Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

CHAPTER FIVE | THE WORKING PRINCESS

Summer

HINGAL NA HINGAL ako nang makabalik sa restaurant kung nasaan si Brooklyn. Hindi ko naman kailangan tumakbo pero natakot kasi ako dahil naroon na naman ang prinsipe na iyon kung nasaan ako. Ayoko na maging laman ng headlines ulit at lalong ayoko na sumusunod siya kasama ng mga bodyguards niya.

"Saan ka naman ba galing?" tanong sa akin ni Brooklyn matapos niya makapagpaalam sa mga kaibigan. Alam ko na naiinis na ang kapatid ko sa akin. Hindi naman siya obligado na bantayan ako pero dahil sa hiling ng mga magulang namin, napipilitan si Brooklyn.

"Let's go home, twin. Napapagod na ako at sa bahay na lang ulit kakain," wika ko na nagpakunot sa noo ng kapatid ko.

"What's happening to you, Summer?"

"A stalker is following me!"

"Who?"

"Bakit kung nasaan ako, naroon din siya?"

Hindi ako nasagot ni Brooklyn dahil may sinagot siyang tawag sa cellphone. Ang hierarchy nga pala ay jowa over Summer na dapat lagi ko tatandaan. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko saka huminga nang malalim.

"What are you saying again?" Brooklyn asked after ending the call that interrupted us a while ago. "Never mind that, Summie. Let's go back to the auditorium; I need to pee."

Pinigilan ko si Brooklyn sa aktong paglakad. "May banyo naman dito, bakit lalayo ka pa?"

"Out of order, twin. Akala ko alam mo na dahil nakita kitang pumunta sa kabilang establishment."

Eh? Sira ang banyo dito? Ibig bang sabihin... Oh no!

Mariin akong pumikit at tumalikod sa kapatid ko habang nagpapadyak sa sahig. Mali pala pero ang creepy pa rin na nasa iisang Broadway musical kami ngayon.

"Guest din ba sa musical ang prinsipe?"

"Sort off, but the performance is part of welcoming rights of the City Mayor of New York." Two points ka na Summer... Ako pala ang judgemental hindi siya. "He also visited several shelters the past few days as part of his duty as an active member of the royal family."

"Bakit alam mo lahat?"

"For a woman who always flaunts herself and works online, I was amazed that you didn't know that,"

"Hindi naman kasi ako interesado,"

"Really? Change of heart now? You love searching about royal families, watching royal-themed movies, and wanting to be a princess yourself..."

"Nagbago na isip ko. Gusto ko na magtrabaho,"

"What?" Hindi makapaniwalang bulalas ng kapatid ko pagkarinig sa aking sinabi.

Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at inaya na siya magpunta sa kabilang establishment para makapagbanyo na. Uwing-uwi na ako ngayon at kailangan ko masabi kay Lauren ang natakbo sa aking isipan.

Kaso hindi iyon ang nangyari pagdating namin sa bahay. Pagpasok ko palang, guidance office na agad ang bagsak ko. Ang masama pa kami lang ni Daddy ang narito sa loob ng home office niya. Pinaglaruan ko ang hourglass sa lamesa niya na agad naman binawi ni Daddy sa akin. Binalingan ko cradle balance balls at iyon ang pinaglaruan kaya lang pinigilan din ako ni Daddy.

"Bakit mo po ba ako pinatawag dito sa guidance office mo, Dad? May nagawa na naman ba akong mali?" Sunod-sunod kong tanong sa tatay ko na nakakatakot kapag tahimik.

"I came to visit the café and restaurant a while ago and caught Lauren doing your job for you." Hindi ako natinag bagkus ay dinampot ko lang snow globe na regalo ko sa kanya. Inalog ko iyon para gumalaw ang mga snow. Susubukan sana bawiin ni Daddy pero iniwas ko na. May Brooklyn Bridge sa loob noon at may dalawang lovers sa ilalim ng tulay. It was him and mom and it represents their lovestories that began in the bridge. "When will you listen to me, Summer Antoinette?"

"I'm listening, Dad. I see no problem when you caught Lauren doing some paper works. She's not stranger to us, and I already treat her as my sister."

"But she's more level-headed than you,"

"You're comparing us, Dad. Ang sabi mo hindi ka magkukumpara ng anak pero iyon ang ginagawa mo po ngayon." Umayos ako ng upo at nilapag ang snow globe na kinuha ko pabalik sa working table niya.

"I'm not comparing you to Lauren or your brother. I know you're different, just like your mom, but we don't want you to be like her sooner or later."

"Why? Mom is a successful entrepreneur now plus she had college, masters, and doctorate degrees. Sobrang proud na proud ka kay Mommy at sa mga achievements niya kaya bakit hindi ako pwedeng tumulad sa kanya."

"You will never understand it, Summer."

Ayan na naman sa hindi ko maiintindihan. Akala ba nila hindi ko alam na habang inaabot ni Mommy ang pangarap niya ay may mga 'di sila pagkakaunawaan. Iyon ba ang ayaw ni Mommy na tahakin ko? Na laging namimili pero hindi naman siya pinapipili ni Daddy. Ano talaga iyong ayaw nilang tahakin ko na ginawa ni Mommy noon?

"Anyway, I want to say if you let Lauren do your job, how will you learn to handle our businesses? I allowed you to handle the café, but your heart wasn't there. I cannot give you the bar for your safety, so I let you be a content creator and build your empire online, but it's not what you want. I can see it in your eyes, Summer."

Ang hirap naman kasi magdesisyon kung ano talaga ang gusto ko. My inner self told me that what I needed to do was to give myself everything I deserved. But, what is it that I earn precisely?

Huminga ako nang malalim saka tumayo at inayos ang suot ko na damit. "I will apply as an intern to Ritter's company that will eventually will be yours and Tito Chris sooner or later."

"Then, what happens next?"

"I don't know. Maybe I can find there what I like to do."

"An experiment again?" Si Dad naman ang huminga nang malalim bago ulit magsalita. "Forget about what I told you today. Do anything you want until you find what you want to be, Summer. As long as you're happy, we're happy too."

"Dad..."

"You have to be yourself, Summer. Not the one person we wanted you to be. You cannot live doing what we want you to do. Do what you know you deserve. You're still my daughter. My princess." He said in resigning voice. Suko na siya dahil akala niya mahirap para sa akin na intindihin ang mga sasabihin niya kaya pinagawa na lang ang gusto ko talaga gawin.

Hindi ko talaga gusto ang ganito usapan pero nang yakapin ako ni Daddy, hindi ako agad nakatanggi. I hugged my father back tightly...

***

MUNTIK na ako mapasigaw nang magpatong ng isang box na i-e-encode na resibo sa lamesa ko ang team leader namin. Gaya ng sinabi ko kay Daddy, nag-apply nga kami ni Lauren bilang intern sa RJM Corporation. Ako lang kilala nila na anak ng bagong may-ari at hindi si Lauren pero hindi pala uso dito ang kamag-anak pass. Trabaho kung trabaho lang talaga at unang araw ko palang ngayon pero heto ako't nalulunod na sa mga gawain.

My phone was confiscated when they caught me doing some short clipped videos instead of working. Nanginginig na ang kamay ko dahil ilang oras ko na rin 'di nahahawakan ang aking cellphone. Hinihiling ko lang nasa matapos na ang shift ko para naman makanood na ako videos sa aking social media accounts.

"Up for coffee or anything sweets?" Anunsyo ng team leader namin pero hindi ako natutuwa dahil pakiramdam ko sa akin iuutos ang ipapabili nila. Isa-isa na silang nagsalita ng mga gusto nila at wala si Lauren para makasama ko lumabas ngayon. Bakit kasi trip siya ni Ritter pahirapan ngayon? "Ms. Lewis, did you get our order?"

As expected...

Tumayo ako at dinampot ang aking trench coat. "I mentally remembered everything, ma'am." At naiinis na ako sa inyong lahat!

"Good. Here's the company card and don't forget Mr. McDowell's favorite." Tahimik ko inalala ang in-order na kape ni Ritter sa café namin. Kahit Lauren ang naghahanda noon, nakikita ko naman kung ano iyon. "Ms. Lewis?"

"Ah, yes, I'm sorry I spaced out. I'll head out now." Paalam ko at dire-diretso na lumabas ng aming opisina. Hindi pa ako tapos sa gawain ko tapos may panibago na namang utos. Ang masama wala pa rin ang cellphone ko!

Malapit lang café sa RJM Corporation kaya hindi naman ako naglakad ng masyadong malayo. Wala din pila pagpasok ko kaya mabilis lang ako naka-order. Nang makabalik sa opisina, tinapos ko na ang mga gawain ko na sinisingitan nila ng utos gaya ng pa-xerox at pag-so-sort ng sulat. Patang-pata ako nang sumapit ang ala-sais ng gabi at ang gusto ko na lang gawin ay ang matulog.

"Gusto ko ng kanin na may sabaw na gravy..." sambit ko habang naglalakad. Ang layo ng Times Square dito at masyadong traffic kaya hindi rin ako makakain ng gusto ko.

"What are you now, Ms. Lewis?" Nagitla ako nang makarinig ng biglaang tanong mula sa aking likuran. "Just to be clear, I'm not stalking you, okay?"

It was Isaac defending himself even if I hadn't said anything against him.

"I'm a working princess and tired, so please excuse me because I need to rest."

"Interesting." Maang akong tumingin sa kanya. Ano ba ang interesante sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na nagta-trabaho ako. "Um, before you go, I want you to hear me out first."

Napalinga ako sa paligid. Siya lang kasama ko ngayon dito at walang mga bodyguards. Bahagya akong lumapit sa kanya. "Where are your bodyguards?"

"Hiding? I don't know, but I'm sure they're just hiding anywhere."

"So, if we run, they will follow you, right?"

Nagkibit-balikat si Isaac. "Hm, maybe? Do you want to try?" Gusto ko kaso pagod ako kaya nevermind na lang. "Okay. What I'm trying to say was it's not my intention to follow you around before. And I understand your job nature now, and you love doing something that challenges your wit and strength. I'm sorry if I judge you, and I must admit that it was a strong slap you gave back then."

"Will I be in jail for hurting you?"

"It stays between us. No one knew about it. I already told them a made-up story."

"Cool." Hindi ko sukat akalain na pwede pala magsinungaling ang mga katulad niya. "Why are you here?"

"My car passed by a while ago, and I see you in the crowd of thousands, trying to hold a bunch of drinks in your hand, and then you entered that building." Ang linaw naman ng mata niya. Nakita niya ako agad kahit maraming nadaan na tao? "You're special, in layman's terms, Ms. Lewis."

Napatango ako nang masabi ang mga huling salita na binitawan. Special ako? Hindi naman siguro iyong iniisip ko ang ibig niya sabihin. Napalinga ako sa paligid namin at gaya kanina, lahat ay abala pa rin naglalakad. May mangilan-ngilan na umiiwas sa amin dahil nasa gitna kaming dalawa ng daan.

Mabilis ang takbo ng oras dito sa New York City. Hindi ito babansagan na the city that never sleeps ng walang dahilan. Ako na lang ang naiwan na wala pa rin direksyon ang buhay. Lauren and Brooklyn knew what they wanted in life, and I am stuck in a loony bin world. But today, in the middle of the sea of busy people, I found myself standing and looking at the man who called me special.

"I-I am not that special," I said. Hindi ko maiwasang mautal at wala na rin akong masabi pa na iba. "I'll go ahead now -"

"Do you want to go out with me?"

He's obviously into you. Panagutan mo iyan...

Buong-buo na bumalik sa alaala ko ang sinabi ni Brooklyn sa akin noong nakaraan. Imposible naman na magkagusto sa akin ang lalaki na 'to. Saka hindi na ako interesado sa mga katulad ng pamilyang kinabibilangan niya. Napukaw ang atensyon ko nang may tubig na pumatak sa aking mukha. Ngunit mabilis na napalis din at sumunod ko nakita ay mga taong nagpupulasan dahil sa ulan.

"We can share in my umbrella," ani Isaac ulit. "You can take it, and I have guards that will offer an umbrella to me."

"The umbrella man!"

"You remembered now. Finally." Mas lumapit siya sa akin at marahang kinuha ang kamay ko para pahawakan ang payong na pinanggalang niya sa ulan upang huwag kami mabasa. "My question stands still, Ms. Lewis. And I will wait for your answer. Take this umbrella with you and go home."

Lumakad si Isaac palayo sa akin pagkatapos sabihin iyon. Mabilis naman siya nilapitan ng mga guards upang payungan habang naglalakad papunta sa sasakyan niya. Hinintay niya ako makalabas para mag-sorry at para bigyan ng payong? Paano niya nahulaan na uulan ngayon? At ano nga ulit ang tanong niya?

Do I want to go out with him?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro