Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

/11/ He's Here

CHAPTER ELEVEN:
He's Here

ASH

Kumalas ako sa pagkakayakap sa akin ni Art nang makita ko si Claire na sumunod sa akin. Pinunasan ko muna ang luhang bumuhos sa mukha ko at saka humarap sa kaniya.

"I need to go," Saad ko at agad kong tinahak ang papalabas sa backstage. Hindi ako makatingin kay Claire nang diretso at nilagpasan ko lamang siya.

Nang lumingon ako ay nakita kong tila nalilito si Art sa ginawa ko. Nakatayo padin siya at parang nagtataka kung bakit ko ginawa iyon.

"Akala ko ba hindi tunay ang lahat? Akala ko wala na siya? Pero bakit siya nandito? Hindi ba't halos apat na taong nakalipas na? At saka paano siya nakapunta dito?" Saad ko sa aking sarili habang isinusuot ang salamin ko habang naglalakad.

Sinusundan ako ni Claire at nang malapit na kami sa labasan ay narinig ko ang isang tinig ng lalaking nasa mic na nagsasalita.

"Ash Federacion, our club secretary, will give the certificates and the Battle Of The Bands Awards," Napalingon ako kaagad at napahinto sandali dahil sa aking narinig. Hindi naman dapat ako ang nakaassign doon.

"Bie, what happened ba?" Tanong ni Claire.

"Mamaya na natin pag-usapan," Saad ko at nilagpasan siyang muli. Tinahak ko ulit ang backstage at inabot sa akin ni Andrew ang mga babasaging plaque at certificates.

"Please read the citations," Pakiusap ni Benedict sa stage at inabot niya sa akin ang mic upang bigkasin ko ang mga nakalagay dito sa certificates. Kahit nangangarag ang boses ko ay pinilit kong pigilan ito para mabasa ko ang lahat ng ito nang maayos.

Tumatakbo padin sa isip ko lahat ng nangyari kanina at hindi talaga ako makapaniwala. Para akong pinaglalaruan nang kung sino man.

Nang mabasa ko na ang citations ay ipinakita muli sa stage ang mga banda. Sunud-sunod silang lumabas at nakita kong nagpakita na din si Art. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay inalis ko agad ang aking pagkakatitig dahil alam ko kung saan pupunta lahat ng tingin at sulyap na iyon.

May kung ano sa aking tiyan at hindi ko ito mapigilan, parang may gumagalaw sa loob at naninikip ito pati na din ang aking dibdib. Nagkatotoo nga lahat ng kutob ko.

"Sino sa tingin niyo ang magiging Champion this year!?" Bulyaw ni Benedict sa mga tao at nagsimulang mabalot ng ingay ang kapaligiran ng boses nilang sumisigaw ng mga napupusuan nilang manalo.

"Lirica nga ba?" Sigaw niya muli at iilan lamang ang humihiyaw.

Sa pagkakataong ito, hindi pa namin alam kung sino talaga ang nanalo. Nasa transparency panel nakasalalay ang votes ng bawat isa at hindi muna ipapakita sa crowd ang huling pagboto nila nitong final battle.

"Mapapasakamay ba ng Blr Rppl ang champion?" Hiyaw muli niya at nang mga tao sa paligid.

Habang pinapakinggan ko ang sinasabi niya ay hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa direksyon at posisyon kung nasaan si Art. Tinitignan kong mabuti kung siya nga ba iyon dahil baka guni-guni ko lang lahat ng nangyayari.

Hindi ko alam pero hindi ko maipagkakailang siya nga iyon, mula palang sa matangos na ilong, magagandang mata at nakakaakit na itsura, siya nga talaga si Art. Pero bakit? So ibig sabihin tunay lahat ng nangyari?

"Magiging tatlo na nga ba ang mapapapunta sa Screamnote?" Nagsigawan muli ang lahat at nakita ko si Claire na nakatingin lamang sa direksyon kung nasaan ako.

Sa pagkakataong ito, kinakabahan ako. Wala akong ideya kung bakit pero parang may kakaiba sa loob ko na may halong hiya, pagka-guilty, at kaba.

"Humiyaw ang mga naniniwalang ang 1991 o ang MCMXCI ang magiging champion sa taong ito!" Halos masira ang arrangement ng upuan nang makita namin ang nagsisigawan at nagsisilakihang banner sa loob ng auditorium.

Ilang sandali pa ay iaannounce na ang  mga minor awards at nakita kong medyo natahimik ang lahat.

"Ang makakakuha ng award for the Best Song, ay ang..." sinabi ni Benedict habang hawak ang isang matigas na papel.

Nabalot ng katahimikan ang paligid at ang mga banda na nandito sa aking tabi ay nakayuko at nagdarasal. Nakita ko si Art na nakaakbay sa kaniyang kabanda at nakikita kong inuusal niya ang kaniyang panalangin.

"Congratulations, Sa Oras by MCMXCI!" Saad ni Benedict at nagsigawan ang lahat. Napatalon naman sa saya si Art at nakita kong nagcecelebrate na sila ngayon. "Maaari na pong kunin ng composer ang Plaque na ito," Sinabi niya at inabot niya sa akin ang para sa award.

"Ash, iabot mo nalang sa composer." Bulong niya sa akin at nagtungo ako sa gitna ng stage upang makita ng lahat ang award.

Ilang sandali pa ay lumapit si Art sa kimaroroonan ko at nilapitan ang hawak kong plaque. Medyo nanginginig ako ngayon dahil sa kaba pero hindi ko dapat ipahalata at ipakita sa kaniyang nanginginig ako.

"Salamat," Bigkas ni Art at ibinigay ko na ang plaque. Nang papaalis na sana ako upang ibigay ang pagkakataon nilang makapagpapicture sa stage ay sinunggaban ako ni Benedict at sumama siya sa picture. Nadala ako at ngayon ay naiipit na ako sa gitna niya at ni Art. Halos maitulak ko ang ilang kamiyembro nang tumama ako sa balikat ni Art.

Napatingin tuloy siya sa akin at para bang may kung ano sa loob ko na mas lalo akong kinabahan. Hindi ko maexplain!

"Ngiti naman diyan," Saad ni Art sa akin at kumurba ang aking labi upang ngumiti. Sa totoo lang, hindi tunay na ngiti iyon, napilitan lang ako. Ngayon ko lang din napansin na ang bango ng pabango niya at kumakapit ang amoy nito sa aking damit.

Nang makaalis kami ay binalikan ko na ang naiwan kong awards sa isang maliit na table at nagsalita na muli ni Benedict. Nang maglakad ako ay naamoy ko muli ang pabango at talagang paborito ko ang amoy na iyon. Hindi ko maipaliwanag pero ang bango lang talaga.

Ilang minuto ang nakalipas ay naannounced na ang lahat ng minor awards at ngayon naman ay para sa major awards. Dito na malalaman kung sino ang magiging champion.

"Handa na ba kayo para malaman kung sino ang Champion!?" Sigaw ni Benedict pati na din ng mga tao. Nakita kong tahimik lang na nasa sulok si Claire at nag-aabang ng mananalo.

"Ang Champion sa Battle Of The Bands  this year ay ang..." Tahimik ang lahat at nagdadasal muli ang mga banda. Ilan sa mga audience ay naeexcite at ang iba naman ay naka cross fingers. Habang ako naman ay nandito at nagaabang lang na iannounce ang winner.

"1991! MCMXCI!"

Halos mapaluhod ang isang bandmate ng MCMXCI dahil sa pagkakaannounced ni Benedict. Yung mga audience naman ay naghihiyawan at puro wagayway ng banner na ginawa nila. Habang bitbit ko ang kaisa-isang plaque na nasa table ay bumaba na ang natirang banda at naiwan ang nanalo.

Ilang sandali pa ay pinagkaguluhan si Art malapit sa hagdan at halos lahat ng mga sumusuporta sa banda nila ay napapunta na lang sa kanila. Ang lakas ha.

Nang makababa ako ng stage at ang ilang tao ay lumalabas na sa auditorium. Agad kong nilapitan si Claire.

"Claire, okay ka lang?" Tanong ko at kinuskos nang bahagya ang salamin ko.

"Oo naman, ano tara na? Sa mall na tayo dumiretso?" Saad niya at  sumangayon ako. Naglakad kaming sabay at iniiwasan namin ang mga taong nagliligpit ng mga kalat at marahan kaming nakaabang malapit sa exit dahil punong puno ang tao sa paglabas.

"Ash!"

Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Nakita ko si Kyle na tumatakbo papunta sa direksyon namin at sumusunod naman ang ilang bandmates ng MCMXCI. Nagtaka ako kung bakit nila ako tinawag.

"Pre ano? Sama ka samin? Victory Party lang?" Tanong ni Kyle at nakaabang sila sa isasagot ko. Napatingin ako kay Claire at para bang nagdadalawang isip siya. "Kasama namin si Benedict at Andrew, ano? Sama ka?"

Nakita kong nakasunod na din si Art sa likod ni Andrew at hinihintay nila ang sagot ko.

"Ano kasi, kailangan kong samahan si Cla-"

Naputol ang aking sasabihin nang pinisil ni Claire ang kamay ko at nagsalita.

"Hindi... Sige, I'll allow Ash to go," Saad niya at ngumiti. Kahit may gusto akong sabihin ay hindi ko na nasabi dahil nakapayag na siya.

"Ayon!" Maligayang sinabi ni Benedict at natuwa ang ilang nakapaligid sa amin. Nakita ko naman si Art na seryosong napatingin sa pagkakahawak sa akin ni Claire.

"Paano ka Claire? Wala kang kasama." Bulong ko sa kaniya.

"Hindi, Okay lang, I can manage myself... Hindi na muna ako pupunta sa Mall, maybe next time nalang if we have time," tugon niya.

Nabaling ang atensyon ka sa ginagawang paguusap ni Andrew at Art sa likod.

"Siya nga pala, gusto mong sumama, Claire?" Tanong ni Benedict ngunit umiling na lang siya.

"Si Ash nalang... Basta bawal uminom ha," Pabiro niyang sinabi at natawa naman si Benedict.

Hindi naman talaga ako nainom ng alak ever since, kaya I can handle myself naman. Plus, nandito naman si Andrew kaya may tiwala akong may karamay ako sa hindi paginom.

"Aalis na ako, message me if nakauwi kana Ash ha..." Saad niya at naglakad palabas. "Don't drink, yare ka sakin once na malaman ko." Saad niya at ngumiti.

Natira nalang ang volunteers at kami dito sa loob at nakita kong nagtungo muna sila sa backstage upang ayusin ang mga dapat ayusin. Nandito naman muna ako at nakaupo upang hintayin sila.

Nagmessage muna ako kay Claire na baka gabihin ako, I know kasi na may something kanina na off sa mood niya. Hindi kasi siya ganoon everytime na may kausap ako or what, basta nakakapanibago lang na pumayag siya kaagad na sumama ako sa kanila.

"Have fun!" Nakita ko ang message niya sa akin na may kasamang smiling face.

Ilang minuto pa ang itinagal ko dito at wala ng gasinong props na nakalagay sa stage pati wala na din ang tarpaulin na nakasabit. Inayos na din nila ang positions ng ilaw at ng mga speakers.

"Ash!" Umalingawngaw sa auditorium ang boses ni Benedict. Wala na bang ibang alam gawin ang mga tao dito kundi ang tawagin lagi ang pangalan ko? Lagi nalang Ash! Ash, tawag ka ni Ano! Nakakasawa na.

Tumayo nalang ako at nagtungo sa backstage at nakita ko dito sa bukana ang mga nagbibihis sa loob na banda.

"May pinalitan daw si admin sa schedule na ipinasa mo, may isang event na napaaga ang move," saad ni Kyle habang nakikinig ang dalawang asungot na si Ben at Andrew.

"Anong event iyon?" Tanong ko sa kaniya nang malingat ang mata ko sa lalaking nakahubad sa loob. Nakita ko si Art na nakahubad at nagpapalit, bumungad din sa akin ang marka ng sugat niya sa likod dahilan para makumpirma kong siya nga iyon.

"Yung charity contest event," Tugon niya at nagtaka ako kung bakit.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, basta may nabago sa sched... Yung three days charity concert natin malapit sa Pampanga," Hindi nalang ako umimik dahil naalala ko na. Nakakapagtaka naman, dati naman ay hindi minadali iyon.

Ilang sandali pa ay lumabasa na sila at nakabihis na. Daladala nila ang gitara at ipinaiwan muna ang drumset at sa isang araw nalang nila iuuwi.

"Saan tayo sasabak?" Tanong ni Benedict na excited na excited.

Nakita ko si Art na may nakalagay na panyo sa noo at nakaitim na tshirt. Bitbit din niya ang backpack niya at ang plaque.

END OF CHAPTER ELEVEN


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro