Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

CHAPTER 11 | A CALL

Summer

TWO WEEKS have passed already since my last conversation with Isaac happened. I rejected him once again because of one thing. I got afraid of the unknown and the possibilities that all circling my head. Ngayon heto ako at nakahilata sa couch na nasa loob ng opisina ng psychiatrist ko.

This wasn't my idea.

Ideya ito ni Lauren at trusted din naman niya si Dr. Cookie. Binansagan ko siyang Dr. Cookie dahil kada may session si Lauren, binibigyan niya ako ng cookies pang-alis ng kabagutan. Pero hindi ako companion ngayon dahil ako mismo ang nangangailangan ng tulong. Bakit ko nga kinita si Dr. Cookie ngayon? Isa lang naman ang dahilan ng lahat ng ito.

Earlier, I found myself crying inside my bathroom because for the first in my life I felt alone. Kahit nasa bahay ang mga magulang ko, dumating na si Brooklyn sa wakas, malungkot pa rin ako. I even visited Lauren in her house to talked about me, my almost relationship, my failures, and my doubts. But that didn't lessen the emptiness inside my heart. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon at walang nakaka-alam nito bukod kay Lauren na siyang promotor.

“Is this can be inherited, Dr. Cookie?” tanong ko sa doktor na nasa aking harapan.

Na-kwento ko na sa kanya lahat ng nararamdaman ko na sintomas. Iyong pag-iyak ko kahit walang dahilan at ang nararamdaman ko na lagi ako mag-isa. Pero hindi pare-pareho dahil madalas ayos naman ako at maganda ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Sinama ko rin sa kwento iyong tungkol kay Isaac at noong mga panahon na magkasama kaming dalawa.

“Before you arrived, I researched about you, your family and ancestors. I found some interesting notes on your father's side.”

Dahan-dahan ako pumihit paharap kay Dr. Cookie. I always lying down in the couch whenever Lauren had a session here. Nakakapag-isip kasi ako kapag nakahiga ako at nakatitig sa kisame.

“Did I inherited this from anyone in the family?”

“No. It's not in the Lewis' blood.” Nakahinga ako ng maluwag. “Your grandfather, ex-husband of your grandmother, Zenaida Lewis, had it which he inherited on his blood line.” Malayong-malayo na pala.

“Then, what is this kind of feelings?”

“A slump.” Kumunot ang noo ko bigla pagkarinig sa sagot ni Dr. Cookie. “During that phase, life can be dragging, but eventually life starts to feel more normal. There's no certain timeline to follow. You will unmotivated and lost suddenly.”

Gano'n nga ang nararamdaman ko. Akala ko ayos lang dahil wala naman talaga direksyon ang aking buhay pero mali ako. I didn't acknowledge this feelings because I thought it's normal.

“How can I breakout from this slump?”

“Acknowledge it first that you're in a slump. You have to determine where you're struggling the most. Here, take this notebook with you. I want you to write down all your weakness and strength so we can talk about it on our next meeting.”

Bumangon ako at tinanggap ang inabot niyang notebook sa akin. I have to acknowledge it first.

But how?

MATAPOS ang session ko kay Dr. Cookie, kinita ko si Brooklyn sa Brooklyn Bridge Park at inaya niya ako manood ng musical play. Matagal na rin iyong huling nood ko kaya sumama na ako sa kanya agad. We took the balcony seat kaya inaaninag ko pa kung sino ang mga nasa stage.

“Don't you miss singing, Brook?” tanong ko sa kapatid ko sa mahinang boses.

“Sometimes, but I'm happy with what I'm doing right now.” Mahina din ang boses ni Brooklyn para hindi kami maka-istorbo. “Are you bored? Do you want to go out or do you want to answer your phone first?”

Binalingan ko ang cell phone na patuloy sa pag-vibrate. It was a unknown foreign number based on it's suffix. Dahan-dahan ako tumayo at halos pagapang na lumabas sa balcony na kinaroroonan namin. I was about to answer it when I finally came out but the call ended.

“Ang weird naman,” I said, taking a glance on my left and right. Malinis ang buong opera house at lahat ay nasa loob nanonood. Akto akong papasok na ngunit muling nag-vibrate ang aking cellphone. Mabilis ko iyon sinagot agad dahil sa takot na baka mawala na naman. “Hello?”

Hindi kaya prank call ito? May matinis na tunog kasi ako narinig bago iyong boses na pamilyar sa aking pandinig.

“Summer,” said the voice whom I believed it's Isaac.

Hindi ko maiwasang matawa na nakakuha sa atensyon ng gwardya na dumaan sa aking harapan. “What's with you? You changed phone number again?”

“Nope. I tried using the house old phone and it's amazing that the call went through.”

I sensed great excitement in his voice which excites me too. Mas gumaan ang pakiramdam ko ngayon na narinig ko na ang boses niya. Two weeks rin akong walang balita sa kanya. Two weeks akong parang zombie na hinayang na hinayang sa naging desisyon ko na i-reject siya. Pero bakit parang wala lang naman sa kanya?

“Aren't you supposed to be mad at me?” Lumakad ako papunta sa gilid at binaybay ko ang daan palabas ng opera house. I am watching my steps as I descend on the stairs. Sa pinaka dulo, doon na ako naupo at niyakap ang aking magkabilang tuhod.

“Why would I be mad to you?” Bakit nga ba siya magagalit sa akin? Kasi nga tinanggihan ko siya kaya may karapatan siyang magalit sa akin. “You're entitled of your decision. I already misjudged you before and cause you misfortunes.”

“I am disaster, right?”

“Yeah, my disaster.” Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Isaac. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin sa kanya. “My invitation stand still, Summer. If you want to travel around here, you're always welcome to visit me.”

“Really? Does your house has a dungeon? Are there guards in pretty uniforms?”

“It's not Buckingham Palace, Summer.” Oo nga pala. Magkaiba nga pala sila. Meron silang reyna at malapit na kamag-anak siya noon. Pero hindi ko alam kung bakit 'di appicable sa kanila ang HRH title. He's obviously a prince following the steps of his father. “I miss you. I hope to see your face soon.”

Isang tawag lang pala ang katapat ng nararamdaman ko. A call that means a lot to me.

“ANG SAYA mo naman yata ngayon,” untag ni Lauren sa akin na nagpalawak lamang ng ngiti ko.

I dropped my body on the couch and immediately put down my phone. Katatapos ko lang kausapin si Isaac at all set na ang pag-alis ko papunta sa bansa nila. Kung ano-ano ang topic na ang iba ay hindi ko pa maintindihan. Siya ang personal na susunod sa akin at pinaalam ko iyon kay Dr. Cookie. Makakatulong daw sa slump na nararanasan ko ang pag punta sa ibang lugar para makakilala ng ibang tao.

“I'm talking to him again, Lauren.” Masaya kong sambit saka umayos ako ng higa at inunat ang aking mga paa.

It's been a long day of walking and window shopping for me today. Itong kasi si Lauren pinayuhan na maglakad lakad na para madali maanak. Dinamay lang ako para daw malibang naman ako. Wala lang siya kasama ngayon dahil next week pa uuwi si Ritter kasama si Iona.

“Who's him?”

“Isaac!”

“Oh?” Kumunot ang noo matapos marinig ang komento ni Lauren.

“I don't like your tone when you say oh,”

“What's wrong with my tone? Pareho lang rin naman sa dati.” Hindi na niniwala. Kapag hindi maganda sa kanya ang balita iba ang tono noon pero ako lang nakakapansin ng lahat. “Is that what making you happy now?”

Tumango ako at nagbago naman agad ang ekspresyon sa mukha ni Lauren. “I'll visit him in his country. Sabi ni Dr. Cookie, ayos daw na lumalabas labas ako para malibang. Eventually, my drive for the things I love will comeback. Pagbigyan ko lang daw ang sarili ko na mag-relax.”

“And you choose his country to relax?”

“Nakakasawa din sa mga US state, Lauren. Para maiba naman ang ihip ng hangin na nilalanghap ko.” Inirapan ako ni Lauren kaya tumayo ako at yumakap sa kanya. “Pumayag ka na, Mama.”

“You have to be here before I give birth. Sinasabi ko sayo, Summer kapag hindi kita nakita, hindi na kita papansin kahit kailan.”

“Ako ba tatay ng anak mo?”

“Parang gano'n na nga,” I frowned at Lauren, but she just pulled my hair down. “We're okay and civil, Summer. Lahat naman ginagawa namin para maayos pero parang may kulang pa rin.”

“Forgiveness.”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lauren. Iyon naman talaga ang kulang sa kung ano meron sa kanila ni Ritter ngayon. Mahirap kasi kung wala ang bagay na iyob pagkatapos ng lahat. Wala akong ibang alam tungkol sa pakikipag-relasyon kaya pakiramdam ko kay Lauren din ako tatakbo. Gaya ngayon, dito pa rin ako sa kanya tumakbo kahit pwede ko naman kausapin Brooklyn o ang mga magulang namin.

“I'm glad to see that beam back on your face again. I must admit na kulang ang araw ko kapag wala ka. Immune na talaga ako sa ingay mong babae ka.”

“Hoy, mas maingay ka na nga ngayon!”

“Hindi kaya!”

Nagtalo kami hanggang sa sumuko siya dahil lagi naman gano'n. Kapag umaaway sa 'min, si Lauren tigapagtanggol ko at ngayon naman ay naiba. I have to protect her against her predecessors. We're more than sisters. Kahit hindi siya vocal sa nararamdaman, alam ko naman na suportado niya ang lahat na may kinalaman kay Isaac.

Maasahan ko siya talaga at gano'n din ako sa kanya sa lahat ng oras.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro