
/1/ Finding Doris
CHAPTER ONE:
Finding Doris
ASH
4 YEARS AFTER
Nagulantang ako sa tunog na ginawa ng aking cellphone sa tabi ng aking kama. Naririnig ko ang pag-ring nito na tila ba nararamdaman kong urgent na urgent ang tawag. Sandali kong ikinuskos ang mata ko at inabot ang cellphone. Pinindot ko muna ang berdeng bilog at hindi na tiningnan kung sino ang natawag.
"Bie, nawawala yung aso ko, si Doris," Narinig ko ang kabadong nasa kabilang linya. Si Claire ang tumawag.
Bumangon ako at hawak padin ang cellphone kahit nakapikit ako't nakakunot ang noo. Napaka-aga para dito.
Nilingon ko ang wallclock sa loob ng bahay at nakita kong six palang ng umaga. Nakakapanira ng tulog.
"Anong nangyari?" sinabi ko nang mahina, "Bakit naman nawala?"
"Hindi ko alam bie, sorry nagulo ko yung pagtulog mo, sorry talaga... sorry," sinabi niya at ako naman ay napabuntong-hininga na lamang.
Humiga muli ako saglit habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya. Hinawakan ko ang buo kong mukha gamit ang dalawa kong kamay upang maalis nang bahagya ang antok. Nilagay ko naman sa speaker ang tawag para marinig ko kahit wala sa tabi ng tenga ko ang cellphone.
"Alam na ba ni Tita Ma?" tanong ko. Tita Ma yung tawag ko sa Mommy niya dahil ayun yung gusto niyang itawag ko sa kaniya nung naging kami ni Claire.
"Oo, siya nga yung unang nakapansin, ginising lang niya ako," medyo naiiyak niyang ipinaliwanag. "Bie, pwedeng humingi ng favor?"
Napalingon ako sa cellphone at naimulat ko kaagad ang aking mata. For sure alam kong papapuntahin niya ako sa kanila to find Doris.
"Pwedeng samahan mo akong maghanap kay Doris? Please please pleaseeeeee...." pagmamakaawa niya.
"Bie, ang aga pa, try mo munang hanapin sa mga damuhan niyo sa labas, baka nandiyan lang siya sa loob ng subdivision niyo," paliwanag ko at ibinalot ang kumot sa aking katawan.
Hindi naman ganoong malaki yung subdivision nila kaya for sure hindi pa nakakalayo si Doris. Sa totoo lang, gusto ko pang iextend yung tulog ko dahil napuyat ako sa paggagawa ng event plan and organization para sa mga gaganaping events sa university. I need more rest and need more sleep.
"Bie, pleaseeeee... I am begging you... I know mahirap pang bumangon but pleaseeee, help me find Doris," hinihingal niyang sinabi sa telepono at naluluha.
Hindi padin siya tumitigil sa pagsasabi ng please kaya naman napagdesisyunan ko nang bumangon at sumang-ayon sa request niya.
"Sige na, sige na, pupunta na ako diyan," mahinahon kong sinabi kahit nanggigigil yung diwa kong matulog pa. "Magpeprepare lang ako dito."
"Oh my god, thank you... Bie, maraming salamat, you're the best talaga...," Narinig kong sinabi niya habang nakatitig ako sa salamin.
Ang laki nang pinagbago ko matapos ang apat na taong lumipas. I have eyeglasses dahil sa masyado kong napabayaan ang mata ko pagkatapos noong sessions at noong makatungtong ako nitong college. Payat pa din naman pero hindi na katulad ng dating halos wala akong kalaman-laman. Yung buhok ko medyo mahaba na rin, yung parang kay Cole Sprouse pero lamang lang siya ng ilang level.
Naka-move on na din ako sa mga nangyari noon, alam kong mahirap na kalimutan pero alam ko sa sarili ko na kailangan. Saka, natutunan ko din na naman sa sarili ko na kapag in the state of coma ang isang tao, may possibility na mangyari yung imaginations and vision habang unconcious ako. That is the work of brain at talagang bizarre 'yun kung tawagin.
"Ibababa ko na yung tawag Bie, sana makapunta ka nang maaga," Narinig ko sa cellphone at nawala na.
Kahit wala akong damit na suot bukod sa shorts ay binuksan ko ang pinto upang pumunta sa banyo. Pagkatapos kong maghilamos ay isinuot ko na kaagad ang salamin ko at muscle shirt.
*****
"Ma, pupunta ako kayna Claire," Sinabi ko sa kaniya habang natutulog sa sofa na nasa sala. Napapayag nalang siya dahil nakita niya akong nakabihis na pang-alis. Instant. Hindi ko rin nakalimutan na dalhin yung earphones ko just to listen to my current playlist.
Lumabas na kaagad ako at nakita kong halos hindi pa nagpapakita ang haring-araw. Napaka-aga naman kasi nang bungad ni Clareng eh.
Pumara ako ng isang tricycle dahil ilang subdivision lang ang pagitan bago ako makarating sa kanila. Ilang sandali pa ay nagbayad na ako at bumaba.
Nakita ko si Claire na nakaupo malapit sa pinto at humihikbi, agad naman akong naawa sa nakita ko at mas naramdaman kong mahal na mahal niya ang aso niya. Binuksan ko kaagad ang gate at tumayo siya. Pinunasan niya ang kaniyang mga mata at tiningnan ako.
"Nandito ka na pala Bie, uhhh, ilalagay ko muna yung bag mo sa loob, sandali lang," sinabi niya at kinuha ang sling-bag ko.
Ilang sandali pa ay lumabas siya bitbit ang isang panali sa aso at isang maliit na kulungan.
"Sa tingin mo, saan siya madalas pumunta?" tanong ko at nakita ko ang namamaga niyang mata.
"Try natin doon sa bakanteng lote katabi nung malaking bahay, baka na-poopoo lang siya or what," nangangarag niyang sinabi at halata ang pangamba at lungkot sa mukha niya.
"What if we seperate ways para mas madali nating mahanap si Doris," saad ko ngunit tumingin siya sa akin.
"No, huwag na, baka hindi ko lang mahanap nang maayos si Doris if we split up," tugon niya kaya naman sumang-ayon na lamang ako. Kinuha ko sa kamay niya ang kulungan ni Doris upang hindi siya mabigatan, inaayos ko din ang eyeglasses ko upang hindi mahulog.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay hi di namin nahanap sa bakanteng lote si Doris, sinubukan din naming maghanap sa mga eskinita at nagtanong tanong.
"Ate, uhmmm, may nakita po ba kayong aso na ganito po kataas," sinasabi niya at iminumustra ang taas ni Doris. "Kulay puti po siya and may may dark spots po sa may hita?" hinihingal niyang paliwanag. Ayan lagi ang sinasabi niya sa tuwing may makakasalubong kaming tao.
Umiiyak siya ngayon habang sabay kaming naglalakad at para siyang batang babae na naghahanap ng nawawalang laruan. Nararamdaman ko din siya dahil mahirap mawalan ng alam mong malapit sayo. Isa pa din ay napamahal na din talaga siya kay Doris simula noong sabay kaming pumili nung aso niya noong birthday niya.
"Claire," tawag ko ngunit hindi siya lumilingon. "Bie," saad ko at napatingin na siya sa akin.
I forgot, ayaw niya nga palang tinatawag na Claire directly, dapat kung anong tawag namin sa isa't isa, ayun yung gagamitin. My fault.
"What if you show Doris' picture? Surely makakatulong iyon sa paghahanap natin sa kaniya," paliwanag ko at napaisip siya sa king sinabi. "Dala mo ba yung phone mo?"
"Uhmmm, dala ko pero I'll try to find pictures ni Doris," tugon niya at napahinto kami saglit. Nakita kong binuksan niya ang kaniyang cellphone na may picture naming dalawa as wallpaper. Binuksan niya ang gallery at dali-daling naghanap ng photos. "Here!" Napatalon siya nang may mahanap siyang picture.
Naglakad muli kaming parehas at ngayon ay nakarating kami sa entrance ng subdivision, lumapit kami sa guard at ipinakita ang picture ni Doris.
"Manong, may tanong lang po ako, may nakita po ba kayong ganitong aso?" Tanong niya sabay singhot ng sipon.
"Sorry ineng, wala akong nakita," sagot ng guard.
Nang makapaglakad kaming muli ay nagsimula siyang humagulhol at talagang bumubuhos ang kaniyang luha.
"...Doris..."
Napapangisi ako habang pinapanood ko siya dahil ang cute niyang umiyak at the same time, pangit din. Hindi ko maexplain pero ang pangit niyang umiyak sa totoo lang.
"Bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba?" Naiiyak niyang sinabi at ako naman ay napatawa nang bahagya.
"Ang cute mo kasing umiyak," palusot ko at natatawa padin habang pinapanood siyang umiyak.
"Anong cute? Kilala kita Bie, huwag kang ano diyan," saad niya at umiyak muli.
Naalala ko yung panyo ko sa bulsa kaya naman inabot ko muna sa kaniya ito, pamunas manlang ng luha.
"Ito oh, nagtutubig na yung mukha mo," pangungutya ko at nakaramdam ako ng isang malakas na suntok sa braso. Kinuha niya ang panyo at agad na siningahan ito. Nagulat ako sa ginawa niya pero sige, hayaan.
"Sorry ha, siningahan ko na, hindi ko na kasi kayang ihandle yung sipon ko," Ngongo niyang sinabi at ngayon ay pinunasan niya ang kaniyang mata. Binulsa niya muna ang panyo at saka kami naglakad. In fairness, nakapanjama pa siya at nakapang-bahay.
Ilang sandali pa ay medyo matagal-tagal na din kaming naghahanap.
"Bie, paano kung hindi natin siya mahanap this day? Baka saktan lang siya ng ibang tao if ever na makita nila si Doris," pagaalala niya habang naglalakad kami.
"Mahahanap natin si Doris at sure ako doon, if ever man na hindi natin siya nahanap, I'll be the one to print flyers para mailagay natin sa paligid," positibo kong sinabi at ngumiti sa kaniya.
"Doris!" Tawag niya at sumisipol siya. Maybe that's the way para mas mapadali ang paghahanap namin sa kaniya. I'm hoping din na makita namin si Doris as soon as possible para naman makabalik na ako aa amin ang finish my event schedules.
"Bie, may palatandaan ba siya bukod sa dark spots sa hita niya?" Bigla kong naisip na itanong dahil pwede din namin magamit yung info to find her dog.
"Oo, may collar siya, color red and may letter 'D' na nakasabit doon," agad niyang sinabi at sumang-ayon ako.
Halos mag-iisang oras na kaming naghahanap at tanging mga gumagalang aso lamang ang nakikita namin. Pumunta kami sa padulo nang mga bahay at umaasang mahahanap na namin siya.
Ilang sandali pa ay may narinig kaming isang maliit na tunog na parang isang tahol ng aso kaya naman napalingon kami at napahinto sa aming kinaroroonan.
"Narinig mo iyon?" tanong ko at tumango siya. Agad kaming tumakbo papunta sa damuhan at pinakinggan ang sunud-sunod na tahol.
"Si Doris iyon!" Excited na sinabi ni Claire at narinig namin ang pagkalansing ng collar niya sa isang malaking tambak ng mga tuyong dahon.
Ilang segundo kaming naghintay sa susunod na mangyayari nang makita namin ang buntot ni Doris na lumitaw sa mga tuyong dahon.
Agad na sinunggaban ni Claire ang kaniyang aso at binuhat ito, niyakap niya ito nang sobrang higpit at napapaiyak. Dumikit sa kaniyang damit ang dumi at dinidilaan na ni Doris ang leeg ni Claire.
"Nandito ka lang pala naman," sinabi niya at kinuha sa akin ang kulungan. "Diyan ka muna, papaliguan na kita mamaya," maligayang saad ni Claire at bitbit namin parehas ang kulungan niya.
"Buti ka pa, nahanap mo yung nawawala sayo," mahina kong sinabi matapos niyang ipagpag ang damit niyang madumi. Nang marinig niya ang aking sinabi ay nakita kong napalunok siya.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Ahh, wala lang, may naalala lang ako," sinabi ko at inayos ang pagkakalagay ng tali ni Doris sa isang tabi.
Sabay kaming pumasok sa loob at iniwan si Doris sa bakuran upang i-enjoy ang tubig na ibinubuhos ng hose sa kaniya ngayon.
"Kailangan ko na din palang mag-linis," natatawang saad ni Claire at umupo muna ako saglit sa sofa na nasa sala nila.
END OF CHAPTER ONE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro