Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

CHAPTER 19 | NOT A ROYAL

Summer

STARTING up my own business is hard especially if it's not close to home. Event organizing isn't my father's niche nor my brother's. Hindi rin naman ito ang trabaho ni Mommy dahil may sarili siyang negosyo na may kinalaman sa mga pampaganda at pabango. Kanya-kanya kami ng mga negosyo at masasabi ko na iyong akin ang naiba talaga. But with Isaac around, indifferences is okay and I have to admit that it making me happy.

“You're ready?” tanong na pumukaw sa aking malalim na pag-iisip. Tumingin ako kay Isaac saka ngumiti.

“Yes, I am,” I said, making my smile even wider. Nauna bumaba ng sasakyan si Isaac at sumunod ako sa kanya. He guided me out but someone ask me to step aside. Napatingin ako ulit kay Isaac at nakita ko na nakasibangot siya.

“Only royal family members can walk with the ambassador on the red carpet.” A lady in a black suit said, guiding me no watch as I stepped inside the venue.

Bantay na bantay nila bawat kilos ko hanggang sa makapasok sa loob. Hindi pa kami nagkasama agad ni Isaac dahil maraming lumapit sa ambassador na kausap niya ngayon. Isaac is invited to a gallery launched of a famous painter who's a dear friend of the Cretian ambassador. Alam ko na hindi na working member ng royal family si Isaac pero may mga unfair na protocols pa rin. Or should I say, racist protocols.

Kaysa mainis, tinulungan at in-entertain ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtingin sa mga painting. Parang museum itong gallery na kinaroroonan ko. Napagtanto ko rin na hindi lang pala painting ang nasa loob dahil meron ding mga sculpture. Nang sabihin ni Isaac sa akin ang imbitasyon na ito, agad ko kinansela ang dapat na meeting ko sa production team ko dahil gusto ko siya suportahan. He supported me and it's time to give back what my boyfriend exerted.

“I saw that,” napatingin ako sa nagsalita bigla na pumukaw sa akin. “The racist thing you've experienced at the entrance a while ago.”

Naningit bigla ang mga mata ko. Hindi ko in-expect na may makakakita o makakarinig pero base hilatsa nitong babae sa harapan ko, alam ko na agad na reporter siya.

“I'm not making a statement about it if that's what you wanted from me. I'll act as if nothing happened a while ago,” sambit ko na dahilan ng pagtawa niya.

“Am I obvious? I mean, you're the first one who knew that I am a reporter. How did you do that?”

“From the way, you dressed and tied your hair. Always a smart casual attire, and hair is tied up as if you're ready to run. Next time if you want to be a successful UC, try letting your hair down and chest out.”

Bumakas sa mukha ng kausap ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Hindi niya siguro akalain na mahuhulaan ko. Lumaki ako sa Elixir at kilala ko na ang totoong guest sa hindi sa tulong ng mga angels ni Daddy.

“You amazed, and I'll take your advice.”

“Your welcome,” sabi ko saka kumuha ng champagne glass mula sa dumaan. “Do you to interview Isaac?” Tumango siya agad bilang tugon. “I'll try to convince him. Give me your number and you didn't hear from me, it means no.”

“Thank you, Ms. Summer.” Kinindatan ko lang siya saka kinuha na ang cell phone ko pabalik. “It sucks that they won't let you be on his side even on a private event like this.”

“I have no bad blood on that. What's your name?”

“Priscilla.”

“Priscilla, that's my life because I'm not a royal.” Makahulugan ko na sabi saka ngumiti.

Ewan ko ba bakit kinakausap ko itong si Priscilla. Magaan kasi siya kausap at parang hindi ko kailangan magpanggap sa harap niya. Sigurado ako na nasa headline itong sinabi ko ngayon at kailangan ko maghanda ng eksplanasyon sa mga magulang ko. Isaac and me lie low and went off grid for a long time  and this event is our comeback.

Iyon nga lang, nasa background lang ako at wala sa tabi ni Isaac. That's life, even if I hated it. The cruel story of my life as the ex-Prince's girlfriend.

***

“WHAT'S the life of Prince Isaac's not a royal girlfriend?”

Malakas na pagbasa ni Isaac sa headline ng dyaryo na hawak. Tumingin ako sa paligid at napansin ko na ang iba sa mga kasama namin ay nakatingin sa aming dalawa. Tama ako ng hula sa mangyayari. Nasa headline nga ang mukha pati na ang kuha kung paano ako kinausap ng isang organizer kagabi. May video iyon at sa ilalim noon ang mga comments na against sa royal family.

We're on our favorite restaurant, having our breakfast together before we face our jobs. Ito ang bonding namin kaso mukha hindi pa nga iyon ang mangyayari dahil sa headline na kalat na sa buong New York. Meron na rin online at kanina ko pa nararamdaman ang pagvibrate ng aking cellphone.

“I didn't ask the reporter to write or take the video. She accidentally saw because not everyone was discreet last night.” I suddenly explained, even if it was not asked. “I didn't stage it to shake your family, okay?”

“Why are you explaining, Summer?”

Hindi ako nakasagot agad. Patuloy ako sa paghiwa sa bacon na nasa plato ko kahit parang ayaw naman magpakain. “I'm not making that scene last night a big deal, Isaac. I know myself and I understand our situation.”

“I resigned already, Summer. I didn't know they had treated you like that last night.”

Umiling ako. Hindi nga big deal sa akin iyon pero sa headline ngayon, parang gano'n ang dating lalo na sa video na kumakalat online.

“Let's just forget everything.”

Hindi ko na tatawagan si Priscilla dahil sa mga nangyari ngayon. Tahimik kami rito tapos may ganitong kaguluhan na naman. Hanggang sa magsimula akong mag-trabaho ay iyon ang iniisip ko. Although wala naman akong makita mali sa sinabi ko pero para sa pamilya ni Isaac iba ang kahulugan noon.

“Iba din talaga ang power ni Sir Max, nabura agad iyong video mo kahit saan,” ani Iska na agad naman sinilip ni El.

“Maximillien Lewis kaya iyan,” tukso pa ng cameraman namin na dahilan ng malakas na pagtawa ni Iska.

“Hindi ba kayo busy? Ako lang ba magta-trabaho dito?” tanong niya sa mga kaibigan. Nagkanya-kanya naman sila ng gawa kahit wala kaming kliyente. Na-move ulit ang meeting namin bukas dahil iyong kliyente naman ang may dadaluhan na party. Nabaling ang tingin ko sa aking cell phone na nagba-vibrate. “Lauren, what's up?”

“We're in New York now. Are you busy? Can we barge in and break your peace of mind?” tanong ni Lauren sa akin.

“Yeah, sure. I'll make dinner for all of us.”

“Sounds great! See you! Iona is asking if Isaac will there too,”

“Maybe? He's busy but we will never know his schedule,”

Lauren chuckled before ending our call. Totoo naman na hindi ko masabi kung ano ang schedule ni Isaac. Minsan pabago-bago at madalas narito siya sa apartment ko sa tuwing matatapos ang kanyang mga schedule.

“Speaking of your man, Summer. Nandyan na siya kahit kakahiwalay niyo pa lang kanina.” Napatingin ako kay Iska sunod sa tinutukoy niya. Kanina lang pinag-uusapan namin, ngayon ay narito na ulit.

Pansamantala ko iniwan ang trabaho ko at pinuntahan si Isaac sa living room ng aking penthouse. May hawak na itong baso at aktong magsasalin ng whisky nang abutan ko siya. Agad ko pinigilan at inilayo iyon sa kanya dahil nadadalas ang pag-inom-inon niya. Ayoko siya magkasakit kaya lahat pinaiiwasan ko sa kanya. Back when I was in their country, whisky and wine became their water. Bonding moment pa nila ang paninigarilyo kaya second hand smoker ako sa mga party na dinaluhan ko roon.

“What's the problem?” tanong ko kay Isaac.

“They want me to end our relationship and go to Paris for my exile.”

***

HANGGANG sa mga oras na ito iniisip ko pa rin ang sinabi ni Isaac sa akin kanina. Kung anong pigil ko sa boyfriend ko na uminom kanina ay siya rin naman ginagawa ko ngayon. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang baso na ako ng whisky kakaisip sa hiling ng pamilya ni Isaac. They want to break us and put him on an exile in Paris. Malinaw na ayaw nila lumigaya si Isaac kaya hiniling nila iyon.

“Summer, what's your problem? Kanina ka pa tahimik diyan. Actually, iba na mood mo kahit noong nakain tayo.” It's Lauren and she's with me while her kids are with Isaac inside my room. Naglalaro sila doon video games kasama ni Ritter. “What's wrong?”

“Isaac's family doesn't want us to be happy here in New York. Gusto nila na maghiwalay kami at dalhin siya sa Paris para doon tumira mag-isa.”

Dinig na dinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Lauren. Para bang may gusto siya sabihin na hindi magawang maituloy. Marahil iniisip niya na baka ma-offend ako kaya bumuntong-hininga na lamang.

“Does this makes you happy, Summer? After the video earlier, Ritter said to me something about your situation.”

“What is it?”

“No one will like a commoner standing beside a Prince who is supposed to inherit a royal house. You're not the princess they expected, and after Isaac's resignation, things change so fast.”

Ako naman ang malalim na bumuntong-hininga.

“Am I doing the right thing, Lauren?” Imbis na sumagot ay yumakap lang siya sa akin ng mahigpit. She once experience the same thing before, but our circumtances are different. Prinsipe pa rin si Isaac. And I will remain as his not a royal girlfriend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro