Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1

"Sorry, Alexia Evangeline.

Pilit kong inaabot ang pagkakatali ng lubid sa'king kamay mula sa likod nang may marinig akong boses. It was a voice of a woman, but I can't see where she is inside the place.


But the shivers I'm feeling are telling me that she's just around the corner, or even near me. Nang maramdaman ko ang paglakas ng hangin na nagmumula sa likod ay agad akong lumingon, pakiramdam na naroon siya. Kung sino nga man iyon... 


Mayamaya'y nakarinig  ako ng mga mabibigat na yabag na paparating. Dalawang naglalakihang lalaki na may mga armas ang bumungad sa akin. They are all wearing black and a mask. Tanging ang mga mata lamang nila ang aking nakikita.



Ramdam ko na ang aking unti-unting panginginig nang makita kong may hawak silang baril. Sinenyasan ng lalaking may abong kulay na mata ang kanyang kasama na tanggalin ang lubid sa pagkakatali sa'kin. Nang makawala ako'y dali-dali akong tumakbo pero bago ko pa maabot ang pinto'y nahatak na nila ako pabalik.




"Bitaw! Pagsisisihan niyong hinawakan niyo 'ko!" Pilit kong kinukuha ang mga kamay ko sa pagkakahawak nila. Sumigaw ako pero mas lalo lang iyon humigpit, hindi nila natiis ang aking ingay nang isa sa kanila ay ikinulong na 'ko sa braso at pasimpleng sinasakal. 




"Don't hurt her." Sabay-sabay kaming napatigil nang magsalita muli ang boses ng babae. "She might be useful." At the corner of the room, there's a silhouette of a woman, same height as me and her hair down.


Tanging anino at usok lang ng sigarilyo ang nakikita naming tatlo at mukhang wala rin siyang balak magpakita ng mukha sa amin, o sa akin lang. 



"She's a daughter of two reach people I know. Please, try not to kill her with your temper, my sons. If you killed her, there'll be no treasure for us."



"W-who are you?" mariin kong tanong. "Come into the light."



"I prefer a low profile." She chuckled. "A thing Layla Diaz should know in the first place."

Saglit akong napatigil. "Y-you know my mom?"



"Strong bonds, my sweet. Strong bonds."



"Anong kinalaman niya sa'yo?"





"Deep wounds will forever live in someone's life that some of you imbeciles will never understand!"




Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. Of course I do understand how wounds stay in someone's life forever and it kills a person every time.




"And I hate telling back stories," she continued. Nakita kong inangat niya ang isang kamay, senyas upang bitawan na ako. "There's no point in picturing the past anymore. Now, to make this conversation short, tell me, where are you hiding Layla's golds?

Mas lalong napakunot ang noo ko ro'n. Alam ko ang tinutukoy niya at isa iyon sa palagi pinapaalala ni mama sa aming magkakapatid – ang huwag sabihing may alam kami tungkol doon.

Pamana iyon sa amin, and the world is full of envious eyes, and they'll do everything to get you out of their way to get what they want at any time, anywhere. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin iyon nagagalaw, at hindi ko rin iyon hahayaang mahawakan ng kung sino man, lalo na kung hindi anak nila Layla at Enrico Diaz. 



"I don't know what you're talking about," I firmly answered. Natahimik saglit ang paligid namin pero ramdam ko ang tensyon sa aming dalawa. "Okay." The silhouette shrugged.


Mayamaya'y sumenyas siya ulit saka ko muling naramdaman ang kamay ng isa sa mga lalaki sa aking leeg. I gasped when he tightens his hand, getting me choked. Pilit ko iyong inaalis pero masyado siyang malaki at malakas para sa'kin. 




"Let me get this straight, Lexi. Just like animals, I will make your family extinct where none of you can't stop me from getting what I want," she said so calmly. Sumenyas siya ulit saka ako binitawan ng lalaki. Habol-habol ko ang aking hininga habang hinahaplos ang aking leeg dahil sa sakit. 



They started walking away from me, leaving me locked inside. Sinimulan kong tignan ang paligid hanggang sa may makita akong maliit na bintana. Maliit man pero mukhang sakto lang sa aking laki upang madaanan ko palabas. This is my chance.



Sinimulan kong baklasin ang mga nakaharang na plywood doon. Just a good thing I'm wearing heels. Hindi na rin ako nagdalawang isip pa't binasag na ang bintana gamit ang malaking kahoy. 


The moment I broke the glass, the door behind me opened. Agad akong nilapitan ng dalawang lalaki at muli sana akong itatali nang kagatin ko na lang bigla ang braso ng isa. Agad ko ring tinapakan ang paa ng kanyang kasama at kumuha ng maliit na kahoy at inihampas sa kanyang ulo. Nang mawalan siya nang malay ay ganoon din ang ginawa ko sa isa pagkatapos ay kumaripas na ako nang takbo palabas sa sirang bintana. 



I snatched a gun from the ground before I escape. Para akong kriminal na may tinatakasang pulis ngayon. Nilingon ko ang aking pinanggalingan at nakitang biglaan silang dumami. Sunod-sunod na rin ang putok ng baril na aking narinig at hindi ko alam kung saan na ako magtatago. Bahala na, Lexi. Kaylangan ay makalayo ka rito. 

⚖️

Hindi ako pamilyar sa lugar at bawat paligid ko'y mapuno, ni isang bahay ay wala akong makita. Pagod na pagod na rin akong tumakbo. Lumingon ako at mukhang malayo na rin ang agwat ko sa kanila. Ngunit hindi ako kampante ro'n kaya nagpatuloy pa rin ako. Sa kalagitnaan ng daan ay laking gulat ko nang may humila sa'kin patungo sa madilim na sulok. 


"Bitawan mo 'ko!" Aking pagpalag.

He shushed me.


"Bitaw sabi!" Tinapakan ko ang kanyang paa ngunit hindi siya ro'n natinag bagkus tinakpan niya ang aking bibig. Masikip ang pwesto kaya nakalapat ang buong katawan niya sa'kin habang nakasandal ako sa pader. Nakaharang ang isa niyang braso sa aking gilid para hindi ako makita. We are so damn close that I could smell his manly scent. 





"Calm down, I'm not going to hurt you." Dahan-dahan niya nang inalis ang kanyang kamay sa pagkakatakip sa aking bibig. Tinulak ko siya at aambang tatakbo nang hilahin niya ako pabalik at hinawakan ang dalawa kong balikat nang isandal niya ako ulit.




"You won't make it alive out there."



"What's the difference between here being with you?!"



Hindi na niya ako sinagot nang makarinig kami ng mga boses. He immediately put back his hand on my mouth again so I won't scream in fear. Niyakap niya ako at tumalikod sa liwanag upang itago kaming dalawa. He's also in black clothes and now that we're in the dark corner of nowhere, those bad guys won't notice.




"It's okay if you don't trust me. Just be quiet for now, Lexi."




Nanlaki ang aking mata nang banggitin niya ang pangalan ko. How come these guys knew my name? And his voice... His voice... It's cold yet it's calming... Palakas nang palakas ang mga boses no'ng mga lalaki na humahabol sa'kin kanina at parang kahit anong oras ay hihimatayin na ako sa takot.




Napapapikit na lang ako dahil sa mga tunog ng baril. Sumasabay pa ro'n ang malakas na tibok ng aking dibdib. Hearing every bang of it reminds me a lot of my past. I couldn't bear but to cry out my trauma. This is not happening, Lexi. You're just dreaming.





"Come out, come out, wherever you are!" Rinig ko sa boses ng babae. "Alexia Evangeline Diaz!" Sinabayan iyon muli ng putok ng baril dahilan nang paghigpit ko ng kapit sa braso ng aking kasama ngayon.




"Fine, Lexi. Let's end this chase here tonight but I will leave you some words. You and your family, everyone who's close to you, I will let them see how being the young me feels like. I promise you." 




Iyon na ang huli kong narinig mula sa kanya kasabay muli ng pagputok ng baril. Humigpit ang pagkakatakip ng aking kasama sa aking bibig nang mapatili na ako sa gulat. When everything seems clear, his hands slowly let me go. Dahan-dahan na kaming lumabas habang hawak-hawak niya ang kamay ko. My chest is still heavy at sa sobrang panglalambot ay napaluhod na lang ako sa sahig. 





"Lexi." Alalay niya agad sa'kin. "Lexi, what's wrong?"




Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. Kahit nanghihina, agad kong kinuha ang baril na nasa bulsa ko't itinutok sa kanya. Agad naman siyang napalayo sa'kin but he doesn't look scared.




Nanginginig pa rin ako sa hindi maipaliwanag na takot at galit. I don't want to do this, but I can't trust anyone right now. I don't know where I am and I don't know the people who chased me, and mostly, I don't know him. 




"Who are you and why did you save me?" Ang tagal naming nakatitig sa isa't-isa at hindi ko maintindihan kung bakit wala man lang bahid ng takot sa kanya sa sitwasyon naming dalawa ngayon. "Answer me! Who are you and why did you save me?!" pag-uulit ko. 





"I'm... I'm Alistaire." May hinugot siyang baril mula sa kanyang bulsa at inilapag 'yon. Iniangat niya rin ang kanyang mga kamay. "I knew your brother." 




"I have three of them. Ethan, Leiloc, and William."



"Ethan Lesterio."


"H-how?" 

"He saved me, too." 



Napahigpit lalo ang hawak ko sa baril pero tila ba'y may kung anong nakapagpakalma sa'kin nang marinig ko iyon. Kuya s-saved him? Para akong tinamaan ng kung ano. "Shoot me if you don't believe me," aniya muli habang ang kanyang mga kamay ay nakataas pa rin. Nahimasmas ako at unti-unti nang ibinaba ang aking hawak. 



Did my brother somehow send me an angel to save me from dying lately? Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Inilapag ko na rin ang baril na hawak ko at pinunasan na ang aking pisngi. "Thank you... You can lower your hands now," I sounded like I'm commanding. 



"Kuya Ethan... Is that why you saved me?" 



"That's one of the reason and I just have a sense of humanity." 


"Are you his friend?" 



"Most likely." 


"Bakit mo 'ko kilala?"


"Uh, dahil kapatid ka niya?" 


"Eh, paano kung hindi?" 



"I'll still save you. Wala namang mawawala sa'kin kung gagawin ko 'yon kahit sa hindi ko kilala." 




Huh, he really have a sense of humanity alright. "What if si Kuya Ethan lang ang kilala mo at hindi ako, tapos what if isa lang akong patibong na iniligtas mo?" 




Napaawang ang kanyang labi, bakas sa kanyang mukha ngayon na hindi niya maintindihan at naguguluhan siya sa'kin. "Ethan introduced all of you to me in a nice way so I least expect that you're a bad guy?" Napataas ang kanyang kilay. 





Napangiti muli ako sa aking narinig. In a nice way, huh? Mahal na mahal talaga kami ni Kuya kahit minsan nagrarambulan sila ni Kuya Lei at kami ni Ate Liza at Liam. "Okay." Kibit-balikat ko at ngumiti sa kanya. 



"What was that for?" Kunot ang kanyang noo.



"Wala, survey lang." 


Mas lalong napataas ang kanyang kilay. Mayamaya'y may liwanag ng sasakyan na paparating kaya dali-dali akong bumalik sa kung saan kami nagtago kanina. Nagtaka lang ako nang hindi ito sumunod.



Ganoon na lang ba talaga kalakas ang tiwala niya sa mga bagay? Sinubukan ko siyang silipin pero nang makita kong may dalawang anino roon ay mas lalo kong isiniksik ang aking sarili sa pinakadulo. 




"Lexi, it's okay. It's safe." Bungad sa akin ni Alistaire. Kung hindi ako nagkakamali, iyon nga ang pangalan niya. I know I shouldn't be trusting anyone this fast pero sa ginawa niyang pagprotekta sa akin kanina ay naging dahilan iyon kung bakit ako sumusunod na sa kanya ngayon mula sa aking pagkakatago.



Bumungad sa akin ang kanyang kaibigan — si Dox, pagpapakilala niya. Inaya na nila akong sumakay pero bago pa ako makasampa sa sasakyan ay may naramdaman akong masakit at mahapdi sa aking tagiliran kaya napahawak ako ro'n.




Nang tignan ko iyon ay napupuno na ng dugo ang damit ko. Agad akong inalalayan ni Alistaire. "You're wounded!" aniya.



"Hindi. Ketsup lang 'to." Pilit kong iniinda ang sakit pero ang totoo ay unti-unti akong nanghihina. Sa backseat kami naupo nang makasakay na rin kaming dalawa. "Don't sleep," sabi niya muli sa akin, saktong nararamdaman ko na ang bigat ng aking mata.




"Bakit naman? Inaantok na 'ko, eh." I scrunched my nose nang maramdaman kong kumirot ang aking sugat ulit.



"Baka hindi ka na magising." He managed to keep his voice calm, but his face is telling the opposite. "Pero babagsak na, eh. Hindi ko na kaya," sagot ko habang nilalabanan ang mga nararamdaman.





"Kayanin mo," sagot niya pabalik. I looked at him with disbelief. Hindi ko alam kung pilosopo ba 'yon o seryoso siya.
Gusto ko mang indahin pero nakakapanghina. Hindi ko na talaga kaya kaya ipinikit ko na nang tuluyan ang aking mga mata.


I'll be fine, I hope...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro