Chapter 06
CHAPTER SIX | THE FLOWER SENDER
Summer
BAGONG ARAW, panibagong pagpapanggap na gusto ko ang aking ginagawa sa buhay. Bumangon ako na may takip pa ang mga mata kaya literal pang madilim ang aking paligid. Malalim akong huminga at tuluyan na inalis ang takip ng aking mga mata. I need to get up now or else I will be scolded again for being late in the office. Kulang ang salitang pagod ako para ilarawan ang unang linggo ko sa trabaho.
At habang nahihirapan ako, si Lauren abala sa pagyabong ng kanyang love life.
Nawa'y lahat.
I don't know how to explain mine right now. Hindi ko nga masyadong iniisip kahit sa loob ng isang linggong lumipas ay nakatanggap ako ng bulaklak galing kay Isaac. Delivery guy lang lagi nagpapadala sa 'kin at hindi mismong si Isaac. Ang huling kita ko sa kanya ay noong binigyan niya ako ng payong ulit.
Dalawa na tuloy ang payong niya sa akin.
Nasaan na kaya ang isang iyon?
Kung nasaan 'man siya ngayon, saka ko na iisipin dahil late na naman ako kapag tumagal pa ako sa kama. Dali-dali akong kumilos at pagkatapos ay bumaba na bitbit ang cloth bag ko na ang laman lang ay water flask, wallet at cellphone.
"Good morning two guys, one woman!" Masigla kong bati kay Brooklyn, kay Daddy at kay Mommy na nasa dining area na.
"Papasok ka pa?" Takang tanong ni Brooklyn sa akin na sinagot ko naman ng tango. "Woah! Where did my original sister go?"
"I'm still your sister!" singhal ko sa aking kapatid. Saka dumulog na sa hapag kainan pagka-puno ng aking water flask.
"Are you dating someone, Summer?" Maang akong napatingin kay Daddy nang marinig ang tanong niya sa akin.
"You're dating, Summie? Akala ko si Lauren lang ang may makulay na love life ngayon," singit ni Brooklyn uli.
Binato ko si Brooklyn ng nilakumos ko na tissue. Sikreto nga iyong kay Lauren kaso madaldal din kapag may time itong kakambal ko.
"Why don't you answer your father's question, Summer?" tanong ni Mommy sa akin. "Laging may nagpapadala ng bulaklak sayo araw-araw last week ayon sa report ng secretary ni Ritter."
"Bakit nagrereport sa inyo ang secretary ni Ritter?" Hindi ako makapaniwala sa nalaman. Bakit ba nila ako binabantayan? "You know that I'm all grown up now, right? Why are you spying on me?"
"Being your parents doesn't stop even if you're all grown up now and have a decent job." Pangaral ni Daddy na sinang-ayunan naman ni Mommy. Habang ang kakambal ko'y tumahimik lang sa tabi ko.
"I'm not dating anyone, so calm down, okay? He asks me if I want to go out with him as if he's asking what I want to eat for lunch."
"Who?" Sabay-sabay nilang tanong sa akin. Nagsalit-salit ang tingin ko sa kanilang tatlo. Dahan-dahan akong tumayo at sinukbit ang aking bag sa balikat.
"You won't believe it even if I tell you," sambit ko sa kanila. Walang kumibo sa kanilang tatlo. "It's the Prince of Northfolks..."
Lumakad ako palabas ng dining room pero napigil ako ng tanong ni Mommy.
"Iyong bata o yung matanda?" she asked,
Umikot ang aking mga mata. "Of course the young Prince, Mom!"
Hindi naman ako mahilig sa DOM kahit may pera doon. Hindi naman ako poor kaya bakit pa ako kakapit sa patalim. Kailangan ko lang talaga magtrabaho kasi hindi naman ako pwedeng umasa sa mga magulang ko habangbuhay.
I have to work for myself even if I didn't like what I'm doing right now. Ayoko na ma-disappoint si Daddy dahil pulos pag-e-eksperemento ang ginagawa ko sa aking buhay.
I have to be a good daughter to impress my suspicious father...
"IS THERE a Ms. Summer Antoinette Lewis here?"
Lahat kasama ako ay napalingon sa nagsalitang may bitbit na bulaklak. Flowers for me... again? Walang kumibo sa mga kasama kong intern. Kahit si Lauren ay tahimik lang din at wala akong nakuhang komento.
"Here! I'm Summer Antoinette Lewis." Pakilala ko sa delivery guy. Lumapit ito sa akin saka inabot ang bulaklak saka pinapirmahan ang delivery slip. "Ano kaya pwedeng gawin dito?"
"Kainin mo," ani Lauren na nagpakunot sa aking noo. "It's edible flowers, Summer, so instead of throwing it away, let's eat it now."
Muli akong napatingin sa mga bulaklak bago sinundan si Lauren hanggang sa cafeteria bitbit iyong mga bulaklak. Masarap ang pagkain sa cafeteria ngayon kaya dito kami kakain at idagdag pa itong mga bulaklak na natanggap ko.
"How do you know these are edible?" tanong ko kay Lauren habang nakuha ng pagkain. We shared in one tray, and whatever Lauren put on her plate, she put into my plate too.
"Binigyan ni Daddy si Mommy ng ganyan dati. Imbis na hayaang malanta, kinain na lang namin. Nagkaroon kami ng instant salad gaya ngayon, may flower salad na tayo." Narinig ko na humingi siya ng salad dressing sa buffet staff. "Baka nakahalata na ang suitor mo na tinatapon mo lang mga bigay niya kaya nagpadala ng edible flowers."
Hindi naman kasi ako mahilig sa bulaklak. Mas matutuwa pa ako kung spicy dilis ang ibibigay kaysa mga ganito.
"What's with him exactly?" Mahina kong tanong na dahilan din nang mahinang pagtawa ni Lauren.
"I thought you wanted to be a Princess. It's your dream, right?"
"My old dream. Matapos ng mga naranasan ko, nagbago na ang isip ko. Kaya hindi na ako interesado sa mga katulad ni Isaac."
"He seemed serious though it will be hard to love someone with a royal title." Makahulugang sambit ni Lauren. "Pero malay mo iba ang maging buhay mo. Iyon naman ang importante kay Tito Max."
"He's suspicious, and I felt like being guarded by him,"
"Gaya ni Dad sa akin. Sabihin mo na lang kay Tito Max na kaya mo na ang buto mo."
"Iyon na nga ginagawa ko kaso parang hindi pa rin siya kumbinsido." Paano ko ba mapapatunayan kay Daddy na kaya ko na mag-isa? Kailangan ko ba seryosohin na ang pagsosolo? Pero kailangan ko pa rin sila kausapin ng masinsinan. "Wala ka bang tsismis diyan sa buhay mo? Ayokong pag-usapan ang buhay ko."
"Mas interesting kaya ang buhay mo. You have a royal suitor and I didn't expect that to happened." Malaking gap pa rin kahit sabihin na anak ako ng isang sikat na businessman sa buong mundo. Bawat magazine, laman ang kwento ng tagumpay ng mga magulang ko pati na ang pagiging Broadway actor ni Brooklyn dati. "Anyway, mag-early out ako mamaya. Gusto mo sumama sa shelter ulit?"
"Okay,"
"Huwag mo akong iiwan ulit."
"Oo na hindi na kita iiwan," I swear at her. Nagsimula kami kumain habang nag-uusap tungkol sa kung ano-anong paksa na para bang ngayon lang kami nagsamang dalawa.
Pareho kami ni Lauren na pinanganak na may pilak na kutsara sa bibig. Pero kahit gaano pa kayaman ang mga magulang namin, alam ko na kailangan pa rin namin tumayo gamit ang sariling paa. At kahit kilala ang pamilya ko, alam ko na hindi pa rin aari kung sakaling seryoso nga ang prinsipe na iyon sa pakay niya sa akin. Baka ito ang paraan niya para gantihan ako dahil bakit naman siya magpapasok ng disaster sa loob ng royal family. Pareho kaming disaster na kapag nagsama ay tiyak ko na malaking unos ang darating.
An absolute royal disaster in Brooklyn...
NATAPOS ko agad ang pinasang trabaho sa akin ni Lauren kaya heto ako at naglilibot lang dito sa shelter na kinaroroonan namin ngayon. Alam ko naman kung saan ako tutungo kaso naisipan ko umiba ng daan para masilip ko ang ibang kwarto kahit nakarinig ako ng nakakatakot na kwento tungkol sa lugar na 'to.
Hindi mahilig maniwala sa mga nakakatakot na kwento. Wala nga epekto sa akin ang pananakot ni Mommy kapag ayokong kumain. Kaya ang sabi ni Lola Flora, lalaki akong matigas ang mukha at nangyari nga ang prediksyon nila.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako nang malamyos na tugtog ng piano. I followed the piano sound until I reached a room where I found Isaac, playing the grand piano. May tatlong bata siyang audience sa loob na nababakasan ng pagkamangha sa mukha. Mas lumapit ako upang matitigan si Isaac kahit may bintanang namamagitan sa amin.
Mali ito. Lahat ay mali. Hindi siya regular na lalaki na pwede ko asahan na darating kapag kailangan ko ng kausap. He maybe a real life prince, but this life isn't a fairytale. Sabi ko noon ang pangarap ko lang ay maging kasing yaman ni Sarah Crewe. Pero bago ko magawa iyon, kailangan ko maging kasing sipag at dedicated ng mga magulang ko.
Tama na sa paglalaro at kailangan ko na ayusin ang desisyon ko sa buhay.
"He's talented, not bad," anang tinig na pumukaw sa akin. "Ayos ng pagkatulala mo. Para kang fan girl dito, Summer. Finally, someone catches your attention." Sumimangot ako at sinubukan bawiin ang cellphone ni Lauren pero hindi ako nagwagi.
Our little quarrel interrupted Isaac's performance inside. Nakita ko na lalabas na siya kaya agad akong lumakad palayo sa lugar na iyon. Narinig ko na tinawag ako ni Lauren pero hindi ako lumingon.
Tumungo ako sa quarter ng mga matatanda at doon ko natagpuan si Glenda. Bumakas sa mukha ko ang gulat nang makita siya dito.
"Summer... Oh..." Kumunot ang noo ko nang marinig ang reaksyon na iyon. "I smell flowers in you sent by a royal blood."
"Ah, baka pabango ko iyon." Kontra ko dahil paniniwalain na naman niya ako tapos palpak naman pala kaya kinontra ko na agad siya.
Glenda glared at me, but I just ignored her. Nilapitan ko ang grupo ng mga matatanda at nakisali sa pinag-uusapan nila. Tingin ko fated talaga ako sa mga matatanda dahil madali ako nakakasabay sa kanilang lahat. Dahil na rin siguro lumaki ako sa pag-aalaga ni Lola Esme at Lola Flora.
Pagkatapos ko makihalubilo sa mga matatanda, lumabas ako ng shelter at tumitig buwan. It was fat and yellow. The half of it is missing and there's a lot of stars that sparks in the night sky.
"Do you like the flowers?" tanong na pumukaw sa akin. Tumingin ako sa pinanggalingan noon pero hindi na ako nagulat nang makita si Isaac. Siya lang naman kasi ang may boses na malalim na hinding-hindi ko malilimutan. Tila isang pelikulang umulit sa aking alaala ang huling beses na nag-usap kaming dalawa.
"I like the last because it's edible. The others were fine, but that ends there." Para na nga akong magtatayo ng sarili kong flower shop. "Can you quit sending flowers to me, Mr. Flower Sender?"
"What do you want instead of flowers, then?"
"I want nothing." Diretso kong sagot. "It will be complicated for both of us with the long-distanced relationship set up. And I'm not as noble as those diamonds of the first water. Though I'm special in your eyes, I can't change just to fit into your world. I'm tired of it and busy finding my place in this world." Mahaba kong dagdag sa nauna kong sinabi.
Nakita ko ang pagtango ni Isaac matapos marinig ang aking sinabi.
"I thought you're different,"
"I want a man who's always available whenever I need a companion. I am a selfish kind of woman, Prince Isaac."
"I get it now."
"Cool." Umayos ako ng tayo saka lumakad na palampas kay Isaac. I want to go back in my normal life, and I think today will be the start of everything. Ganito lang pala i-reset ang lahat dapat noon ko pa ginawa.
Dapat noon pa...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro