Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

CHAPTER 14 | THE CHANGE IN THE GAME

Summer

LAKAD-TAKBO ang ginagawa ko ngayon para lang makaabot bago manganak si Lauren. Hindi ako puwedeng magpabebe sa lakad dahil baka mamaya maisipan na lumabas ng inaanak ko. Baka malagot pa ako sa nag-iisa kong kaibigan kapag nagkataon. Kailangan ko makarating kahit magkanda-dapa-dapa na ako sa pagtakbo.

Hindi ko alam kung bakit ako ang natataranta. Hindi naman ako magbabayad ng mga bill sa ospital nilang dalawa. Lauren wanted me to make I am there before she gets to labor and after as if I'm the responsible party for her sudden trip to motherhood. Huminto ako sa paglakad ng may makita ako na stuff toy na rabbit sa daan. Agad akong nag-detour at binili iyon para kay CJ.

I told Lauren that aside from Brooklyn's, her child will be my favorite too. Masaya ako maging tita-ninang ng lahat dahil hanggang ngayon natatakot ako magkaroon ng sarili ko. Oo gusto ko pumasok sa isang relasyon pero nagbago ang isip ko pagdating sa anak. I got afraid of what might happened to my body when I get into it. Having a child is a choice and for now, I'm not open to choose it.

"How much is this?" tukoy ko sa laruang manika na nadaanan ko rin.

Siyempre hindi ko pwede kalimutan ang unang anak ni Ritter. Naging close na rin naman kaming dalawa dahil hinahatid sundo ko siya dati. But since I got busy with my life, hindi ko na nakakasama si Iona. I love kids but Iona was a real pain in the ass which she eventually changed.

"Tingin ko sapat na ito," sambit ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.

Lakad-takbo lamang ulit ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa ospital nasaan naroroon si Lauren. My twin brother updated me though he wasn't there when I arrived. Sa kanya ko lang din nalaman kung saang ospital naroon si Lauren kahit hindi pala siya physically present. I greeted my parents upon seeing them sitting beside Tita Thali. Nagsasalitan naman sa pagparoo't-parito ang Tito Chris at si Ritter.

Naiintindihan ko na hindi sila mapakaling dalawa dahil first baby ni Lauren tapos solong anak pa siya ni Tito Chris. I am wondering if Daddy will react like this incase my mind change and have myself pregnant. Kaso mukhang malabong mangyari dahil dito palang sa kinauupuan ko dinig na dinig ko na ang nahihirapang sigaw ni Lauren ay nadagdagan ang takot ko. Lumabas pa iyong nurse at tinawag si Ritter papasok sa loob. She's still shouting, no cursing Ritter about the pain Lauren's experiencing.

"How was Cretia? Did you enjoy there, Summer?" tanong ni Mommy na pumukaw sa akin.

"It was beautiful. Ako lang maingay sa villa kung saan ako tumutuloy. Para kasing simbahan, ang tahimik." Tumawa ang Mommy habang si Iona naman ay lumapit sa akin yakap ang binili ko na manika para sa kanya. She's sleepy now yet still wanted to see her brother. "Are you ready to see CJ?"

"Yes. I want to know if my brother has Papa Chris' eyes because they share the same name."

"CJ also has your Dad's second name,"

"Yeah, but I love Lauren and Papa Chris' eyes."

Magaling talaga mangatwiran ang batang ito. Lulusot at lulusot talaga siya kapag may kagaya ng tanong ko. Nanahimik na kaming dalawa ni Iona ng may lumabas na nurse mula sa kwarto ni Lauren. The next thing we all heard was the loud cry of my friend's baby. Napatayo kami ni Mommy at Tita Thali agad at lumapit sa pwesto ni Tito Chris.

We anticipate Ritter will come out anytime with CJ on his arms. Excited na akong mahawakan si CJ! Sa ilang araw ko sa Cretia na puro charity works ang ginagawa namin ni Isaac natuto ako mag-alaga ng baby nang maayos. I had a chance to play with the kids at Iona's age to lessen the homesickness. Masaya na mahirap magtrabaho sa ibang lugar, malungkot din sa kabilang banda na tingin ko nararanasan ng ibang tao saan 'man dako ng mundo.

When Ritter came out with a baby on his arms, natakot pa ako lumapit noong una. Ang liit kasi tapos umiingit-ingit pa. Kung hindi pa ako tinawag ni Tita Thali, hindi talaga ako lalapit sa kanila. Inalalayan niya ako sa pagkalong kay CJ at tinabihan naman ako ng mga magulang ko. Dad carried Iona so she can see her baby brother up close. Nang umiyak si CJ, pinakuha ko na agad kay Tita Thali at mabilis akong tumungo sa kwarto ni Lauren.

"Here she is," wika ni Tito Chris nang makita ako. Mukhang katatapos lang nila mag-usap mag-ama. Bakas pa sa mga mata ni Tito Chris ang pinaghalong lungkot at saya. Because his baby has a baby of her own now. Ngumiti ako at lumapit kay Lauren. Iniwan kami ni Tito Chris agad para makapag-usap.

"Kamukha ni Ritter si CJ." Simula ni Lauren na dahilan ng pagtawa ko. "Ako iyong umire tapos yung tatay ang kamukha."

"Okay lang iyan. Gawa na lang kayo ng isa pa para may kamukha ka," hinampas ako ni Lauren ng unan matapos marinig ang sinabi ko. Alam ko na hindi madali magbuntis. I witnessed Lauren's weirdest cravings, mood swings and sensitive sense of smell and I despise her sometimes because of it. "CJ is the change in your game."

"Yeah, and you found yours already. Are you with your prince?"

"No. He has a lot of charity works in Belize and Ireland." Bago kami naghiwalay ni Isaac ng daan sa Cretia International Airport, nangako siya na dadaanan niya ako sa New York pagkatapos ng mga commitment niya sa nasabi kong mga bansa. After a week of being together, we're back in a long distance kind of relationship. Magkaiba na naman ang mundo na gagalawan namin pero malaya na siyang gawin kahit anong naisin niya.

"Why did he resign?"

"To do what he wants in life without offending his family. They hate what Isaac's doing in his life. He joined US Navy and worked in a regular office in New York; after that, charity works, and I entered the frame."

Nagulat ako sa mga nagawa ni Isaac habang nasa America siya. Hindi ko sukat akalain na noon pa lang ay lumalayo na siya sa kanyang pamilya. Because he has different life views. Ibang-iba talaga siya. He's still part of his family, but not as a working member now.

"Ayaw nila sayo?"

"They think I influenced him in doing those things. I am an eye opener to Isaac because he lives from a commoner's point of view while he's here in America back then." Umisod ako palapit kay Lauren at humilig siya sa balikat ko. "While I'm in Cretia, I met the real Isaac. Ibang-iba kapag kaharap niya ang kanyang pamilya. And there's a particular beam on his face."

"Baliktad pala kung gano'n." Tumingin ako sa kanya. "You're the change in his game, Summer."

Am I the change in the game we're taking?

Only Isaac can answer my question - a question with a hard-to-find answer.

IT'S NEARLY dawn when I reached our home in Whitman Drive. Pagod na pagod na ako pero ayos lang at worth it naman lahat ng iyon. I got to see and carried CJ and have a heart to heart talk with Lauren even if she's in pain and tired from giving birth. Parang naging pain reliever na rin ang kaingayan ko kaya hindi na niya masyadong iniinda ang sakit.

Si Brooklyn ang agad ko nakita sa living room, prenteng nakaupo at nanonood ng TV. He rarely do that and this day is one of rarest days of his life. Hindi ko nga alam kung napansin niya ang pagdating ko dahil masyado siyang tutok sa TV. Dahan-dahan ako lumakad at matamang sinilip ang pinanonood niya. There I saw Millie - my brother's TOTGA. He's watching her shampoo commercial again and again. Hindi pa ba siya nagsasawa?

"Sampung taon na lumipas ha. Bakit hindi mo siya lapitan ulit kaysa nakatunganga ka rito at nanonood ng TV?" Tumingin sa akin si Brooklyn at nanahimik naman ako bigla. Iyong klase ng tingin ay kagaya kay Daddy kapag galit. "Kumain ka na? Magluluto ako ngayon,"

"I already did. Just re-heat it if you want it hot." Hindi ako nakakibo agad. Akala ko panonood lang ng TV ang ginagawa niya rito buong maghapon. "Did you see Lauren's baby?"

"Oo ang cute at ang laki ng pisngi.

"Baka naman pinangigilan mo agad,"

"Pinagbantaan ako ni Lauren kaya mission failed." Naiiling lang na pinatay ni Brooklyn ang TV at tumayo. "I'll go out now. Manang will arrive in a few minutes to clean the house. And Mommy told me to ask you if you've one hundred percent sure to go overseas for charity work. She asked me to try changing your mind because you barely know the guy."

"I had a green light with Dad, Brooklyn. Mabait si Isaac and he mean no harm to me. One week ako doon at wala naman nangyari sa akin. Heto at buo pa rin ako."

"It's Dad, Summer. You know that he can't say no to you. Our parents have different convictions with regards to your decision." Malalim akong huminga sa halip na tumugon. He's the oldest, even if we're twins. "You stayed there for a week doing something the royal family hates the most. He's dragging you into his family's mess. Your face never leaves the internet portal 24/7, and Dad had to pay someone to stop it."

"I didn't asked Daddy to cover for me, Brooklyn. Pasensya na kung nadamay ang tahimik nating pamilya sa gusot last week. Sabik lang talaga sa balita ang mga tao sa bansang iyon."

"Well, I didn't like seeing your face online. I am concerned about you, and I don't want you to be buried - no, burned alive just because you follow your heart. You have your own free will not to be the change in the game that the prince is playing, Summer. Think hardly before walking to the hot wires."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro