Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

CHAPTER 12| BEWITCHED, BOTHERED, AND BEWILDERED

Summer

FROM airport, sinundo ako ni Isaac at imbis na sa capital city kami pumunta, sa ibang bahagi ng Cretia tumungo ang aming sasakyan. Kahit mahaba ang biyahe, hindi pa rin ako nakakaramdam ng pagod. Miski nga antok ay hindi ako madapuan. Baka ganito iyong dulot ng paglabas ko sa aking lungga. All my life nasanay ako sa New York at Pilipinas lamang ang pinupuntahan.

Kung mangingibang lugar 'man ako, lagi ako may chaperone. Ngayon lang wala kaya pakiramdam ko ang luwag-luwag ng aking paghinga. For the first time in my twenty-five years of existence, my parents let me go out alone. Hindi na sila natatakot basta uuwi lang daw ako sa kanila ng buo at buhay. They knew all about the misfortunes I got whenever I'm with Isaac.

But things changed, and so did the feelings.

“Like the view?” tanong na pumukaw sa aking pagtingin sa paligid. Hindi ko maiwasang mamangha kahit na meron naman akong nakikitang ganito sa Pilipinas.

“It's similar to my second homeland. The farm, the animals, but not the air,” sambit ko na dahilan ng pagtawa ni Isaac. “What's funny? I'm not bluffing here, and if you have a chance, I would like to invite you there. The holiday season is the best there.”

“I'll arranged my schedule right away.” Lumiwanag ang mga mata ko pagkarinig sa sinabi ni Isaac sa akin.

“Why we're heading this way? Are you living separately from your family?”

“Yes, I am. You didn't noticed that I have lesser guards now than before?” Umiling ako. Tingin ko kasi pareho lang ng dami ang mga bantay niya. Basta ang alam ko ay may sumusunod sa kanya lagi. “That's because I resigned in all my royal duties not long ago. I'm just a simple citizen of this country now. A life at excile.”

Makahulugan ang sinabi na iyon ni Isaac na hindi ko naman alam paano tutugunin. Ang seryoso niya at mukhang hindi uubra ang pagiging kwela ko sa bansa na ito. Nakahanap din ako ng katapat pero magkakasakit ako kapag tumahimik ako.

“Can we be more normal?” Hindi ko napigilang magtanong sa kanya.

“Sure,”

“Great!” Bumalik ang excitement ko pero may naisip ako bigla. “Do you know how to be normal?”

Tumawa ng malakas si Isaac na nakaagaw sa atensyon ng driver namin. Ang lungkot siguro ng buhay nitong tao na ito. Para ako palang ang nakapagpatawa sa kanya ng ganito kalala.

“I am more normal to you, Summer.”

Nag-isip ako nang malalim bago siya sagutin. “Are you going to get a job like normal people do?”

“Maybe. I prefer traveling in and out to be a philanthropist.” Ang boring. “It will bore you, but you don't do it to me. With you, life is not dull.”

Bolero din talaga ang isang ito talaga kahit kailan. Pero may parte sa utak ko na iniisip na malilibang ako sa pagtulong sa iba. Subukan ko kaya? But I have to talk to my parents first including Lauren and Brooklyn.

“I'm trying not to bore you, Isaac,” I said and smiled sweetly at him.

ISANG house party ang ginawa sa bahay ni Isaac kinagabihan. Hindi naman ako na-out of place dahil welcoming lahat ng mga kaibigan ni Isaac. I also saw familiar faces a while ago when Isaac introduced me to everyone. It's a normal party that I used to attend back home. Pakiramdam ko sa New York ito nakita ni Isaac at ginawa lang dito sa sarili niyang bansa.

“Champagne?” tanong na pumukaw sa aking pagtingin sa buwan.

Maliwanag na maliwanag iyon at ang laki niya mula dito sa kinatatayuan ko. Nakatulong din ang liwanag ng mga bituin at tila ba nakiki-party sila sa amin.

Tinanggap ko ang inalok na champagne ni Isaac saka sinimsim iyon. “Do you have itinerary for you philanthropy works?” tanong ko matapos uminom sa champagne glass na hawak ko.

“Yes,” he said loftily. “My first stop is in India. Mumbai and New Delhi. Next is in the Philippines.” May plano na talaga siya. Mukhang wala na makakapigil sa kanya sa mga gustong gawin. “What about you? What happened to your session?”

“Ah... Dr. Cookie advised me to try new things to come back on track. It's temporary, and I wish to find what I want in my life.” Tumingin ako kay Isaac. “Was it hard?”

“What do you mean?”

“Was it hard to find what you want in life?”

Huminga ng malalim si Isaac bago tumingin sa kanya na may ngiti sa labi. “It's hard especially when you don't have a supportive family. They're primitive as if living in the other world.”

Kaya pala noong dinner sinabi niya na mas bearable dahil kasama niya ako. Ang pamilya daw ang nagbibigay ng proteksyon at comfort sa atin ngunit sa kaso ni Isaac, imposible iyon mangyari dahil sa kakaiba niyang paniniwala sa lahat.

“So, it's bearable when you're with me?”

“Always, Summer.”

Ngumiti ako pagkarinig sa sinabi ni Isaac. Ito yata ang purpose ko pagdating kay Isaac kahit closer sa clown gaya ng posisyon ko kay Lauren.

“Hey, you two. Come inside now!” Tawag sa amin ng mga kasama namin sa bahay. Sumunod kami at pagpasok ay nakantiyawan pa na tumugtog ng piano si Isaac. Akala ko siya lang pero may tumangay sa akin palapit sa piano din. Hindi naman ako singer gaya ng kapatid ko kaya bakit ako narito sa tabi ni Isaac.

“You have a singer, brother, right?” tanong ni Isaac sa akin.

“It's my brother, not me,” bulong ko.

But Isaac still continue playing the piano. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya lalo na nang magsimula kami i-cheer ng mga bisita. I know the song he's playing. It was one of the song I sang with my father when he celebrated his fifty-fifth birthday.

“Couldn't sleep and wouldn't sleep. When love came and told me I shouldn't sleep. Bewitched, bothered, and bewildered am I?” Sabay naming pagkanta ni Isaac.

Is it as if the song depicts the kind of relationship we have? My distinctive charms bewitch Isaac. I got bothered by his life status, and we were both bewildered by the chemistry sparkling right now...

MAAGA palang tinawagan si Daddy. Gusto ko kasi marinig ang komento niya sa balak ko gawin. It's been my second day here in Isaac's native country. Sa loob ng mga araw na iyon, dinala ako ni Isaac sa mga charity na tinutulungan niya personally. Maraming may gusto at ang ilan ay naghihinayang dahil umalis na siya sa pagiging parte ng royal family.

Marami din nagtatanong kung sino ako sa buhay ni Isaac na hindi naman sinagot niya. Hindi rin ako sumagot sa mga tanong lalo na iyong galing sa mga reporters. Palaisipan nga kay Isaac bakit may nakasunod pa rin sa kanya na reporter kahit umalis na siya sa royal family. Naiinis siya ngunit wala naman magawa para paalisin ang mga ito at huwag na pasunurin.

“Dad!” sigaw ko nang sa wakas ay sagutin na ni Daddy ang aking tawag. Gabi sa New York at base sa ingay na naririnig ko, malamang pinanonood na niya ang wedding video nila ni Mommy. “Hello!” sambit ko saka humagikgik ako.

“How are you there?” tanong niya sa akin at bahagyang humina ang ingay sa background.

“I'm good.” Mabilis kong tugon.

“Are you enjoying your stay?”

“Of course, and I call because I have something to tell you.” Tumahimik sa kabilang linya tapos narinig ko agad ang boses ni Mommy na nagtatanong kung ano ang sinasabi ko. “Am I clear to your end?” tanong dahil baka choppy ang linya.

“Yeah, sweetie. What is it that you want to tell me?”

“I want to do charity works with Isaac.” Malalim na huminga si Daddy pero para sa akin parang hinga iyon ng maluwag. “Our first stop will be in India then we're head straight to the Philippines.”

“Are you sure about that? As long as you're happy, I am happy to let you go and find your purpose in another land. With different people that can be significant to you.”

“Is that a green light, Dad?”

“Kung sigurado ka na sa gagawin mo, oo greenlight na iyon.” Tumili ako at literal na nagtatalon sa kama na kanina lamang ay hinihigaan ko.

“I love you, Dad! I love you po!”

“Always be careful, and if you can, go home before heading to India.”

Pumayag ako dahil konti lang din naman ang dala kong gamit dito. Para lang ito sa isang linggo ko na pananatili dito sa pribadong estate ni Isaac. Bumaba ako sa kama pagkatapos namin mag-usap ni Daddy at sumilip sa labas. Doon ko nakita si Isaac na may kausap na lalaking nakasuot ng formal na damit. It must be his private secretary and I think they're talking about important things.

Nang tumingin siya sa gawi ko, I unconsciously wave my hand at him when he did it first. Inayos ko ang suot ko na robe bago lumabas para mas malinaw ko makita si Isaac.

“Get dressed, Summer,” utos sa akin ni Isaac.

“Where are we going?”

“Let's have breakfast with our subjects.” Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. Pero mayamaya pa ay naging malinaw na ang lahat. Our subjects are the people around his estate. It means we will going to have a normal breakfast with them like what I have back home. “Summer...”

“Hmm?”

“You bewitched me already.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro