Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 04

CHAPTER FOUR | THE ROYAL STALKER

Summer

“THE PARADE traveled on with the sun in my eyes. You were gone, but I knew, even then, in a crowd of thousands, I'd find you again. Your highness....”

Hinila ko ang manggas ng suot na long sleeves ng kapatid ko upang kuhain ang kanyang atensyon. But he only jerked my hand away. Brooklyn is currently busy watching the Broadway performance of his colleagues and I accompanied him here. Sabi ni Mommy, para daw malibang ako kahit kaya ko naman aliwin ang sarili ko. Daddy agreed too because he doesn't want my face to be on the tabloid again.

In short, ginawa nilang babysitter ang kapatid ko para wala akong isyu na masangkutan.

Ang galing talaga!

Sinubukan ko na lang intindihin ang aking pinapanood kahit nakaka-antok para sa akin ang mga ganitong palabas. Saka hindi naman kapatid ko ang nakanta kaya mas lalo akong inaantok. Kung si Brooklyn ang nasa harap, baka full support pa ako kaso iba iyong performer kaya pipikit-pikit akong nakinig pa rin.

Hindi ito pwede. Umangat ako at luminga-linga sa aming paligid matapos palisin sandali ang antok. Agad ko sinukbit ang aking bag at akmang tatayo ngunit hindi nagawa dahil napigilan ako ni Brooklyn.

“I'm going to the comfort room, Brook!” I hissed lowly.

“Don't go anywhere without me, Summie...” Paalala niya na tinanguan ko naman. Masyadong overprotective naman nito. “I'll find you.”

“Oo na!” hiyaw ko.

Natuptop ko ang aking bibig nang matinginan sa amin ang lahat. I hand sign peace to calm everyone. Napahiya tuloy ako dahil sa kapatid ko. Halos gumapang na ako palabas ng auditorium para lang hindi makasagabal sa iba. At nang nasa labas na ako, mabilis ako tumayo saka sinuot ang aking sapatos.

“Nakaka-antok talaga sa loob.”

Humikab ako matapos sabihin iyon saka humanap ako ng banyo. Nang makakita, halos takbuhin ko na ang daan papasok doon. Humarap ako sa malaking salamin saka sinampal-sampal ang aking magkabilang pisngi. Wala akong maayos na tulog nang nagdaang gabi at medyo namamaga pa ang aking mga mata. Magdamag kasi akong nag-iiyak kasama ni Lauren sa aking kwarto dahil lang sa lalaking nanghusga sa akin.

Sandali akong pumikit at iwinaksi iyon sa aking isipan. Hindi ko siya dapat isipin pa. Hindi niya deserved ang isipin ng isipin! Muli ko sinampal-sampal ang aking pisngi para magising na ako. Nang namumula na iyon ay tumigil ako pero inaantok pa rin ako.

“Kumain na lang kaya ako?” Ngumiti ako at iyon nga ang ginawa paglabas ko ng banyo. Dire-diretso akong pumasok sa isang restaurant na eat-all-you-can. I paid for two since I will ask my brother to come here when he call me. Sabi niya hahanapin niya ako pero tatawag iyon para alamin kung nasaan talaga ako. “Ang daming masarap dito. Tawagan ko laya si Lauren? Kaso baka busy siya kay Ritter.”

“Who are you talking to?” Maang akong napatingin sa aking gilid. Halos umawang ang labi ko nang masino ang biglang nagsalita.

Inirapan ko siya at lumipat ako kung nasaan ang roasted chicken para iyon ang unang tikman. Naantala lang ng maramdaman ko na nagba-vibrate ang aking cellphone. Nilipat ko sa kabilang kamay ang platong hawak saka sinagot ang tawag ni Brooklyn.

“Where are you?” tanong niya agad sa akin mula sa kabilang linya.

“Restaurant across the auditorium's entrance. Hurry because I think I might be in trouble again,”

“What? What did you do again?”

“Wala pa ako ginagawa pero nilalapitan ako ng gulo,”

“Wait for me there.” Huminga ako ng malalim pagkarinig ng sinabi ni Brooklyn saka binalik sa bulsa aking cellphone pagkatapos ng tawag.

Why he's always in a place wherever I go? Stalker ko ba siya? Nakakainis talaga. Hindi ko na siya dapat inisip pa kung ganito lang din na magtatagpo ang landas naming dalawa ulit...

WALA akong ideya kung ano nagawa ko sa prinsipeng ito na ngayon ay kausap na ni Brooklyn. They share the same interest with Broadway musical. Dumagdag pa na kilala rin ang colleagues ng kakambal ko kaya naging VVIP tuloy kami dito sa restaurant na pinasok ko. Hindi tuloy ako makakain ng maayos na mukhang napansin ng kakambal ko na pinagpalit ang plato namin. I widely smiled when he already peeled off the shrimps and crab for me.

“You both have a cool gesture, switching plates and sharing the same tastes with food.” Puna sa amin ni Isaac na hindi ko naman pinansin.

Basta kumain lang ako dahil ayokong mag-lecture ng science ngayon. It's not scientifically proven that fraternal twins do shares emotion. May sarili akong damdamin at meron din si Brooklyn. Sadyang may pagkain lang kami na pareho naming gusto.

“Brooklyn is a sweet guy, your highness. He always looks after his sister wherever they go,” Penelope said one of Brooklyn's Broadway colleagues.

“And I look after him sometimes...” I added while eating. Nagkatinginan kami ni Brooklyn. Kahit hindi siya maniwala sa akin, totoo na inaalagaan ko rin siya.

Penelope chuckled upon hearing what I said. Halata na may gusto siya sa kapatid ko kasi may horse blinds na si Brooklyn. He has his with someone else. “Their bond is admirable. I wish I have a sibling to after too.”

“I feel inhumane right now,” and Isaac. “It's my first to eat in this kind of restaurant too,”

Ngayon lang ba? Parang lagi naman! Hindi ka talaga makatao at inugali ang pagiging judge! Saka walang interesado kung ngayon ka lang nakakain sa ganitong klaseng lugar.

Patuloy lang ako kumain habang sinusumpa itong kasama naming prinsipe.

“You said you're in trouble; what about it, Summer?” bulong sa akin ni Brooklyn.

“Kasama natin iyong trouble,” I answered, pointing out the prince using my lips. Hindi maiwasan ni Brooklyn na matawa na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Kung hindi pa kami kumaway dalawa ni Brooklyn, hindi sila magpapatuloy sa pag-uusap nila.

“He's obviously into you. Panagutan mo iyan,”

“In my dreams..”

“'Di ba pangarap mo maging si Princess Sarah? It's your chance now. Mindset ba. Mindset.”

Inirapan ko lang ang kapatid ko na masyadong maraming sinasabi. Gusto ko maging si Sarah Crewe pero hindi kasama sa pamilya nitong kasama namin. Naiinis ako sa kanila matapos ng ginawa nila tapos nahusgahan pa ako.

“Iba na pangarap ko ngayon...”

“Ano?”

“Basta...”

Hindi ko pa alam kung ano. Basta iba na ang pangarap ko, hahanapin ko lang kung ano. Wala talagang direksyon ang buhay ko kahit saang anggulo tingnan. Habang buhay na yatang ganito hangga't hindi ko na nadidiskubre kung ano talaga ang gusto ko sa aking buhay. People have life choices and it seems like I am the only human being who's haven't decide about it.

I can be whoever I want to be, but seeing my brother and Lauren have decided, I can't help but to ask myself several times. Ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko? Hindi porke't anak ako ng kilalang tao ay mananatili na akong ganito. Ngunit kahit bigyan ko ng taning ang sarili ko'y, hindi pa din ako makakapagdesisyon talaga.

Malalim akong napahinga.

I've decided to excuse myself to go the comfort room, but instead of using the restaurant's, I chose going outside where I first came from. Malaki kasi iyon at may oras para maihanda ko ang aking sarili na siyang ginawa ko nang makarating doon. Nang maka-ihi at makapaghugas na ako ng kamay, lumabas na rin ako kaso naudlot nang makita na maraming royal guards sa labas. Naroon iyong lalaki na nangharass sa akin at nagposas sa kamay ko. Nagitla ako nang makitang lumabas sa banyo ng mga lalaki si Isaac.

“Are you stalking me?” bulaslas kong tanong. “It's not funny at all. It makes me chill whenever you are, surrounded by your guards or simply seeing you.”

“What are you saying?”

“Stop following me around. You're creepy and it's uncomfortable!”

Tumakbo ako at walang lingon-likod na tinapon sa kanya. Nagulat pa nga si Brooklyn nang magpaalan ako sa kanya na aalis na. He volunteered to drop home but I refused his offer. May sariling mundo ang kapatid ko at gano'n din ako. Hindi lang pala royal judger si Isaac, royal stalker din na napaka-creepy talaga, I swear!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro