Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/13/ Like The First Time

CHAPTER THIRTEEN:
Like The First Time

ASH

Nang marinig ko si Claire sa kabilang linya ay agad akong tumayo at nagtungo sa isang deck kung saan may maliit at masisilungang bubong. Hindi ko kasi maiintindihan kung nandito ako kasama ng mga lalaking nagkakasiyahan.

"Bie? Naririnig mo ba ako?" Saad niya at kahit papaano ay naririnig ko na ang kaniyang sinasabi.

"Claire, nakauwi ka na ba?" tugon ko.

"Ahhh oo bie, kauuwi ko pa lang..." saad niya at medyo naririnig ko pa din ang lakas ng kanilang kinakanta at pinapatugtog, "Ikaw? Ayos lang ba kayo d'yan?" maamo niyang dagdag.

“Oo naman, maayos naman kami dito…” saad ko at narinig ko sa kabilang linya ang pagtahol ng isang aso. Si Doris yata ‘yon. “Nasusunod din naman po yung reminder niyo po sa akin,” pabiro at mahinahon kong habol.

“Good!”

Habang bumubuhos parin hanggang ngayon ang ulan ay mas lalong lumalamig ang kapaligiran. Wala akong nakikitang mga stars sa kalangitan at tanging pagpatak lamang ng ulan ang naririnig. Bigla naman akong napalingon sa tabi ko nang makita kong may biglang lumapit at tumabi sa kinaroroonan ko. Kahit na ako’y may hawak na telepono at kausap pa si Claire, hindi ko maiwasang mapatingin at mapahinto sa pagsasalita.

Nakita ko si Art. May hawak na gitara at umupo din sa upuan katabi ko.

Napatulala naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Tahimik lamang siyang umupo habang inaalis sa pinaglalagyang bag ang kaniyang gitara. Hindi man lamang siya lumilingon o tumitingin sa akin.

“Bie?” saad ni Claire, “Hello? Ash?”

“Yes, nandito pa ‘ko,” tugon ko at bumalik muli sa aking ginagawa kanina.

Bigla kong naramdamang humigpit ang hawak ko sa aking cellphone at nararamdaman ko ding namumuo ang aking pawis sa may tainga at sa noo. Kahit malamig, pinagpapawisan ako.

“Bie, kung magiging available ka this week, balitaan mo ako ha,” bigkas niya sa kabilang linya, “Si Mama kasi, gusto na niyang malaman yung mapapagplanuhan para sa birthday ni Clan.”

Sinangayunan ko na lamang ang kaniyang sinabi kahit na feeling ko ay hindi ako magiging libre nitong dadating na linggo. Namove na kasi yung charity concert, kailangan na naming event organizers ng club na mag-isip at matulungang makapag-prepare ang bandang ipapadala ng university.

“Sure Bie, kapag may time ako, I’ll meet you and your mother,” positibo kong sinabi, “Matulog ka nang maaga, maaga yung schedule mo for tom…”

Narinig ko namang ang mahinang tunog ng gitara sa tabi ko. Pinapatama ni Art ang kaniyang daliri sa mga strings habang nakapikit at pinapakiramdaman ang simoy ng hangin. Sakto lamang ang tunog sa ingay ng pumapatak na ulan sa paligid.

“Okay,” saad niya, “Pagkatapos niyo d’yan, uwi ka na din.”

“Bye.”

Nang matapos na ang tawag ay wala na akong magawa kung hindi ang umupo at manahimik. Nakakaramdam ako ng pagkailang at hiya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko gayong siya na mismo ang lumapit sa akin. Ang hirap tuloy.

Kapag umalis ako dito at nagpunta doon sa mga nagkakasiyahan, baka mainsulto siya at sabihing napaka-snobber ko na. Kapag naman nanatili ako, paniguradong may mauungkat at mababanggit niya ang lahat. Ayaw ko din naman na ipakita sa kaniya na naniwala akong hindi naging totoo lahat nang nangyari sa akin… sa amin.

“Si Claire?”

Narinig ko ang pag-imik niya habang ginagalaw niya ang kaniyang gitara, nakikita ko sa gilid ng mga mata kong nakatingin siya sa akin ngayon. Hindi ko alam ang ikikilos ko ngayon.

“Y-yung kausap ko? Kanina?” nauutal kong sinabi.

“Mayroon ka pa bang ibang kausap? Bukod sa akin at do’n sa kausap mo kanina?” napapangiti niyang saad. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi.

“Si Claire nga,” matipid kong sagot.
Nang mabalot nang katahimikan ang kapaligiran ay wala akong ibang magawa kung hindi ang tumingala at pagmasdan ang madilim na paligid at umuulan.

Nagsisimula na naman siyang magstrum ng gitara at unti-unti kong naririnig ang mahihinang tunog nito. Lumalabas na din sa kaniyang mga labi ang kaniyang binubulong na kanta. Iimik na sana ako ngunit bigla siyang umayos nang upo at naglagay ng capo sa gitara. “Ash, please listen…”

Hindi ako nakasagot. Naiwan na lamang akong nakatitig sa kaniya na para bang hindi padin makapaniwala na totoo, buhay, at nandito siya’t kasama ko ngayon. Kung nananaginip na naman ako, pakiusap… pakigising nalang ako.

Mas lumalakas ang strum niya sa gitara matapos niyang maipatugtog nang maayos ang fingerstyle sa introduction ng kanta. Hindi ko maalala yung pinapatugtog niya pero alam ko yung tono at yung lyrics nito.

“It was a rainy day and I just got to thinking…”

Panimula niyang kinanta. Bigla akong nawala sa sarili at napatanghod na lamang ako sa kaniya habang maayos at mahusay niyang pinapatamaan ang mga string nitong gitara. Sumasabay ang kapayapaan ng paligid habang pinapakinggan ko siyang kumakanta.

“…Of how our lives had changed with all the years…”

Napakalayo nang tingin niya sa madilim na kaulapan at kitang kita ko nang malapitan ang mukha niya at kung paano gumagalaw ang labi niya. Nakakadala ngunit nakakabahala. Hindi ito tama. Pakiramdam ko ay may kasalanan akong nagagawa habang nakikinig ako sa kaniya ngunit wala na akong magawa.

Wala na ding ginagawang ingay ang mga nasa baba at parang naguusap usap at nagbabaraha na lamang sila doon.

“Now please don’t say a word, hear what I say…”

Huminga siya nang malalim at lumingon sa akin.

“Love me like the first time again… Let’s pretend that it’s never gonna end…”

Hindi ko na naiiwas ang aking pagtingin dahil nakakalunod at nakakadala ang kaniyang mga mata. Unti-unti namang bumabalik sa aking isip ang lahat lahat. Lahat lahat ng mga nangyari at ang mga pinagdaanan namin noong una pa lamang.

Kung paano niya ako kinausap noong nasa eskwelahan kami… Kung paano niya inilapit ang kaniyang labi upang halikan ako… Lahat.

Nagsisimula na namang mamuo ang pawis ko sa aking noo at sa may tainga ngunit hinahayaan ko na lamang.

“For one last night, just hold me in the way you used to do… You know, love me like the first time and go…”

Hindi pa din nawawala ang ganda ng kaniyang boses. Bigla namang sumagi sa aking isip yung panahong sinusubukan niya akong gawan ng sketch. Yung boses niya, kakaiba.

Ibinaba niya ang gitara at narinig kong may nagsigawan sa baba at naghalakhakan. Hindi na lamang namin sila pinapansin ni Art. Nakatitig siya ngayon sa malayo at nang makalipas ang ilang sandali ay lumingon siya sa akin. Kahit iwasan ko ang kaniyang tingin, hindi pa din ako makawala dito.

“Ash.”

Mahinang tawag niya sa akin at napatingin ako. Nakababa ang cellphone ko sa aking tabi at nakapatong ang kamay ko dito.

“It’s nice to see you… again,” saad niya at napalunok naman ako nang bahagya.

Hindi ako makapagsalita.

“Ang daming nangyari ‘no?” bigkas niya at napatango na lamang ako. Siya ngayon ay nakatitig sa malayo habang unti-unting nagbubukas ang ilaw sa mga gusali sa hindi kalayuan, “Ang dami ding nagbago…”

Habang binibigkas niya ang mga salitang iyon ay para akong mangiyak-ngiyak. Nararamdaman kong naiipon ang luha sa ilalim ng aking mata.

“Nagpapasalamat naman ako na ligtas ka…” saad niya at lumingon sa akin. Gumuhit ang kaniyang ngiti at tumakas naman ang luha nang sabay sa aking mga mata.

Wala akong masabi, parang natahi na yung mga labi ko.

Agad ko namang pinunasan ang aking mga luha at tumungo. Nakita kong bumalik ang tingin niya sa malayo.

Kinakagat ko na lamang ang aking labi upang hindi ako mapaluha. Baka kasi mabasa pa ‘tong salamin ko kaya naman pigil na muna.

“I’m happy for you Ash…” saad niya habang pinaglalaruan muli ang gitara. Bakas sa kaniyang mukha ang hindi ko maipaliwanag na reaksyon at emosyon. Hindi ko alam kung ano yung tinutukoy niya pero may nararamdaman akong hindi okay.

“Art,” naglakas loob na lamang akong magsalita, “Kailan ka pa nakapunta dito?”

Nangangatog ang mga daliri ko dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero may kakaiba na naman sa tiyan ko.

“Mahabang kuwento Ash eh…” tugon niya, “Pero sige, ikukuwento ko,” saad niya at siya’y ngumiti muli.

Nakapako na ang aking tingin sa kaniya at handang makinig at malaman lahat ng kaniyang sasabihin at ikukuwento. Kinakabahan ako pero at the same time, excited at nalulungkot. Hindi ko alam.

“Noong nakalayo na yung sinasakyan mo, hawak hawak ko yung relo tapos natatabunan na ng abo ang lahat…” panimula niya, “May biglang dumaan na isang rescue vehicle tapos nakita nila ako, kinuha ko lahat ng painting na kaya kong madala at isinakay ko doon kasama ako…”

Napaisip naman ako noong marinig ko ang kaniyang sinabi.

“Nakarating kami sa isang evacuation center, kasabay namin yung ilang lumilikas galing sa Clark tapos lahat ng tao, natatakot… Hinawakan ko nang mahigpit yung relo dahil ayun lamang ang mayroon ako…” huminga siya nang malalim at napatungo, “Kung wala ‘yon, baka hindi na muli kita makita…”

May kung ano sa dibdib ko at parang nasasariwa ko na naman lahat ng nangyari.

Nagpatuloy lamang siya sa pagkukuwento at unti-unti na ding dumidilim ang paligid at sa tingin ko’y gabi na talaga.
“Sinubukan kong ibenta yung ilang nasalba kong painting para magkaroon ako ng pera… Ilang linggo din ang nakalipas pero walang pumapansin sa mga ginawa ko. Iningatan ko din yung portrait mo…” saad niya at tumingin sa akin, “Yung perang naipon ko, ipinagpagawa ko nung relo.”

Bigla namang lumawak ang paningin ko nang marinig ko ‘yon. May kung anong liwanag akong nakita at biglang nagflash sa aking isip ang mukha ni Mang Ipe. Nakakasilaw. Napapikit na lamang ako dahil sa nangyari.

“Ayos ka lang?”

Napahawak naman ako sa kaliwang mata ko at napayuko. Bigla kong naalala yung unang araw na nakita ko si Mang Ipe at noong ginawa niya yung relong ipinaayos ko.

“Ayos lang ako,” tugon ko, “Kanino ka nagpagawa ng relo?” napatingin naman ako sa kaniya.

Kahit na medyo nasisilaw pa din ako ay hindi ko mapigilang magtanong sa kaniya.

“May pinuntahan akong isang building na may nakalagay na Sandoval antique shop pati na din wristwatch repair… Doon ko nakilala si Mang Felipe… Isa siyang horologist.”

Nagkahiwalay ang magkasalubong kong kilay nang sabihin niya iyon.

Tama nga ang hinala ko. Si Art nga ang tinutukoy ni Mang Ipe noong makita niyang muli ang relong ‘yon. Ramdam ko naman ang pagpatak ng luha ko ngayon. Hindi ko ‘to mapigilan kaya naman umiiwas ako nang tingin sa kaniya.

“Ash?” bigkas niya. Agaran naman akong nagpunas ng luha at humarap nang bahagya muli sa kaniya, “I know you’re not okay… Please tell me, I’m going to listen.”

Naglakas loob akong tumingin sa kaniyang mga mata habang nakikita ko ang mapupula niyang pisngi at tainga. Marahil ay dahil na din sa epekto ng nainom niya.
Huminga ako nang malalim at sinimulang ipaliwanag ang gusto kong sabihin.

“Si Mang Ipe… Kilala ko din siya Art,” mabagal at mahinang saad ko, “Siya din yung gumawa noong relong nakita ko… yung sa akin.”

“Talaga?” tugon niya, “Coincidence?” Kalmado niyang bigkas.

Hindi na lamang ako umimik. Nakita ko namang may kinuha siya sa kaniyang bulsa at naaninag ko ang isang panyo. Napatingin naman ako sa kaniyang mata nang akmang iaabot niya ito sa akin.
Umiling na lamang ako dahil mayroon naman akong panyo ngunit wala dito.

Biglaan at agaran kong naramdaman ang pagdampi niya nito sa aking pisngi at gilid ng mata. Wala akong magawa kun’di hayaan siya sa kaniyang ginagawa sa akin.

“Anong ginawa mo para makarating dito?” pambasag katahimikan kong tanong.
Natapos ang pagpunas niya sa mga basang parte ng mukha ko at mata.

“Pinag-aralan ko munang maigi ang lahat nung mayroon sa relo, kung paano gamitin at kung paano mapagana ‘yun. Pagkatapos noon, inalala ko yung tula na ginawa natin… Isinuot ko yung relo at hinawakan ko lahat ng mga painting na nadala ko,” mahabang paliwanag niya, “Habang nakapikit ako’t sinasabi ang tula, bigla kong naramdaman na may malakas na hanging humampas sa akin. Akala ko nung una, hindi gagana pero napapunta ako sa tapat ng isang malaking building na puno ng tao. Ospital yata ‘yon.”

Napansin ko ang pagtila ng ulan at ngayon ay nagsigawan naman ang tao sa baba’t nagsimulang magpatugtog muli.

“Para akong nawawalang bata dahil napakadumi ko at puro painting lang ang dala ko…” dagdag niya. “Napansin ako ng mga tao doon hanggang sa pinaalis nila ako, pagkaalis ko, bigla naman akong natumba sa tapat ng isang malaking bahay… Do’n nakatira yung ka-banda ko ngayon…”

Lumingon siya sa baba upang dumungaw at tumingin sa mga lakaki doon.

“Nagising nalang ako na pinapalibutan ng mga tao sa loob nung bahay. Pagkatapos no’n, tinulungan nila ako…”

Nabalot ng katahimikan ang usapan namin at kahit anong tunog o salita ay walang lumalabas sa bibig ko. Aaminin ko, parang nanumbalik yung mga nararamdaman ko para kay Art. Kaso, namomomroblema ako.

Bakit ba kasi sa ganitong panahon pa kung kailan naman maayos kaming dalawa ni Claire? Hindi naman sa sinisisi ko si Art at ang sarili ko dahil sa muli naming pagkikita pero bakit wrong timing? Hindi ko maintindihan.

“P-paano yung relo?” nauutal na kumawala sa bibig ko, “Magpapalit na ulit tayo?” nahihiya kong dagdag.

“Huwag na Ash, alam kong mas magagamit mo yung relong ibinigay ko sa'yo…”

“Pero sa’yo ‘yon di’ba?”
Tumingin siya sa akin at nakita kong tinapik niya ang balikat ko.

“Sa’yo na ‘yon Ash,” bigkas niya sabay ngiti, “Pwede mo pang magamit nang dalawang beses yung relong nasa’yo pero yung nasa akin, isang beses nalang…”

Kumunot ang noo ko’t napatitig sa kaniya na may kasamang pagdududa at pagtataka sa kaniyang sinabi. Hindi naging malinaw para sa akin yung sinabi niya.

“Bakit? A-anong ibig mong sabihin?”
Napabuntong hininga siya't tumingala.

“Yung relo nating dalawa, parang may limit...” saad niya, “Tatlong beses lang maaaring magamit ‘yon Ash. Kaya yung relong nasa akin ngayon, isang chance nalang ang natitira dahil nagamit mo na ‘yung una para makapunta sa akin at nagamit ko naman yung pangalawa para makarating dito…”

Napalayo naman ang tingin ko dahil sinusubukan kong i-analyze sa utak ko ang paliwanag niya. Medyo nauunawaan ko naman pero medyo magulo parin.

“So ibig sabihin, yung ibinigay mong relo sa akin ay may two chances pa? Since isang beses pa lang ‘yon nagamit?”

“Yes… So use it wisely…”
Napaawang nang bahagya ang bibig ko at napakagat-labi.

END OF CHAPTER THIRTEEN





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro