Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/17/ The Offer

CHAPTER SEVENTEEN:
The Offer

ASH

Itinapak ko ang aking mga paa sa kalsada nang makarating ako nang ligtas dito sa university. Sobrang bilis magpatakbo ng sinakyan ko kaya naman pati ako, naliyo sa biyahe.

Nang makapasok ako nang tuluyan dito sa loob ay minabuti kong baybayin ang kalakihan nitong daan. Kasabay ko ang ilang college students na pumapasok din, ang ilan ay nakakotse at ang ilan ay naglalakad lamang.

Nakakailang hakbang palang ako papunta sa building na papasukin ko ngunit pinagtitinginan ako ng mga tao. Hawak ang kanilang mga cellphones at para bang may minumukhaan. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil wala naman akong ideya sa ginagawa nila.

Napapabuntong hininga na lamang ako dahil feeling ko, simula noong nangyari yung kahapon, iba na ang takbo ng buhay ko ngayon.

Nagkalat din sa paligid ang mga posters ng mga banda at kapansin pansing karamihan dito ay ang banda ni Art. Napadaan naman ako sa isang malaking bulletin board kung saan nakalagay ang mga posters nila na may nakalagay na Congratulations.

"Ang aga mo naman yata ngayon?"

Halos mabali ang leeg ko nang biglaan kong nailingon ito sa sumulpot sa tabi ko. Si Benedict.

Hindi na lamang ako naka-imik dahil itinuon ko na muli ang pansin sa bulletin board na pinagmamasdan ko pa kanina.

"Grabe naman Ash, wala man lang pagbati?" panimula niya, "Hindi mo na nga ako nireplayan sa mga huli kong chat sa'yo tapos iiignore mo ako hanggang ngayon?" pacool na dismaya niya.

"Ano ba kasi kailangan mo?" biglaan kong sinabi. Hindi naman ako galit, medyo naiirita lang ako sa katabi ko ngayon.

Bago siya magsalita ay binuksan niya muna ang isang bote ng softdrinks at walang habas itong ininom.

"Your answer!"

Itinuro niya ang poster at itinapat ang daliri sa mismong mukha ni Art. Alam ko na kung anong pakay nito sa akin ngayon.

"Nakuha mo na nga 'di ba?" mahinahong buwelta ko, "Kapag sinabi kong hindi, hindi."

"Come on Ash!" tugon niya at nakita ko ang balikat niyang bumaba nang sabay, "Grab the opportunity na kasi... If I were you, baka umoo na ako."

"Tama na yung videoke video na halos makita na ng lahat, okay na 'yon," seryoso kong bigkas.

"Mas okay kung mag-vlog kayo ni Art," saad niya't biglang ngumiti nang pilit.

"Tapos ano? Kapag na-monetize na yung vlog channel kung sakali, may parte ka do'n?" mahina ngunit seryoso kong sinabi.

"Ikaw... Kayo bahala... Nagsuggest lang naman ako," mala batang nanghihingi ng barya niyang sinabi. Hindi nga siya makatingin ng diretso sa akin ngayon.

"See? Ayaw ko nang gano'n Benedict," paliwanag ko, "Magkakasama kami ni Art sa vlog na sinasabi mo then ganito yung mangyayari, baka hindi nalang talaga..." Nakita kong uminom siya muli at pinunasan ang labi, "Paano naman si Claire?"

Naging isang linya lamang ang kaniyang labi at tumingin sa akin na para bang hindi ko naiintindihan lahat.

"Nakukuha naman sa magandang usapan ang lahat, Ash," tugon niya, "Pwede namang sabihin mo kay Claire na for vlogs lang, walang malisya du'n."

"Hindi kasi magiging magandang ideya yo'n kung malalaman ng iba na nagv-vlog kami then nandito si Claire na girlfriend ko," paliwanag ko ngunit hindi pa din siya nadadala sa sinasabi ko. "Ang laking insulto no'n sa part ni Claire at sa part ko rin."

Bumebwelo siya upang makapagsalita at alam kong hahaba lang nang hahaba itong debate namin hangga't hindi niya ako napapasangayon sa ideya niya. Walang katapusan 'to, I swear.

"Kaya nga pwedeng mapagusapan 'to para malaman ni Claire na para sa vlog lang yung pagsasama niyo... Saglit lang naman."
"What if hindi pumayag si Claire? Titigilan mo na ako?"
"Namessage ko na si Claire, pumayag siya and sa tingin niya, okay lang naman daw yung gagawin niyo."

Nagdikit na naman ang dalawa kong kilay sa gitna at medyo napraning sa narinig ko. Napaisip tuloy ako kung tunay yung sinabi niya.

"Maniwala."

Walang anu-ano'y agaran niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang kaniyang cellphone at may hinanap. Nang makita kong pinindot niya ang message box nila ni Claire, iniharap niya ito sa akin at pinabasa.

Tama nga siya.

Nawalan ako nang sasabihin nang makita ko 'yon at para bang natanggalan ako ng bigat sa dibdib dahil sa nakita ko.

Kilala ko si Claire, hindi siya basta basta papayag nang ganito. Pero bakit?

Binawi niya ang cellphone at nabalot ng katahimikan ang pag-uusap naming dalawa. Sumipsip siya muli sa kaniyang bote at uminom.

"Teka lang," mahina kong saad nang may biglang pumasok sa isip ko, "Medyo nakakahalata na'ko sa'yo Benedict..."

"Bakit naman?" tanong niya.

"Sino ba talaga ang may gusto nitong vlogging na 'to?" panimula ko, "Ikaw o si Art?"

Natahimik siya at halos masamid. May nararamdaman talaga akong kakaiba kanina pa.

Bigla niyang inangat at kaniyang kamay at may tinignan sa kaniyang relo. "Baka mahuli ako sa first period namin... Una na 'ko," natataranta niyang paliwanag.

Bago pa siya makahakbang papalayo ay nasungkit ko na kaagad ang manggas ng kaniyang t-shirt. Napahinto siya sa paglalakad at hindi na nakaalis.

"Sagutin mo muna ako," kunwaring banta ko, "Ikaw ba talaga yung may gusto nitong vlog o siya?"

Humarap siya sa akin at umimik, "A-ako nga... I-ikaw lang naman ang ayaw..." panlalansi niya.

"Benedict?" aalis na sana siya muli ngunit nagkunwari akong tatapakan ko ang kaniyang sapatos.

"Oo na!"

Tama nga ako. Napagutusan lang 'tong lalaking 'to.

"Si Art ang may gustong mag-vlog kayong dalawa..." sincere at seryoso niyang sinabi, "Napakiusapan lang ako."

Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Parang nanumbalik tuloy yung bigat na nawala kani-kanina lang.

"Bakit naman daw?" tanong ko, "Alam naman niyang may girlfriend na ako 'di ba?"

"Matagal na kaming magkakilala ni Art, kaso naging close lang ulit kami nitong nagbattle of the bands..." kuwento niya, "Kaya ayun, nung nagcelebrate tayo sa resto bar, pinavideo niya sa akin yung pag-vivideoke niyo..."

Nakikinig lamang ako sa kaniya habang pinagmamasdan kung paano siya magkuwento.

"Pinakiusapan din niya ako na hikayatin nga daw kita na mag-vlog kayo para kahit papaano, kahit sa videos lang, makita lang niyang magkasama kayong dalawa, magiging masaya na siya gaya ng dati..." mahabang salaysay ni Benedict, "Nalungkot nga din daw si Art no'ng nalaman niyang kayo na ni Claire."

Ito na naman tayo. Kapag talaga lungkot ang pinaguusapan, ang hina ko talaga.

Ang hirap kasi eh. Kapag kasama ko si Claire, sobrang napapanatag ako at nagiging masaya. Kapag naman nandito si Art, doble yung saya kaso may halong pagaalala at takot dahil alam kong hindi na puwedeng mangyari muli ang dati. Hindi ko na alam kung paano buhatin 'tong bigat na nararamdaman ko.

"Gusto lang niyang magpasaya ng ibang tao, at mapasaya ka din niya kahit papaano..." dagdag niya.

"Kaso nga Ben, bakit pursigido siyang magkasama ulit kami kung alam niyang may girlfriend na ako?" paliwanag ko, "I mean, I'm not homophobic or what pero ang hirap lang talaga kasi..."

"Si Art na siguro ang makakapagsabi sa'yo n'yan..." tugon niya, "Ang sure na alam ko lang... May gusto siya sa'yo and sabi niya, gustong gusto niyang maibalik yung dati..."

Hindi na lamang ako nakasagot dahil ang dami nang tumatakbo sa isip ko ngayon. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung anong gagawin at uunahin.

Nabalot muli ng katahimikan ang paligid at lumulutang na ng isip ko. Si Benedict naman ay hindi na natapos inumin ang softdrinks na nasa kaniyang bote.

"Sandali lang Ash," pambasag katahimikan niyang sinabi, "Papasok ba si Claire? 'Di ba lagi kayong sabay sa pagpasok?"

Napahingang malalim ako't tumingin s kaniya.

"Hindi ko na muna pinapasok, masama daw ang pakiramdam kahapon pa..." paliwanag ko, "Masakit daw yung ulo kaya pinagpahinga ko nalang muna..."

Agarang napalingon si Benedict at mukhang nagaalala.

"Anla ka Ash," nagaalalang sinabi niya't curious din, "Buntis?"

"Sira ka," pangontra ko, "Masakit lang ang ulo, buntis na kaagad?"

Kitang kita ko naman ang pagtawa niyang walang bukas.

Maryosep. Parehas sila ng sinabi ni Art. Kahit lagpas na yung edad naming dalawa ni Claire sa eighteen, hindi namin magagawa pa 'yon.

Napansin kong bigla ang kaniyang paghinto at tumingin sa likod ko at parang malayo. Halos maging giraffe na yung leeg niya sa paglingon.

"Si Composer of the year."

May kung anong kuryente ang dumaloy sa buong likod ko dahilan para hindi ako makagalaw at makalingon. Alam ko na kasi kung sino ang tinutukoy niya.

Nang makalapit siya sa amin ay napapangiti na lamang si Benedict sa aking tapat.

"Goodmorning!"

Nagulat na lamang ako nang biglang bumati ang dumating. Si Art.

"Uhmmm, k-kailangan ko nang pumunta sa building namin... iwan ko na muna kayo d'yan..." nauutal na binibigkas ni Ben.

Bago pa siya muli makalayo ay inapakan ko na ang sapatos niya dahilan para mawalan siya nang puwersang makagalaw. Nang magkatinginan kami ay sumenyas na lamang ako na huwag na huwag niyang susubukang umalis ngayon.

"May pupuntahan ba kayo?" mahinahon at masiglang tanong ni Art sa amin.

"Oo sana, pupunta na kami sa buildin-"

"Wala na pala, walang wala kaming pupuntahan..." nagmamadaling singit ni Benedict at naputol ang aking sasabihin.

Napaismid na lamang ako dahil sa ginagawa nitong lalaking 'to. May nararamdaman na naman akong kakaiba dito sa lukong 'to.

"Bakit?" tanong ni Ben.

"Ipapakilala ko sana kayo sa club," saad ni Art, "I know, matutuwa sila kapag pinakilala ko kayo."

"Naku Art, h'wag nalang... baka kasi marami silang ginagaw-"

"Sige, okay lang sa amin," pamumutol ni Ben sa akin at siya'y ngumisi.

Santisima!

Kahit ba sabihin mong okay lang sa akin, hinding hindi ako sasama sa kung saan niyo gusto. Nakakahiya na nga Benedict tapos kakapalan mo pa mukha mo.

Kahit pala gusto kong tumanggi, wala na akong nagawa kun'di ang magpatianod sa paglalakad nilang dalawa.

"Huwag kayong mag-alala, welcome kayo do'n..." nakangiting sinabi ni Art.

Halos maglilimang minuto ang tinagal namin sa paglalakad at sa tuwing may makakasalubong kaming college students, pinagtitinginan kami.

Habang naglalakad kami ay wala nang ginawa si Benedict kun'di ang mag-ingay at magtanong nang sobrang dami sa amin. Medyo naiinis na nga ako sa kaniya pero hindi ko lang pinapahalata.

Dinala kami ni Art sa isang building kung saan nandito ang isa sa may pinakamalaking conference room dito sa loob ng university. Nandito din ang Music Club kung saan kami tutungo ngayon.

Ilang sandali pa nang bigla kaming huminto, hinahagilap ko si Benedict sa aking likuran ngunit hindi ko siya makita. Kainis! "Benedict?"

"Tinakbuhan ka na Ash," pabirong bigkas ni Art nang makatungtong kami sa hagdanan.

Hindi naman ako mapakali ngayon.

"Art, nakakahiya naman kung aalis ako kaagad pero..." paliwanag ko ngunit hindi naman siya nakikinig.

Nabaling ang atensyon ni Art sa biglang sumalubong sa amin. "Oh Art, ang aga mo yata ngayon? Wala ka nang hangover?"  pabirong saad ng lalaking nakasama at naging driver namin kahapon.

"Oo nga Ric, pero okay na 'ko. May kaunting lutang padin," patawang tugon ni Art sa kaniya.

"Pasok kayo," alok nung Ric at dinala nila ako kasabay nila sa loob.

Agad ko namang naramdaman ang napakalamig na hangin nang pumasok kami. Bumungad din sa amin ang ilang mga college students na may inaayos sa instruments at ang ilan naman ay tumutugtog. Sa bawat poste naman ay may nakalagay na posters at napuno naman ang main lobby ng mga gustong sumali sa club.

Iniwan kami ni Ric dito sa labas ng pinto nitong office nila kung saan may nakikita akong taong nagmemeeting sa loob. Sobrang nakakahiya naman yung kalagayan ko ngayon. Nasa Arts department ako tapos mapapadpad ako dito sa Music.

"Hindi sila nangangain, Ash," biro ni Art at agaran siyang ngumiti. Naramdaman ko naman kaagad ang kamay niya na dumikit sa palad ko nang kami'y papasok na.

Suot niya ang relo.

Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang mga nagmemeeting at nakaupo sa tapat ng long table. May hawak silang mga papel at nandito ang leaders ng Lirica, Screamnote, at Blr Rppl.

"Sir P!" salubong ni Art sa isang chubby na lalaki at matangkad. May hawal din siyang papel at pamilyar sa akin 'to. Yung schedule.

Habang nakatayo lamang ako dito malapit sa pinto ay pinagmamasdan ko ang paligid. May projector sa tabi ng whiteboard kung nasaan ako nakatalikod.

"Congrats nga pala Art!" bati ng ilang tao dito, "Composer of the year pa!" habol ng isa.

Pinapanood ko na lamang sila.

"Uhmmm, Guys, siya nga pala..." nakuha ni Art ang buong atensyon ng nasa loob at ngayon ay nakatingin si Art sa akin, "Si Ash po..."

Agad naman akong napangiti at binati isa-isa ang mga taong nandito pati na din ang nakausap ni Art na si Sir P.

"Goodmorning po," bati ko, "Ash Federacion po..."

"Ash," tawag ni Art sa'kin, "Si Sir Primo nga pala, president ng club...at sila naman yung leader ng mga banda

Ilang sandali pa ay nakita kong papalapit si Art at yung Sir na kausap niya sa akin. Nagprepare ako kaagad upang makipagusap.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking palad nang ilahad niya ang sa kaniya. Nakipagkamay siya sa akin at dahil dito, namukhaan ko na kaagad siya. Hindi ko matandaan ngunit nakikita ko na siya dito dati pa.

"Ash Federacion? Right?"
"Opo Sir, from Arts department faculty po..."

Napalingon naman siya kay Art at may sinabi, "Siya ba yung kasama mo sa nagviral na video? Yung sa videoke sa restobar?" masigla niyang bigkas.

Tumango na lamang si Art bilang pagtugon at ako naman ay kaniyang kinausap muli.

"So you're into music din pala..." assumption ni Sir Primo at napangiti na lamang ako.

"Kaunti lang po," matipid at nahihiya kong tugon.

"Maganda ang boses mo Ash, kaya mong makipagsabayan sa mga katulad ni Art," saad niya't napalingon ako.

"Thank you po..." tanging wika ko.

Ilang sandali pa ay may kinuha siyang papel at isang whiteboard marker.

"We are planning for our event sa Pampanga... And we need seven people para maipadala namin do'n. It was a charity concert and gusto namin na mabigyan ng recognition ang university para dito," paliwanag niya sa amin ni Art.

"We decided to send MCMXCI para magperform sa Charity Concert kaso aanim lamang sila..." mungkahi ng isa pang nandito sa loob.

"Art may naisip ka ba for this?" ani ni Sir Primo.

Ilang segundo din siyang nagisip kaya naman naghihintay ako kahit na labas naman ako dito sa usapan.

"Sir P, I think we found him..." nasa positibong tono niyang sinabi ngunit hindi ko na lamang sila pinakielaman sa paguusap nila.

Habang pinagmamasdan ko ang paligid at ang ayos ng mga decoartion ay agaran kong narinig ang pangalan ko.

"Ash? Do you want to take the offer?" tanong ni Sir sa akin.

END OF CHAPTER SEVENTEEN

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro