid sa dibdib ko nang marinig ko 'yon.

Nalintikan na. Hindi ko alam ang sasabihin ko tuloy. Kahit nga makatingin  ng matagal sa kaniya ay hindi ko magawa.

"Dahil ba sa nangyari kagabi?" habol niya, "Kung gano'n Ash, I'm sorry..."

Napuno ng hangin ang dibdib ko't agaran ko din namang inihinga palabas. Wala talagang lumalabas na salita sa bibig ko at tanging tingin at senyas lamang ang nagagawa ko.

Napailing na lamang ako pahiwatig na hindi tungkol sa kagabi ang dahilan kung bakit ako tumanggi sa offer.

"Saan?" tanong niya at napapikit na lamang ako.

"Sa'yo Art."

Naramdaman kong inalis na niya ang kaniyang kamay sa akin na para bang may nasabi ako dahilan para mahinto siya.

I hate myself for saying that!

"I mean," pambawi ko, "Ayaw ko lang makasira sa inyo ng banda niyo..." katuwiran ko kahit hindi naman talaga ito ang tunay na dahilan.

"No Ash... Actually, kinakailangan ka ng band-"

"Pagiisipan ko muna Art..." pamutol kong sinabi at agaran naman akong naglakad papalayo.

May kung ano ngayon sa dibdib ko dahilan para makaramdam ako ng guilt at awa sa ginawa ko sa kaniya kani-kanina lang. Hindi ko naman ginustong sabihin lahat ng 'to sa kaniya pero may pumipigil lang talaga sa'king gawin 'yon at tanggapin ang alok nila.

Hindi ko na alam kung gaano na ako kalayo sa pinanggalingan kong building. Unti unti ko namang narealized na sobrang napabilis ang paglalakad ko at medyo hinahapo na ako. Nablanko kasi ako dahil sa pagiisip nang mga nasabi at nagawa ko kanina.

Ang tanga tanga mo talaga Ash!

"Anong balita? Ikaw na daw?"

Biglang sumulpot sa tabi ko ang nangiwan sa amin ni Art kanina. Mamatay ka kakasalita d'yan, hindi kita papansinin.

"Huy, anong sabi?" dagdag niya.

Matapos mo akong buwisitin kanina at iwan, kakausapin mo ako na para bang walang nangyari? Manigas ka d'yan. Kapag ganitong ako'y wala na naman sa mood, h'wag mo akong paandaran.

"Aba naman Federacion," panimula niya, "Sorry na kung hinayaan kitang pumunta mag-isa..."

Napahinto na lang ako sa paglalakad nang hindi ko na makontrol ang inis at pagkawala ko sa mood. Nakakairita.

"Kung sumabay ka na siguro sa akin, e'di sana hindi na aabot sa ganito."

Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang masabi ko nang padabog 'yon. Parang may malakas na enerhiya din ang nawala sa akin at natauhan na kaagad ako sa ginawa ko.

"Huy, chill lang..." mahina at nag-aalangan niyang sinabi. Ramdam din niya kasi na isang maling sabi niya lang, malalagot din siya sa akin, "Ano ba kasing nangyari at ang init ng ulo mo?"

Bago pa ako makasagot ay nakarinig ako ng mga pagyapak ng mga taong paparating sa likuran ko. Hindi naman ako makalingon dahil nakatuon ang atensyon ko sa kaharap ko.

"Nandito ka lang naman pala, Ash," saad ng isang pamilyar na boses.

Nang igalaw ko ang aking ulo at ipihit 'to sa taong nagbanggit ng pangalan ko ay namukhaan ko kaagad siya. Si Andrew. May hawak siyang bagay ngayon at kitang kita kong isa 'tong clear folder.

"Si Prof kasi... Inutusan akong hanapin ka."

Hindi na lamang ako nakasagot dahil iniisip ko din kung bakit ako hinahanap.  Matapos niyang sabihin 'yon ay sumabay na ako pati si Benedict sa paglalakad. Medyo nagulo yung salamin ko sa mata kaya naman inayos ko habang nagmamadali kami sa pagpunta namin sa faculty department namin.

"Bakit daw hinahanap si Ash? Parang ang aga naman..." bigkas ni Benedict.

"Hindi ko nga din alam eh, bigla silang nataranta noong idistribute na sa kanila yung schedule..." sagot ni Andrew.

May pumasok naman kaagad sa isip ko pero hindi ko masyadong pinansin. Nagpapatong patong na kasi yung mga naiisip kong gawin kaya minsan, lumulutang nalang yung utak ko. Lagi nalang din akong tinatawag, hinahanap, hinahagilap ng kung sino sino kaya naman nakakapagod din.

"After class daw may meeting pero pinapahanap si Ash ngayon," dagdag niya.

Wala nalang talaga akong nagawa kun'di ang sumunod sa sinasabi niya. Wala naman akong choice.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay pinauna ko na sila dahil ako lang naman ang kailangan ng prof namin. Medyo kinakabahan ako kasi baka mamaya may bagsak akong unit tapos hindi pa ako makakagraduate. Huwag naman sana.

Sinalubong ko ang malalimg na hangin pamula sa pinasukan kong room at nakita ko na kaagad ang taong hinahanap ko na may inaayos sa harap ng isang whiteboard. Puro sulat na din ito at ang iba naman na nasa tapat ng tables nila ay busy sa mga papers.

Ilang oras din ang itinagal ko dito dahil sa sobrang dami naming pinagusapan. Isa na din dito amg tungkol sa magiging requirement namin para sa magiging output namin this finals. Isa na din doon ang nabanggit niyang documentation.

Hindi niya masyadong inelaborate ang lahat pero nagsisimula na akong mapaisip tungkol sa documentation na 'yon.

Nang makalabas na ako ay agaran na akong pumunta sa room ko para naman kahit papaano ay may maattendance ako sa iba kong klase. Nakakahiya din naman kung hindi ako sisipot sa periods ko.

Makalipas ang lahat ng klase ay naka receive ako ng isang text message galing kay Andrew na magsisimula na daw ang meeting. Nagsimula na din akong magayos nang kaunti sa katawan ko at inimis ko na din lahat ng nagamit kong gamit.

Habang binabaybay ko ang kahabaan ng pathway dito sa loob ay may kung anong bumabagabag na naman sa 'kin. Hindi ko alam kung tungkol ba sa ginawa ko kanina o sa mga mangyayari sa meeting. Wala akong ideya pero parang may kung ano sa dibdib ko dahilan para hindi ako mapakali.

"Anong nangyari sa'yo?"

Tanong sa akin ng katabi kong si Andrew nang makita niya akong nakatitig lang sa kawalan.

"Ba't namumutla ka?" Dagdag niya.

"A-ah, pasensya na... May iniisip lang ako," tugon ko at nakita kong umayos na siya nang upo nang dumating ang ilan ko pang mga kasama sa team. Sina Benedict at Kyle.

Abala lang ako sa pagiisip habang hinihintay pa namin ang nagpatawag nitong meeting. May nasesense akong mali at hindi maganda pero wala akong magawa kun'di ang hindi pansinin ang mga bagay na 'yon. Hindi ako mapakali at maging komportable.

Nang magsimulang magsipasok ang lahat ay nagsimula na din ang meeting. Nilalabanan ko na lamang ang isip kong huwag magpalutang-lutang kung saan dahil kung hahayaan kong maligaw ako sa iniisip ko, hindi ko maiintindihan yung sasabihin sa meeting. I need to be attentive and at the same time, aware sa paligid.

Nakuha naman ng atensyon ko ang clear folder na blue na nakita ko kay Andrew kanina. Binabasa na 'yon ng isa naming superior at hindi ko maiwasng macurious.

"Kayong apat diyan ang magiging assigned sa documentation..." ani ng prof namin.

"Para saan po sir?" matapang na tanong ni Benedict.

"Nakita niyo na ba yung schedule? Yung Charity Concert sa Pampanga?" mahinahong tanong niya.

Alam ko na kung saan pupunta 'to. Ipapadala kami sa Pampanga together with the MCMXCI Band. Pero tignan natin. Baka hindi sila ang makakasama namin.

"Kasama po kami do'n Sir?" saad ni Ben.

"Malamang..." sagot ni Sir at kinuha ang asul na clear folder, "May iba't ibang lugar kayong pupuntahan and nandito na ang lahat ng kailangan niyong i-document... Kayo na ang bahala sa pagaassign ng lugar na gusto niyong i-docu."

Walang habas na kinuha ni Benedict ang folder nang iabot sa amin 'to. Halos matanggal yung stick na pangipit sa gilid.

Nakita kong may tatlong places kaming kailangang macover. Meaning, nasa aming apat ang desisyon kung saan kami mapapapunta. Ang tanging nakitang itinerary ko lamang ay yung sa Charity Concert, the rest, hindi ko na alam kung saan pa sa Pampanga.

Bago pa sila makapagdesisyon ay ako na mismo ang nagsabi ng naging desisyon ko para dito.

"Sir..." sinabi ko't napalingon siya sa akin, "I'm sorry to tell po pero, hindi ko po magagawa yung documentation..."

Halos matunaw ako sa kinauupuan ko nang titigan ako ng tatlong ka-team ko. Lalo na si Benedict, parang nakakita ng kung ano kung makatitig.

"Uy Ash," bulong ni Benedict, "Requirement natin 'to... Ba't ka tatanggi?"

Ayaw ko talagang tumanggi pero, siksik na talaga yung schedule ko tapos sasama pa kami sa Pampanga. Hindi ko na kaya.

"Bakit naman Federacion?" ani ni Sir.
"I will accept another requirement po Sir... H'wag lang po sana sa Pampanga..."

"Ash, bakit ayaw mong sumama sa'min?" tanong ni Kyle ngunit hindi ako sumagot.

"I have no other requirement bukod dito..." paliwanag ni Sir, "Plus, ikaw ang maglelead sa kanila sa documentation... Please sumama ka na sa kanila..." pakiusap niya ngunit hindi ko talaga gustong sumama.

Umiiwas na nga ako kay Art pero ito naman sila, gumagawa ng paraan para magkrus ang landas namin. Please lang, huwag sa Pampanga. Ang dami kong hindi magandang alaala sa lugar na 'yon.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nakakadismaya lang talaga.

"Wala na po ba talagang ibang way para magawa ko po yung requirement?" umaasang tanong ko muli.

"I'm sorry Ash, pero kailangan ka talaga ng team mo..."

Ilang sandali pa nang sabihin 'yon ni Sir ay may pumasok sa room na isang medyo chubby na lalaki at matangkad. Si Sir Primo.

"Sila nga pala yung makakasama niyo sa Pampanga," paliwanag ng Prof namin. Hindi nagtagal ay naaninag na namin ang mga taong nagsipasok, "Alam kong kilala niyo na sila... MCMXCI."

Ito na nga ba ulit ang masamang kutob ko. Kahit anong gawin kong paglayo, lumalapit at lumalapit pa din.

Hindi ako makatingin nang ayos sa kanila lalo na kay Art na nakangiti ngayon. Wala akong masabi. Kakaiba talaga 'tong taong 'to.

"Ash?"

Banggit ni Sir Primo nang makita niya ako.

"Hindi mo sinabi sa amin na part ka ng team nila," mahinahong saad niya, "Kaya pala tinanggihan mo yung offer ko sa'yo to be in our team too..."

"Really? Sir Primo?" pagkamangha ng Prof namin.

Para tuloy nagulo at napaisip ang lahat dahil sa nangyari. Bakit naman kasi dito pa? Hindi ko nga pinapaalam na pinapasama nila ako sa team nila eh.

"Yes... I offer him to grab the opportunity na maging seventh member ng MCMXCI, but he refused," paliwanag ni Sir Primo, "By the way, nakakuha na naman kami ng substitute..." dagdag niya.

Nabungaran naman naming lahat ang pumasok dito sa room. Isang babae.

"Hi!" masiglang salubong ng babaeng pumasok.

Pamilyar sa akin ang mukha niya, siya yung leader ng Lirica at main vocal.

Nakaramdam naman ako ng isang matigas na tumama sa tagiliran ko. Siniko ako ni Benedict at talagang pinipigilan ko lang yung sakit.

"Si Liberty oh," bulong niya.

Kitang kita namin ngayon kung paano gumalaw ang mahaba niyang buhok na nakaponytail habang binabati niya ang ilan sa amin, kabilang na ako. Dinaig pa niya ang tangos ng ilong ng katabi ko at talagang napakaputi ng kulay niya.

"Anong mayroon kay Liberty?" saad ko nang mahina.

"She wants attention..." tugon niya, "From someone I know, for a long time..."

Gumulong ang mata ko para tignan si Benedict. Anong gusto mong ipahiwatig?

"Kanino? S-sino yung tinutukoy mo?"
"Malalaman na lang natin..."

Wala akong nabubuong ideya sa isip ko pero alam kong may gusto siyang iparating.

Anong mayroon kay Liberty? Bukod sa main vocalist?

May connection kaya sila ni Art?

END OF CHAPTER EIGHTEEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro